Labis ang aking saya nang matagpuan ang sarili sa isang mamahaling restaurant na pina-book ng aking asawa. Ngayon ang aming third wedding anniversary kaya naman sobra ang aking pagka-excite dahil sa wakas ay naalala ng lalaki kung ano ang araw ngayon.
Sa tagal ng panahon naming nagsama, ngayon lang ako nito dinala sa isang marangya at mamahaling restaurant. Nabaling ang aking paningin sa isang lalaking kakapasok pa lang sa loob, it was Lincoln, the love of my life, my soul and everthing, ang pogi talaga ng aking asawa. Napabuntong-hininga ako at napalunok ng laway. Bigla akong kinabahan dahil sa titig ng lalaki nang makita niya ako. Halos hindi ako mapakali sa kinauupuan ngunit agad kong pinakalma ang sarili. Pinilit kong ngumiti nang makita kong umupo ito sa aking harapan. Tatlong taon na ang nakalipas nang ikinasal ako sa lalaking nasa harapan ko. It was only an accident, nabuntis ako nito nang hindi inaasahan. That was only a one night stand but when he knew I was pregnant, agad ako nitong inayang magpakasal. Wala akong choice kung ‘di ang tanggapin ang alok ng lalaki after all, he was my long time crush. Lincoln Grey Griffin, the CEO of Griffin Company where I am also an employee. Bumalik ako sa realidad nang marinig ang tikhim ng lalaki. Napakunot ang aking noo nang makita ang hawak nitong brown envelope saka ibinigay iyon sa akin. “A-Ano ito? Hindi ba pwedeng mag-order muna tayo? Today is our third wedding anni—” Naputol ang aking sasabihin nang magsalita ito. “I want a divorce, Octavia.” Ano raw? Divorce? Napanganga ako sinabi ng lalaki. Tama ba ang narinig ko o nabibingi lamang ako? Napapikit ako nang mariin saka huminga ng malalim. Tila ba nanigas ang aking katawan, unti-unting kumirot ang aking dibdib nang mag-sink in sa akin ang sinabi ng asawa. Hihiwalayan ako nito. Iyon ang pagkakaintindi ko. Kinurot ko ang aking hita baka sakaling nananaginip lamang ako ngunit hindi. Totoo ang mga nangyayari sa paligid ko. Naroon pa rin ang asawa ko sa aking harapan at titig na titig sa akin. Nanginginig kong kinuha ang baso sa aking harapan at nilagok iyon. Gano’n pa rin, blanko ang ekspresyon ng aking asawa ngunit hindi pa rin nito inaalis ang titig nito sa akin. Gusto kong sabihin ni Lincoln na prank lamang ang lahat ng nangyayaring ito, na walang katotohanan ang mga lumalabas sa bibig ng lalaki ngunit naghintay lamang ako sa wala. Hindi pa rin nito binabago ang ekspresyon, nanatili lamang itong seryoso at walang balak na baguhin ang lahat ng sinabi. Sa oras na iyon, mas gumuho pa ang aking mundo. Unti-unti kong naramdaman ang mga espadang animo’y tumatarak sa aking dibdib na para bang hinihiwa ito ng pinung-pino. Dumating na ang kinakatakutan ko, iyon ay ang mawala ang lalaki sa buhay ko. Muli, ay agad kong nilagok ang natitirang tubig sa baso. Tila ba napipi ako’t para bang may bagay na bumara sa lalamunan ko kaya hindi man lang ako makapagsalita. Tinatagan ko ang loob hanggang sa nakaya kong magsalitang muli. “B-Bakit? Anong nagawa ko sa’yo, Lincoln? May nagawa ba akong masama? May nagawa ba akong kinaaayawan mo? Hayaan mong baguhin ko ito, b-bigyan mo lamang ako ng isang pagkakataon, gagawin ko.” Gusto kong magwala sa mga panahong iyon ngunit pinigilan ko ang sarili, iniisip ko pa rin ang kapakanan ng aking asawa, ayaw kong gumawa ng tsismis at ikakahiya ng lalaki. “Wala kang nagawa, Octavia. Wala kang mali, wala sa’yo ang problema. It’s not