Nakangiti akong nagsusukat ng isang magandang dress sa loob ng aking kwarto. Magkikita kasi kami ng boyfriend kong si Jeff ngayon para sa aming fifth year anniversary. Excited ako dahil sa isang mamahaling restaurant kami mag-di-dinner.
Bumaling ako sa pintuan nang biglang may narinig ako na isang katok. Kaagad kong binuksan iyon at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng aking ina. "Ang ganda naman ng anak ko," sabi niya habang papasok sa loob ng aking kwarto. "Siyempre, nagmana ako sa inyo." Malakas siyang napatawa. Umupo siya sa aking higaan at pinagmasdan ako. "Bagay ba sa akin ang dress, Nay?" tanong ko sa kanya sabay ikot ko. Tumawa siya ulit. "Bagay na bagay, Mia anak. Para kang modelo na nakikita ko sa telebisyon." Ako naman ngayon ang napatawa. Bumaling ako sa harap ng salamin at inayos ang suot na dress na kulay pula. Spaghetti strap at hanggang hita ang tabas kung saan nadepina ang magandang hubog ng aking katawan, ang malalaki kong dibdib at maumbok na pwet. "Iyan ba 'yong ipinadala ni Jeff noong isang araw?" tanong ni Nanay, ang tinutukoy niya ay ang suot kong dress. "Opo." "Kasyang-kasya sa 'yo. Halatang alam na alam niya ang sukat mo, ah. Memoryado na ba niya lahat?" nakakalokong sabi ni Nanay. Umismid ako. "Siyempre alam niya kasi sinabi ko ang tamang size sa kanya." Limang taon na kami ni Jeff pero hanggang ngayon wala pang nangyayari sa aming dalawa. Hanggang halik lang at halos hindi niya ako hinahawakan sa kahit anong parte ng katawan ko. Naisip ko na nirerespeto niya lang ako ng husto kaya ganoon siya kaingat. Minsan kapag naghahalikan kami ay siya mismo ang unang tumitigil kahit na gusto ko pa... "Alam mo ba, Nay, kung magkano ito?" "Magkano?" "Nasa six digits. S-in-earch ko sa g****e ang brand." Dumilat ang mata ng aking ina sa gulat at mangha. "Pwede ko ba 'yang ibenta online pagkatapos mong gamitin?" Napatawa akong umiiling. "Nanay naman, eh!" "Biro lang." Naglagay ako ng kaunteng make-up sa mukha. Pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Ang maliit kong mukha. Ang inosente kong mga mata. Ang maliit na ilong na medyo pointed ang tip at ang maliit ko ring mga labi na hugis puso. "Hindi pa rin ba nag-aaya si Jeff ng kasal?" tanong ni Nanay pagkalipas ng ilang sandali. Bumaling ako sa kanya nang nakasimangot. "Nanay, hindi ba't napag-usapan na natin 'to?" Bumuntong-hininga siya. "Nasa tamang edad na kayo. Bente siyete ka na at trenta na si Jake tsaka tama na ang limang taon sa pagiging mag-dyowa." "Huwag po natin siyang pangunahan. Hintayin lang po natin kung kailan niya gagawin." "Kami kasi ng Tatay mo tatlong taon lang na mag-dyowa ay nagpakasal na kami." "Magkaiba po kayo ni Tatay at kami ni Jeff." Bumuntong-hininga ulit siya. Alam ko kung bakit atat na atat na siyang maikasal ako. Gusto na kasi niya ng apo. Inaamin ko rin naman sa sarili ko na gusto ko na ring makasal kay Jeff at magkaroon kami ng pamilya. Pero siguro hindi pa handa si Jeff kaya naman hihintayin ko na lang kung kailan niya gusto. Kaya ko namang maghintay. Sinuklay ko ang matuwid at maiksing buhok ko na hanggang balikat. Sa simula ay ayaw ni Jeff sa buhok kong 'to dahil gusto niya 'yong mahaba. Hindi kasi ako nagpaalam na magpapagupit ako. Mabuti na lang at kalaunan ay nagustuhan niya rin naman. "Pero malay mo baka ngayon mag-propose na siya sa 'yo, anak." Naglagay na rin ako ng hikaw at kwintas. "Okay lang din naman po na hindi pa." "Subukan mo na lang kayang tanungin siya." "Hindi ko gagawin 'yan at lalabas pa na parang desperada ako." "Desperada na kung desperada tsaka wala namang masama ang pagtatanong." "Ayoko, Nay. Baka magaya pa ako kay Lara." "Hindi ka magagaya sa pinsan mo kasi ang boyfriend niya ay playboy. Ibang-iba naman si Jeff