MAKALIPAS ANG APAT NA TAON.
Si Nenita ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Journalism. Akala niya hindi niya kakayanin. Akala niya hindi siya makapagtapos sa kolehiyo. Ngunit lahat ng hirap sa pag-aaral ay nalagpasan niya sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya—ang pamilyang Montefalco. Nagtapos siya na may mataas na marka at naging isang Cum Laude.“Congratulations, baby girl namin!” sinalubong siya ng yakap ni Javier. May dala itong flower bouquet. Nakiyakap rin si Ethan na tuwang-tuwa kay Nenita.Hinanap ng mata niya si Enrico pero wala ang lalaki. Nakaramdam siya ng lungkot pero hindi niya iyon pinahalata. '𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘵𝘦𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘬𝘢𝘥, ' aniya sa sarili.“We are so proud of you, Net.” Naluluha ang mata sa saya na wika ni Don Emmanuel.“Thank you po. Kung hindi dahil sa inyo, sa suporta niyo, hindi ko ito mararating,” emosyonal niyang sabi. “Utang ko sa inyo ang narating ko ngayon.”Hindi madali para sa kanya ang lahat. Ngunit hindi niya naisipan na bumitaw dahil ito ang kanyang pangarap. Ngayon, bitbit na niya ang kanyang diploma, may lakas na loob na siyang ipagmayabang ito sa pamilya niya.Ngunit, worth it ba? Tatanggapin na ba siya at ipagmalaki ng kanyang ama kung uuwi siya doon bitbit ang kanyang diploma? Kase sa pagkatanda ni Nenita, hindi pabor ang kanyang ama sa pag-aaral niya.Nag dinner lang sila sa isang sikat na restaurant pagkatapos ay umuwi rin. Hindi nila nakasama si Enrico. Wala rin ito sa bahay pagka uwi nila. Wala ring binanggit ang mag-ama kung nasaan ang lalaki kaya hindi nalang nagtanong si Nenita.Personalize ballpen ang iniregalo sa kanya ni Don Emmanuel. Kay Javier ay pocket money fo her travel abroad. Kay Ethan ay personalize Louis Vuitton wallet. Sa loob niyon nakatatak ang pangalan niya “NET”.Isang malalim na paghinga ang kanyang binitawan nang isabit niya sa pader ang kanyang medalya. Malungkot ang mga mata na sinuyod niya ng tigin ang buong pader kung saan naroon ang iba niya pang mga awards.Hindi ito alam ng magkapatid lalo na ni Don Emmanuel dahil hindi naman sila pumapasok sa kwarto ni Nenita. Hindi rin ipinapaalam ni Nenita sa kanila noong mga panahon na may awards siyang nakukuha sa mga pagsali niya sa school contest at iba pa.“Kailan ko kaya ito masasabit lahat sa bahay namin? Maging proud kaya si tatay at nanay kapag nakita nila ito?” aniya na may hinanakit sa dibdib.Masaya siya sa kanyang narating. Ngunit may kulang. Iyong saya niya hindi buo dahil kahit isa man lang sa kanyang pamilya ay wala noong nagtapos siya.Nag-aral siya ng kolehiyo na hindi alam ng kanyang mga magulang. Mahirap man itago ngunit nagawa iyon ni Nenita sa loob ng apat na taon. Ang sustinto niya sa mga kapatid ay hindi niya hininto. Abunda kase siya sa pera noong nag-aaral siya. Ni hindi niya naranasan na mamoroblema dahil kulang ang allowance niya at wala siyang budget sa pang araw-araw.“Sana dumating ang araw na matanggap rin ni tatay ang pangarap ko. Para rin naman ito sa kanila. Sa ikabubuti nang aming pamilya.”Malalim na ang gabi ngunit hindi siya makatulog. Ngayon na graduate na siya hindi niya alam kung ano susunod niyang plano. Ngayon pakiramdam niya nagtapos lang siya sa pag-aaral nang sa ganoon ay may mapatunayan siya sa kanyang ama na kaya niyang abutin ang kanyang pangarap na walang tulong, alang suporta na galiing sa kanila.She was about to close her eyes nang makarinig siya ng katok mula sa labas ng pinto ng kanyang kwarto. Rumigidon ang kanyang puso nang marinig ang boses doon ni Enrico.“Net, tulog ka na ba?”Mabilis siyang bumangon at tinakbo ang pintuan. Inayos niya muna ang sarili bago buksan ang pinto. Enrico smiled at her apologetically. Makikita rin sa mata nito ang pagod at antok. Nagsalubong ang kilay ni Nenita dahil alam niya kung saan ito galing.