PABALING-BALING si Gwen sa kaniyang higaan. Laman pa rin ng isipan ang tagpo kaninang umaga. Napahinga siya ng malalim at napagpasiyang bumangon na lamang. Naupo siya sa gilid ng higaan at mataman na nag-isip.
"Sana pala'y hindi na lang ako sumama sa bar, disinsana ay wala akong problema ngayon. Hayst! Gwen, ano na ang gagawin mo ngayon?" Tuluyan siyang tumayo, saka ay lumapit sa bintana. Maliit lamang ang espasyo ng kaniyang kinaroroonan niya at sa loob ng dalawang taon ay iyon na ang naging tahanan. Nasa probinsiya ang kaniyang magulang. Matapos niyang makapagtapos ng pag-aaral ay nagtungo na agad siya sa siyudad para magtrabaho. Sa isang supermarket siya kasalukuyang nagtatrabaho na kung saa'y pagmamay-ari ng ama ni Zabrina. Napahinga siya ng malalim. "Zabrina," mahinang sambit niya sa pangalan ng kaibigan. Naging magkaibigan sila noong elementary pa lang, bagong lipat ito sa school na pinapasukan niya. At tanging siya lamang ang nakipag-usap dito, dahil ang ibang bata ay ilag dito. Hanggang sa nag-highschool sila at nagkolehiyo. Nagkakatampuhan man pero agad din silang nagkakaayos, pero ngayo'y mukhang mahirap na silang magkaayos. Mahirap nang ibalik pa ang dati dahil sa nangyari sa kanila ni Gian. Si Gian, long time boyfriend ito ng bestfriend niya. Nagkakilala ang dalawa noong third year highschool na sila. May okasyon sa kanilang school at muse ang kaniyang kaibigan. Ipinakilala ito ng classmate nila sa kaibigan niya, nagkabakasyon lang pala ito sa lugar nila. Simula noo'y naging bukambibig na ni Zabrina ang lalaki. Minsan ay nakakasama rin niya ito at naging madalas pa ng magtrabaho na siya sa siyudad. Nakikita niya ang pagmamahal ng binata sa kaniyang kaibigan at doo'y minahal niya rin ito ng palihim. Pinilit niyang supilin ang nararamdaman, iniwasan din ito pero palagi pa rin siyang isinasama sa mga lakad ng kaibigan. At ang huli nga ay nang nagdaang gabi. Isinama siya nito sa party hanggang sa nalasing siya. Hindi siya pumasok nang araw na iyon. Gusto niyang magpahinga at matulog pero hindi naman niya magawa. Paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang nangyari. Lumabas siya ng silid. Naabutan niya sa sala si Carol, kasama niya roon. Tatlo silang umukupa roon. Ang isa ay si Ailyn na kasalukuyang nasa trabaho, isa itong call center agent. "Hindi ka pala pumasok," ani Carol na kasalukuyang itinatali ang sapatos. "Oo. Medyo masama ang pakiramdam ko." "Uminom ka na agad ng gamot. Mayroon ako naitabi." Pino siyang napangiti, "Salamat." Kapwa mabait ang kasama niya sa bahay. Hati-hati sila sa pagbayad niyon, maging kuryente at tubig. Sa pagkai'y nama'y kaniya-kaniya sila pero minsan ay naghahati-hati rin sila. Naging malapit na rin siya sa dalawa lalo na kay Carol. Ito kasi ang madalas niyang kasama, hindi tulad ni Ailyn dahil na rin sa uri ng trabaho nito. "May lakad ka?" tanong niya rito na sinabayan ng pag-upo sa bangkong nasa harap ng mesa. "Oo. May raket ako ngayon. Sayang din ang kikitain. Alis na ako. Uminom ka agad ng gamot para hindi na lumala." Muli siyang napangiti. "Sige, ingat. Hatid-tanaw niya ang paglayo nito. Nang mapag-isa ay muli siyang nahulog sa malalim na pag-iisip. Itinukod niya ang siko sa mesa at saka ay ipinatong sa palad ang mukha. "Hayst! Ano na ang gagawin ko?" tanong niya sa sarili. "Kung umuwi na lang kaya ako sa amin? Tama!" Napalatak siya. "Uuwi na lang muna ako sa amin," aniya sa sarili. Iyon ang plano niya para makahinga sandali ng maayos