Hindi ba alam ni Locke ang pinagkaiba ng itim at puti? Nang white at black? Colorblind ba ito?Paano niya nasasabing hindi ako nagpalit ng damit, gayong kulay puti ang suot ko kanina? At kung nag-iisip ang isang ito, pinunit niya ang puti kong bistida kanina. Sa tingin niya masusuot ko pa iyon kung punit na?Dahil kung oo, aba, bobo siya!Sayang ang isang ito. Gwapo sana kaso masama ang ugali. Idagdag pa na gago na nga, bobo pa! Hay! Sayang talaga.“Nagpalit kaya ako,” walang buhay kong sagot.Tumayo ako pero tinulak niya ako balik sa aking upuan. Kinulong niya rin ako sa sa pamamagitan ng paglagay ng isang kamay niya sa lamesa at ang isa ay sa upuan ko mismo.Tinignan ko ito at sumimangot.“Pakawalan mo nga ako!” bulyaw ko rito.”What change are you talking about?” Ganyan din ang damit mo kanina, iniba mo lang ang kulay,” ani nito, binalewala ang bulyaw ko sa kanya.“Teka nga lang. Bakit napakabig deal sa iyo ng damit ko?”Tinaasan lang ako nito ng kilay.Ngumisi ako nang may naisip
Huling Na-update : 2025-11-28 Magbasa pa