공유

Chapter 73

작가: Kulalaiii
last update 게시일: 2026-04-19 11:55:10

Tila huminto ang mundo ko sa huling tinuran ni Lucy. Ang kaniyang paa na suot ang mamahaling sapatos ay tila isang dambuhala na nakatapak sa aking pagkatao ngayon.

“Ano? Bingi ka ba, Talitha? O gusto mong ako na mismo ang maghatid ng balita kay Locke sa kalagayan mo ngayon?” nakangising tanong niya habang tinitingnan ang kaniyang mga kuko.

“Sumosobra ka na, Lucy!” akmang susugod si Ashley pero mabilis kong hinawakan ang kaniyang braso.

“Huwag, Ashley…” pabulong kong pigil sa kaniya. Ramdam ko
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 74

    Ang mga huling salitang iyon ni Locke ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking pandinig habang nakapikit ako at nagtutulog-tulugan. “Hintayin mo akong matapos sa lahat, Talitha. At kapag natapos ko na, wala nang pagdurusa ka pang mararamdaman.” Iyon ang huling sinabi ni Locke bago ko naramdaman ang kaniyang pagtayo. At ramdam ko pa rin ang dampi ng labi niya sa aking noo bago ko narinig ang marahang pagsara ng pinto. Nang masiguro kong wala na siya, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang dilim ng silid ay tila sumasakal sa akin. Napahawak ako sa aking tiyan at naramdaman ang mabilis na tibok ng aking puso. Masaya? Mapayapa? Paano kami magiging masaya kung ang pundasyon ng aming pagsasama ay pader ng isang kulungan? Ang mga pangako niya ay tila mga bulaklak na itinanim sa sementeryo—maganda sa paningin, pero amoy kamatayan. Ang kalayaang sinasabi niya ay para lang sa kaniya, dahil para sa akin, ang pananatili sa tabi niya ay habambuhay na pagkakabilanggo. Wala

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 73

    Tila huminto ang mundo ko sa huling tinuran ni Lucy. Ang kaniyang paa na suot ang mamahaling sapatos ay tila isang dambuhala na nakatapak sa aking pagkatao ngayon.“Ano? Bingi ka ba, Talitha? O gusto mong ako na mismo ang maghatid ng balita kay Locke sa kalagayan mo ngayon?” nakangising tanong niya habang tinitingnan ang kaniyang mga kuko. “Sumosobra ka na, Lucy!” akmang susugod si Ashley pero mabilis kong hinawakan ang kaniyang braso.“Huwag, Ashley…” pabulong kong pigil sa kaniya. Ramdam ko ang panginginig ng sarili kong mga kamay. Tumingin ako kay Lucy. Ang babaeng dati ay itinuring kong kaibigan, ngayon ay isa siya sa mga taong humahawak sa leeg ng aking kinabukasan. Isang maling galaw ko lang, habambuhay kaming magiging bilanggo ng anak ko sa impyernong ito. Dahan-dahan, tila ba bawat pulgada ay may bigat ng isang libong kilo nang ibinaba ko ang aking katawan. Lumuhod ako sa kaniyang harapan. Ramdam ko ang lamig ng sahig sa aking mga tuhod, kasinglamig ng puso ng mga Salvad

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 72

    Pilit kong pinapakalma ang aking paghinga habang nakatitig sa maliit na plastic na hawak ko. Nararamdaman ko ang malamig na pawis sa aking noo habang hinihintay ang pagbabago sa puting screen nito. Bawat segundo ay tila isang oras na nagpapatindi sa aking kaba.“Sana… sana ay mali ako,” bulong ko sa sarili, kahit na alam ng katawan ko ang totoo.Dahan-dahang lumitaw ang unang guhit. Kasunod nito, ang pangalawa. Malinaw. Mapula. Isang hatol na habambuhay akong nakatali sa dugo ng mga Salvador. Napasandal ako sa pader ng banyo, pilit na pinipigilan ang hikbing gustong kumawala sa aking lalamunan. Ang bawat pintig ng puso ko ay tila babala na mas lalong hihigpit ang hawla sa oras na malaman ni Locke ang tungkol dito.Isang katok ang nagmula sa labas dahilan kung bakit mabilis akong tumayo nang tuwid at inayos ang sariling ekspresyon. Mabilis ko ring itago ang pregnancy test na hawak ko na may dalawang linya sa takot na nasa labas na si Locke.“Talitha, buksan mo,” boses ni Ashley.Mabili