at kapag nakalimot na ang tao ay saka siya babalik ng siyudad o kung maaari ay huwag na. Nasa ganoong pag-iisip siya nang may kumatok. Tumayo agad siya at hindi na nagdalawang-isip pa na buksan ang pinto. Ngunit nang buksan niya iyo'y mabilis siyang napaatras. Isang matalim na mata ang bumungad sa kaniya. Humakbang ito palapit na nagpaatras na naman sa kaniya. Saglit pa ay napahinto siya nang isa pang tao ang walang pasabi na pumasok. Napahinto rin ang binatang matalim pa rin ang titig sa kaniya. "How are you, iha?" "P-po?" "What are you doing, Gian? Tinatakot mo ba si Gwen?" "No, Mom," tugon nito. Pinukol ng masamang tingin ng ginang ang anak at saka ay lumapit sa kinaroroonan niya. Abot-abot ang kabang nararamdaman niya at samo't sari ang nasa isipan. Paano kung saktan siya nito? Paano kung pagsalitan siya ng masasakit na salita? Subalit, lahat ng agam-agam niya'y naglaho nang yakapin siya nito. Lalo siyang naging tuod. "I'm sorry, iha. Sorry sa nangyari and I'll promise, hindi ka tatakbuhan ni Gian. You and my son will getting married soon," nakangiting sabi nito kasabay ang paghaplos sa pisngi niya. Hindi siya makapagsalita kahit pa nga naghuhumiyaw ang isipan niya. Gusto niyang tumanggi, pero ayaw makisama ng kaniyang bibig. Nanlalamig din ang buo niyang katawan. Naramdaman na lang niyang niyayakag na siya ng ginang patungo sa sofa. Maingat siyang pinaupo katabi nito. May ilan pa itong sinabi, ngunit hindi niya maunawaan. Ayaw pumasok ng sinasabi nito sa nanlalamig niyang isipan. "Iha, gusto kong makausap ang magulang mo." "P-po?" malakas niyang sambit. "A-ang m-magulang ko p-po?" nauutal niyang ulit. "Relax, iha." Naramdaman yata nito na kinakabahan siya. Ginagap nito ang nanlalamig niyang palad at marahang pinisil-pisil iyon. Napalunok siya ng laway. Bigla niyang na-miss ang ina. Ganoon din ang ginagawa ng ina niya sa tuwing kinakabahan siya. "Kailan ko puwedeng makausap ang magulang mo para mapag-usapan na ang inyong kasal?" "H-ho? S-sigurado ho ba kayo? Hindi naman ho kailangang umabot sa ganito, Ma'am. A-ayos lang ho sa akin ang lahat. Huwag niyo ho sanang ipilit ang isang bagay na alam kong magpapahirap sa kalooban ng iyong anak." Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit niya nasabi ang bagay na iyon. Sana lang ay hindi magalit ang ginang. Sa halip na magalit ay ngumiti pa ang ginang. "I like you, iha. At don't worry, napag-usapan na namin ito ng aking anak. Ayaw kong may naaagrabyadong babae. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal kayo ng aking anak. Pananagutan niya ang ginawa niya sa iyo." Muli ay nakaramdam siya ng panlalamig ng katawan. "P-paano ho si Zabrina?" Sinulyapan niya ang binatang nakatayo lamang. Umigting ang panga nito matapos marinig ang pangalan ng nobya. "She will be okay, iha. Humingi na ako ng tawad sa kaniya. I know, hindi niya matanggap ang naging desisyon ko pero ito ang tama." Naumid ang dila niya. Bigla siyang pinagpawisan. Muli ay napasulyap siya sa binata na ngayo'y matalim na namang nakatitig sa kaniya. Kung nakamamatay lang ang titig na iyon, marahil ay pinaglalamayan na siya ngayon. Matapos siyang kausapin ng ginang ay nagpaalam na rin ito. Nauna na itong umalis. Naiwang nakatayo pa rin si Gian. Nang mapagsolo sila'y agad na bumalasik ang anyo nito. Animo'y isang tigre na anumang oras ay puwede siyang lapain. "Are you happy now?" Napapitlag siya. Butil-butil na ang pawis sa noo kahit pa nga nanlalamig ang buo niyang