مشاركة

Chapter 117

مؤلف: Kulalaiii
last update تاريخ النشر: 2026-05-22 11:01:25

Ang diretsong tunog ng monitor ay tila isang matalim na palaso na sumasaksak sa aking pandinig. Kasabay niyon, naramdaman ko ang marahas na paghila ng isang madilim at malamig na kamay mula sa ilalim ng aking kinatitirikan.

Hindi… hindi ako pwedeng bumalik sa dilim!

“Darling! No, fûck, no! Talitha, stay with me!” ang boses ni Locke ay hindi na lang basag—ito ay tuluyan nang naging isang ungal ng leon na nasugatan at nawawalan ng pag-asa. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang buong pagkatao sa b
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق
تعليقات (1)
goodnovel comment avatar
Rosemarie Montealegre Catian
more update Ms a Ganda Ng story
عرض جميع التعليقات

أحدث فصل

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 119

    Mabilis na nagdaan ang mga araw. At sa mga araw na iyon ay wala akong ginawa kundi magpagaling para makapunta sa kasal nina Bryan at Ashley. Hindi naman ako nabigo dahil sa loob ng isang linggo, maayos na ang kalagayan ko, maging ang sugat ko sa tiyan ay humihilom na rin. Sa tingin ko, dahil din sa tulong ni Locke kaya mabilis akong gumaling.“Yahay! Uuwi na tayo!” masayang wika ni Theo habang nagtatalon sa kama ko.Kaming tatlo nina Locke at Theo ang nasa silid ko. Abala kami ni Locke sa pag-aayos ng gamit ko, samantalang si Theo ay abala sa paglalaro sa ibabaw ng kama ko. Ngayon ang labas ko sa hospital at hindi na kami sinundo nina Ashley at Bryan dahil abala na ang mga ito sa paghahanda ng kanilang kasal. Samantala, ang mga mokong—mga kaibigan ni Locke—ay abala rin silang lahat ngayon.Ayos lang naman sa akin na walang sumunod sa amin dahil kayang-kaya naman kaming ingatan ni Locke. Ang lakas-lakas kaya ni Locke.Mahina akong napahigikhik dahil sa naisip ko na naging dahilan kun

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 118

    Lumipas ang mga linggo at unt-unting ibinalik ng tadhana ang lakas sa aking katawan. Ang mahabang panahong iginugol ko sa higaan ng ospital ay napalitan ng mga dahan-dahang hakbang, kung saan ang bawat pag-usad ko ay laging may nakaalalay na kamay—ang mga kamay ni Locke na kailanman ay hindi bumitaw.“Dahan-dahan, Darling,” pabulong at puno ng pag-iingat na wika ni Locke habang nakabaon ang kaniyang bisig sa aking baywang, sinasalo ang bigat ko habang naglalakad kami sa hardin ng ospital.Ngumiti ako at sumandal sa kaniyang dibdib, nilalanghap ang pamilyar niyang amoy na matagal kong ipinagkait sa aking sarili. “Malakas na ako, Locke. Kaya ko na.”“No. Hinayaan kitang mawala noon, Talitha. Ngayong gising ka na, hinding-hindi ko na hahayaang mahirapan ka kahit sa isang hakbang,” mariin ngunit may lambing niyang sagot bago ko naramdaman ang isang halik sa tuktok ng aking ulo.Sa di-kalayuan, nakita namin si Theo na tumatakbo patungo sa amin, may hawak na maliit na guhit para sa akin. Sa

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 117

    Ang diretsong tunog ng monitor ay tila isang matalim na palaso na sumasaksak sa aking pandinig. Kasabay niyon, naramdaman ko ang marahas na paghila ng isang madilim at malamig na kamay mula sa ilalim ng aking kinatitirikan.Hindi… hindi ako pwedeng bumalik sa dilim!“Darling! No, fûck, no! Talitha, stay with me!” ang boses ni Locke ay hindi na lang basag—ito ay tuluyan nang naging isang ungal ng leon na nasugatan at nawawalan ng pag-asa. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang buong pagkatao sa bawat salitang kaniyang binitawan.Nararamdaman ko ang kaniyang mga palad na yumakap sa aking mukha, ang kaniyang mainit at basang mga luha na mabilis na pumapatak sa aking mga pisngi.“Doc! Pasok, bilis! Bumababa ang vitals niya!” sigaw ni Bryan mula sa kung saan.Sa isang saglit, ang tahimik na silid ay napuno ng mabibilis na yabag ng mga paa, kalubog ng mga gulong ng kung anong makina, at ang mga boses ng mga nars.“Prepare the defibrillator! Charge to two hundred! Clear!”Isang matinding tady

