Home / Romance / His Poisonous Touch / Chapter 2.1: Auction Hall

Share

Chapter 2.1: Auction Hall

Author: Black_Angel20
last update publish date: 2026-01-31 22:22:41

Massimo's point of view

Masyadong maingay ang Auction Hall.

Lahat ay nagagalak at nasisiyahan sa mga babaeng ibinida ng microphone coordinator sa entablado.

Lahat ng mga babae ay nasa loob ng incubator. May kaakibat na iba't-ibang bidding price na nakabase sa kalidad ng mga ito.

Karamihan sa mga taong narito na nagbabakasakaling makakahanap ng babaeng matitipuhan ay mga kano, iilang parokyano at mga piling personalidad sa harapan ng camera ngunit kakaibang katauhan naman sa likuran ng masa.

Lihim akong napaismid. Ipinuyos ang mga braso, maya-maya ay diretsong iniwas ko ang paningin sa entablado upang tawagan si Black na matiyagang naghihintay sa akin roon sa labas.

"Do you need anything Mr. Valerio?" Tanong ni Black nang ito'y makalapit.

Magalang itong yumukod nang may sapat na distansya ang aming mga mukha upang marinig ang nais kong ibubulong.

"Prepare the car. Any minute from now ay aalis tayo. This shits made me bored."

"Copy that, Mr. Valerio. Tawagan lamang 'ho ninyo ako kung kailangan ninyo ng assistance," tumango ako, muling itinuon ang atensyon sa unahan.

Personal akong nagtungo rito sa Berlin sa pag-aakalang makakahanap ng babaeng papainitin ang aking katawan. A kind of fun that will be easier for me to dump after I'll done my part, making myself satisfied, ngunit wala.

Sinulyapan ko ang relong pambisig. Umiling-iling.

Narito ako nang mahigit isang oras, ngunit hindi ko man lang nasubukang iangat ang price board para makapili ng babaeng bibilhin.

Wala sa mga babae sa entablado ang natipuhan ko. Pare-pareho lamang ang mga ito na may hilam na luha sa mga mata at hindi kayang patigasin ang loob upang pigilan ang totoong saloobin.

Ang ganoong mga babae ay nakakabagot.

Sinulyapan ko ang entablado sa huling pagkakataon at pagkatapos ay tumayo. Walang lingong-likod na naglakad ako sa likurang bahagi palabas sa Auction Hall.

"And now, we have a new guests today, I hope everyone will enjoy who's Mr. Schmidt brought along." Sigaw ng microphone coordinator.

Isang nakakabinging hiyawan ang narinig ko pagkatapos. May mga taong tinampal nang sunod-sunod ang mga lamesa. Gustong makuha ang babaeng panghulihang bida sa bidding section sa gabing ito.

Natigilan ako sa paglalakad. Kuryusong nilingon kung ano ang pinagkakaguluhan nang marami.

Doon ko nakita ang isang babae. Tahimik na iginala ang mga mata sa buong paligid. Tila ito walang ideya kung nasaan ito at ano ang ginagawa. May payak na luha sa mga mata na malapit nang matuyo.

Suot nito ang bistidang kulay ginto.

Pinag-aralan ko ang itsura ng babae. Direktang napaskil ang aking interes. Walang ano-ano'y bumalik ako sa inuupuan at tahimik na pinagmamasdan ang bawat halaga na inangat ng aking mga ka-kumpetensya.

"Five Million Dollars! Does anyone here opposed this sum of money, No one else? Alright, I'll close the bidding." Pahayag ng microphone coordinator.

Napangiti ako nang pagak.

Inanunsyo ng microphone coordinator ang taong nakabili sa hulihang babae, kaya'y tumayo ako.

Natigilan ang microphone coordinator. Nakatitig sa'kin. "Yes Mr. Valerio?"

Pinagpagan ko ang damit, sinalubong nang makahulugang tingin ang babae. Inilipat ko ang paningin sa lalaking umaasang ito ang nanalo sa bidding.

"Mr. Valerio, do you have anything else to say?"

