Share

CHAPTER THREE

Penulis: Zenshine
last update Terakhir Diperbarui: 2021-06-01 18:47:00

UNANG araw ng trabaho ni Karina sa kanyang amo na si Winston. Hinatid siya muli ng mga body guards nito sa loob. Pagpasok niya pa lang sa gate ng mga Millers ay tila naglalakad siya sa isang red carpet. Lakas maka palasyo ng hallway nila. Gawa iyon sa marmol. Nakasuot siya ng simpleng T-shirt at maong na short. Mukha tuloy itong napadaan lang.

Sa gilid ng marmol na hallway na iyon ay may naggagandahang mga bulaklak. Sumasabay pa ito sa ihip ng hangin na tila sumasayaw. Hindi mapigilang mapangiti ni Karina. Masyado yata itong nag-concentrate sa mga bulaklak.

"Aray ko po!" reklamo ng dalaga nang mauntog sa isang matigas na dibdib.

"S-Sir Winston..." nahihiya pa nitong sambit habang unti-unting inaangat ang kanyang ulo upang ingnan ang reaksyon ni Winston. "Hehehe." Pilit nitong ngiti.

"Watch where you're going." Salubong ang kilay ni Winston nang sabihin niya iyon. Napa-pout tuloy si Karina sa katangahan niya. Unang araw ay bad impression agad ang ibinigay niya kay Winston. Paano niya mababawi ito?

"S-sorry, Sir," medyo nahihiya nitong sagot.

"Follow me," malamig na utos nito saka dumiretso sa loob.

Pagpasok mo pa lang sa malaking pintuan ng mala-palasyong bahay na iyon ay bubungad sa'yo ang mamahalin at malalaking plorera. Naglalakihang indoor plants at gintong mga dekorasyon. Maging ang chandeliers ay tila hindi kayang bayaran ng buhay ni Karina.

"Wow!" namamanghang wika nito habang nakasunod sa likod ni Winston.

Patuloy lang sa pagsunod si Karina. Hindi nga nito alam kung saan na sila dumaan sa laki ng bahay nila Winston at sa dami ng liko-liko nilang dinaanan.

"Nakakaligaw naman nitong bahay n'yo. Pakiramdam ko mawawala ako rito!" pagrereklamo ni Karina.

"Don't worry, I'm going to give you a tracker later on," paliwanag ni Winston.

"T-tracker?" Pag-uulit ni Karina.

"Yeah. Through it, malalaman mo kung saang parte ng mansyon ako matatagpuan," paliwanag nito.

"Ang galing naman!" parang batang sagot ni Karina. Labis talaga itong namangha.

Winston just smirked.

"We're here." Tumigil si Winston sa tapat ng isang kulay itim na pintuan na may gintong doorknob.

Hinimas-himas iyon ni Karina na tila 'di makapaniwala.

"Ginto talaga to, Sir?" namamangha niyang tanong.

"Oo," maikling tugon ni Winston saka binuksan ang pintuan.

"Ito ang kuwarto ko..." panimula nitong sabi. Inilibot ni Karina ang paningin sa buong kuwarto. Napakakalat! "Ngayon, alam mo na kung bakit kita kailangan?" dugtong pa nito bago iniwan si Karina mag-isa sa kanyang kuwarto.

For real?! Ang ganoon kaguwapong nilalang? Ganito kagulo ang kuwarto?! Joke ba 'yon?

Hindi makapaniwala si Karina sa kanyang nakikita. Naglakat ang mga bote ng beer, supot ng chips, mga gamit na T-shirts, pantulog, nagkalat na mga papel at kung ano-ano pa.

"P-pati ba naman brief pakalat-kalat din?" anito nang makita ang isang brief sa sahig ng kuwarto. Maarte niya itong hinawakan at bahagyang inamoy.

"Mabango naman, ah?" natatawang wika nito sa sarili.

"What are you doing?!" Gulat na gulat na tanong ni Winston nang mahuli ang ginawa ni Karina.

"Diyos ko! Nakakagulat ka na— S-Sir?!" Namilog ang mga mata nito.

"Drop that!" sigaw ng binata. Imbis na i-drop ay hinagis niya iyon kaya't tumama sa pagmumukha ni Winston.

"Sh*t," bulalas nito.

"S-sorry, Sir! Naku po!" sagot nito at natatarantang kinuha ang underwear sa mukha ni Winston.

"I said drop that thing! Not throw it, nor get it!" pagalit nitong boses.

"S-sorry na nga, Sir, e! Bakit ka ba galit, ha? Kasalanan ko bang pakalat-kalat itong brief mo? Inamoy ko lang naman para masigurong hindi pa ito nagagamit, e," Dire-diretso nitong sabi.

"F*ck, don't touch my personal things, or else..." huminto ito saglit saka tiningnan ang katawan ni Karina mula ulo hanggang paa. "I'll touch you," dugtong nito.

Lumakas naman ang kabog ng dibdib ni Karina dahil doon kaya't napabitaw tuloy ito sa brief ng binata.

