Home / Romance / His Poisonous Touch / Chapter 1.2: Kwarto

Share

Chapter 1.2: Kwarto

Author: Black_Angel20
last update publish date: 2026-01-31 08:18:35

NATIGILAN ako, inangat ang paningin kay Bross. "H-ho?" Awang ang aking bibig, walang naiintindihan sa pinapahiwatig nito.

"Nag-request si Mr. Schmidt, Lalaine. Ayaw niyang may extra. Gusto niyang makilala ka nang personal ng kayong dalawa lang, hija." Nakangiting tugon ni Bross.

"A-akala ko ba kasama ang buong production team at saka si Vicky rin?"

Umiling si Bross. "Bayad na ang oras mo kay Mr. Schmidt, Lalaine. Sige na't lumabas ka na. Naghihintay na marahil sa iyo si Mr. Schmidt sa sasakyan nang mahabang oras." Pagtutulak nito sa akin palayo.

"P-pero di'ba ang usapan ay—" pinutol ni Bross ang sasabihin ko.

"Pasensyahan muna tayo ngayon, Lalaine. Ayaw ni Mr. Schmidt nang may ibang tao na kasama. Gustong solohin ka niya ngayon."

Tumalikod ito.

Naiwan akong hindi alam ang gagawin. Natatakot, nagdadalawang-isip. Ni kakarampot na pera noon ay kaya kong tipirin umabot lamang nang isang linggo.

Ngayon na abot-kamay ko na ang pangarap ay may balakid naman.

Itong karera nga ba ang magpapabago sa takbo ng buhay ko?

"Ich warte schon ewig im Auto auf dich und du stehst hier einfach nur rum!" Gamit ang Germanian Language.

Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses. Nangatog ang tuhod ko nang makita si Mr. Schmidt. Tila ito galit.

"S-sorry, I don't understand w-what you were saying." Nangangatal ang aking bibig. Pinigilan ko ang humikbi. Nag-uunahan ang mga luhang lumandas sa aking pisngi kaya'y kinagat ko ang labi.

"You're too slow. Follow me in my car,"

Tumalikod ito, maya't-maya ako nililingon. "Faster!"

Napaigtad ako sa boses ni Mr. Schmidt. "Y-ye-yes! Yes!"

Ang mga paa ay maingat sa bawat paghakbang. Nagbabakasaling may isa sa mga staff ang pipigil, ngunit si Vicky lamang ang nakamasid sa akin mula sa kinatatayuan nito kasama ang buong team. Nag-aalala ito sa akin. Samantalang ang buong production ay walang pakialam na pinagkakaabalahan ang mga pagkain na nasa lamesa nang aking lingunin.

Hilam na nginitian ko si Vicky. Iniwas ko rin ang paningin pagkatapos.

Tuloy-tuloy akong nakasunod kay Mr. Schmidt hanggang sa narating namin ang sasakyan nito.

Pinagbuksan ako nito ng pintuan. Kabado-bente, nilingon ko ang lalaki. Binigyan ako nito nang kakaibang ngiti. Iyong ngiti na tila ay may masamang binabalak oras na makakapasok ako sa sasakyan.

Iginala ko ang paningin.

Ang mga tao ay iniiwasang mapagawi ang paningin sa kotse ni Mr. Schmidt.

Kung tatakbo man ako palayo, wala naman akong patutunguhan o kung saan liliko. Hindi ko kabisado ang lugar. Ang buong production team lamang ang inaasahan ko ngunit inabandona ako na tila isang bagay na hindi na kailanman magagamit o mapapakinabangan.

"Warum trödelst du? Aber schnell, ins Auto!" Sigaw ni Mr. Schmidt. Napalunok ako. Gustong bumalik sa pinanggalingan.

Pilit akong pinapasok ni Mr. Schmidt sa kotse gamit ang buong lakas. Pasalampak akong naupo sa backseat, tumabi ito nang upo na pinagtakhan ko nang lubos.