Tumahimik sandali ang Auction Hall. Narinig ko ang iilang bulong-bulungan, tinatanong kung ano ang katayuan ko sa buhay at kung sino ako.

Kinuha ko ang tseke sa loob ng coat. Inangat ko iyon sa hangin sabay sabing, "I want to buy the woman. Two Hundred Million Dollars. Or make it four times!"

"Four times? That was already eight hundred million, almost one billion!" Hindi makapaniwalang tugon ng microphone coordinator. "Let's welcome the winner of the bidding, Mr. Massimo Valerio!" Sigaw ng microphone coordinator.

"Wait a minute!" Pagtutol ng lalaki.

Maangas itong lumapit sa akin. Minata ako mula ulo hanggang paa. Nilingon nito ang microphone coordinator na puno ng kumpyansa sa sarili upang sabihing, "Mr. Valerio never dared to show himself in public. Who else would think that maybe he's a fake one?"

"Oh yes! I heard he only let his assistant doing things for him.'

"Mr. Valerio was always hiding himself at the dark, busy with his enormous businesses."

Sunod-sunod na sumang-ayon ang marami. Kalmado akong nanatiling nakatayo. Hindi iniinda ang pang-aakusa na peke ako.

"Show yourself if you're really the real Massimo Valerio!" Sigaw ng lalaki na hindi makapaniwalang natalo ko sa bidding.

Tiningnan ko ito nang patagilid. Insultong hinagod nang tingin kagaya nang ginawa nito sa'kin. Hindi pwedeng wala akong gagawin. Ipapakita ko sa mga taong narito kung sino ang inaakusahan nilang peke.

Isang pitik sa kamay, lumapit sa akin si Black. Magalang itong yumukod, tumayo sa aking tabi ngunit maabilidad na alerto ang mga mata na tinitigan isa-isa ang mga tao rito sa loob.

"Oh My God, It's Black! The most trusted right hand of Mr. Valerio!"

"Right! He's really the real Massimo Valerio! That's terrific." Komento nang iilan.

Tinapatan ko ang paninitig ng lalaki. Nanlaki ang mga mata nitong napaatras nang dahan-dahan. Mistulang nakakita ng multo sa maling taong inakusahang peke ako.

Dahan-dahan ko itong nilapitan.

"I bet he will be dead. No one dared to messed up with Massimo Valerio along the way,"

"I think so, too. Massimo Valerio was always the best of the businessmen all around the world. With his enormous empire and holdings, no one could ever defeat his self-made legacy."

Tumigil ako kakahakbang. Ang lalaki sa aking harapan ay nag-mistulang basang sisiw na napako sa kinatatayuan.

Mata sa mata, hindi ko iniwas ang paningin rito. "Accusing me being a fake Massimo Valerio. Who else could it be, you?" Dumadagundong ang malamig kong boses sa buong Auction Hall.

Ang mga tao sa paligid ay nahinto sa ginagawa at pinagmamasdan lamang ang lalaki sa aking harapan. Tila kulog at kidlat, nagmungkahi ang mga tao na dapat itong lumuhod upang magmakaawa.

Sa halip ay tumalikod ako. Nakasunod ang mga mata sa akin na tila ako handang salakayin. Inangat ko ang paningin sa entablado. Ang babaeng pinakahuli sa bidding ay nakalabas na sa incubator, nakatitig sa akin.

Naka-kadena ang mga kamay at binti.

I was wondering how Mr. Schmidt got her just to be here. Hindi ko na iyon trabaho, sa halip ay iminuwestra ko ang mga kamay upang palapitin ito.

Hindi ito gumalaw. Nakatitig lamang ito sa akin nang may pag-asa na hindi ko matanto.

"You can't be with her, she's already mine!"

Ang atake ng lalaki mula sa likuran ang nagpagising sa diwa ko upang umuklo, eksaktong nakaangat ang kamao nito sa ere upang sumuntok. Kasabay nang pagliit ng aking katawan ay nagpakawala ako nang suntok, diretso iyong tumama sa sikmura ng lalaki kasunod ay ang pagbagsak ng napuruhan nitong katawan sa sahig.

