ログインZANIYAH
Maayos ang pagkakaayos ng buhok ni Riven Hayes at mukhang nasa late twenties. Guwapo ang mukha niya, pero walang kahit anong kabaitan sa mga mata niya. Nakasandal lang siya sa upuan habang umiikot ang baso ng alak sa isang kamay.Parang walang halaga sa kanya ang dalawampung milyong binanggit niya.
Napakunot ang noo ng ilang lalaki.
“Hoy, Riven!” sigaw ng isa. “Nakakuha ka na ng isa kanina!”
Nagtawanan ang ilan.
“Ibigay mo naman sa amin ang isang ito! Bakit kailangan mo pa ng dalawa?”
Ngumisi si Riven habang nakatingin sa akin.
“Magkaiba sila,” sagot niya. “At mas gusto ko ang isang ito.”
“Dahil virgin pa?” natatawang tanong ng isang lalaki.
Hindi na siya sinagot ni Riven. Muling nagtawanan ang mga lalaki.
“Puwede mo namang ipahiram sa amin pagkatapos!” sigaw ng isa mula sa likuran.
“Baka kailangan niya ng maraming kalaro para matutong sumunod!”
Mas lalo silang nagtawanan.
Nagsikip ang sikmura ko. Parang gusto kong masuka.
Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang mabili ng isa sa kanila o ang marinig silang mag-usap na para bang wala akong sariling isip at katawan.
“Huwag ninyo akong hawakan!” sigaw ko. “Hindi ako sasama sa kahit sino sa inyo!”
Tumawa si Riven. “Mukhang matagal-tagal bago siya mapaamo.”
“Mas maganda nga iyon,” sagot ng matabang lalaki.
Biglang itinaas ni Mr. Salvador ang paddle niya.
“Thirty million!”
Nawala ang tawanan sa silid. Halos lahat ay napalingon sa kanya.
Maski ang auctioneer ay napataas ang kilay.
“Thirty million pesos from Mr. Salvador!” masayang sigaw niya. “May tataas pa ba?”
Hindi ako makapaniwala.
Tatlumpung milyon.
Ganoon na ba kataas ang halaga ng isang gabing gusto nilang kunin mula sa akin? Sampung milyon lang ang kailangan kong bayaran, pero sa harap nila, parang presyo na ng buong pagkatao ko ang pinag-uusapan.
Napatingin ako sa sarili kong mga kamay.
Tama ang sinabi ng auctioneer, virgin pa ako, at iisa lang ang naging boyfriend ko—si Aamon.Siya ang una kong minahal at ang tanging lalaking pinagkatiwalaan ko. Halos dalawang taon din kaming naging magkasintahan, pero kahit kailan ay hindi niya ako pinilit gumawa ng anumang hindi ko gusto.
Hindi pa nga niya ako nahalikan sa labi, hanggang pisngi at noo lang.
Palagi niyang sinasabi na kaya niyang maghintay hanggang sa maging handa ako.
Akala ko, seryoso siya.
Akala ko, ako na ang babaeng makakasama niya habang buhay.
Pero isang araw, sinabi niyang kailangan niyang pumunta sa US dahil sa negosyo ng pamilya nila. Nangako siyang tatawag. Nangako rin siyang babalik.
Limang taon akong naghintay, ngunit ni minsan ay hindi na siya nagparamdam.
“Forty million.”
Napakurap ako nang marinig ang isa pang bid.
“Forty million pesos! May tataas pa ba?” tanong ng auctioneer.
Muling itinaas ni Riven ang paddle niya.
“Fifty million.”
Sabay-sabay na napasinghap ang mga tao sa paligid.
Maski ang matabang lalaki ay napamura at napaupo nang maayos.
“Fifty million pesos from Mr. Hayes!” halos mapasigaw sa tuwa ang auctioneer. “Ladies and gentlemen, mayroon pa bang tataas?”
Walang sumagot. Nagtinginan ang mga lalaki, pero walang nagtaas ng paddle.