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 116

    Muling bumalik ang aking diwa sa gitna ng malamig at tahimik na silid. Hindi ko pa rin maimulat ang aking mga mata, at tila nakakulong pa rin ako sa mundong ako lang ang tao, ngunit malinaw kong naririnig ang tunog ng heart monitor at ang mahinang ugong ng aircon sa aking paligid. Ang bawat mekanikal na tunog ay tila nagpapaalala sa akin na may manipis na linyang nagdurugtong sa akin sa lupa. At sa pagkakataong ito, hindi ang hikbi ni Locke ang narinig ko. May ibang tao sa loob ng silid, at ang kanilang mga boses ay mababa, seryoso, at puno ng panganib. “Kumusta ang lagay sa labas, Lucian?” mababa at pabulong na tanong ni Locke, ngunit lamig ang nananalaytay sa kaniyang tinig. “Malinis na, Locke,” sagot ni Lucian. “Ang mga tauhan nina Sofia at Lucy na natira sa gusali ay tuluyan nang naubos nina Carter at Bryan. Walang nakaligtas kahit isa. Siniguro rin namin na walang kahit anong bakas na maiiwan na pwedeng iugnay sa pamilya ng bawat isa sa atin.” Naubos? Wala kahit isa? Bi

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 115

    Puti. Isang malawak at walang katapusang kaputian ang nakapaligid sa akin.Wala akong maramdamang sakit. Ang matinding hapdi sa aking tiyan kanina at ang lasa ng dugo sa aking bibig ay biglang napalitan ng isang kakaibang pakiramdam—magaan, payapa, ngunit nakalulunod sa lungkot. Subalit sa kabila ng kapayapaang ito, may kung anong mabigat na emosyon ang humihila sa akin pabalik. Isang hindi matapos-tapos na ugnayan na pilit kumakapit sa aking nag-aagaw-buhay na hininga.Gusto kong maglakad pasulong sa kawalan, pero tila may mga pamilyar na boses na unti-unting umaabot sa kaisipan ko.“Clear! Oxygen, i-charge sa dalawangdaan! Isang beses pa, bilis!”“Doc, bumababa ang vital signs niya! Mabilis siyang nawawalan ng dugo!”Mabibilis na yabag ng mga paa. Tunog ng mga nag-uumpugang bakal. At ang nakatutulig na tunog ng isang makina na patuloy sa pagtubog ng diretso. Isang mahaba at nakatatakot na tunog.Bbeeeeep…Sino iyon? Nasaan ako? Kasunod niyon, isang hikbi ang narinig ko. Isang napak

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 114

    Ang bawat tibok ng puso ko ay tila kulog na dumaragundong sa aking pandinig habang nakatitig sa dalawang remote control na hawak ni Sofia. Ang asul para kay Theo. Ang pula para sa akin. At kailangan mamili si Locke para sa kanilang laro. Isang napakawalang-awang laro na naglalagay sa aming mag-ina sa bingit ng kamatayan. At sa isang maling galaw lang ay tuluyan nang mawawasak ang aming pamilya. “Now, choose, Locke! Red or blue?” nakangising hamon ni Sofia, habang lalong idiniriin ang kaniyang daliri sa mga pindutan. “Locke, piliin mo ang anak natin,” sambit ko nang makita ko ang panandaliang pagkalito ni Locke. Dumaloy ang mga sariwang luha sa aking pisngi. Tiningnan ko si Locke nang mariin, pilit na ipinaparating gamit ang mga mata ko na unahin ang anak namin. “Red or blue, Locke?” nanunuksong ulit ni Sofia habang nilalaro ang mga daliri sa tapat ng mga buton.“Darling, please… please believe me. Ililigtas ko kayo ni Theo,” puno ng pagsusumamo na sagot ni Locke habang nakatit

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 64

    Nakiliti ako nang dahan-dahan kong tinanggal ang sandata ni Locke sa aking perlas. Ang pinagsama naming libido ay umagos sa aking hita. Binalewala ko ito at hinihingal na nahiga sa tabi ni Locke. Napapikit pa ako dahil pakiramdam ko ay nasa loob ko pa rin ang sandata niya.Naramdaman ko ang pagtayo

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 63

    Hinalikan ko pabalik si Locke upang mapatunayan na tinatanggap ko na siya—ang pagmamahal niya. Ang kaniyang matatalas na labi na laging nagbibigay sa akin ng pasakit ay siya ko ngayong sinasamba. Ang kaniyang labi na tanging malambot sa kaniya ay ninamnam ko ang bawat paglapat ng kaniya sa akin.Si

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 59

    Naglakad ako muli patungo sa kama nang walang nakuhang sagot mula sa labas ng pinto. At habang naglalakad ako, nakaramdam ako ng hilo. Ang bawat hakbang ko ay tila paglakad sa ibabaw ng ulap—walang katiyakan at puno ng panganib. Marahil sa gutom at iyak kaya ko ito naramdaman. Nakahiga ako sa kama

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 56

    Sa halip na dalhin ako ni Locke sa aking kwarto, dinala ako nito sa sarili niyang kwarto. Dahan-dahan ako nitong ibinaba sa kama, pero sa kagustuhan kong makaalis, mabilis akong bumaba, pero nahuli nito ang bewang ko at pinaupo niya ako muli sa kaniyang kama. “Ano ba?! Pakawalan mo ako!” sigaw

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status