PUMASOK na kinabukasan si Gwen, kahit pa nga halos lumuwa na ang eye bag niya dahil na rin sa halos magdamag na gising. Tila nakalutang siya habang naglalakad patungo sa kaniyang opisina. Isa siyang store manager roon. Sa ilang taong pagtatrabaho, unti-unti ay umangat siya. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay sumulpot si Celly, casher naman ito at nakapalagayang loob na niya. Nauna lang siya rito ng ilang buwan.
Bago sila mag-umpisa sa trabaho ay magkukumustahan muna silang dalawa. Nakasanayan na nila ang ganoong gawain. Minsan ay dumadalaw roon si Zabrina, tumutulong din ito sa kaniya, ngunit ngayo'y hindi niya alam kung pupunta pa ito roon o kaya ay kakausapin siya. "Bakit ganiyan ang mukha mo? May sakit ka ba?" Napahinga siya't napailing. "Hindi ako nakatulog ng maayos." Pumasok siya sa kaniyang opisina. Ipinalagay iyon ni Zabrina para sa kaniya., para hindi raw siya mahirapan pa. "At bakit?" tanong nito ngunit maya't maya rin ay napitik nito ang daliri. "Ah, alam ko na. Dahil ba iyon sa nalalapit mong kasal?" Mabilis siyang napatitig dito at nangunot ang noo. "Anong sabi mo? Nalalapit kong kasal? K-kanino?" Ito naman ang nakita niyang nangonot ang noo. "Anong kanino? Luh! Bakit sa akin mo itinatanong? Ako ba ang ikakasal?" Napatitig siya sa mata nito at mataman na nag-isip. ''P-paano mo nalaman?" "Hay naku, girl! Balitang-balita kaya rito. Kahapon ko narinig ang balita." Biglang kumabog ang dibdib niya sa biglang pumasok sa isipan niya. "S-sino ang nagpakalat ng balitang iyon?" tanong pa rin niya sa kaharap. Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam. Narinig ko lang sa usapan diyan sa labas. O, sige. Mag-inn na ako. Gotta go, bye! Kitakits na lang mamaya." Kumaway pa ito sa kaniya habang naglalakad palabas ng opisina niya. Ngangang napaupo siya sa bangkong yari sa plastik. Ilang minuto na siyang ganoon at kahit yata anong pilit niyang tanggal sa isipan ang nalaman ay hindi pa rin mawala-wala. Tila nakapagkit na ang salitang ikakasal na siya. At ang isa pa niyang iniisip, sino ang nagpakalat ng balitang iyon? Si Zab? Imposible. Lalong hindi naman ang papa nito. Lutang siya maghapon, mabuti na lamang at wala siyang masyadong ginawa. Papalabas na siya nang makita ang isa sa taong nagpapagulo sa isipan niya. Si Zabrina. Iiwasan sana niya ito, ngunit huli na, nakita na siya nito't tinawag. "Oh hi, Gwen!" Lumapit ito sa kaniya at pumantay. "Kumusta na ang kaibigan ko?" may diing sambit nito sa salitang kaibigan. Tipid siyang ngumiti lang dito. "So, kumusta ang nalalapit na kasal ninyo ng boyfriend ko? Aw, sorry. Ex-boyfriend pala!" mapang-uyam nitong tanong na halos ipaglandakan pa sa mga taong naroon ang sinasbi nito. Nakadama siya ng inis dito. Naikuyom niya ang kamao at matalim na tinitigan ang kaharap. "Don't blame me, Zab. Alam naman natin--" Napasinghap siya nang dumapo ang palad nito sa pisngi niya. Sa lakas ng pagkakasampal nito'y napabaling ang mukha niya. Hindi agad tumugon ang dalagang kaharap niya. Hanggang sa muli niyang ibinaling ang mukha rito at matalim na sinalubong ang galit nitong mata. Nakipagsukatan siya rito. Mata sa mata. Maya't maya pa ay napangisi