Mukhang kahit para sa kanila, sobra na ang halagang iyon.
Napatingin ako kay Riven. Nakataas ang isang sulok ng labi niya habang nakatitig sa akin. Para bang sigurado na siyang pag-aari na niya ako.
Naramdaman kong nanlamig ang mga kamay ko.
Kung siya ang bumili sa akin, ano ang gagawin niya?
Dadalhin ba niya ako kung saan dinala ang unang babae?
Magkasama ba kaming ikukulong? O mas masahol pa roon?
“Fifty million pesos,” ulit ng auctioneer habang nakangiti. “Going once.”
Itinaas niya ang martilyo.
“Going twice.”
Mahigpit akong napayakap sa sarili.
Gusto kong tawagin sina Mama at Papa. Gusto kong itanong kung paano nila nagawang pumayag dito. Isa lang ba talaga akong pambayad sa utang?Bahagyang ibinaba ng auctioneer ang martilyo, handa na iyong ipukpok.
Ngunit bago pa tumama ang kahoy sa mesa, isang malamig at matatag na boses ang umalingawngaw sa buong silid.
“One hundred million.”
Parang huminto ang oras sa loob ng silid. Nanatiling nakataas ang martilyo ng auctioneer habang ang lahat ay napalingon sa pinanggalingan ng boses. Maski si Riven Hayes ay nawala ang ngiti at napatuwid sa kanyang upuan.
Sa pinakadulong bahagi ng silid ay may isang lalaking nakaupo sa madilim na sulok habang nakataas ang paddle sa kamay niya. Hindi ko agad nakita ang mukha niya dahil halos walang ilaw sa puwesto niya.
“One hundred million pesos?” Hindi makapaniwalang tanong ng auctioneer.
Tumayo ang lalaki.
Unti-unting tinamaan ng liwanag ang matangkad niyang katawan. Suot niya ang isang itim na three-piece suit na perpektong nakalapat sa malapad niyang mga balikat. Malamig ang mukha niya, at walang mabasang emosyon sa matatalim niyang mga mata. Pamilyar ang paraan ng kanyang pagtindig.
Parang tumigil ang mundo ko habang naglalakad siya patungo sa harapan.
Hindi ako makahinga.
Dahil ang lalaking nagbigay ng isang daang milyong piso para bilhin ako ay hindi isang estranghero.
Siya ang lalaking minsan kong minahal.
Ang lalaking nangakong babalik ngunit bigla na lamang nawala.
Si Aamon Carrington.
ZANIYAHDahan-dahan niya akong inilapag sa kama nang hindi pinuputol ang pagkalapat ng kanyang mapupulang labi sa akin. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang kanyang mga halik. Ganito pala ang feeling ng mga taong naghahalikan, masarap at nakakaloko. Hindi ba galit ako sa kanya, bakit ngayon hindi ko man lang magawa na itulak siya palayo. Hindi ko alam kung bakit gusto ko ang ginagawa ni Aamon sakin.Hindi ko namalayan na naka patong na pala siya sa ibabaw ko. Unti-unti kong naramdaman ang matigas niyang alaga nang dahan-dahan niyang ikiskis iyon sa mamasa-masa kong hiyas. "Ohhh" ungol ko ng bigla niyang idiin ang kanyang pagkalalaki sa akin. Habang tumatagal mas lalo akong nalulunod sa sarap ng kanyang mga halik. Unti-unting bumababa ang mga halik niya sa aking leeg habang hinahaplos ang malulusog kong mga suso. Para akong mababaliw at hindi ko maipalawanag ang aking nararamdaman. Ibinaba niya ang kanyang kamay papunta sa laylayan ng aking bathrobe at dahan-dahan niyang tin
