ANMELDENAng diretsong tunog ng monitor ay tila isang matalim na palaso na sumasaksak sa aking pandinig. Kasabay niyon, naramdaman ko ang marahas na paghila ng isang madilim at malamig na kamay mula sa ilalim ng aking kinatitirikan.Hindi… hindi ako pwedeng bumalik sa dilim!“Darling! No, fûck, no! Talitha, stay with me!” ang boses ni Locke ay hindi na lang basag—ito ay tuluyan nang naging isang ungal ng leon na nasugatan at nawawalan ng pag-asa. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang buong pagkatao sa bawat salitang kaniyang binitawan.Nararamdaman ko ang kaniyang mga palad na yumakap sa aking mukha, ang kaniyang mainit at basang mga luha na mabilis na pumapatak sa aking mga pisngi.“Doc! Pasok, bilis! Bumababa ang vitals niya!” sigaw ni Bryan mula sa kung saan.Sa isang saglit, ang tahimik na silid ay napuno ng mabibilis na yabag ng mga paa, kalubog ng mga gulong ng kung anong makina, at ang mga boses ng mga nars.“Prepare the defibrillator! Charge to two hundred! Clear!”Isang matinding tady
Muling bumalik ang aking diwa sa gitna ng malamig at tahimik na silid. Hindi ko pa rin maimulat ang aking mga mata, at tila nakakulong pa rin ako sa mundong ako lang ang tao, ngunit malinaw kong naririnig ang tunog ng heart monitor at ang mahinang ugong ng aircon sa aking paligid. Ang bawat mekanikal na tunog ay tila nagpapaalala sa akin na may manipis na linyang nagdurugtong sa akin sa lupa. At sa pagkakataong ito, hindi ang hikbi ni Locke ang narinig ko. May ibang tao sa loob ng silid, at ang kanilang mga boses ay mababa, seryoso, at puno ng panganib. “Kumusta ang lagay sa labas, Lucian?” mababa at pabulong na tanong ni Locke, ngunit lamig ang nananalaytay sa kaniyang tinig. “Malinis na, Locke,” sagot ni Lucian. “Ang mga tauhan nina Sofia at Lucy na natira sa gusali ay tuluyan nang naubos nina Carter at Bryan. Walang nakaligtas kahit isa. Siniguro rin namin na walang kahit anong bakas na maiiwan na pwedeng iugnay sa pamilya ng bawat isa sa atin.” Naubos? Wala kahit isa? Bi
Puti. Isang malawak at walang katapusang kaputian ang nakapaligid sa akin.Wala akong maramdamang sakit. Ang matinding hapdi sa aking tiyan kanina at ang lasa ng dugo sa aking bibig ay biglang napalitan ng isang kakaibang pakiramdam—magaan, payapa, ngunit nakalulunod sa lungkot. Subalit sa kabila ng kapayapaang ito, may kung anong mabigat na emosyon ang humihila sa akin pabalik. Isang hindi matapos-tapos na ugnayan na pilit kumakapit sa aking nag-aagaw-buhay na hininga.Gusto kong maglakad pasulong sa kawalan, pero tila may mga pamilyar na boses na unti-unting umaabot sa kaisipan ko.“Clear! Oxygen, i-charge sa dalawangdaan! Isang beses pa, bilis!”“Doc, bumababa ang vital signs niya! Mabilis siyang nawawalan ng dugo!”Mabibilis na yabag ng mga paa. Tunog ng mga nag-uumpugang bakal. At ang nakatutulig na tunog ng isang makina na patuloy sa pagtubog ng diretso. Isang mahaba at nakatatakot na tunog.Bbeeeeep…Sino iyon? Nasaan ako? Kasunod niyon, isang hikbi ang narinig ko. Isang napak
Ang bawat tibok ng puso ko ay tila kulog na dumaragundong sa aking pandinig habang nakatitig sa dalawang remote control na hawak ni Sofia. Ang asul para kay Theo. Ang pula para sa akin. At kailangan mamili si Locke para sa kanilang laro. Isang napakawalang-awang laro na naglalagay sa aming mag-ina sa bingit ng kamatayan. At sa isang maling galaw lang ay tuluyan nang mawawasak ang aming pamilya. “Now, choose, Locke! Red or blue?” nakangising hamon ni Sofia, habang lalong idiniriin ang kaniyang daliri sa mga pindutan. “Locke, piliin mo ang anak natin,” sambit ko nang makita ko ang panandaliang pagkalito ni Locke. Dumaloy ang mga sariwang luha sa aking pisngi. Tiningnan ko si Locke nang mariin, pilit na ipinaparating gamit ang mga mata ko na unahin ang anak namin. “Red or blue, Locke?” nanunuksong ulit ni Sofia habang nilalaro ang mga daliri sa tapat ng mga buton.“Darling, please… please believe me. Ililigtas ko kayo ni Theo,” puno ng pagsusumamo na sagot ni Locke habang nakatit