ito. "Ganiyan ka ba talaga, Gwen? Sa tagal na nating magkaibigan ay lumabas din ang tunay mong kulay. Buong akala ko'y tunay kitang kaibigan, isa ka palang ahas! Inakit mo ang boyfriend ko. How dare you to do that to me? Ibinigay ko naman sa iyo ang lahat tapos ganito pa pala ang igaganti mo!" mangiyak-ngiyak nitong hayag na ikinanganga niya. Napatingin siya sa mga taong nakapalibot sa kanila. Ang iba ay nagbulungan, mayroong napailing at mayroong nakatanga na lamang tulad ni Celly. Hindi na siya nagsalita pa. Bago siya umalis ay matalim niyang tinitigan ang kaibigan. Habang tinatahak ang patungo sa sakayan ay hindi niya napigilan ang mapaluha. Ngayon ay sising-sisi siya sa maling nagawa. Lulan na siya ng sasakyan at habang nasa biyahe ay isang plano ang nabuo sa isipan niya. Babalik na siya sa probinsiya. Ngunit ang planong iyon ay hanggang sa isipan lamang niya mangyayari. Naabutan niya sa tinutuluyang bahay ang magulang. Nanlaki ang mata niya at mas lalo pang lumaki nang makita ang ina ni Gian. "Oh, iha, nandito ka na pala!" Tumayo si Sylvia at lumapit sa kaniya. Nakipag-beso-beso ito sa kaniya at niyakag paupo sa sofa. "Anak," bati ng kaniyang ina. "Inay, ano ho ang ginagawa niyo rito?" maang niyang tanong. "Binibisita ka, anak." Ang itay na niya ang nagsalita dahil lumapit sa kaniya ang ina. Niyakap siya't h******n sa noo. "B-bakit ho?" Sabay na nagsalubong ang kilay ng mag-asawa, ganoon din si Sylvia. "Anong bakit, anak? Aba'y ayaw mo ba kaming bumisita rito?" himig pagtatampo na sabi ng ina. "H-hindi naman ho sa gayun, Itay. Kaya lang--" "Ay naku ang batang ari. Ako'y nagtatampo na sa iyo. Dapat pala ay hindi na lang natin binisita ang anak mo, Gustin. Akala ko pa naman ay matutuwa siya," hayag ng ina niya na lumabi pa na dinaig pa ang isang bata. "Inay naman." "Ang cute niyong tingnan," saad ni Sylvia na mabilis ding ngumiti. "Sana, may anak din akong babae. Mas malambing kasi ang mga anak na babae kumpara sa mga lalaki, hindi ba balae?" Halos mabilaukan siya ng sariling laway sa narinig. "B-balae?" "Yes, iha. Nabanggit ko na sa kanila ang plano niyong magpakasal ng anak ko at pumayag na sila. As soon as posible ay maikakasal na kayong dalawa and I'm so excited for my future apo," tila kinikilig na hayag ng ginang. Nagniningning pa ang mata nito habang nagsasalita. "Kung nagmamahalan naman sila ay wala kaming magagawa pero hindi ba't nobyo ni Zabrina si Gian?" Nabaling ang nanlalaking mata niya sa ama. Makailang beses siyang napalunok ng laway at bigla-bigla siyang pinagpapawisan kahit pa nga nanlalamig ang buo niyang katawan. "Nag-break na sila, balae," salo ni Sylvia. Nagtataka siya sa ipinapakita ng ginang. Hindi man lang niya ito kinakikitaan ng anumang pagkabahala o kaya ay pagkadismaya. Girlfriend ng anak nito ang bestfriend niya, ngunit parang natutuwa pa ito sa ibinabalitang ikakasal sila ni Gian. Hindi kaya... Natutop niya ang sariling bibig. Hindi kaya ito ang nagpapakalat ng balitang ikakasal na sila ni Gian? Katanungang sa isip niya'y lumabas. Hindi pa man siya nakakahuma sa naririnig na usapan ay nadugtungan pa iyon nang magsalitang muli si Sylvia. Lalo siyang napanganga at naumid ang