Home / Romance / His Poisonous Touch / Chapter 1.1 : Photoshoot

Share

His Poisonous Touch
His Poisonous Touch
Author: Black_Angel20

Chapter 1.1 : Photoshoot

Author: Black_Angel20
last update publish date: 2026-01-31 08:11:36

LALAINE

Sa isang magulong mundo. Pinili kong tahakin ang trabaho na kung saan ay hindi ko alam kung hanggang saan at hanggang kailan ito magtatapos.

Sa labis na pangangailangan, lalo at ako lamang ang inaasahan sa aking pamilya. Bilang kilala sa larangan ng pageant, dagsa ang pangalan kahit noong nag-i-eskuwela pa. Nagkaroon ako nang pagkakataong pasukin ang mundo ng entertainment industry.

I am a model and an actress.

Kasabay nang muling pagharap ko sa linte ay lumitaw ang sinanay ko nang de-kalidad na ngiti.

Nakalaan lamang iyon sa nakakaumay na photoshoot dito sa Berlin.

Personal na kinabisa ko ang pilit na pag-angat ng labi pagkatapos ay sinuri nang mataimtim.

Patok sa photographer at sa mga staffs, sunod-sunod ang klik ng camera na tila ay isang sirang plaka.

Pagod na ako. Gusto kong mag-break muna.

Ngunit malayo pa ako sa oras.

Kailangan ko pang tibayan ang kalam nang sikmura. Piliting magpakatatag sa napili kong karera nang buhay, na ngayon ay unti-unting nagbigay sa akin nang panibagong pag-asa makausad man lang.

"...and cut," sigaw ng direktor.

Sumunod na tumigil ay ang photographer.

Nakangiting lumapit sa akin si Vicky. Dala ang pampalubag-loob. "You posed too impressive, Lalaine. Marami na naman sa mga kalalakihan ang mabibighani sa women's magazine."

Siya ang aking personal assistant.

Siya rin ang matagal ko nang nakilala sa industriya na paunti-unti ay nakasanayan ko na.

Ngumiti ako kay Vicky. "Can I get my phone for awhile?" Tanong ko, nakaumang ang kamay paharap sa kanya.

"Saka na muna kapag natapos na tayo sa photoshoot. Kanina pa kasi nakamasid sa atin ang Berliner direktor. Baka kako magalit, masita pa tayo ni Bross." puna ni Vicky.

Nilingon ko ang tinutukoy nito. Naroon nga ang lalaking direktor. Nakamasid sa akin na tila isa akong dyamante sa loob nang malaking ataul. Hinarap ko si Vicky at batid ko'y pareho kami nang iniisip.

Umiling ako kasunod. Nalukot naman ang mukha niya.

"Actually, Lalaine. Inatasan na ako ng management mo kanina habang nasa photoshoot ka, I'm sorry. Alam mo naman na personal assistant mo lang ako. Hindi ako makakatanggi."

Malakas akong napabuntong-hininga. Lihim kong tinanggihan sa isipan ngunit hindi ako maaaring makaatras pa.

Si Mr. Schmidt ay ang direktor na taga-Berlin. May edad at balbas-sarado ang lalaki.

Kagat ko ang labi na muling nilingon ito nang palihim. Nalukot ang mukha ko. Mayaman si Mr. Schmidt, ito rin ay palaging invited sa mga sit-com na kalaunan ay mapupunta sa real life interviews bilang guest.

Subalit, masyadong malaki ang katawan nito. Ang tiyan ay ang nauuna kung susubukan mang maglakad nito.

Mas lalong hindi ako komportable. Iniwas ko ang paningin at nanalangin na sana'y mabait itong si Mr. Schmidt.

Ito ang katotohanan sa trabaho na ito.

Sa industriya kung saan ako napapabilang. Wala ako sa lugar upang tumanggi o tumutol. Mga piling personalidad lamang ang nakakagawa niyon at lahat sila'y lima, anim o kahit isang dekada nang nag-aartista o nag-momodelo.

Kung ikukumpara man sa karanasan kong siyam na buwan pa lang, lugi ako.

Ang katulad kong baguhan, sa mga mata ng producers, directors, management at staffs ay presko at hindi pa nalalaos ng masa, wala kaming ibang masasandalan kundi ay ang sariling desisyon, iwaglit ang sariling paniniwala, dignidad at prinsipyo.