Kasunod ng marahas na pagbaba ni Sofia ng tawag ay ang muling pagbalot ng isang nakabibinging katahimikan sa buong silid. Ang tunog lang ng malalalim na hininga ko at ang masakit na iyak ni Theo ang naririnig ko. Halos mabitak ang puso ko sa bawat hikbi na pinapakawalan ng maliit kong anghel. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin kay Locke sa pamamagitan ng aking isip na huwag siyang pupunta nang mag-isa dahil isang malaking bitag ito, pero ang busal sa aking bibig ay tila unti-unting sumasakal sa natitira kong lakas. “Tingnan mo nga naman, Lucy. Isang tawag lang, parang tutang susunod agad ang makapangyarihang Locke Salvador sa kahit anong gusto natin,” nakangising saad ni Sofia habang tinatanggal ang maskara na may voice changer sa kaniyang mukha. Tumawa si Lucy habang sumasandal sa lamesa. “Sino ba naman ang hindi susunod, Sofia? Hawak natin ang kahinaan niya. Ang mag-ina niya. Seven years ago, wala siyang pakialam sa kahit sino. Pero ngayon? He looks so pathetic.” Tiningn
Mabigat. Masakit. At parang pinupukpok ng milyong-milyong karayom ang aking ulo. Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata bago ko dahan-dahang sinubukang idilat ang mga ito. Ang unang sumalubong sa akin ay ang malabong liwanag ng isang bumbilya na nakabitin sa kisame. Sumasayaw-sayaw ito, lumilikha ng mga nakatatakot na anino sa paligid. Amoy amag, kalawang, at lumang semento ang hangin na aking nalalanghap kahit na sariwa pa rin sa aking ilong ang matapang na amoy ng kemikal na siyang kumuha sa aking kamalayan kanina sa kusina. Si Ashley… ang mga tauhan sa labas… si Locke… Agad kong sinubukang iangat ang aking mga kamay, ngunit isang matalim na hapdi sa aking mga pulso ang pumigil sa akin. Doon ko lang napagtanto na nakatali ang aking mga kamay at paa sa isang lumang silyang gawa sa bakal. Bawat subok kong gumalaw ay ang marahas na pagkagat ng magaspang na lubid sa aking balat. “Mmmph! Mmmph!” Isang mahinang ungol ang narinig ko mula sa madilim na silid. Mabilis kong ini
Mabuti na lang at dinalhan ako ng pagkain ni Bryan kanina. Kaya kahit hindi ako maghapunan ay ayos lang. Mag-aalas-sais na rin at bibilisan ko na lang ang paglilinis para makapagpahinga na ako.Iyon ang akala ko…Akala ko ay mabilis lang ako matatapos, pero halos manlumo ako dahil sa unang beses ko
Ang galit at pait ay mabilis na gumapang sa aking sistema pagkatalikod ko kay Locke, pero walang luha na lumandas sa aking pisngi o bakas ng paghihina. Dahil ang mga salitang kasingtalas ng patalim na lumabas sa bibig ni Locke ay gagawin kong sandata upang mas lalo pang tumaas ang pader na minsan n
Hindi ako dinalaw ng antok kagabi. Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang huling titig ni Locke—ang malamig at mapanghamong tingin na tila ba binabasa ang bawat hibla ng aking plano. Akala ko ay sapat na ang mga banta ko para payapain ang galit sa dibdib ko, ngunit ngayong umaga, tila ako ang bi
Hindi ko na halos nanamnam ang pagkaing inihanda ni Bryan. Sa bawat lunok ko ay tila ba may nakabara sa aking lalamunan. Kahit anong pilit kong ngumiti at makilahok sa kaniyang kaarawan, ang boses ni Luther Salvador ay tila sirang plakang paulit-ulit na nag-e-echo sa aking pandinig. New toy. Isan