"Fahren Sie schnell!" Boses nagmamadali.

Doon ko lamang napansin ang lalaking nakaupo sa driver's seat.

Taga-rito rin sa Berlin.

Natuon ang seryosong paningin nito sa akin bago pinaandar ang makina ng kotse.

Tahimik sa loob. Makina lamang ng sasakyan ang naririnig ko sa mga sandaling ito. Biglang ang atmospera sa aking pakiramdam ay hindi kaaya-aya, mas lalo akong kinutuban nang malakas.

Ang lugar na aming nadadaanan ay mas lalong hindi sa akin pamilyar. Napagaw ang paningin ko sa labas. Takot ang namayani sa loob ko nang makitang paliit nang paliit ang eskinita na nadadaanan namin.

Nilingon ko si Mr. Schmidt.

Hawak nito ang isang kulay puti na panyo. Nakangiti itong nakatingin sa akin.

"What are you trying to—"

Isang iglap, sa segundong iyon. Bumaba ang talukap ng mga mata ko. Gusto kong matulog ngunit ayaw nang sistema kong tuluyang mawalan nang malay.

Ang puting panyo ay itinapal ni Mr. Schmidt sa aking bibig. Hindi ako makagalaw, hindi makapanlaban, walang sapat na lakas.

Habang patuloy ang pagtakbo ng sasakyan, ang nagmamanehong lalaki sa passenger seat ay walang naging pakialam. Ni hindi ito lumingon, tila walang nakikita o narinig. Batid ko ay binayaran rin ito ni Mr. Schmidt.

"Du bist einfach zu umwerfend. Ich erledige das lieber selbst, damit du gar nicht erst widersprechen kannst."

Rinig kong bulong ni Mr. Schmidt bago ako tuluyang nawalan nang ulirat.

Nagising ako dahil sa labis na lamig. Iminulat ko ang mga mata. Nagulat ako sa nasaksihang nasa loob ako nang saradong kwarto.

Walang bintana. Pintuan lamang ngunit hitik sa air-conditioning.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kumot lamang sa katawan ko ang nakatakip. Nag-uunahan ang aking mga luha kasabay nang pagbukas nang pintuan at iniluwal niyon si Mr. Schmidt.

"Schön, dass du wach bist, meine Hübsche. Mach dich schick. Wir fahren an einen Ort, den du mehr genießen wirst." Patuloy nitong paggamit sa sariling lengguwahe upang siguro ay hindi ko maiintindihan ang bawat sinasabi.

Naroon sa mukha nito ang ngiti na tila ay nanalo sa sugal.

Hindi nito kasama ang driver.

Ang anyo ni Mr. Schmidt doon sa production area ay kakaiba sa nasaksihan ko ngayon. Tila ito ay ibang tao na nagbabago ng katauhan.

"Stand up, woman. Du musst meinen Befehlen gehorchen. Wir fahren an einen wichtigen Ort."

Kumunot ang noo ko. "I-I don't understand—"

"Get yourself properly dressed!" Sigaw nito na may diin.

Kagat ko ang labi, nangangatal ang mga kamay na pinulot isa-isa ang mga damit.

Dinala ako ni Mr. Schmidt sa isang madilim na lugar. Hindi ako makagalaw sapagkat nakakadena ang buo kong katawan. Kahit ang mga paa ay hindi pinalagpas.

"And now, we have a new guests today, I hope everyone will enjoy what Mr. Schmidt brought along."

Iyon ang narinig kong sigaw ng microphone coordinator bago ako pinapasok sa isang maliit na kahon na yari sa salamin.

Huli na nang masilayan ko ang maraming tao sa ibaba ng stage. Nasa akin ang spotlight, lahat ay nakaawang ang mga labi. Nasisiyahan sa sitwasyon na hinding-hindi ko nagugustuhan.

Narito ako sa Auction Hall.