katawan. Alam niya kung gaano kamahal ng binata ang kaibigan niya. Mahal na mahal higit pa sa buhay nito. "Masaya ka na ba?" pag-uulit nito kasabay ang pagkapit sa panga niya. Nabigla siya sa ginawa nito kaya hindi siya nakapalag. Pakiramdam niya'y bumaon ang daliri nito sa kaniyang panga sa sobrang diin ng pagkakakapit nito. Halos hindi na siya humihinga, idagdag pa ang matindig kabog ng kaniyang dibdib. "Kung inaakala mong magiging maayos ang ating pagsasama sa oras na naikasal tayo, you're wrong. Gagawin kong impiyerno ang buhay mo! Sinira mo ang buhay ko kaya sisirain ko rin ang buhay mo!" banta nito at pasalya siyang binitiwan na ikinatumba pa niya. Bumagsak siya sa sahig. Tinitigan lamang siya nito saka ay nagdudumaling lumabas ng bahay. Naiwan naman siyang nangangatal ang buong katawan, hanggang sa mabilis na naglandas ang luha sa pisngi niya. Makakatakas pa ba siya sa kinakaharap na sitwasyon?"GOOD evening ladies and gentlemen. Hindi naman lingid sa inyo ang nangyaring insidente sa amin twenty-two years na ang lumipas. Isang trahedya kung bakit hindi namin nakasama ang aming panganay na si Andrei." Mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ni Gwen ang nagsasalitang asawa. Marami ang taong nakapalibot sa kanila, ang ilan doon ay mga employees, nandoon din ang board member at ilan sa matataas na namamahala sa kompanya nito kabilang na si Adrix, kasama nito ang asawang si Celly. Si Francis at ang mag-ina nito. Maging si Lance at Eunice, at lahat ng kaibigan nito. "Ipinagluksa namin at nadamay pa ang nag-aalaga dito. But unfortunately, dinala ang paa naming mag-asawa patungo sa katotohanan. Katotohanang buhay pa ang aming anak. Hindi ipinagkaloob ng Maykapal na mawala ang aming anak. May mabuting puso na nagligtas dito. And now, I am proud to introduce to all of you our long lost son Gian Andrei McCollins!" Umalingawngaw ang boses ni Gian sa malawak na bakuran ng mansyon, kasab
"SWEETHEART..." May pag-aalinlangan si Gwen, dapat ba niyang sasabihin sa asawa ang tungkol sa lalaki? "Yes, baby?" Patalikod siyang niyakap ng asawa. "Anong gumugulo sa isipan mo?" Paano nito nalamang may gumugulo sa isipan niya? Hindi agad siya sumagot, bagkus ay muling pinag-isipan kung ipaalam pa ba sa asawa. Dumampi sa pisngi niya ang labi nito, bumaba sa leeg. Kagat-labing pumikit siya. Nagtagal doon ang labi nito, paulit-ulit na h******n hanggang sa humantong sa balikat. 'Yon naman ang pinaglaruan nito. Kahit may edad na sila, active pa rin silang mag-asawa sa s*x. Walang palya si Gian at masaya siyang naibibigay dito ang pangangailangan bilang lalaki. "Teka..." Maagap niyang pinigilan ang pumapaloob nitong palad, pilit hinahalukay ang underwear niya. "Hindi pa ako nakakainom ng p*lls." Mula sa nanlalabong kamalayan ay naalala niya ang gabi-gabing ginagawa. Huminto ito sa ginagawa. Kapwa namumungay ang mata nang iharap siya nito. "Okay lang, baby. Hindi mo na kailanga
HINDI mawala-wala sa isipan ni Gwen ang lalaking nakabunggo sa kanila habang papunta sa comfort room. Ang imahe ng lalaki ay nakatatak na sa kaniyang isipan at para bang may hinahalukay sa kailaliman ng kaniyang puso. Bakit parang pamilyar ito sa kaniya? Kaya nama'y pilit niyang inaalala kung nakita na ba ito noon, pero wala siyang matandaan, isa pa'y ngayon lang sila nagawi sa lugar na 'yon. Sa tuwing pumupunta sila sa puntod ni Andrei ay bumabalik kaagad sila. Parang may nag-uudyok sa kaniya na alamin ang buhay ng lalaking 'yon. Ayon sa kasama niyang bata ay kuya nito 'yon, pero hindi tunay na kapatid. "Are you okay, baby?" Bumalik ang isipan niya sa reyalidad nang maramdaman ang init ng palad ng asawa. Kinurap niya ang mata at tumitig dito. May gusto siyang sabihin. Alam niyang kapag humingi siya ng tulong dito'y madali lang niyang malalaman ang tungkol sa lalaking 'yon, pero nagdadalawang-isip isip siya. "S-sweetheart--" Nabitin sa ere ang balak sanang sabihin. Bakit nga b