“Sorry, hindi ako nakapunta kanina,” paumanhin ni Enrico. “Congratulations.”TUmango si Nenita. “Ayos lang. Salamat.”Gustong magtampo at magalit ni Nenita pero wala naman siyang karapatan dahil hindi naman siya obligado ni Enrico. At alam niya rin na busy ito kung kaya’ hindi ito nakapunta kanina. Pero nang maamoy ni Nenita ang alak sa lalake, hindi niya naitago ang pagtatampo niya kay Enrico.“Bukas ko na ipapakita ang regalo ko,” aniya at ginulo ang buhok ni Nenita. Maliit siyang ngumiti sa babae, ngiti na pinaghalong pagod at antok. “It’s already late. Matulog ka na. Good night. Congratulations ulit.”Si Enrico na ang nagsara ng pinto kaya wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa kanyang kama at mahiga. Pasado ala-una na ng madaling araw pero hindi talaga siya dinadalaw ng antok. Nakahiga lang siya nakatingin sa kisame habang naglalakbay ang kanyang isipan.Kinaumagahan late na siya nagising. Walang may gumising sa kanya kaya nagtataka siya. Hinanap niya sa mag-ama ngunit walang tao sa kusina. Kaya naisipan niyang umakyat sa taas at tingnan ang mga kwarto nito kung natutulog pa ba sila. Ang kwarto ni Javier ang una niyang kinatok. Walang sumasagot. Nang subukan niya pihitin ang door knob bumukas iyon. Ngunit wala si Javier. Walang bakas na dito ang lalaki. Isinara niya ulit ang pinto at sunod na tingo ang kwarto n Ethan. Ngunit wala rin doon ang lalaki. Napakamot siya sa kanyang ulo sa pagtataka kung bakit wala ang magkapatid gayong kapag ganitong oras ay naroon na ang mga ito sa sala nagbabangayan.Bago umakyat sa kwarto ni Enrico, dumaan muna siya sa office ni Don Emmanuel. Kumatok muna siya ngunit walang sumagot galing sa loob kaya binuksan niya na lang ang pinto. Wala ring tao. Ngunit nagkakalat sa sahig ang mga papel. May old news paper pang nandoon na nahagip ng kanyang mata.Imbis na ligpitin, umalis nalang siya. Hindi kase siya iyong tipo ng tao na kapag hindi inutos sa kanya ay hindi niya gagawin lalo na kapag nakikita niyang isa iyong importanteng bagay. Patakbo siyang umakyat sa ikatlong palapag kung saan ang kwarto ni Enrico, ngunit wala rin doon ang lalaki.Hingal-aso na muli siyang bumaba. Pasalampak na umupo siya sa couch. Ang tahimik ng buong bahay. Madalas naman siyang mag-isa rito ngunit ngayon niya lang naramdaman ang kalungkutan at kahungkagan. Imbis na magmukmok, naisipan niyang umuwi nalang sa kanilang bahay.Habang naglalakd siya palabas ng mansyon, nakatanggap siya ng mensahe sa tatlong magkapatid.Javier: Gising ka na siguro. Btw, hindi na kita ginising dahil maaga akong umalis. Good morning and congratulations again.Ethan: May pagkain d’yan sa ref initin mo lang kapag kakain ka. Nandito ako sa Cebu. Hindi na ako nakapagpaalam dahil nagmamadali ako.Enrico: Bawi kami mamaya sa dinner. May importante akong lakad kasama si dad.Napanatag siya doon. Ni replayan niya ang mga ito at sinabing uuwi muna siya sa kanilang bahay. Nang wala siyang nakuha na reply, isinilid niya ang kanyang cellphone sa bag at nagpara ng tricycle.SA KABILANG BANDA, seryosong nag-uusap ang apat na lalaki habang nakatingin ang mga ito sa laptop. Pinapanood nila ang taong matagal na nilang binabantayan. Ngunit hanggang ngayon ay wala parin silang makita na isang dahilan para ito ay hulihin. “Paano natin siya mahuhuli kung ayaw niyang kumagat sa patibong?” ani ng lalaki na seryosong nakatingin sa laptop.Napabuga naman ng hangin ang isa pang lalaki na katabi nito na animo’y nagsasayang lang sila ng oras para sa ganitong bagay. “Paano kung inosente nga talaga siya?” aniya sa mga ito.Humalukipkip ang lalaki na kanyang kaharap. “Iyon rin ang naisip ko. Kase kung may balak siyang masama bakit hanggang ngayon ay wala parin tayong nakikita?”