Ninanais ni Mr. Schmidt na ibenta ako sa mga taong pakikipagtalik ang gusto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Poisonous Touch    Chapter 18.2

    "ANO 'raw ang sabi. Bakit kailangan kong maghanda?"Nagkibit-balikat si Blaire. "Hindi ko po alam, Miss. Inutusan lamang 'ho akong sasabihin ko sa inyo."Her eyes were looking at me with fascination. Kimi itong ngumiti."May gusto ka bang sasabihin, Blaire?" Tila ay hindi nito inaasahan ang tanong ko. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat.Tumikhim ito bago magsalita. "Kung hindi 'ho ninyo mamasamain, Miss Lalaine. Gusto ko lamang pong itanong kung ikaw ba iyong sikat na babaeng kilala sa women's magazine, Modelo at actress?"Hindi nagbago ang aking ekspresyon. Natumbok ko rin sa wakas ang matagal na nitong gustong sabihin.Binigyan ko ito nang simpleng indikasyon. Sa pamamagitan ng aking ngiti, namutawi ang kislap ng mga mata nito at sinundan nang malakas na tili. Natutop nito ang bibig."Oh my god! Ikaw nga talaga iyon Miss Lalaine! Ikaw si Lalaine Funtales! Ang matagal na iniidolo namin sa malayo. Abot-kamay ko na ngayon.""Iniisip mo ba noong unang hindi ako si Lalaine?""May instin

  • His Poisonous Touch    Chapter 18.1

    LALAINE Naalimpungatan ako. Bahagya akong napaungol sa nararamdamang pananakit ng aking buong katawan. Ayaw ko pa ang bumangon, gusto ko pang magpahinga nang mas mahabang oras. Pabiling-biling ako sa kama, nakahiga patagilid ay iminulat ko ang mga mata. I was facing the room window. Sarado ang kurtina. Ibig sabihin niyon ay hindi pa ganoon kataas ang sikat ng araw. Walang repleksyon niyon ang pumapasok sa loob. Nanliit ang mga matang gumalaw ako pakanan upang harapin ang kinaroroonang bahagi na hinihigaan ni Massimo. Bakante ang espasyo. Wala siya rito. Kumunot ang noo ko. Where could he be at this hour? Kinusot ko ang mga mata muli. Gustong buhayin ang sarili. Hindi dapat paiiralin ang pagiging batugan sapagkat wala ako sa poder ng inay. Dahan-dahan akong bumangon. Bumaluktot ang katawan ko sa una, pinirmi ko ang sarili pagkatapos ay naghikab. Ininat ko ang mga kamay. Nakataas ang mga iyon sa ere nang mas matagal. Nang imulat ko ang mga mata ay napaatras ako. Natigilan

  • His Poisonous Touch    Chapter 17.2

    HE pinned my hands above the bed. Ikinulong nito iyon gamit rin ang mga kamay. Sa isang iglap ay bumaba ang labi nito sa'king dibdib. Walang pag-aatubiling kinain ni Massimo ang aking magkabilang suso na tila ay batang uhaw na uhaw.Something inside me was burning. Tila ay may gustong lumabas. Aminado akong naramdaman ko ang hindi pangkaraniwang pakiramdam. A small moan escaped on my lips. Hindi ko napigilan, kusa iyong lumalabas sa'king bibig. Naging sunod-sunod ang aking ungol.Massimo left no crumbs and made me felt weak.Habol ko ang hininga ng ito ay tumigil."You're already burning, Lalaine. Handa ka na. Ngunit hindi pa ako tapos."Gumapang si Massimo pababa. Wala akong ideya kung bakit ganoon ito kung kumilos. Hanggang sa tumigil ito sa pribadong parte ng aking katawan. Kusang umangat ang aking kilay. Dala na rin nang pagka-ilang, I decided to ask questions subalit nagimbal ako sa ginawa nito kasunod.He...he smelled it.Hinawakan ko si Massimo sa ulo sa layuning alisin ang pag