Lahat ay nakaawang ang bibig.

Ang ungol nang nasaktang lalaki ang tanging ingay sa loob ng Auction Hall.

Umayos ako nang tayo na tila ay walang nangyari. Hinipan ko ang kamao, tiningnan ang lalaki sa huling pagkakataon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Poisonous Touch    Chapter 11.1: Marriage Certificate

    LALAINE Asawa? Kung gaano kabigat bigkasin ang salitang iyon ay ganoon rin ka-timbang ang responsibilidad na dapat obligahin. Paano ako naging asawa ni Mr. Valerio? Wala akong naaalalang may nangyaring ganoon? Higit pa'y wala kaming sapat na koneksyon. Binili lamang niya ako sa malaking halaga, kapalit ay ang trabaho ko para rito na painitin ang buo nitong magdamag. Subalit hindi iyon nangyari. Sa halip ay hinayaan ako nito na makauwi sa Pilipinas, namuhay nang mapayapa kasama ang ina at ang bunsong kapatid. Paanong bigla-bigla lamang itong mag-aanunsyo na asawa nito ako? Siguradong mayaman si Mr. Valerio. Hindi matatapatan ng pera ko ang kayamanang mayroon ito. Magagawa nito lahat ang gustong gawin, samantalang ako, nakausad man sa buhay ay limitado pa rin ang perang pambayad kahit may mga kabi-kabilaang projects naman. May mga naipundar ako. Kami ng pamilya ko ngunit sapat lamang iyon upang may matawag kaming tirahan o masisilungan sa tuwing sasapit ang tagtuyot at tag-ulan

  • His Poisonous Touch    Chapter 10.2: Asawa

    NATAPOS akong kumain nang tumayo naman si Mr. Valerio. Inayos nito ang damit bago si Black tinapunan nang paningin. "Kay Black ka sumunod," sabi nito nang hindi sa'kin nakatingin saka nagsimulang maglakad paalis. Sumunod ako kay Black kagaya nang iniutos nito. Wala mang ideya ay sumunod ako sa kanila. Ako ang pinakahuling pumasok sa elevator nang may pag-aalangan. Nakatingin sa'kin si Mr. Valerio. "Hindi lang ikaw ang hinihintay nitong elevator paakyat. Pumasok ka na rito." "O-okay," idiniposito ko ang sarili. Nasa likuran ko si Mr. Valerio at Black. Tahimik. Walang kahit anong tunog kundi ay ang ingay nang umaandar na elevator paakyat. Nakita kong pinidot ni Black ang numero ng rooftop. Kumunot ang noo ko. Gusto ko mang linawin ang mangyayari ngunit walang lumabas na salita mula sa aking bibig. "Malalaman mo ang mangyayari oras na makarating tayo sa rooftop. At this point, quit asking." Sabi nito. Mapanganib ang boses lalo at masyado rin iyong malalim. Kinutuban ako nang ma

  • His Poisonous Touch    Chapter 10.1: Lamesa

    LALAINE Isang mahaba at masuyong haplos ang pumukaw sa'kin. Nang imulat ko ang mga mata ay nakita ko ang pigura ng isang tao ngunit malabo. Kinusot ko ang mga iyon gamit ang likurang bahagi ng palad upang makita ko nang mas klaro. Lalaki. Naaninag ko ang mukha. Nang mapagtanto kung sino iyon ay nagulat ako. Natigilan. Nanlaki rin ang mga mata at napaawang ang bibig. Ang buong pagmumukha nito na masyadong pamilyar sa'kin ang bumungad. Nanumbalik ang isang ala-ala na hinding-hindi ko makakalimutan roon sa Berlin. Magkalapit ang aming mga mukha. Ni hindi nito nag-abalang ilayo ang sarili kahit nakikita nitong iilang dangkal na lamang ay magkakahalikan na kami. Sa halip ay tinitigan ako nito nang mariin. "Magandang Umaga, tulog mantika." Bati nito sa akin. Magaspang ang boses, halatang kakagaling pa lamang sa kama. "Bumangon ka riyan at nang makapaghanda. May importante tayong gagawin at pag-uusapan." Kinintilan ako nito nang maikling halik sa ilong hanggang sa pumadausdos iyon