do'n. Matinong lalaki ang boyfriend mo." Ilang ulit na tinanong ng pinsan ko ang boyfriend niya kung kailan siya papakasalan dahil matagal na rin silang magkasintahan. Nagsawa ang boyfriend niya at parang na-pressure din kaya naman nagkahiwalay sila. Sinuot ko na ang silver strap high heels ko. Kinuha ko na rin ang sling bag ko na nasa higaan malapit kay Nanay at isinukbit iyon sa aking balikat. "Aalis na po ako, Nay." "Sige, mag-iingat ka. Text mo 'ko kaagad kapag may singsing ka na," natatawa niyang sabi sabay galaw ng kanyang palasingsingan na daliri na may suot na wedding ring nila ni Tatay. Napabuntong-hininga na lamang ako habang papalabas ng kwarto. Hindi ko gagawin ang ginawa ng pinsan ko. Hindi ko tatanungin si Jeff at hindi ko siya i-pi-pressure. Maghihintay ako sa tamang panahon. Halos trenta minutos din ang tinagal ng biyahe papunta sa restaurant kung saan kami magkikita. Tsaka nakadagdag din sa tagal ang traffic. Pagdating ko sa nasabing restaurant ay kaagad akong iginiya ng staff sa isang exclusive room. Lumakas ang tibok ng puso ko nang madatnan ko doon si Jeff na may bitbit na bouquet. Nakatayo siya malapit sa isang square table suot ang kulay itim niyang long-sleeve polo shirt na nakatupi sa braso. Itim na slocks at itim rin na leather shoes. Paglapit ko sa kanya ay nag-dim ang lights ng silid at lumiwanag ang mga fairy lights sa kisame. Napangiti ako at namangha. Ibinigay niya sa akin ang bouquet. "This is for you, my dear girlfriend," nakangiti niyang sabi. "Thank you," nakangiti ko ring sabi sabay kuha ng bouquet. Red roses ang mga iyon. Hinalikan niya ako sa pisngi. "Happy anniversary." Pagkatapos ay sinuyod niya ng tingin ang buong katawan ko. "You look so gorgeous tonight," malamyos niyang sabi. Wala akong naging tugon dahil sa sobrang kilig na nararamdaman. Maingat niya akong pinaupo at pagkatapos ay umupo siya sa harapan ko. Napatitig ako sa mukha niya kasi napansin kong may kakaiba. Dalawang linggo lang naman kaming hindi nagkita pero humaba na ng kaunti ang buhok niya. Pero masasabi kong hindi iyon nakabawas kahit kaunti sa kanyang kagwapohan. Ang mga mata niya ngayon ay parang kumikislap na mga butuin dahil hindi lang ang mga labi niya ang nakangiti, pati rin ang mga iyon. Usually ay seryoso ang mukha ni Jeff, hindi kagaya ngayon na sobrang lapad ng ngiti niya. Siguro masayang-masaya rin siya kagaya ko. Ilang sandali kaming nagkatitigan at naputol lang nang biglang may lumapit sa amin at nilagay sa ibabaw ng lamesa ang aming mga pagkain. Kasunod na nilagay ang aming plato, mga kubyertus at malamig na tubig. Tinanggal ko ang sling bag ko at inilagay iyon sa aking kandungan. Nilagay ko na rin sa gilid ng lamesa ang bouquet na binigay niya. "Do you like it?" tanong niya nang mapansin ang paninitig ko sa bulaklak. Sa ilang taon naming nag-cecelebrate kadalasan ay pink tulips ang binibigay niya. Ngayon lang siya nagbigay ng red roses. Nakaramdam ako ng pagpiga ng kung ano sa loob ng aking tiyan dahil may biglang sumagi sa aking isipan. Hindi kaya? Kaagad ko rin namang iwinaglit iyon sa aking isipan dahil ayokong umasa. Ang dapat ko lang gawin sa gabing ito ay eenjoy ang bawat minuto. Tumango ako bilang tugon. "Good to hear that," sabi niya. Nang sinimulan na naming kumain ay biglang tumugtog ang isang violin sa gilid ng silid. Hindi ko namalayan na may tatlong manunugtog na pala ang nandoon. Instrumental love song ang itinugtog nila. Naiiyak akong bumaling kay Jeff dahil sa effort niya sa anniversary namin ngayon. Nadatnan ko naman siyang nakatitig sa akin. Ang saya ko. Sobrang saya. Habang kumakain kami ay ilang beses kong nahuli ang mga mata niya na sumusulyap-sulyap sa akin. Idinaan ko na lang sa hagikhik ang kilig at ang pag-init ng pisngi ko dahil sa ginagawa niya. Nang maubos na ang pagkain namin ay sumenyas siya at lumapit kaagad sa amin ang isang staff dala ang isang wine at dalawang wine glass. Nagkatitigan kami ni Jeff habang umiinom ng wine. Sa hindi malaman na dahilan biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang bigla siyang tumayo pagkatapos punasan ang bibig ng puting panyo na dala niya. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa aking harapan. Inilabas niya ang isang singsing. Nalunok ko ng wala sa oras ang iniinom na wine dahil sa ginawa niya. "Will you marry me?" "Jeff?" Iyon lang ang nasabi ko dahil halos hindi ko pa ma-proseso ang sinabi niya. "I want to spend my life with you, Mia. I want you to be my wife. Will you marry me?" ulit niya. Hindi ako makapagsalita. Tanging tango lang ang nagawa ko. Ngumiti siya at kaagad na isinuot ang singsing sa aking palasingsingan. Nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan ang singsing na suot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Tama nga ang naging kutob ni Nanay kanina at tama rin ang ginawa kong paghihintay. Tumayo na si Jeff. Kinuha niya ang wine glass mula sa aking kamay at inilagay iyon sa ibabaw ng lamesa. Kinuha niya rin ang sling bag ko mula sa aking kandungan at inilagay din sa lamesa. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinatayo ako. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. Kasabay ng romantic love song na tinutugtog ng mga violinist ay ang dahan-dahan ding pagsayaw sa akin ni Jeff. Ilang sandali kaming nagyakapan hanggang sa may ibinulong siya sa aking taenga. "I want you right now, Mia." Nagsitayuan ang mga balahibo ko pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin. Unang beses kong marinig iyon mula sa kanya. "I want us to spend the night together." Uminit ang buong katawan ko. Inaamin kong matagal ko na ring gusto na mangyari ang nais niya. "Is it okay with you?" Hindi ako sumagot kaya naman kumalas siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata. "I need your permission, Mia. Please answer me." Lumunok muna ako bago sumagot. "Oo, Jeff, gusto ko rin," namamaos na tugon ko. Iyon lang ang hinintay niya at kaagad akong siniil ng mapupusok na halik. Kakaiba ito sa mga kadalasang halik niya. Halos hindi ko mapantayan ito ngayon. Bigla siyang tumigil at pinagdikit ang mga noo namin. "Can we go now?" hinihingal niyang tanong. Tumango ako. Siya na ang nagsukbit ng sling bag ko sa balikat ko at siya na rin ang nagbitbit ng bouquet. Pagkatapos ay hinila na niya ako palabas ng silid na iyon. Since hotel ang nasa itaas na palapag ng restaurant kaya naman kaagad kaming nag-check-in at pagkatapos ay tinungo na ang elevator. Pinili ni Jeff ang fifteenth floor kung saan ang pinakamataas na floor. Hindi humupa ang kaba sa aking dibdib at mas lalo itong dumagundong nang pagpasok namin sa isang VIP room ay mabilis niyang itinapon ang bouquet sa sofa at inatake niya kaagad ako ng agresibong mga halik. Naninibago ako sa paraan ng paghalik niya kasi hindi siya ganito. Pero naisip ko rin na dapat na akong masanay dahil gusto ko rin na ganito siya. Naging mabilis ang galaw ng mga kamay ni Jeff at ngayon nga ay pareho na kaming hubot-hubad na. Nakahiga na ako sa kama at siya ay nasa ibabaw ko. Wala na siyang sinayang pa na pagkakataon at mabilis niyang ipinasok ang kanya sa akin. Napasigaw ako nang walang pagdahan-dahan niyang ginawa iyon. Hindi na ako nakapagreklamo pa nang maramdaman ko na ang sarap dahil sa paglabas-pasok niya. Oo masakit dahil unang beses ko pero gusto ko rin ang sarap na hatid sa katawan ko ang bawat na paggalaw niya. Magkahalong sigaw at ungol ang ginawa ko hanggang sa nakatulog ako sa sobrang pagod. Nagising ako na madilim