  • His Poisonous Touch    Chapter 17.1

    LALAINE Para akong biglaang na-factory reset. Hindi ako umalma. Hinayaan ko si Massimo na hagkan ang buo kong mukha na tila ito ay sabik. He pinned me against the wall. Nagpaubaya ako sa kakaibang init na lumukob sa buo kong katawan. Ang mga kamay nito ay naglikot. Hindi napirmi sa isang pwesto. Gustong may malaman. Gustong pailaliman ang pinakamainit na intimasyon. He never been careful. Hindi ko mawari kung bakit tila ito ay nagmamadaling makarating kami sa punto na 'iyon'. He carried me. Pasan nito ang buo kong bigat nang walang reklamo. I encircled my legs around his waist. Iniutos ni Massimo iyon sa'kin. Habang ito ay naglalakad palapit sa kanina pa naghihintay na malambot na kama. Ang kakaibang sensasyon, ang kakaibang init, ang isang naglalagablab na intimasyon ay binuo ang buong sulok ng kwarto. Ramdam ko ang pagpisil nito sa aking pang-upo. Nakahawak ito roon bilang suporta upang hindi ako malaglag sa sahig. He's movements were too fast. Mabilis nitong nahubad ang pang-

  • His Poisonous Touch    Chapter 16.2

    "ANG buong akala ko 'ho ay magkasabay ang dalawang iyon na lumaki."Umiling si Aling Conchetta."Sa Maynila nagkaroon ng muwang si Massimo at Caspian. Bago pa man mangyari ang krimen, hindi ko kailanman nakasalamuha ang lalaking iyon na nagngangalang Black. Nagulat na lamang ako nang minsan na rin siyang umuwi rito ay kasa-kasama niya ang taong iyon na sa tingin ko ay tapat naman sa kanya."Segundo ang lumipas nang tumigil ito sa pagsasalita. Inaalisa ang nakaraan."Dahil sa nangyaring krimen. Nang si Massimo ay nakatuntong sa edad na dalawampu't-dalawa. Naisipan niya ang mangibang bansa. Noong una ay tumanggi ako sapagkat masyadong delikado para sa kanya ngunit masyadong malakas ang loob ni Massimo. Hindi rin lamang sa pagmamayabang since sa akin lumaki ang batang iyon. Mayroon siyang malakas na intellectual capacity kahit pa man ay hindi nakapag-aral sa kolehiyo. He's also good with money. Kaya marahil ay naitatag nito ang kompanya nang mag-isa doon sa Germany. Nang walang hinihingi

  • His Poisonous Touch    Chapter 16.1

    LALAINE Tahimik ang loob ng mansyon. Walang kahit na anong presensya ng ibang tao ang narito. Kung mayroon man, karaniwan sa mga iyon ay mga taong nakatira sa karatig-bayan. Kahit si Aling Conchetta ay hindi magkamayaw sa pagliligpit ng mga kalat. Mga kalat na dekorasyon sa seremonya ng kasal. Natapos ang selebrasyon na lahat ay galak. Paunti-unti ring umaalis ang mga piling bisita. Si Inay at Shawn ay umalis na rin. Personal na ipinahatid ni Massimo ang mga ito sa pinagkakatiwalaan nitong driver. I am here busy helping to clean the crafts. Gusto ko mang alisin ang sitwasyon na iyon kanina. Ngunit tila iyon sirang plaka na naglalaro sa'king isipan. Hindi na ako nilulubayan ng imahinasyon. Hindi na iyon maalis. Ang ibig kong sabihin ay, wala lamang akong maisip na sapat na dahilan upang patulan ni Massimo iyong pambatang hamon na inilaan ni Shawn. It's not even his cup of tea. Hindi ugali ng lalaking iyon na aksayahin ang oras sa walang makabuluhang mga bagay. Yet, he accepted

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status