“Wag tayong pakampante,” ani ng lalaki na pinakamantada sa kanila . “Nasubaybayan nga natin siya ngunit hindi natin alam kung ano ang sinusulsol sa kanya ng taong nagmamanipula sa kanya. Baka biglang magbago ang pananaw niya na ikapahamak nating lahat.”Ilang taon na nilang sinusubaybayan ang bawat galaw ng taong tinitingnan nila sa laptop. Ilang pain na rin ang kanilang ginawa ngunit hindi man lang ito natukso na kumagat. Matalino, magaling, pulido ang bawat hakbang na ginawa niya. Inosente na para bang walang balak na masama.“Paano kung ibigay nalang kaya natin ang gusto niya?” suhestiyon ng lalaki na kaharap ng matanda.“Ano pa ba ang hindi natin naibigay sa kanya? Lahat ng posibleng maging dahilan niya ginawa kong pain pero may nangyari ba?” ani ng matanda. “Wala na akong ibang maibibigay na pain dahil wala naman tayong dumi na tinatago.”Iyon rin ang palaisipan sa kanila. Kung ano ba talaga ang pakay ng taong ito sa buhay nila. Isinara ng seryosong lalaki ang laptop nang wala silang makuha na ebidensiya. “Tigilan na natin ‘to. Baka nga nagkamali lang tayo. Baka nga inosente lang talaga siya ngunit kailangan niyang sumunod sa utos.”Hindi na iyon pinagtalunan ng apat. Ngunit hindi ibig sabihin na kampante na sila at baka naglilikom lang ng maraming impormasyong ang tao na iyon tungkol sa kanila at naghihintay ng tamang panahon para iyon isiwalat sa publiko.Hindi naman sila natatakot. Dahil una sa lahat wala silang sikreto. Wala silang ginagawang masama. Wala silang gawain na masama. Kaya hindi rin nila maitindihan kung bakit matiyaga silang iniimbestigahan ng tao na iyon.Graving will always hits you. Later on, you're okay; you're accepting that someone will never be with you anymore. But, on the other side you miss them, and hope that they are still with you, celebrating the small wins in your life.“Ikakasal na ako," saad ni Nenita habang hinahaplos ang lapida ng ina. “Sorry ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon lang lumakas ang loob ko. Nito ko lang natanggap ng buo ang lahat ng nangyari. Thank you, “ she started to cry. " Thank you sa lahat ng mga sinakripisyo mo, sa pagmamahal mo.”She's getting emosyonal again. Pero maayos na siya. Tanggap na niya. Naiiyak lang siya dahil isa sa mahalagang tao sa buhay niya ang wala sa araw ng kasal niya. “Sa susunod na pagbalik ko, kasama ko na ang lalaking mahal ko. Ipakilala ko siya sayo." PINAG-ISIPAN, pinagplanuhan niya ito ng maigi. Nang maka uwi sa kanilang bahay kinausap ni Nenita ang mga magulang.“Hihingi sana ako ng tulong sa inyo, ‘tay." Aniya at sinabi sa mga ito kung ano ang dahilan bakit siya humin
Hindi pa nila napag-usapan dalawa kung kailan ang kanilang kasal. Sinusulit pa nilang dalawa ang pagiging mag-fiance nila. Sinusulit pa nila ang mga araw na wala pa silang ibang responsibilidad kundi ang bawat isa. They always go on date. Mamasyal kung saan nila gusto. At ang paborito nilang gawin, is to travel. So, King decided to transform his car into a camping house car to tour around the beautiful places here in Philippines—that's their goal. And soon, when King can walk again, iikutin nila ang buong mundo kasama ang kanilang mga anak. Salitan silang dalawa ni Nenita sa pagmaneho. They were both happy and enjoy. King planned where to propose Nenita again. He wanted to make it something special and memorable for both of them. “Parte pa ba ito ng Sagada?" Tanong niya kay King dahil ngayon lang siya napadpad sa lugar na ito. Paakyat sila sa matarik sa lugar. Ang daan ay napalibutan ng mga nagtataasang pine trees at iba't ibang uri ng mga kahoy. Hindi naman mukhang nakakatakot