pa rin ang labas dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Nakita ko naman ang oras sa wall clock na alas diyes pasado pa lamang. Ayoko pa sanang bumangon dahil gusto ko pang manatili sa mga bisig ni Jeff pero wala akong nagawa nang hindi tumigil ang tawag. Dahan-dahan akong kumawala sa yakap ni Jeff at tumayo na mula sa higaan. Naramdaman ko kaagad ang hapdi sa maselang parte ng pagkababae ko pero ininda ko iyon at hinanap ang sling bag dahil nandoon ang cellphone ko. Natagpuan ko din naman iyon sa sahig at kaagad kong binuksan. Wala sa sarili kong sinagot ang tumatawag. "Hello?" "Thank God at sinagot muna ang tawag ko. Kanina pa ako tumatawag pero hindi mo sinasagot. Hindi ka rin nag-reply sa mga texts ko. I know it's my fault na hindi tayo nakapag-celebrate ng anniversary ngayon. I am really sorry, okay? Please forgive me, Mia. I'll make it up to you. I promise." Napakunot ang noo ko at tiningnan ang pangalan ng tumatawag sa screen ng cellphone. Napaawang ang labi ko at muling ibinalik ang cellphone sa taenga. "Mia, please. Talk to me. I don't want us to fight. Please forgive me." "Jeff?" wala sa sarili kong tawag sa kanya. "Yes. Forgive me. Pease?" Alam ko ang boses niya at boses niya ito. Sigurado ako. Bumaling ako sa higaan at lumakas ang tibok ng puso ko. Kung si Jeff ang kausap ko sa cellphone, sino ang lalaking ito na pinagkalooban ko ng pagkababae ko? Sino pala ang lalaking ito na nagkunwaring si Jeff na boyfriend ko?Naging maayos na ang pakikitungo sa akin ni Mrs. Corpuz pero hindi ko masasabing malapit na kami sa isa't isa. Tamang pakikitungo lang kunbaga. Nagpapansinan na kami kapag nagkikita kami pero hindi kami masyadong nagkukwentuhan ng kung anu-ano. Minsan pakiramdam ko ay nahihiya siya sa akin. Mas malapit sila ni Isabel, iyong napangasawa ni Jeff. Noong kasal nga, napaiyak si Mrs. Corpuz at mahigpit silang nagyayakapan. Nag-usap sila at nagtawanan.Hindi naman ako naiinggit na ganoon sila, na mas malapit sila at mas makuwento ni Mrs. Corpuz sa kanya. Ang mahalaga sa akin ay hindi na galit sa akin si Mrs. Corpuz at tanggap na niya ako para sa anak niya. "I don't love her. This is just business after all."Iyon ang narinig kong sabi ni Jeff nang tanungin siya ni Jake kung may nararamdaman ba siya para sa babaeng naipakasal sa kanya. Iyon naman talaga ang palaging iniisip ni Jeff, ang negosyo. Hindi uso sa kanya ang umibig. Iyong sa aming dalawa noon, pag-ibig pa rin naman 'yon pero para
Simula nang lumipat kami ni Jake ay sa bahay na lang din siya nagtatrabaho. Araw-araw siyang may kausap sa cellphone at may ka-zoom meeting sa laptop. Madalang lang siya kung umalis at kung aalis man siya, sinisiguro niyang makakauwi siya sa gabi. Hindi niya ako hinahayaan dito sa bahay na mag-isa. Pero hindi naman talaga ako mag-isa kasi may may mga katulong naman at guards. Kaya lang hindi kampante si Jake kapag gano'n. Minsan nga kapag aalis siya buong araw ay pinapakiusapan niya sina Nanay at Tatay na samahan ako dito. Sinisiguro niyang may makakatingin sa akin habang wala siya. Gusto niyang ligtas ako.May plano na rin kaming magpakasal sa susunod na taon. Hindi na kasi kaya sa taon na ito dahil nasa ika-fourth quarter na at wala ng tamang panahon para mag-prepara. Tsaka ngayong taon na ito ikakasal si Jeff at ang fiancee niya kaya hindi rin kami pwede ni Jake dahil bawal 'yon base sa pamahiin ng mga matatanda.At ang isang dahilan, hindi pa kami nag-kakaayos ni Mrs. Corpuz..."I