dila. "From now on, iha, titigil ka na sa pagta-trabaho mo at sa bahay ka na maninirahan. Ayaw kong mababalitaan na pumapasok ka pa." "B-bakit? Hindi ba't maganda nga iyong may sarili siyang trabaho?" tinig ng kaniyang ina. "Gusto kong mag-pukos muna siya sa nalalapit nilang kasal ng aking anak, balae. Don't worry, hindi ko naman siya pababayaan. Kapag naikasal na sila, kung gusto niyang mag-work, si Gian na ang bahala roon. I'm sure naman na mayroong trabahong maiibigay ang anak ko sa kaniya." Si Gian ang pumalit na CEO sa kumpanya ng yumao nitong ama. Alam niyang hindi pipitsuging kumpanya ang mayroon ito, dahil mayroon nang sangay iyon sa iba't ibang panig ng bansa. Hindi man siya sang-ayon sa sinabi ng ginang ay napatango na lamang siya. Subalit nang papatulog na siya'y doon lamang niya napagtanto na hindi pala dapat siya pumayag. Hindi pala dapat siya pumayag magpakasal sa anak nito. Paano kung totohanin ng binata ang banta nito? Ang gawing imiyerno ang buhay niya sa oras na makasal sila. Ano ba ang dapat niyang gawin? HINDI na nga pinapasok pa si Gwen. Ayon kay Sylvia ay pagtuunan na lang daw niya ng pansin ang kasal nila ng anak nito. Hindi pa man siya naka-oo sa kasal ay planado na ng ginang na labis niyang ipinagtataka. Todo alaga rin ito sa kaniya. Araw-araw itong bumibisita sa kaniya o kaya nama'y isinasama siya sa mga lakad nito. Ipinakilala rin siya sa iba nitong mga kaibigan bilang mapapapangasawa ng anak nito. Si Zabrina na matagal ng nobyo ng anak nito'y hindi pa kailanman niya nakitang pinahalagahan nang sobra ng ginang. O baka'y hindi niya nakikita dahil hindi naman siya madalas nakakasama nito. Nabalitaan niyang pumunta na sa Canada ang kaniyang kaibigan na labis niyang ikinalungkot. Hindi man lang sila nagkausap bago ito umalis. Napahinga siya at napatingala sa kesame. Mag-isa lang siya sa apartment. Kapwa may pasok ang dalawang kasama niya. Mag-iisang buwan na rin simula nang pinag-resign siya ni Sylvia, kaya ngayo'y nakararamdam siya ng lungkot at pagkainip. Tumayo siya't pumasok ng silid. Balak niyang magpunta sa mall para matanggal ang inip. Papasok na sana siya ng banyo nang may maulinigan sa labas ng bahay. Dali-dali siyang nagtungo sa pinto. "Ma'am Sylvia?" "Oh, hi, anak!" bati nito, saka ay humalik sa pisngi. Kahapon lamang ay nagkita sila nito. Nagpasama ito sa BGC upang kitain roon ang isa nitong kaibigan. Kaya ngayo'y gulat siya nang makita na naman ito. "M-may pupuntahan ho ba tayo?" takang tanong niya. "Uhm, wala. Pero sinusundo kita." Umarko ang kilay niya. "Ano hong ibig niyong sabihin?" "From now on, sa bahay ka na titira. Kaya, mag-impake ka na ng mga gamit mo," deritsong sabi nito na sinabayan pa ng pag-upo. "Po? Nagbibiro po ba kayo?" "Do I look I'm joking?" seryosong tanong nito na nagpanganga sa kaniya. "Sige na. Ayusin mo na ang iyong mga gamit o gusto mong tulungan kita?" "Po?" "Gwen!" "P-pero, b-bakit po? Okay naman po ako rito ah!" "Gusto kong pumirmi ka na sa bahay. Gusto kong makasanayan mo ang buhay mo roon. Ang buhay may asawa. Besides, iilang araw na rin lang naman ang hinihintay at magiging mag-asawa na kayo ng anak ko," hayag nito. Napalunok siya ng