FAZER LOGINAng mga mata ko ay nasa magkahawak kamay lang namin ni Locke. Hindi ko alintana ang mga empleyadong nakatingin sa amin dahil ang isipan ko ay lumilipad.Lumilipad dahil ang tanging nasa isip ko ay paghahawak ni Locke sa kamay ko.At katulad ko, wala rin pakialam si Locke sa paligid niya. Abala pa rin ito sa katawagan niya sa cellphone. At tuwing may bumati sa kanya ng magandang umaga, tanging pagtango lang ang ginagawa nito.May isang lalaking lumapit sa kanya nang makarating kami sa isang pintuan—mukhang opisina niya. Base naman sa pananamit at tayo ng lalaking lumapit kay Locke mukhang secretary niya ito.“Good morning, sir.”“Send my schedule for today to my email,” agarang wika ni Locke. Hindi man lang nag-atubiling bumati pabalik.Binababa na nito ang cellphone niya. Mukhang tapos na sila kung sino man ang katawagan niya sa cellphone. Pero ang kamay ko ay hawak niya pa rin. Napansin ko naman ang miminsan tingin sa akin ng secretary ni Locke kaya maliit akong ngumiti rito.“Okay,
Si Locke lang ang nakilala kong hindi nagpapakumbaba. Si Locke lang ang lalaking kilala kong mataas ang tingin sa sarili. Si Locke lang ang kilala kong masama ang ugali.Walang kasing sama!Paano nitong nasasabi na may kasalanan ako sa kanya?! Hindi ba ako nito nakikita? Hindi ba ako nito naririnig?Nang dahil sa kababoyan niya, at walang kabuluhan niyang parusa sa akin, hindi ako makapagsalita ng maayos! Masakit ang lalamunan ko dahil sa kanya!“Anak, what business? What mistake?” lito pa ring tanong ni Tita Kelly.Ang mga mata ni Locke ay hindi ako nilubayan kahit na nagtatanong ang kanyang Mama. Hindi ko rin naman ito nilubayan ng tingin—sinugurado ko rito na makikita niya ang galit ko sa kanya sa pamamagitan nang matalim kong tingin.“Can Talitha rest for today, hijo? Look, she’s sick!” Inilahad pa ni Tita Kelly ang kanyang kamay sa banda ko.Hindi naman nagsalita si Locke. Naningkit ang mga mata nito sa akin. Ang kanyang panga ay mas lalong umigting.“No,” matigas nitong sagot.U
Hindi ko na hinintay si Locke na bumalik. Umalis na ako sa kanyang kwarto habang dala-dala angmga gamit ko. Hindi na ako nag-atubali pang magbihis din dahil alam ko na wala naman din makakakita sa akin kung lalabas akong hubad. Mabilis kong isinarado ang pintuan ng aking kwarto. Pumasok ako sa CR at tumungo sa shower. Binuksan ko ito ng malakas kaya sinalubong ako ng malamig na tubig. Unti-unti, pinadaosdos ko ang sarili ko sa pader na gawa sa glass. At habang nakaupo ako, ang tubig na nagmumula sa shower ay nagmistulang ulan dahil malakas na tumatama ito sa balat ko ang bawat patak. Hinayaan kong malakas ang pagbagsak ng tubig mula sa shower. Hinayaan kong malakas ang pagbagsak nito dahil gusto ko ang sakit ng bawat patak nito. Dahil kahit sa patak man lang ng tubig, maging manhid ako. Maging manhid ako sa ginawa sa akin ni Locke!Ang lalamunan ko ay masakit. Mahapdi at alam kong mahihirapan akong magsalita kinabukasan. Pero hindi ko na muna pinansin ito at hinayaan ang sarili las
Panandalian kong nakalimutan si Locke. Panandalian kong nakalimutan na tinakasan nga pala namin ito dahil sa payapa kong naramdaman sa maghapon namin sa park.Kaya ngayon nasa harapan ko ito. Magkasalubong ang mga kilay, madilim ang mga mata, at umiigting ang panga ay unti-unti akong kinabahan.“Do you have any idea how long I’ve been waiting here? I’ve been here since this morning!” ani nito sa malalim na boses.Napakamot ako sa aking noo.Bakit pa kasi naghintay pa siya? Bakit hindi na lang siya pumasok sa trabaho niya? Tapos ngayon parang kasalan ko pang naghintay siya d’yan magmula kaninang umaga.“Hindi ko naman sinabing maghintay ka,” mahinang wika ko, pero dahil tahimik ang buong mansyon, batid kong narinig ako nito.“It’s because you told me you’d wait for me!” malakas nitong wika.Napatalon ako sa tono niya. Tinignan ko siya ng masama dahil doon, pero mas matalim ang tingin nito sa akin.“You even promised you’d wait—but you left me!”“Bakit ba kasi gusto mong sumama?! Kita m
Hindi ko gustong sumama si Locke sa amin. Bukod sa ayaw ko nga itong kasama, paano ko maibebenta ang ninakaw ko kung kasama siya? Paano ko maibebenta ang relo at kwintas niya?!Makikita nito ang ibebenta ko kapag sumama siya sa amin!Mabilis akong sumunod kay Locke, hinila ko ang kamay nito. Pero dahil sa sobrang lakas niya, ako ang natangay niya sa halip na siya ang tangayin ko.“Tang ina…” mahina kong usal.Muntik na kasi akong makipaghalikan sa lupa kung hindi lang ako nasapo ni Locke sa isa niyang kamay!Mabilis akong humiwalay rito. Inayos ko ang bistida ko kahit na hindi naman talaga ako nadapa.“I’ll go with you, Talitha. No buts,” malamig nitong sabi kahit na hindi pa naman ako nagsasalita. “Get in my car. I’ll drive.”Suminghap ako.Anong car pinagsasabi nito? Mag je-jeep lang kaya kami!Napakamot ako ulit sa noo ko. Na stress na ako rito sa boss kong hibang!“Pero, Sir, iyang damit n’yo kasi…”“What about my clothes?” kunot-noo nitong tanong.Tinignan niya ang damit namin ni
Bigla na lang sumagi sa isip ko ang mga magulang ko habang nakatulala ako sa kamay kong basa dahil sa luha.Bigla na lang nagpakita ang kanilang imahe—imaheng nakangiti sa akin ngunit malungkot ang mga mata.Suminghap ako at mabilis na pinunasan ang luhang hindi ko alam kung bakit pumatak. Kumain din ako at hinayaan ang kakaibang naramdaman na hindi ko mapangalanan.Nang matapos akong kumain, bumalik ako muli sa kwarto ni Locke. Hindi para mahiga muli sa kanyang kama, kung hindi para kumuha ng relo at kwintas niya.Wala akong pakialam kung makita ako nito sa CCTV! Wala akong pakialam kung parusahan niya ulit ako!Kung gusto niya ng isang daang libong pagtatalîk hanggang sa magsawa siya sa akin, uubusin ko naman ang mga alahas niya rito sa kwarto niya!Kung gagawin niya akong parusahan, gagawin ko naman siyang pagkakakitaan!Marami rin akong makukuha sa kanya na pwede kong pagkaperahan.Nang makakuha ako ng kwintas at relo, mabilis akong nagtungo sa aking kwarto upang ilagay ang mga it



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