you, it’s me. I fell out of love, I’m so sorry…” Kinuyom ko ang kamao dahil sa sagot ni Lincoln sa akin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito, halos ginawa ko ang lahat para maging okay lamang ang relasyon namin, binuhos ko ang sarili sa pagmamahal sa lalaki. Ibinigay ko ang lahat dito ngunit ito lamang ang ibibigay niya? Sakit? Dapat ay pinatay na lamang niya ako. Pareho lang naman iyon. Buong buhay ko, inalay ko sa lalaki pati na ang aking pangarap kinalimutan ko pero gano’n pa rin, sinaktan pa rin ako ng lalaki. Nakakatawa lamang at ang tanga-tanga ko. Hindi ko masisi ang lalaki, wala akong karapatang sisihin ito dahil alam kong nagsimula lamang sila sa isang arrange marriage, pinakasalan lamang ako nito dahil nagka-anak kaming dalawa. Namuo ang aking mga luha sa mga mata ngunit kahit gano’n malinaw na malinaw pa rin sa aking paningin ang mukha at reaksyon ng lalaki. Kita ko ang malungkot nitong ekspresyon, siguro nga’y awa iyon. Awa para sa akin, hindi ko nga alam kung minahal nga ba ako nito o hindi. Sa tatlong taon naming pagsasama ay para bang ituring ako nitong hangin, walang pakialam sa akin, nagkakaroon lang ng pakialam kapag lasing o ‘di kaya’y gustong makipagtalik. Napatawa ako sa aking sarili, para akong ginawang parausan lang ng lalaki, isang condom na kapag tapos nang gamitin, pwede nang itapon sa basaruhan. Naawa ako sa sarili’t ang liit-liit na rin ng aking tingin. Rinig ko ang paghinga ng malalim ng lalaki na para bang nahihirapan din ito sa sitwasyon namin. “I want a child O, at hindi mo man lang iyon maibigay sa akin. Bilang asawa ko dapat lang na bigyan mo ako ng anak, isa akong Griffin at namamalakad ng isang malaking kompanya dapat lang ay may maipakilala na akong tagapagmana ng posisyon ko. Binigyan kita ng tatlong taon, Octavia, sa loob no’n hindi mo man lang napunan ang responsibilidad na iyon kaya wala na akong rason para mamalagi pa sa relasyong ito.” Biglang kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ng lalaki. At kasalanan ko pa talaga ang lahat? “Ginagawa ko naman ang lahat para mabigyan ka ng anak, Lincoln. Palagi akong pumupunta sa Doctor at nagpapa-check up para lang maging healthy-ng asawa sa’yo!!” inis kong sabi sa lalaki. “Si-Simula no’ng nawala si Via sa atin doon na tayo nahirapang bumuo ulit. Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ng epekto para sa akin simula nong mamatay si Via, ha? Ang kaisa-isang nating anak? Kung hindi ka sana—” Biglang naputol ang aking sasabihin nang malakas nitong hinampas ang mesa sa harap ko. Napapikit ako ng mariin at nakaramdam ng takot para sa sarili. Ngunit nilakasan ko pa rin ang loob. Hindi dapat ako magpapatalo sa lalaking ito. Ipaglalaban ko ang karapatan ko, after all may laban ako dahil kasal kaming dalawa. Ako ang legal na asawa at hindi ang sekretarya niya. Kahit pa na namamaga ang aking mga mata dahil sa mga luha ay nagawa ko pa ring tingnan ang mga mata ng aking asawa. Sa kabila ng pag-iyak ko kapalit naman noon ang walang kasimpa-simpatyang reaksyon ni Lincoln. Pinunasan ko ang aking mga luhang nagbabadya na namang tumulo sa aking pisngi. Hindi ko dapat pinapakita sa lalaking ito na mahina ako. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata saka tiningnan ulit siya nang malamig. Ginaya ko rin ang ekspresyon niya ngunit mas hinigitan ko pa. “Sign those papers, Octavia or else—” “Or else ano? Papatayin mo rin ako kagaya ng nangyari sa anak natin? Gano’n ba ang gagawin mo? Hindi mo ako matatakot, Lincoln Grey Griffin!” galit kong saad sa lalaki. Sa panahong iyon, marami na ang nakakapansin na costumer sa kanila. Halos lahat ng tao roon ay nakatitig lamang sa aking asawa, may mga ibang nagbubulong-bulongan at ang iba naman ay kinukunan ng litrato si Lincoln. Sino ba naman ang hindi gagawin iyon? Si Lincoln Grey Griffin na ang nasa harapan nila, isa sa pinakamayamang negosyante sa Asya. Tinaguriang isa sa pinaka-hot at gwapo sa buong mundo. Halos lahat ng tao sa mundo ay kilala siya ultimo siguro aliens at multo kilala rin ito. Halos lahat ng babae kinababaliwan ang asawa niya kabilang na ako sa mga babaeng iyon. Kaya nga sobrang swerte ko na mapangasawa ang lalaking ito. Napailing ako. Hindi na pala ngayon.Nagising si Octavia sa alarm ng kan'yang telepono, agad siyang napabalikwas dahil doon. Kahit na antok na antok ay pinilit niyang bumangon dahil papasok pa siya sa trabaho. Yes, she has a job, nag-leave lamang siya ng ilang araw dahil alam niya sa sarili niya na hindi siya makakapag-focus sa trabaho kapag may problema siya. Hirap siyang makatulog kagabi dahil alam niyang naroon lamang sa katabi niyang bahay ang kan'yang asawa at isa pa hirap siyang magdesisyon kung mag-re-resign ba siya sa trabaho o hindi. Malaking bagay rin kasi ang trabaho niya lalo na't wala na siya sa puder ng kan'yang asawa, hindi na libre ang pangangailangan niya sa pang-araw-araw. Ayaw rin naman niyang manatali sa isang lugar kung nasaan naroon ang kabit at ang asawa niya dahil masasaktan lamang siya't hindi makaka-move on.Ilang oras din ang pag-iisip niya kagabi nang mapagpasyahan niyang gumawa ng resignation letter. Sa hinaba-haba ng oras ay napagdesisyonan niyang mag-resign sa kompanya ng asawa. Siguro'y
Nagising ang aking diwa dahil sa narinig na katok sa pinto ng aking kwarto. Wala akong inaksayang oras at mabilis na binuksan ang pintuan. It was Aling Maria at napansin kong parang kakaiba ang ekspresyon nito. Halos hindi maipinta ang mukha nito't parang nammroblema. "Anong hong atin, Aling Maria? May problema po ba?" tanong niya sa matanda. Nagulat silang dalawa nang dumagundong ang kulog kasabay ang kidlat sa labas, kasunod noon ang napakalakas na ulan. Bigla siyang nakaramdam ng lamig kaya napayakap siya sa kan'yang sarili. "Hindi sa nanghihimasok ako, Octavia pero iyong asawa mo, nag-aalala lang ako sa kan'ya. Kanina pa iyon nakatambay sa labas baka lagnatin iyon, ayaw mo bang papasukin? Sobrang lakas pa naman ng ulan, hija." Gusto niyang mapa-irap dahil sa sinabi ni Aling Maria ngunit hindi niya ginawa. Alam niya at aware siya na kanina pa nasa labas si Lincoln para kausapin siya subalit wala siyang pakialam. Ayaw niyang makita ang lalaki at pinapangako niya sarili na hindi n
Chapter 012Nagulat ako nang bumugad sa akin ang pigura ng aking asawa na nakaupo sa harap ko, titig na titig ito sa akin animo’y minimemorya ang aking mukha. “Lincoln? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kan’ya at agad na napabalikwas ng bangon. Huminga ito ng malalim saka malungkot na nagsalita. “We need to talk, O,” wika nito. Ngunit umiling lamang ako at sinamaan siya ng tingin. Pinangako ko sarili ko na ayaw ko ng makita siya dahil alam kong sasaktan na naman ako nito ng paulit-ulit lalo pa’t nalaman ko rin na buntis ang sekretarya niya kani-kanina lamang. Kinuyom ko ang aking kamao saka lakas-loob na nagsalita. “Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Lincoln. Tapos na tayo ‘di ba? Tapos na ang relasyon nating dalawa noong ibinigay mo sa akin mismo ang divorce paper nating dalawa.” Napanganga siya’t gusto sigurong magsalita ngunit wala man lang salitang lumabas sa lalaki. Umiwas lamang ito ng tingin sa akin na para bang nahihiya na ewan. Ano bang problema ng lalaking ito? Bak