Lunok sa laway at iisiping lilipas rin ang oras. Dapat panatilihin ang sariling maging matatag. Ano man ang iutos nang kataas-taasan, tatanggapin iyon ng mga artista na walang paglabag.

Marami sa mga katulad kong baguhan ang lakas-loob na tumanggi ngunit sa huli, ang mga ito ay nadedehado rin.

Balewala ang awdisyon na naipasa. Balewala lahat nang sakripisyo at pilit na pagiging makapal ang mukha. Ako si Adelaine, kilala sa screen name bilang Lalaine ay walang magagawa kundi ay ang sumang-ayon kahit labag sa aking loob.

Ito ang ikatlong pagkakataon na nakaalis ako ng bansa. Dala nang katatagan sa sarili at determinasyon, nakamit ko ang kagustuhan na makapasok sa mundo ng entertainment o show business.

Lahat para sa akin ay bago. Isang bagay lamang ang hindi ko gustong gawin, at iyon ay ang bagay na hindi ako kailanman makakatanggi.

"Ayusin mo ang pakikitungo kay Mr. Schmidt, Lalaine. Malaki ang ibinayad niya upang maisakatuparan itong production shoot natin dito sa Germany. Ikaw ang gusto niyang makilala. Be demure and honest. Ayaw ni Mr. Schmidt ang nagsisinungaling." Mahigpit na naisatinig ni Bross.

Noong huling beses akong nakipag-plastikan sa isang direktor ay pinigilan ko ang sariling hindi masuka. Halos ilang beses ng lalaking iyon hinawakan ako sa braso, sa binti at palad na nagpapahiwatig nang pakikipagtalik ngunit tumanggi ako.

Hindi ko maaatim na isawalang-bahala ang dangal na mayroon ako bago ko itinuloy ang karera na ito.

"Nakikinig ka ba sa akin, Adelaine?"

Inangat ko ang tingin kay Bross. Ang binabae kong manager. Napilitan akong tumango sabay ibinaba ang ulo.

"Dapat lang ha? Napahiya mo ako noong nakaraan. Mabuti na lamang at marunong makisama iyong si Mr. Holt at nauwi ang komosyon sa mahinahon na usapan." Pagpapaalala nito.

Yumukod si Bross pagkatapos. Nagpang-abot ang mga mata naming dalawa. Tinapik niya ako sa balikat sabay sabing, "sa showbiz, hija. Hindi ka dapat pa-piteks-piteks lang. This is give and take. Lalo na at baguhan ka, lahat ng mga bigating direktor o kahit ano pang estado sa buhay, ang mga taong iyon ay gustong makasalamuha at matikman ka. Kaya go na. Ikaw rin, malaking pera ang makukuha mo, baka masayang lang."

Kagat ko ang labi. Hindi gustong marinig ang kawalang-habas ng dila ni Bross. "Susubukan ko 'ho,"

"Anong susubukan?" Bahagyang tumaas ang boses nito ngunit hindi naman galit. Gusto nitong sindakin lang ako upang sumunod sa kagustuhan ni Mr. Schmidt.

"Huwag mong subukan lang, Lalaine, dapat gawin mo! Kilala mo naman siguro iyong si Michelle sa kabilang network, ayun milyonarya na. Kung gusto mong makatulong sa nanay mo. Huwag mo nang itago pa ang pambato mo sa pagsisimula ng karerang ito. Kung gusto mong umusbong ang career mo, huwag mo nang patigasin pa ang ulo. Pumasok ka sa industriyang ito bilang birhen, aalis ka sa industriyang ito na hindi na birhen. Kaya magdilang-anghel ka bago pa mandilim ang paningin ko sa iyo. Sundin mo kung anoman ang gustong gagawin ni Mr. Schmidt sa iyo."

Mas inilapit ni Bross ang mukha sa akin. Ang ngiti ay umabot hanggang tainga na tila ay sabik. "Isa pa, narinig ko sa kabilang team na malaki 'raw magbigay ng tip iyang si Mr. Schmidt. Ayusin mo, kung ayaw mong mapabalik tayo sa Pilipinas nang hindi pa tamang oras." Umayos ito nang tayo.