“Ang dami mong call sign sa’kin. Tangina mo ka!" Naiiyak na pinalo ni Nenita ang balikat ni King.Paano pa siya iiwas at pagtakpan ang tunay niyang naramdaman kung may pagbabanta ng sinabi si King sa kanya? Wala parin siyang kawala kung lalayo siya at magtago. Tama rin ang mga sinabi ni King, kung patuloy siyang magpadala sa takot at pagdududa siya lang rin ang masasaktan at mahihirapan. Parehas silang dalawa ng nararamdaman, nang gustong mangyari, at wala na ring hadlang, ngayon pa ba nila sukuan ang bawat isa?King chuckled ang gigglingly hugged Nenita. “Ano ang bumabagabag sayo bakit hindi mo masabi sa akin na mahal mo ako?" King asked in sweetie's way.Kusa siyang binitawan ni King. Hindi na pumalag ai Nenita nang ipagsiklop ni King ang kanilang mga palad. Habang tinitingnan niya si King, kung paano ito magmaka-awa sa kanya, paano ito umiyak sa harap niya at ipakita ang tunay na siya, napagtanto ni Nenita na ang swerte niya dahil may King sa buhay niyang mahal na mahal siya.H
Malinaw ang sinabi niya kay King na wala silang relasyon dalawa, tapos na ang ugnayang mayroon sila noon kaya wala siyang ibang maisip na dahilan bakit panay ang pag punta ni King dito sa bahay nila kundi ang tungkol sa ama niya.She's prepared for this. Pero ngayon na nandito na siya sa sitwasyon bigla siyang naduwag, bigla siyang natakot sa maaring kahinatnan ng kanyang ama. But, how about King? What about the fear, trauma and being person with disability for the rest of his life kung hindi niya makuha ang hustisya sa sarili at pagbayarin ang taong sumira ng buhay niya?It's not fair. Hindi makatarungan kung hahayaan na lang iyon at kalimutan.Huwag lang marinig ni Nenita na dahil sa pagmamahalan ni King sa kanya kaya nagbago ang kanyang desisyon. Dahil ayaw niyang gawin na dahilan ang sarili para lang maudlot ang katarungang dapat makuha ni King.Sa bakuran niya natagpuan si King. Ka aalis lang ng mga magulang niya at kapatid, siguro upang mabigyan sila ni King ng oras na makausap
“Nak, mag iisang oras ka na diyan hindi ka pa ba tapos maligo?" Wika ni Fatima habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Nenita. “Papasok ako ha." Naka upo sa gilid ng kama, tulala si Nenita sa kawalan habang tuwalya lang ang tanging sapin sa katawan. Mukhang kanina pa ito tapos maligo dahil tuyo na ibang parte ng buhok nito.Fatima crossed her arm. Sumandal siya sa nakasaradong pinto, nakataas ang isnag kilay at nanunuri ang tingin kay Nenita. “Nagdadalawang-isip ka ba na magpakita sa kanya o kung hindi ka makapili ng damit na susuotin mo?" Pabagsak na humiga sa kama si Nenita. Wala siyang pakialam kung lumihis man ang tuwalya niya sa hita at makita ng nanay niya ang hindi dapat makita. “Wala sa choices, Nay." Ngunit ang totoo, nahihiya siyang magpakita kay King nang maalala ang mga nangyari noong isang araw. Ang mga pagyakap niyang daig pa ang linta kung lumingkis.“Okay, sabi mo e. Kaya pala ako nandito dahil aalis kami ng tatay mo." Umangat ang ulo ni Nenita upang silipin ang
Bumitaw ng yakap ang mag-asawa nang makita si Nenita na tumatakbo palapit sa kanila na walang sapin sa paa. Umiiyak ito.“Anak, bakit—”Naputol ang dapat na sasabihin ni Hernan nang salubungin siya ng mahigpit na yakap ni Nenita at doon humagulgol sa bisig nito. Malungkot, naaawa kay Nenita na nagkatinginan ang mag-asawa ngunit kalaunan parehas nila itong niyakap.Tanging iyak lang ang nagawa ni Nenita. Nawalan siya ng sasabihin sa nabasa niyang sulat galing sa ina. Ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. Nasagot na ang tanong na dapat niyang marinig. Wala ng kulang. Wala ng espasyo at puwag sa puso niya. Finally, sa mahabang panahon na puno siya ng pagkukulang, naging buo na rin ang pagkatao niya.“Tay…” umaatungal niyang tawag sa ama. Panay naman ang pagpapatahan ni Hernan habang nasa tuktok ng ulo ni Nenita ang labi at yakap ito ng mahigpit—yakap ng isang ama na ramdam mong ligtas ka." Tay, nasagot na ang lahat ng mga tanong ko,” puno ng luha ang mata na tiningala niya ang ama.