Compartir

Chapter 120

Autor: Kulalaiii
last update Fecha de publicación: 2026-05-22 16:33:50
Ang simoy ng hangin dito sa Sta. Ana ay nananatiling pamilyar—malamig, may bango ng dagat, at puno ng mga alaalang naging saksi sa aking pagtatago kay Locke.

Matapos ang magandang kasal nina Ashley at Bryan, at ang sorpresang singsing na ibinigay sa akin ni Locke, nagpasya kaming bumalik muna rito sa Sta. Ana.

Mag-iisang buwan na kami rito. Madalas na ngang tumawag sa amin si Mama Kelly. Pinapauwi na kami nito sa mansyon dahil miss na raw niya ang apo niya, pero ang tanging sagot lang ni Locke a
Kulalaiii

Hello! Maraming salamat kung hanggang dito ay nakaabot kayo. Marami ring salamat sa pagmamahal ninyo kay Locke at Talitha. Maraming-maraming salamat din sa pagbabasa, pag-co-coment, at pagbibigay ng gems sa istoryang ito. Sana ay muli ninyo ang akong suportahan sa susunod kong istorya. God bless, everyone!

| 1
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 120

    Ang simoy ng hangin dito sa Sta. Ana ay nananatiling pamilyar—malamig, may bango ng dagat, at puno ng mga alaalang naging saksi sa aking pagtatago kay Locke.Matapos ang magandang kasal nina Ashley at Bryan, at ang sorpresang singsing na ibinigay sa akin ni Locke, nagpasya kaming bumalik muna rito sa Sta. Ana.Mag-iisang buwan na kami rito. Madalas na ngang tumawag sa amin si Mama Kelly. Pinapauwi na kami nito sa mansyon dahil miss na raw niya ang apo niya, pero ang tanging sagot lang ni Locke ay dito na kami titira.Hindi ko alam kung totoo ang sagot niya kay Mama Kelly, pero kung ako ang tatanungin niya ay mas gusto ko ngang tumira rito sa Sta. Ana. Dahil payapa, malayo sa gulo, at tila ang lugar na ito ay nagsasabi ng bagong simula. Dito, kung saan malaya kaming magsimula muli.Magkahawak-kamay kaming naglakad ni Locke patungo sa altar ng maliit at tahimik na simbahan ng Sta. Ana. Sa aming gitna ay si Theo na patingin-tingin sa mga magagandang imahe sa paligid.Tumingin ako sa krus

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 119

    Mabilis na nagdaan ang mga araw. At sa mga araw na iyon ay wala akong ginawa kundi magpagaling para makapunta sa kasal nina Bryan at Ashley. Hindi naman ako nabigo dahil sa loob ng isang linggo, maayos na ang kalagayan ko, maging ang sugat ko sa tiyan ay humihilom na rin. Sa tingin ko, dahil din sa tulong ni Locke kaya mabilis akong gumaling.“Yahay! Uuwi na tayo!” masayang wika ni Theo habang nagtatalon sa kama ko.Kaming tatlo nina Locke at Theo ang nasa silid ko. Abala kami ni Locke sa pag-aayos ng gamit ko, samantalang si Theo ay abala sa paglalaro sa ibabaw ng kama ko. Ngayon ang labas ko sa hospital at hindi na kami sinundo nina Ashley at Bryan dahil abala na ang mga ito sa paghahanda ng kanilang kasal. Samantala, ang mga mokong—mga kaibigan ni Locke—ay abala rin silang lahat ngayon.Ayos lang naman sa akin na walang sumunod sa amin dahil kayang-kaya naman kaming ingatan ni Locke. Ang lakas-lakas kaya ni Locke.Mahina akong napahigikhik dahil sa naisip ko na naging dahilan kun

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 118

    Lumipas ang mga linggo at unt-unting ibinalik ng tadhana ang lakas sa aking katawan. Ang mahabang panahong iginugol ko sa higaan ng ospital ay napalitan ng mga dahan-dahang hakbang, kung saan ang bawat pag-usad ko ay laging may nakaalalay na kamay—ang mga kamay ni Locke na kailanman ay hindi bumitaw.“Dahan-dahan, Darling,” pabulong at puno ng pag-iingat na wika ni Locke habang nakabaon ang kaniyang bisig sa aking baywang, sinasalo ang bigat ko habang naglalakad kami sa hardin ng ospital.Ngumiti ako at sumandal sa kaniyang dibdib, nilalanghap ang pamilyar niyang amoy na matagal kong ipinagkait sa aking sarili. “Malakas na ako, Locke. Kaya ko na.”“No. Hinayaan kitang mawala noon, Talitha. Ngayong gising ka na, hinding-hindi ko na hahayaang mahirapan ka kahit sa isang hakbang,” mariin ngunit may lambing niyang sagot bago ko naramdaman ang isang halik sa tuktok ng aking ulo.Sa di-kalayuan, nakita namin si Theo na tumatakbo patungo sa amin, may hawak na maliit na guhit para sa akin. Sa