laway. Nagsisimula na namang manlamig ang buong katawan niya. Dinaig pa ang binuhusan ng isang drum na yelo. May tila ibig ipahiwatig iyon sa kaniya. At samo't sari ang pumasok sa isipan niya. Paano kung alilain siya nito? Paano kung saktan siya nito? Tumahip ang dibdib niya nang maalala ang binitiwang salita ni Gian. Paano kung utos iyon ng binata? Muli siyang napalunok ng laway. "Ma'a--" "You can call me Mommy not Ma'am. Iha, sanayin mo na ang sarili mo. Ikaw ang mapapangasawa ng unico hijo ko at gusto kita para sa anak ko. Alam ko ang nararamdaman mo, ikaw at si Zabrina ay matalik na magkaibigan, kaya nahihirapan ka ngayon. Kaya nga, dapat sanayin mo na ang sarili mo habang maaga pa." Pino siyang ngumiti. Bagama't sinabi nito na gusto siya'y hindi pa rin mawaglit-waglit sa isipan niya ang agam-agam. "Alam na ho ba ito ng anak mo?" muling tanong niya. "Hindi pa. Pero, alam ko namang hindi na iyon makatatanggi pa sa oras na makita ka." Lalo siyang napaisip sa mga binibitiwang salita ng ginang. Kakampi ba niya ito o isa ring magpapahirap sa kaniya? Alam naman niyang pahihirapan siya ni Gian sa oras na makasal sila pero ang ginang-- "Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano, iha. Mag-impake ka na. Magtatampo ako sa iyo niyan." Muli siyang tipid na ngumiti. Napilitan siyang sumama rito. Hanggang sa biyahe ay nasa isipan pa rin niya iyon. Nagtext na lamang siya sa dalawang kasama sa bahay at nangakong babalik doon kapag day off ang mga ito. Kasalukuyan na siyang nasa harapan ng mansiyon. Ilang beses na siyang nakapasok doon dahil kay Zabrina at ilang beses na rin siyang humanga roon. Pero, ngayo'y iba na ang sitwasyon. Humahanga man siya sa mansiyon pero may kaakibat na takot. "Get inside, iha. Don't be shy." Napalingon siya sa ginang at tipid na ngumiti. Sumunod na rin siya rito. Wala roon si Gian at tiyak na magagalit ito sa kaniya. Maaliwalas sa mata niya ang loob ng bahay. Ang kulay nitong gray and white ay bumagay sa hulma nito. Idagdag pa ang iba't ibang uri ng muwebles, nalalatagan ang sahig ng itim na alpombra na iba't iba ring desinyo. Ang hagdan na sa palagay niya'y limampung baitang ay yari sa kahoy at ang itaas niyo'y may nakasabit na chandelier. Sa bawat pagtapak niya sa baitang ng hagda'y naraanan nila ang mga larawang nakasabit sa dingding. Picture ni Sylvia at ng yumao nitong asawa, may picture rin ni Gian, mula pagkabata hanggang sa magbinata ito. Napalunok siya ng laway sa huling larawang nakasabit sa dingding, malapit na iyon sa ikalawang palapag. Picture ito ng binata na naka-Tuxedo. He is so handsome on that picture. Tantalizing eyes, pointed nose and a kissable lips. Perfect, 'di ba? Nakatalikod ito ngunit nakaharap ang mukha sa camera, nakahawak din sa baba at nakangiti kaya nama'y lumabas ang dimple nito na lalong nagpatingkad sa guwapo nitong mukha. "Baka nama'y matunaw na ang picture ng anak ko." Napapitlag siya nang marinig ang boses ng ginang. Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan. Nagkulay-kamatis ang mukha sa kahihiyang natamo. Nakagat na lang niya ang pang-ibabang labi at nagyuko ng ulo. Ipinagpatuloy ng ginang ang pag-akyat hanggang sa marating na nila ang second floor. May limang pintuan doon, na sa palagay niya'y mga room iyon. Maya-maya ay binuksan ng ginang ang nasa pinaka-dulo, iyon pala ang room ni Gian. "Tina, pakipasok na ang gamit ng Seniorita niyo!" utos nito sa kasambahay na nagdadaka ng gamit niya. Nanlaki pa ang mata nita matapos marinig ang salitang seniorita. Ngunit, mas lalong lumaki ang mata niya nang malamang silid pala iyon ni Gian. "Ma-mom, bakit ho rito?" "Why? Is there any problem with that, iha?'" "E, k-kasi ho..." Bigla siyang pinagpawisan ng malapot. Hindi pa siya handang makasama sa iisang silid si Gian at alam niya ring hindi ito papayag. Nag-isip siya na gagawing alibi sa ginang. "E, kasi ho--" "No more kasi-kasi ho, iha. I want you to stay in this room. Gusto ko na mag-stay ka sa tabi ng aking anak." Naging malungkot ang himig ng ginang na labis niyang ipinagtaka. "M-may problema ho ba?" may pag-aalalang tanong niya. "Wala." Gumuhit ang ngiti sa labi nito. "May sakit ho ba kayo?" Iyon lamang ang naisip niyang dahilan kaya siguro ito nagkakaganoon. Tulad ng ibang pelikula na napapanuod niya. "What? Mas malakas pa ako sa kalabaw, no! Gusto ko lang na magkapalagayan kayo ng loob ng aking anak, iha." Lumapit ito't ginagap ang palad niya. "Alam naman natin kung sino ang mahal ng aking anak, hindi ba? At alam ko rin na may lihim kang pagtingin sa 'king anak." "Po?" gulat niyang nasabi. "Don't deny that, iha. Nababasa ko iyon sa mata mo." Binitiwan nito ang palad niya't tinungo ang kama. Umupo ito sa gilid niyon at pinakatitigan siya. Nagbaba agad naman siya ng paningin. "Hindi mo man sabihin, nababasa ko at nararamdaman mo na may pagtingin ka sa anak ko. And, don't worry. Hindi ka man mahal sa ngayon ng aking anak, I know, matutunan ka rin niyang mahalin." Ngumiti ito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya mula sa nga narinig dito. Pero, paano kung hindi? Paano kung kapag nagpakasal siya'y maging impiyerno ang buhay niya sa piling ni Gian? Marahan niyang ipinilig ang ulo. Ngayo'y mag-isa na lamang siya sa silid ng binata. Malaya niya iyong pinagmasdan. Humimpil ang nag-uusisa niyang mata sa table na hanggang hati ng katawan niya, nandoon ang picture ni Gian at Zabrina. Napakaganda ng kaibigan niya. At ayaw man niyang aminin, nakadarama siya ng inggit dito noon. Nandito na ang lahat, ganda, yaman, mabait at bunos na lang ang boyfriend nito. Unti-unti siyang hinila ng mga paa patungo roon. At sa isang iglap ay hawak na niya ang picture ng kaibigan. "Bakit? Why, Zabrina?" Nag-uunahang pumatak ang luha niya nang maisip ang kasalukuyang sitwasyon. Kanina lamang ay gumaan na ang pakiramdam niya ngunit ngayo'y bumigat muli. Nadagdagan pa iyon nang maalalang nagtungo na sa ibang bansa ang kaniyang kaibigan. "Who gave you permission to enter in my room?" Muntikan na niyang mabitiwan ang picture ni Zabrina sa labis na gulat. "And... f**k!" mura nito. Sa isang iglap ay nakalapit na ito sa kaniya at marahas na hiniklas ang picture ng dalaga. "Get your filthy hands off! Bullshit!" Nanginig ang buo niyang katawan, maging ang labi ay nangangatal din sa labis na takot sa binata. Kahit gustong-gusto na niyang umalis ay hindi