"O-o, s-sige! Kapag pakalat-kalat pa iyan sa susunod ay hindi ko na lang ililigpit pa!" wika nito sabay talikod at nagsimula nang linisin ang ibang kalat sa kuwarto ni Winston. Dito na lamang niya ibinaling ang isang matinding kahihiyan.

Matinding linis ang kinakailangan ng kuwartong ito! Wika ng dalaga sa kanyang isipan. Paano ba naman kasi? Hindi niya alam kung kuwarto ba iyong pinasok niya, o compose pit! Sobrang daming kalat. Kahit siguro iisang tao lang ang pinagsisilbihan nito pakiramdam niya ay buong bahay ang nililinis niya. Sa laki ng kuwartong iyon, kasya na siguro ang isang mag-anak. Isipin mo na lang kapag lahat sila nagkalat. Katumbas lang 'yon ng isang Winston Miller.

"Ibang klase," bulong ni Karina sa kanyang isipan.

Maggagabi na 'nung natapos si Karina sa paglilinis. Gano'n na lamang ang pagdalaw ng antok sa kanya. Siguro dahil sa pagod. Saglit itong naupo sa sahig at sumandal sa gilid ng kama ni Winston.

Ilang saglit pa nga ay nakatulog na kaagad si Karina. Dilat pang bahagya ang mga mata nito habang natutulog. Hilik pa ng hilik.

Saktong pag-uwi ni Winston galing sa trabaho ay nadatnan nitong malinis na ang kuwarto. Sa sobrang linis ay maging si Karina ay hindi niya agad nakita.

"Where did she go?" wika nito sa kahanginan.

Nilibot niya ang buong paligid at nakitang tumba na sa sahig si Karina at tulog na tulog. Napailing-iling na lamang si Winston sa dalaga.

"You're loud even you're asleep. Tsk," rekamo nito. Naghihilik kasi si Karina.

Sa loob ng kuwarto ni Winston ay mayro'n pang isang kuwarto na sakto lamang ang laki para sa isang tao. Binuhat niya si Karina saka ito pinasok sa isang kuwarto. Pagkalapag niya sa kama ng dalaga ay nagsalita pa ito habang tulog.

"M-mama," bigkas nito sa kalagitnaan ng kanyang pagkahimbing kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang pisngi.

Pinunasan iyon ni Winston gamit ang kanyang palad.

"Whatever you're going through, I'll be here." Puno ng assurance ang salitang iyon. Mula kasi noong makita niya si Karina sa bar ay tila may kung anong magnet ang humatak sa kanya papunta sa dalaga upang iligtas ito. Noong araw na iyon, pinangako niya sa kanyang sarili na babaguhin niya ang buhay ng babaeng 'yon. Ang buhay ni Karina. There is a lit of feelings inside his heart na tila bahagyang umapoy, unang kita niya pa lang sa dalaga.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Victorico Galit
kakaawa nga sya she.nids help
goodnovel comment avatar
Your Sunshine
may new story po si Ms. Zenshine. ... • Hiding The Ceo's Baby • The Casanova's Contracted Wife
goodnovel comment avatar
Marcial Incomio
parang gusto q n din mapakagat labi
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • His Personal Maid   CHAPTER 87

    Hindi na magkandaugaga ang mga kaibigan at pamilya ni Karina sa paghahanda para sa pag-uwi nito. They have prepared a surprise dito mismo sa bagong condo na binili ni Winston para kay Karina at sa tiyahin nito. Okay na rin sina Evo at Winston. Sa katunayan, si Evo pa mismo ang nag-offer ng tulong sa kung ano mang balak ni Winston sa relasyon nila ni Karina starting today. FLASHBACK. . . "Para quits na tayo, gusto kong tulungan ka kay Karina." Suhestiyon ni Evo. Nasa labas sila ng hospital. Katatapos lang kasi na dalawin ni Evo si Karina. Doon niya napagtanto na kailangan na nga talaga niyang isuko ang dalaga, hindi dahil alam niyang hindi siya nito magagawang mahalin, kundi dahil hindi talaga ito para sa kanya una pa lang. "What do you mean?" Inis na nagsalubong ang kilay ni Evo. "Tsk. How have you become so slow, man? Pakasalan mo na si Karina! Ano pa ba ang hinihintay mo? Panibagong delubyo? O, ba

  • His Personal Maid   CHAPTER 86

    Iminulat ni Karina ang mga mata niya at halos mapapikit siyang muli sa tindi ng silaw na tumama sa kanyang mga mata. "Nasaan ako?" aniya sa sarili. Hindi siya pamilyar sa lugar pero puro puti ang nakikita niya sa paligid. Pagod na pagod siya sa paglalakad. Kanina pa niya binabagtas ang mahabang daan na ito kahit na wala siyang ibang maaninag kundi puro kaputian. Nang makarinig siya ng isang pamilyar na boses. "Anak." Nanginig siya sa narinig niya. Agad na nanghina ang kanyang mga tuhod nang mapamilyaran ang boses ng kanyang ina. She cried. She cried so much. Nagmistulang ilog ang mga luha niya at hindi na tumigil sa pagpatak. Humawi ang mga ulap at napatakbo siya nang maaninag ang imahe ng kanyang ina. "Mama?!" umiiyak nitong sigaw. Agad siyang napatakbo para yakapin ang ina niya na sobra-sobra niyang na-miss. Wala siyang ideya kung bakit niya ito kasama ngayon pero hindi na niya iyon