"Naiintindihan mo ba, Lalaine?"

"O-opo," napipilitan kong tugon.

"Ano kamo? Hindi kita marinig. Pakilakasan ang boses, Lalaine." Naka-krus ang mga braso nito paharap sa akin. Nagtitimpi.

"Opo!"

"Anong opo iyan? Opo doon sa sakahan ba?" Pagbibiro nito na may diin.

"Opo! Susundin ko po ang kagustuhan ni Mr. Schmidt."

"Perfect! Hala sige. Itaas ang bendera, hija. Natauhan ka rin sa wakas. Tumungo ka na roon sa labas. Naghihintay sa iyo roon si Mr. Schmidt."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Poisonous Touch    Chapter 11.1: Marriage Certificate

    LALAINE Asawa? Kung gaano kabigat bigkasin ang salitang iyon ay ganoon rin ka-timbang ang responsibilidad na dapat obligahin. Paano ako naging asawa ni Mr. Valerio? Wala akong naaalalang may nangyaring ganoon? Higit pa'y wala kaming sapat na koneksyon. Binili lamang niya ako sa malaking halaga, kapalit ay ang trabaho ko para rito na painitin ang buo nitong magdamag. Subalit hindi iyon nangyari. Sa halip ay hinayaan ako nito na makauwi sa Pilipinas, namuhay nang mapayapa kasama ang ina at ang bunsong kapatid. Paanong bigla-bigla lamang itong mag-aanunsyo na asawa nito ako? Siguradong mayaman si Mr. Valerio. Hindi matatapatan ng pera ko ang kayamanang mayroon ito. Magagawa nito lahat ang gustong gawin, samantalang ako, nakausad man sa buhay ay limitado pa rin ang perang pambayad kahit may mga kabi-kabilaang projects naman. May mga naipundar ako. Kami ng pamilya ko ngunit sapat lamang iyon upang may matawag kaming tirahan o masisilungan sa tuwing sasapit ang tagtuyot at tag-ulan

  • His Poisonous Touch    Chapter 10.2: Asawa

    NATAPOS akong kumain nang tumayo naman si Mr. Valerio. Inayos nito ang damit bago si Black tinapunan nang paningin. "Kay Black ka sumunod," sabi nito nang hindi sa'kin nakatingin saka nagsimulang maglakad paalis. Sumunod ako kay Black kagaya nang iniutos nito. Wala mang ideya ay sumunod ako sa kanila. Ako ang pinakahuling pumasok sa elevator nang may pag-aalangan. Nakatingin sa'kin si Mr. Valerio. "Hindi lang ikaw ang hinihintay nitong elevator paakyat. Pumasok ka na rito." "O-okay," idiniposito ko ang sarili. Nasa likuran ko si Mr. Valerio at Black. Tahimik. Walang kahit anong tunog kundi ay ang ingay nang umaandar na elevator paakyat. Nakita kong pinidot ni Black ang numero ng rooftop. Kumunot ang noo ko. Gusto ko mang linawin ang mangyayari ngunit walang lumabas na salita mula sa aking bibig. "Malalaman mo ang mangyayari oras na makarating tayo sa rooftop. At this point, quit asking." Sabi nito. Mapanganib ang boses lalo at masyado rin iyong malalim. Kinutuban ako nang ma

  • His Poisonous Touch    Chapter 10.1: Lamesa

    LALAINE Isang mahaba at masuyong haplos ang pumukaw sa'kin. Nang imulat ko ang mga mata ay nakita ko ang pigura ng isang tao ngunit malabo. Kinusot ko ang mga iyon gamit ang likurang bahagi ng palad upang makita ko nang mas klaro. Lalaki. Naaninag ko ang mukha. Nang mapagtanto kung sino iyon ay nagulat ako. Natigilan. Nanlaki rin ang mga mata at napaawang ang bibig. Ang buong pagmumukha nito na masyadong pamilyar sa'kin ang bumungad. Nanumbalik ang isang ala-ala na hinding-hindi ko makakalimutan roon sa Berlin. Magkalapit ang aming mga mukha. Ni hindi nito nag-abalang ilayo ang sarili kahit nakikita nitong iilang dangkal na lamang ay magkakahalikan na kami. Sa halip ay tinitigan ako nito nang mariin. "Magandang Umaga, tulog mantika." Bati nito sa akin. Magaspang ang boses, halatang kakagaling pa lamang sa kama. "Bumangon ka riyan at nang makapaghanda. May importante tayong gagawin at pag-uusapan." Kinintilan ako nito nang maikling halik sa ilong hanggang sa pumadausdos iyon