niya magawang maihakbang ang mga paa, tila ba'y nakasemento iyon. "Get out of my room! Get out of my sight! You fvcking idiot!" malakas nitong sabi na halos ikasabog ng ulo niya. Itinulak pa siya nito, kaya lumagapak ang katawan niya sa sahig. Note; sa mga magbabasa skip niyo na lang po ang Chapter 4, nadoble pala ang update ko."GOOD evening ladies and gentlemen. Hindi naman lingid sa inyo ang nangyaring insidente sa amin twenty-two years na ang lumipas. Isang trahedya kung bakit hindi namin nakasama ang aming panganay na si Andrei." Mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ni Gwen ang nagsasalitang asawa. Marami ang taong nakapalibot sa kanila, ang ilan doon ay mga employees, nandoon din ang board member at ilan sa matataas na namamahala sa kompanya nito kabilang na si Adrix, kasama nito ang asawang si Celly. Si Francis at ang mag-ina nito. Maging si Lance at Eunice, at lahat ng kaibigan nito. "Ipinagluksa namin at nadamay pa ang nag-aalaga dito. But unfortunately, dinala ang paa naming mag-asawa patungo sa katotohanan. Katotohanang buhay pa ang aming anak. Hindi ipinagkaloob ng Maykapal na mawala ang aming anak. May mabuting puso na nagligtas dito. And now, I am proud to introduce to all of you our long lost son Gian Andrei McCollins!" Umalingawngaw ang boses ni Gian sa malawak na bakuran ng mansyon, kasab
"SWEETHEART..." May pag-aalinlangan si Gwen, dapat ba niyang sasabihin sa asawa ang tungkol sa lalaki? "Yes, baby?" Patalikod siyang niyakap ng asawa. "Anong gumugulo sa isipan mo?" Paano nito nalamang may gumugulo sa isipan niya? Hindi agad siya sumagot, bagkus ay muling pinag-isipan kung ipaalam pa ba sa asawa. Dumampi sa pisngi niya ang labi nito, bumaba sa leeg. Kagat-labing pumikit siya. Nagtagal doon ang labi nito, paulit-ulit na h******n hanggang sa humantong sa balikat. 'Yon naman ang pinaglaruan nito. Kahit may edad na sila, active pa rin silang mag-asawa sa s*x. Walang palya si Gian at masaya siyang naibibigay dito ang pangangailangan bilang lalaki. "Teka..." Maagap niyang pinigilan ang pumapaloob nitong palad, pilit hinahalukay ang underwear niya. "Hindi pa ako nakakainom ng p*lls." Mula sa nanlalabong kamalayan ay naalala niya ang gabi-gabing ginagawa. Huminto ito sa ginagawa. Kapwa namumungay ang mata nang iharap siya nito. "Okay lang, baby. Hindi mo na kailanga
HINDI mawala-wala sa isipan ni Gwen ang lalaking nakabunggo sa kanila habang papunta sa comfort room. Ang imahe ng lalaki ay nakatatak na sa kaniyang isipan at para bang may hinahalukay sa kailaliman ng kaniyang puso. Bakit parang pamilyar ito sa kaniya? Kaya nama'y pilit niyang inaalala kung nakita na ba ito noon, pero wala siyang matandaan, isa pa'y ngayon lang sila nagawi sa lugar na 'yon. Sa tuwing pumupunta sila sa puntod ni Andrei ay bumabalik kaagad sila. Parang may nag-uudyok sa kaniya na alamin ang buhay ng lalaking 'yon. Ayon sa kasama niyang bata ay kuya nito 'yon, pero hindi tunay na kapatid. "Are you okay, baby?" Bumalik ang isipan niya sa reyalidad nang maramdaman ang init ng palad ng asawa. Kinurap niya ang mata at tumitig dito. May gusto siyang sabihin. Alam niyang kapag humingi siya ng tulong dito'y madali lang niyang malalaman ang tungkol sa lalaking 'yon, pero nagdadalawang-isip isip siya. "S-sweetheart--" Nabitin sa ere ang balak sanang sabihin. Bakit nga b