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 71

    Nagising ako kinabukasan na wala na sa tabi ko si Locke. Ang pinagsaluhan naming init kagabi ang siyang tanging naalala ko at kahit anong isip ko sa huling tinuran niya ay wala akong maalala. Ang alam ko lang ay hinalikan ako nito sa noo bago ako tuluyang nilamon ng dilim.Dahan-dahan akong bumangon at naramdamanko ang kirot sa aking katawan—isang paalala ng bawat haplos at bayo ni Locke. Tiningnan ko ang bakanteng espasyo sa kama. Maayos na ang bahagi ng higaan niya, tanda na kanina pa ito umalis. Hindi ko alam kung totoo ang sinabi niyang mananatili na ito sa tabi ko, dahil ngayon… nagising akong wala siya.Nakaramdam ako ng lungkot dahil pakiramdam ko ay pinaasa na naman niya ako sa mga salita niya, pero sa gitna ng lungkot na nararamdaman ko, nagpapasalamat ako kung sakali mang umalis nga ito.Sabagay, ano pa ba nga ba ang aasahan ko mula kay Locke?Lagi naman walang katotohanan ang bawat sinasabi niya. Wala naman siyang sinabi na napanindigan na niya. Ang bawat pangako niya ay til

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 70

    Hindi ko halos tingnan si Locke habang kumakain ako. Hindi ko alam kung paano kami mag-uusap ni Ashley kung parati na si Locke sa tabi ko. Gusto kong umalis ito, pero batid kong makakahalata siya kapag pinilit kong paalisin siya. Nagtungo ako sa banyo matapos kumain upang maglinis na ng katawan. Nang matapos ako at lumabas ako, nakita ko agad si Locke na tahimik na nakahiga sa kama. Nakapikit ang mga mata nito nang lapitan ko siya. Bumuntonghininga ako. Mukhang hindi ako agad na dadatnan ng tulog nito dahil na rin kakagising ko lang. Kaya naman nagtungo ako sa balcony at umupo sa bakal na upuan na naroon. Tanaw ang maliwanag na buwan at puno ng bituin na langit, pinapatuyo ang aking buhok gamit ang puting tuwalya, niisip ko kung ano ang maaaring maging buhay ko kapag nakalaya na ako kay Locke. Kung ano ba ang kinabukasan na naghihintay sa amin ng anak ko sa labas ng walang buhay na kwartong ito. Ang bawat kisap ng mga bituin na tinatanaw ko ngayon ay tila mga pangarap na pilit k

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 69

    Hindi ako nakapagsalita agad. Ang kaniyang mga salita ay tila isang liwanag na nagbibigay ng pag-asa sa madilim kong buhay—isang pag-asa sa gitna ng kadiliman. Sa unang pagkakataon magmula nang pumasok siya sa walang buhay na kwartong ito, hindi poot ang nakikita ko sa kaniyang mga mata ngayon, kundi awa at ang kagustuhan nitong itakas ako.“Bakit, Ashley?” halos pabulong kong tanong. Lito pa rin sa kinikilos niya. “Bakit mo ito gagawin para sa akin? Akala ko ba galit ka?”Huminga siya nang malalim at mas lalong hinigpitan ang hawak niya sa aking braso. Ramdam ko ang init ng kaniyang palad, tila ba ipinapasa niya sa akin ang kaniyang lakas.“Dahil sapat na ang nakita ko kanina, Talitha. Dahil na rin ayokong maging bilanggo ang batang nasa sinapupunan mo rito sa walang buhay na mansyon na ito,” mahinahon nitong sagot.“Hindi ka ba natatakot? Hindi ka ba natatakot na baka iwan ko kayong muli? Hindi ka ba natatakot na baka ginagamit ko lang kayo dahil gusto kong makalabas dito?”Binitawa

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 52

    Pinanood ko ang pag-alis nina Lucy at Locke patungo sa stage kung nasaan si Tita Kelly at Sir Luther. Hindi ko maintindihan ang nangyari at mas lalong hindi ko maintindihan nang kinuha ni Tita Kelly ang mic na may ngiti sa labi habang katabi si Lucy. “Ladies and gentlemen, I would like to introdu

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 51

    Kaya pala… Kaya pala agad nalaman ni Locke ang plano ko dahil kay Lucy. Sinabi nito ang balak ko kay Locke kaya pala ganoon na lang kung parusahan ako nito. Pero wala na akong pakialam doon. Wala na akong pakialam kung sabihin nito ang lahat, dahil isa lang ang nais ko ngayon. Ang malanan ang tot

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 50

    Sabay-sabay kaming lumabas na tatlo sa greenhouse. Ang malamig na hangin ng gabi ay agad na sumalubong sa amin, tila ba nagyeyelo ang aking balat hindi lang dahil sa panahon, kundi dahil na rin sa bigat ng aming napagkasunduan. Tahimik kaming naglalakad sa madilim na bahagi ng hardin patungo sa li

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 49

    Nanatiling tahimik ang paligid ng greenhouse matapos kong bitawan ang mga salitang iyon. Tanging ang mabilis na paghinga ko at ang malakas na tibok ng aking puso ang naririnig ko. Nakatingin ako kina Bryan at Ashley, naghihintay kung tatalikuran ba nila ako o hahawakan ang aking kamay. Sa sandalin

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status