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 117

    Ang diretsong tunog ng monitor ay tila isang matalim na palaso na sumasaksak sa aking pandinig. Kasabay niyon, naramdaman ko ang marahas na paghila ng isang madilim at malamig na kamay mula sa ilalim ng aking kinatitirikan.Hindi… hindi ako pwedeng bumalik sa dilim!“Darling! No, fûck, no! Talitha, stay with me!” ang boses ni Locke ay hindi na lang basag—ito ay tuluyan nang naging isang ungal ng leon na nasugatan at nawawalan ng pag-asa. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang buong pagkatao sa bawat salitang kaniyang binitawan.Nararamdaman ko ang kaniyang mga palad na yumakap sa aking mukha, ang kaniyang mainit at basang mga luha na mabilis na pumapatak sa aking mga pisngi.“Doc! Pasok, bilis! Bumababa ang vitals niya!” sigaw ni Bryan mula sa kung saan.Sa isang saglit, ang tahimik na silid ay napuno ng mabibilis na yabag ng mga paa, kalubog ng mga gulong ng kung anong makina, at ang mga boses ng mga nars.“Prepare the defibrillator! Charge to two hundred! Clear!”Isang matinding tady

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 116

    Muling bumalik ang aking diwa sa gitna ng malamig at tahimik na silid. Hindi ko pa rin maimulat ang aking mga mata, at tila nakakulong pa rin ako sa mundong ako lang ang tao, ngunit malinaw kong naririnig ang tunog ng heart monitor at ang mahinang ugong ng aircon sa aking paligid. Ang bawat mekanikal na tunog ay tila nagpapaalala sa akin na may manipis na linyang nagdurugtong sa akin sa lupa. At sa pagkakataong ito, hindi ang hikbi ni Locke ang narinig ko. May ibang tao sa loob ng silid, at ang kanilang mga boses ay mababa, seryoso, at puno ng panganib. “Kumusta ang lagay sa labas, Lucian?” mababa at pabulong na tanong ni Locke, ngunit lamig ang nananalaytay sa kaniyang tinig. “Malinis na, Locke,” sagot ni Lucian. “Ang mga tauhan nina Sofia at Lucy na natira sa gusali ay tuluyan nang naubos nina Carter at Bryan. Walang nakaligtas kahit isa. Siniguro rin namin na walang kahit anong bakas na maiiwan na pwedeng iugnay sa pamilya ng bawat isa sa atin.” Naubos? Wala kahit isa? Bi

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 115

    Puti. Isang malawak at walang katapusang kaputian ang nakapaligid sa akin.Wala akong maramdamang sakit. Ang matinding hapdi sa aking tiyan kanina at ang lasa ng dugo sa aking bibig ay biglang napalitan ng isang kakaibang pakiramdam—magaan, payapa, ngunit nakalulunod sa lungkot. Subalit sa kabila ng kapayapaang ito, may kung anong mabigat na emosyon ang humihila sa akin pabalik. Isang hindi matapos-tapos na ugnayan na pilit kumakapit sa aking nag-aagaw-buhay na hininga.Gusto kong maglakad pasulong sa kawalan, pero tila may mga pamilyar na boses na unti-unting umaabot sa kaisipan ko.“Clear! Oxygen, i-charge sa dalawangdaan! Isang beses pa, bilis!”“Doc, bumababa ang vital signs niya! Mabilis siyang nawawalan ng dugo!”Mabibilis na yabag ng mga paa. Tunog ng mga nag-uumpugang bakal. At ang nakatutulig na tunog ng isang makina na patuloy sa pagtubog ng diretso. Isang mahaba at nakatatakot na tunog.Bbeeeeep…Sino iyon? Nasaan ako? Kasunod niyon, isang hikbi ang narinig ko. Isang napak

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 43

    Mabuti na lang at dinalhan ako ng pagkain ni Bryan kanina. Kaya kahit hindi ako maghapunan ay ayos lang. Mag-aalas-sais na rin at bibilisan ko na lang ang paglilinis para makapagpahinga na ako.Iyon ang akala ko…Akala ko ay mabilis lang ako matatapos, pero halos manlumo ako dahil sa unang beses ko

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 42

    Ang galit at pait ay mabilis na gumapang sa aking sistema pagkatalikod ko kay Locke, pero walang luha na lumandas sa aking pisngi o bakas ng paghihina. Dahil ang mga salitang kasingtalas ng patalim na lumabas sa bibig ni Locke ay gagawin kong sandata upang mas lalo pang tumaas ang pader na minsan n

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 41

    Hindi ako dinalaw ng antok kagabi. Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang huling titig ni Locke—ang malamig at mapanghamong tingin na tila ba binabasa ang bawat hibla ng aking plano. Akala ko ay sapat na ang mga banta ko para payapain ang galit sa dibdib ko, ngunit ngayong umaga, tila ako ang bi

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 40

    Hindi ko na halos nanamnam ang pagkaing inihanda ni Bryan. Sa bawat lunok ko ay tila ba may nakabara sa aking lalamunan. Kahit anong pilit kong ngumiti at makilahok sa kaniyang kaarawan, ang boses ni Luther Salvador ay tila sirang plakang paulit-ulit na nag-e-echo sa aking pandinig. New toy. Isan

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status