  • His Personal Maid   CHAPTER 85

    Kung tatanungin niyo naman kung ano ang nangyari kina Tiffany at sa ama niya, ngayon ay hinihimas nito ang malamig na rehas ng bilangguan. Hindi na nila nagawang tumakas dahil pinalibutan agad sila ng mga body guards no'n nina Winston."Where's my daddy?!! Take him out of here you fools!!! Mga wala kayong alam sa nangyari!!" Walang humpay na nagsisigaw si Tiffany na parang bata. Hinahanap sa bilangguan ang daddy niya. Mabuti nga at naawa pa sa kanya sina Mrs. Olivia at hindi siya dinamay sa pagkakakulong ng daddy niya.Pero pinagtawanan lang siya ng mga pulis. Hindi na nila ito pinansin dahil ilang araw na rin itong pabalik-balik dito, ganyan siya bumati sa mga pulis tuwing binibisita ang daddy niya kaya nasanay na sila.***Kinailangan ng doctor na tanggalin ang lobe sa lungs ni Karina. It isn't much risky. Mabuti na lang at hindi matindi ang tama nito sa lungs niya. Hindi ito mmasyadong napuruhan pero nahirapan sila doon. This is the only way the

  • His Personal Maid   CHAPTER 84

    Karina was rushed into the operating room. Hindi na sila pinapasok ng doctor dahil bawal at emergency situation na iyon. Kung ano man ang mangyari, ay baka ma-shock pa sila. Takot na takot na hinayaan ni Winston na dalhin ng doctor sa loob si Karina. Kung puwede lang na hawak-hawak niya lang ito sa kamay hanggang sa magising ito ay ginawa na niya. But there are procedures she needs to undego. Sa operating room ay nandoon na ang anesthesiologist at ang trauma surgeon kasama ng mga nurses. Katulong ang anestheiologis para mapanatiling buhay si Karina sa isang napakakritikal na oras ng buhay niya. They inserted a breathing tube on her inorder to manage her breathing status. Mabilis ang bawat pagkilos nila dahil marami nang dugo ang tumagas kay Karina because of some tubes left wide open. Kinailangan pa niyang salinan ng dugo. Walang problema. Sagot lahat ng mga Miller. Lahat ng gastos ay hindi iniinda ng bulsa nila. Ang iniinda nila ay ang sakit ng

  • His Personal Maid   CHAPTER 83

    The grandest wedding is about to happen few moments from now. Kalmado lang si Karina na nakaupo sa right side ng church. Everything is perfect. The arrangements, the details, and everything ay halata namang mamahalin. Imbitado ang lahat ng mga business partners ng pamilya nina Tiffany. The investors, and some friends from a higher social status. Hindi man lang nakaramdam ng kaunting kaba sa dibdib si Karina. Inaasahan niya pa naman sana na iiyak siya ngayon. Pinaghandaan na niya ang pag-iyak niya, e. If not for Mrs. Olivia. Talagang gagawin nito ang lahat para sa anak niya. Kahit sino naman sigurong ina ay hindi hahayaang mapunta ang anak nila sa pamilya nina Tiffany. Kilala niya ang galaww ng bituka ng mga ito. They know how to play dirty. Hindi nila alam, sanay maglaro sa putikan si Mrs. Olivia. Nasa kaliwa ni Karina si Evo, samantala, sa kanan naman niya ay si Mr. Tao at katabi nito si Eliza kaya ayun ay kilig na kilig ang babae

  • His Personal Maid   CHAPTER 82

    Several days have passed. Akala ni Tiffany, her plan is going smooth and fine. Napahawak siya sa fake baby bump niya saka tinanggal ito. "Ang init mo sa tiyan, anyway, handa naman akong panindigan ang pagsisinungaling ko para maging akin ka, Winston. I can do it my way. I have all the money to do it. Maging akin ka lang," nababaliw na wika nito sa sarili niya. Ngiting tagumpay si Tiffany habang tinutungga ang kanyang wine. Mag-isa siya ngayon sa kuwarto, she prepared a bed of roses on her bed. She is going to have a beauty rest today dahil bukas, ikakasal na siya, finally kay Winston. She had finally closed the deal with her make-up artist, Karina. Naisip niya na hindi naman pala masama na nandoon siya bilang make-up artist nito para makita niya kung gaano kasakit sa pakiramdam na makita ang lalaking mahal niya na itatali sa iba. Nababaliw na yata siya pero hindi niya mapigilang mapangiti sa tuwing iniisip niya ang magiging itsura ni Karina sa kasal niya. &nb

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status