  • His Poisonous Touch    Chapter 9.2: Lucky

    KUNG tatawagan ko naman si Shawn ay baka makatunog si Cheska, Brittany, Karen at ang iba pa. Kung alam ko lang ang masamang hangarin ni Lucian. Hindi na sana ako sumang-ayon sa party na ito. Kaya pala ni minsan ay hindi ako nakaramdaman nang kapayapaan sa lalaking iyon dahil may sa demonyo pala ang laman. Sa likod nang maamo nitong mukha ay ang demonyong pagnanais at gagawin ang lahat makuha lamang ang gusto. I have to think wisely. Magpapangap akong naggising. Ininat ko ang kamay, bahagya ring umungol. Natigilan ang mga ito sa pag-uusap upang lingunin ako. They really thought I fell asleep. "L-Lalaine, okay ka lang ba?" Mabilis akong nilapitan ni Karen. She was totally worried about me. Ngunit ang katotohanan na kasabwat ito sa naging plano ni Lucian at long time best friend na si Cheska ay nagbago ang pananaw ko rito. Ginamit nila ang bachelorettes party upang maisasakatuparan ang plano. "I-I need to go to the bathroom. I think I need to throw up." Pagsisinungaling ko. "O

  • His Poisonous Touch    Chapter 9.1: Plano

    LALAINE "Okay ka lang ba dito, Lalaine? Pasensya na't hindi nakapaghanda ng light drinks. Akala ko kasi ay umiinom ka nang matapang na inumin." Nakaupo ako sa couch. Paharap ay ang lamesa sa pinakagitna. Lahat ng mga imbitadong co-stars ay nakapaikot roon nang si Karen ay lumapit sa'kin. Tumango ako. Although hindi ako sanay uminom, gusto kong makibagay at makihalubilo sa mga co-stars. Marami sa kanila ay may pa-warm welcome sa'kin. Milagro 'raw at napapayag ako ni Lucian. Sinabi ko nalang na gusto ko ring subukan. It will be my first time attending a party na maraming mga celebrity ang nakasalamuha. Si Lucian ay nasa karatig baranggay lang rito sa syudad. Katulad namin na ipinagdiriwang ang bachelorettes party, naroon siya kasama si Ahmad at ang iba pa. Parehong nagpa-reserved ng hotel sa magkaibang lokasyon nga lang. Hinatid lamang ako ni Lucian rito sa hotel at susunduin rin naman pagkatapos upang ihatid ako sa pag-uwi. Subalit tumanggi ako. Maraming beses ko na siyang na

  • His Poisonous Touch    Chapter 8.2: Pamilya

    SANDALI akong hindi nakaimik. Bago tumango. "Yes! Finally. Napapayag ka rin. Sinabi mo iyan ha? Wala nang bawian." Paninigurado nito. "Oo," sagot ko na lang. "You know I never promised anyone if I can't do it." "Yeah, thank you, Lalaine. Sasabihin ko agad sa kanila. Everyone really wanted to hang out with you. Ikaw lang itong palaging hindi ma-reach." Hilam akong ngumiti. Sandali lamang at natanaw ko na ang pamilyar na ambiance ng lugar namin. Lucian has been here for a couple of times. Malapit lang kasi ang tirahan namin sa isang sikat na hotel and resort—kilala sa isang water activities na pinagbibidahan ng mga whale sharks. Palabas ako ng sasakyan nang tinawag ako ni Lucian. It was his first time coming here in my house. Nakabusangot ang mukha nito na nakatingin sa bahay. Nagbibiro ang reaksyon na sinabing, "hindi mo man lang ba ako pa papasukin upang ipakilala sa pamilya mo?" "Ha?" Nakangiting umiling ito. "Never mind. Sa susunod nalang siguro. Alam kong na-mi-miss mo na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status