Yakap-yakap pa ako ni Jake sa puntong iyon nang biglang nakawala ang matandang lalaki mula sa pagkakahawak ng mga pulis. Tumakbo siya palapit sa amin at walang pag-aalinlangan na binaril si Jake. Tumigil ang mundo para sa akin. Sumigaw ako ng napakalakas. Nagwala. Humagulhol ng iyak. Pakiramdam ko mamamatay na rin ako. Sumisikip na ang dibdib ko.Napapikit ako habang nagmamakaawa sa Panginoon. Huwag niyo pong kunin sa akin si Jake...Parang awa niyo na...Jake...Jake!Nagising ako bigla. Umiiyak pa rin ako at nagwawala. Sinisigaw ko ng paulit-ulit ang pangalan ni Jake. Pero sa pagkakataong ito ay nasa ibang silid na ako kung saan puti lahat ang pintura. Nakahiga na ako sa isang malambot na kama.Kasalukuyan akong niyayakap ni Jake."Mia, please calm down. You are safe now. Please."Iyon ang paulit-ulit niyang sinabi habang hinahalikan ang ulo ko. Umiiyak pa rin ako kasi akala ko totoo na ang nangyari. Akala ko totoong nabaril si Jake. Niyakap ko na rin siya ng mahigpit dahilan k
Nagising ako dahil sa malakas na paghampas ng isang bagay na hindi ko mawari kung ano.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Kahit ang pagmulat ay nahihirapan ako. Ramdam ko rin ang pagod at panghihina ng buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit.Hindi ko naibukas ng mabuti ang aking mga mata dahilan kung bakit hindi ko halos makita ng maayos ang nasa harapan ko. Ang tanging klaro lang sa akin ay ang gumagalaw na braso hawak ang isang bote ng alak. Naibaba ang bote sa isang lamesa at pagkatapos ay gumalaw ulit ang braso. Paulit-ulit iyon na nangyari hanggang sa dumilim ulit ang paningin ko.Sa pangalawang pagkakataon na nagising ako dahil sa malakas na paghampas sa aking balikat."Hey! Wake up!" narinig kong sigaw ng isang boses. Ngayon ay naimulat ko na ng maayos ang aking mata at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakasuot ng itim na sumbrero. Hindi ko makita ng mabuti ang mga mata niya pero pamilyar iyon sa akin."Finally, nagising ka na," nakangisi niyang sabi. Akmang h
Mag-iisang linggo na kami dito sa bahay kaya naman napagdesisyunan na namin ni Jake na umuwi na bukasan. Excited na rin akong bumalik sa trabaho para makita sina Andrea at Joyce. Tinawagan ko sila noong isang araw para kumustahin sila. Connecting calls ang ginawa ko para makausap ko rin si Joyce."Alam mo ba, Mia, itong si Andrea parang ewan. Umiyak kasi nalaman niyang may jowa pala 'yong crush niya," kwento ni Joyce ss akin."Ay, talaga? Akala ko ba single 'yon?""Akala nga din niya. Pero may girlfriend naman pala. Hindi lang ata niya nakita-""Eh, wala naman talaga! Kasi sa tuwing nakikita ko siya sa labas ng building ay wala siyang kasama," putol ni Andrea habang may sinasabi si Joyce."Kung nasa labas ng building, ibig sabihin no'n may hinihintay.""Eh, hindi ko nga nakikita na may sumasalubong sa kanya-""Paano mo malalaman? Nasa loob tayo ng building-""Tuwing nakikita ko nga siya sa labas ay wala-"Napailing na lamang ako nang magtalo na silang dalawa. Kahit dalawang linggo pa
"Careful," bulong sa akin ni Jake habang nakapikit ako at nakatakip ang isang kamay niya sa mga mata ko. Nakasuporta naman ang isang kamay niya sa baywang ko para hindi ako matumba sa paglalakad. Nakarating na kami sa sinabi niyang lugar kung saan surpresa raw niya iyon para sa akin. Na-eexcite ako habang nag-iisip kung ano bang lugar itong inihanda niya. "Malayo pa ba?" nakangiti kong tanong sa kanya. Ilang hakbang na kasi ang nagawa ko pero hindi pa rin niya tinatanggal ang takip sa aking mata at tsaka gusto ko na rin kasing makita ang lugar."Malapit na."Ilang hakbang pa ang ginawa ko hanggang sa pinatigil na niya ako."Dito na?" Ang boses ko ngayon ay parang sumisigaw na sobrang excitement.Kasabay ng pagtanggal ng kamay niya sa mga mata ko ay siya rin namang pagmulat ko.Tumambad sa amin ang isang malaking bahay. Dalawang palapag iyon na yari sa salamin ang naglalakihang mga dingding. Nakabukas ang lahat ng ilaw kaya naman nakikita ko kung ano ang nasa loob. May malaking livin