Isiniksik ko ang aking mukha sa aking yakap-yakap na unan. Napangiti ako ng matamis nang maalala ko ang nangyari sa aking panaginip. Amoy na amoy ko pa ang pabango ni Lincoln sa unan kaya bigla akong nagtaka. Kumunot ang aking noo saka napalingon sa aking katabi.Napabuntong-hininga ako nang makitang wala namang bakas ng lalaki doon. Nakakapagtataka, bakit kaya nalalanghap ko sa unan na ito ang pabango ng aking asawa, eh hindi naman ito humiga roon.Ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon at napainat-inat ng katawan. Pinilit kong bumangon ngunit napahiga ulit ako dahil biglang kumirot ang aking ulo. Nakalimutan kong nakainom pala ako ng alak at nalasing kagabi. Hinilot ko ang aking ulo at ni-relax ang sarili, nang huminto na ang pagkirot ay dahan-dahan akong umupo. Pesteng alak iyon, sobrang tapang ba naman ng epekto sa akin gayunpaman hindi ko pinagsisihan na naubos ko ang alak na iyon dahil worth in naman ang nangyari. Napanaginipan ko ang isang pangyayaring hinding-hindi ko makakal
Patuloy lang ang aming halikan, ilang minuto siguro kaming gan’to ni hindi ko nga namalayan na hubo’t-hubad na rin pala si Lincoln sa harap ko. Nag-init ang aking katawan sa yapos at halik ng aking asawa, gumapang ang mga halik nito sa aking leeg papunta sa aking dibdib. Nakasubson na ito sa aking kaliwang suso at parang sanggol na dumidede sa akin habang ang isang kamay naman nito ay busy sa pagmamasahe ng isa. “Oh God, Lincoln…” bulong ko sa aking asawa at hindi mawari ang aking ulo kung saan na ito babaling. Napapaliyad din ang aking katawan sa sobrang sarap. Walang humpay naman ang paglaro gamit ang aking labi at dila ng lalaki sa aking nagtatayuang nipples. “Lincoln… OHHH!” ungol ko pa habang mas pinagdidiinan ang ulo ng lalaki sa aking suso. “Shit, O… Hinding-hindi ako magsasawa sa malulusog mong suso, these are my favorite!” bulong ni Lincoln sa akin sabay sipsip sa aking nipple. Ilang minuto ring pinagsawaan ni Lincoln ang aking dibdib hanggang sa binaybay na naman nito a
Blanko lamang ang ekspresyong binibigay sa akin ni Lincoln, hindi ko alam kung ano nga ba ang nararamdaman niya o kung ano ang nasa isip niya. Ayaw ko mang aminin pero tuluyan na akong nabigo dahil alam kong sa panaginip na ito ako na naman ang talo. “Bakit mo ako niloko, O?” tanong ulit nito sa akin, ngayon ay tiningnan niya ako ng malungkot na para bang pagod na pagod nang itanong iyon sa akin dahil kahit anong tanong niya sa akin ay wala siyang makukuha. I never cheated on him. Why should I confess? Wala naman akong aaminin dahil hindi ko naman iyon ginawa. Kahit sa panaginip lang ay mas pinili kong kumalma dahil hanggang dito ba naman iyon pa rin ang nasa isip niya, ang niloko ko siya. Natawa ako. “Hindi kita niloko, Lincoln. God knows how much I love you…Mamamatay muna ako bago ko gawin iyon,” sambit ko sa kan’ya. Unti-unting tumulo ang aking luha sa pisngi dahil hindi ko na naman maiwasang maging emosyonal. Na kahit na ibinigay ko sa kan’ya ang lahat ng sa akin ay nakuha pa