NAKANGITI si Gwen habang pinagmamasdan ang kaniyang kambal na masayang naglalaro. Dumaan pa sila sa bayan ng Valencia, ang nakakasakop sa lugar na pinangyarihan ng trahedya. Fiesta pala sa lugar na 'yon. Marami ang nakahilirang iba't ibang uri ng pagkain at mga damit, may kung anu-ano pang mga tinda na nasa gilid ng kalsada. Nasa palaruan sila. Gusto raw maranasan ng kambal na maglaro kasama ang mga batang kalye. "Taya!" sigaw ng isang batang babae nang mahuli nito si Gale. Tawang-tawa naman ang kaniyang anak. Inihanda nito ang sarili sa paghabol sa mga bata kasama na rin si Giselle. "Andiyan na ako!" Nagsipatakbo ang mga bata at kambal nito. Kasing-bilis ng hangin sa pagtakbo ang mga bata. Naiwan pa ng mga ito si Giselle, ngunit kahit ganoon ay makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Ito ang pinunterya ni Gale. "They're both happy." Nilingon niya ang nagsalita. Lumapat sa baywang niya ang braso nito, maging ang labi ay naramdaman din niya. Isinandig niya ang ulo sa dibd
TWENTY-TWO YEARS LATER Nakamasid si Gwen sa kubo, walang dingding 'yon. Naliligiran ng iba't ibang klase ng rose at african daisy, ang lupa ay nalalatagan ng bermuda grass. May bakod na alambre at ang labas ay nagtataasang puno ang makikita sa labas. Nanginginig siyang pumasok. Ang lugar na kinaroroonan niya ngayon ay ang lugar na pinangyarihan ng insidente. Ang lugar na pinagkublihan nila nang hinahabol sila ni Larry. Ang lugar na kung saan ay kumitil sa walang muwang na buhay ng kaniyang anak na si Andrei. 'Till now, msakit pa rin sa kaniya ang sinapit ng kaniyang anak, hindi pa rin niya matanggap na maaga itong kinuha sa kanila ng Maykapal. Marahan siyang umupo, hinaplos ang lapida na kung saan ay nakasulat ang pangalan ng panganay niyang anak. Ngayon ang ika-twenty-two years na pagkawala ni Andrei. Sa tuwing sumasapit ang araw ng kamatayan ni Andrei ay nagtutungo sila sa lugar na 'yon. Binili rin ni Gian ang parteng 'yon para walang ibang makakapasok. Ilang taon na ang lumipas
"NO!" hiyaw ni Gwen. Nalaman niyang wala na nga ang kaniyang anak. Kasama itong sumabog sa kubo at si Nimfa. Nakaagapay sa kaniya ang asawa at maging ito ay luhaan din. Paulit-ulit din niyang naririnig ang paghingi nito ng tawad. "Baby... asawa ko. Patawarin mo ako." "No, Gian! Ibalik mo sa akin ang anak ko. Hindi ko kayang mawala siya. Please, ibalik mo siya," hagulgol niyang pakiusap sa asawa. Hagyang humiwalay ang katawan nito, sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Kaya mo 'yan, kaya natin. Para sa isa pang nabubuhay sa 'yong sinapupunan, mahal ko. Magpakatatag ka, please." Unti-unti siyang nahimasmasan, napahinto sa pagwawala pero hindi pa rin maampat-ampat ang pagdaloy ng luha. May isa pa nga palang nabubuhay sa sinapupunan niya. Nahaplos niya ang wala pang umbok na puson. Pero, paano si Andrei? Ang kaniyang anak na hindi mawaglit-waglit sa isipan niya. "Anak ko..." palahaw niya. Muli siyang niyakap ng asawa. "Alam mo, mas nanaisin ko pang ang nawala ay ang ating anak