  • His Poisonous Touch    Chapter 9.2: Lucky

    KUNG tatawagan ko naman si Shawn ay baka makatunog si Cheska, Brittany, Karen at ang iba pa. Kung alam ko lang ang masamang hangarin ni Lucian. Hindi na sana ako sumang-ayon sa party na ito. Kaya pala ni minsan ay hindi ako nakaramdaman nang kapayapaan sa lalaking iyon dahil may sa demonyo pala ang laman. Sa likod nang maamo nitong mukha ay ang demonyong pagnanais at gagawin ang lahat makuha lamang ang gusto. I have to think wisely. Magpapangap akong naggising. Ininat ko ang kamay, bahagya ring umungol. Natigilan ang mga ito sa pag-uusap upang lingunin ako. They really thought I fell asleep. "L-Lalaine, okay ka lang ba?" Mabilis akong nilapitan ni Karen. She was totally worried about me. Ngunit ang katotohanan na kasabwat ito sa naging plano ni Lucian at long time best friend na si Cheska ay nagbago ang pananaw ko rito. Ginamit nila ang bachelorettes party upang maisasakatuparan ang plano. "I-I need to go to the bathroom. I think I need to throw up." Pagsisinungaling ko. "O

  • His Poisonous Touch    Chapter 9.1: Plano

    LALAINE "Okay ka lang ba dito, Lalaine? Pasensya na't hindi nakapaghanda ng light drinks. Akala ko kasi ay umiinom ka nang matapang na inumin." Nakaupo ako sa couch. Paharap ay ang lamesa sa pinakagitna. Lahat ng mga imbitadong co-stars ay nakapaikot roon nang si Karen ay lumapit sa'kin. Tumango ako. Although hindi ako sanay uminom, gusto kong makibagay at makihalubilo sa mga co-stars. Marami sa kanila ay may pa-warm welcome sa'kin. Milagro 'raw at napapayag ako ni Lucian. Sinabi ko nalang na gusto ko ring subukan. It will be my first time attending a party na maraming mga celebrity ang nakasalamuha. Si Lucian ay nasa karatig baranggay lang rito sa syudad. Katulad namin na ipinagdiriwang ang bachelorettes party, naroon siya kasama si Ahmad at ang iba pa. Parehong nagpa-reserved ng hotel sa magkaibang lokasyon nga lang. Hinatid lamang ako ni Lucian rito sa hotel at susunduin rin naman pagkatapos upang ihatid ako sa pag-uwi. Subalit tumanggi ako. Maraming beses ko na siyang na

  • His Poisonous Touch    Chapter 8.2: Pamilya

    SANDALI akong hindi nakaimik. Bago tumango. "Yes! Finally. Napapayag ka rin. Sinabi mo iyan ha? Wala nang bawian." Paninigurado nito. "Oo," sagot ko na lang. "You know I never promised anyone if I can't do it." "Yeah, thank you, Lalaine. Sasabihin ko agad sa kanila. Everyone really wanted to hang out with you. Ikaw lang itong palaging hindi ma-reach." Hilam akong ngumiti. Sandali lamang at natanaw ko na ang pamilyar na ambiance ng lugar namin. Lucian has been here for a couple of times. Malapit lang kasi ang tirahan namin sa isang sikat na hotel and resort—kilala sa isang water activities na pinagbibidahan ng mga whale sharks. Palabas ako ng sasakyan nang tinawag ako ni Lucian. It was his first time coming here in my house. Nakabusangot ang mukha nito na nakatingin sa bahay. Nagbibiro ang reaksyon na sinabing, "hindi mo man lang ba ako pa papasukin upang ipakilala sa pamilya mo?" "Ha?" Nakangiting umiling ito. "Never mind. Sa susunod nalang siguro. Alam kong na-mi-miss mo na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status