NAKANGITI si Gwen habang pinagmamasdan ang kaniyang kambal na masayang naglalaro. Dumaan pa sila sa bayan ng Valencia, ang nakakasakop sa lugar na pinangyarihan ng trahedya. Fiesta pala sa lugar na 'yon. Marami ang nakahilirang iba't ibang uri ng pagkain at mga damit, may kung anu-ano pang mga tinda na nasa gilid ng kalsada. Nasa palaruan sila. Gusto raw maranasan ng kambal na maglaro kasama ang mga batang kalye. "Taya!" sigaw ng isang batang babae nang mahuli nito si Gale. Tawang-tawa naman ang kaniyang anak. Inihanda nito ang sarili sa paghabol sa mga bata kasama na rin si Giselle. "Andiyan na ako!" Nagsipatakbo ang mga bata at kambal nito. Kasing-bilis ng hangin sa pagtakbo ang mga bata. Naiwan pa ng mga ito si Giselle, ngunit kahit ganoon ay makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Ito ang pinunterya ni Gale. "They're both happy." Nilingon niya ang nagsalita. Lumapat sa baywang niya ang braso nito, maging ang labi ay naramdaman din niya. Isinandig niya ang ulo sa dibd
TWENTY-TWO YEARS LATER Nakamasid si Gwen sa kubo, walang dingding 'yon. Naliligiran ng iba't ibang klase ng rose at african daisy, ang lupa ay nalalatagan ng bermuda grass. May bakod na alambre at ang labas ay nagtataasang puno ang makikita sa labas. Nanginginig siyang pumasok. Ang lugar na kinaroroonan niya ngayon ay ang lugar na pinangyarihan ng insidente. Ang lugar na pinagkublihan nila nang hinahabol sila ni Larry. Ang lugar na kung saan ay kumitil sa walang muwang na buhay ng kaniyang anak na si Andrei. 'Till now, msakit pa rin sa kaniya ang sinapit ng kaniyang anak, hindi pa rin niya matanggap na maaga itong kinuha sa kanila ng Maykapal. Marahan siyang umupo, hinaplos ang lapida na kung saan ay nakasulat ang pangalan ng panganay niyang anak. Ngayon ang ika-twenty-two years na pagkawala ni Andrei. Sa tuwing sumasapit ang araw ng kamatayan ni Andrei ay nagtutungo sila sa lugar na 'yon. Binili rin ni Gian ang parteng 'yon para walang ibang makakapasok. Ilang taon na ang lumipas
"NO!" hiyaw ni Gwen. Nalaman niyang wala na nga ang kaniyang anak. Kasama itong sumabog sa kubo at si Nimfa. Nakaagapay sa kaniya ang asawa at maging ito ay luhaan din. Paulit-ulit din niyang naririnig ang paghingi nito ng tawad. "Baby... asawa ko. Patawarin mo ako." "No, Gian! Ibalik mo sa akin ang anak ko. Hindi ko kayang mawala siya. Please, ibalik mo siya," hagulgol niyang pakiusap sa asawa. Hagyang humiwalay ang katawan nito, sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Kaya mo 'yan, kaya natin. Para sa isa pang nabubuhay sa 'yong sinapupunan, mahal ko. Magpakatatag ka, please." Unti-unti siyang nahimasmasan, napahinto sa pagwawala pero hindi pa rin maampat-ampat ang pagdaloy ng luha. May isa pa nga palang nabubuhay sa sinapupunan niya. Nahaplos niya ang wala pang umbok na puson. Pero, paano si Andrei? Ang kaniyang anak na hindi mawaglit-waglit sa isipan niya. "Anak ko..." palahaw niya. Muli siyang niyakap ng asawa. "Alam mo, mas nanaisin ko pang ang nawala ay ang ating anak