ZANIYAHPagkapasok namin sa hotel room, agad akong dumiretso sa bathroom. Gusto ko lang talagang makaligo dahil nanunuot na sa balat ko ang lamig mula sa ulan.“Mauna na akong maligo,” sabi ko habang hawak ang doorknob. “Parang mamamatay na ako sa lamig.”“Go,” sagot ni Aamon habang inilalapag ang cellphone at wallet niya sa side table.Hindi na ako naghintay pa at agad kong isinara ang bathroom door.Mainit ang shower kaya kahit paano ay nawala ang panginginig ko. Pero matapos kong maligo, saka ko na-realize na wala pala akong pamalit na damit.Napatingin ako sa basang dress at underwear ko.Great.Wala akong choice kundi isuot muna ang bathrobe ng hotel.Paglabas ko ng bathroom, nakita kong nakaupo si Aamon sa gilid ng kama. Napatingin siya sa akin nang bumukas ang pinto kaya bigla akong nailang.“Bakit?” tanong ko habang hinahawakan nang mas mahigpit ang sinturon ng bathrobe.“Nothing,” sagot niya habang tumatayo. “Ako naman.”Pumasok siya sa bathroom at isinara ang pinto.Habang n
ZANIYAHBasang-basa kami nang tuluyan kaming makapasok sa sasakyan ni Aamon. Pagkasara ko ng pinto, saka ko lang naramdaman kung gaano kalamig ang katawan ko. Nanginginig ang mga kamay ko at halos mangatal ang mga tuhod ko habang nakaupo sa passenger seat.Siguro dahil lang iyon sa aircon.Napansin ni Aamon ang panginginig ko kaya agad niyang hininaan ang aircon. Pagkatapos ay sumulyap siya sa backseat at inabot ang coat niyang nakapatong doon.“Here,” sabi niya habang iniabot iyon sa akin. “Isuot mo muna.”Napatingin ako sa coat bago ko iyon tinanggap. “Thanks,” maikli kong sagot habang isinusuot iyon sa balikat ko.Doon ko lang napansin na wala na pala siyang suot na coat nang bumaba siya ng sasakyan kanina. Naka-white polo lang siya ngayon, at dahil basang-basa rin iyon sa ulan, halos dumikit na ang tela sa katawan niya.Napadako ang tingin ko sa dibdib niya.Putang ina.Hapit na hapit ang polo sa katawan niya kaya kitang-kita ang hulma ng dibdib niya. Hindi ko namalayang bumaba pa
CHAPTER 12ZANIYAHBandang alas-singko y medya, nasa waiting area pa rin ako.Mahigit isang oras na simula nang umalis si Aamon. Tiningnan ko ang cellphone ko, pero wala pa ring tawag o message mula sa kanya.Nagtext ako.[Are you done?]Walang reply.Pinilit kong huwag mainis.Sinabi naman niyang one or two hours.Bandang alas-sais y medya, tumawag ako.Hindi niya sinagot.Napabuntong-hininga ako at ibinalik ang cellphone sa kandungan ko.May emergency lang siya, Zaniyah. Huwag kang praning.Pero pagsapit ng alas-siyete y medya, hindi na talaga ako mapakali. Halos tatlong oras na mula nang umalis siya at ni isang message, wala.Paminsan-minsan, napapatingin ako sa glass doors ng clinic sa tuwing may headlights na dumadaan sa labas.Pero walang Aamon.Bandang alas-otso y medya, nagsimula nang magligpit ang mga staff. Lumapit sa akin ang receptionist habang may hawak na ilang folders.“Ma’am Zaniyah, may susundo pa rin po ba sa inyo?” magalang nitong tanong habang pasulyap na tumitingi
CHAPTER 11ZANIYAHPagkatapos ng appointment namin sa clinic, hindi agad kami bumalik sa villa.“Where are we going?” tanong ko habang pasulyap-sulyap kay Aamon na tahimik lang na nagmamaneho.“Kakain,” maikli niyang sagot nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.Napakunot ang noo ko at sumandal sa upuan. “Hindi ba puwedeng sa villa na lang tayo kumain?” tanong ko.“Babalik tayo sa clinic mamayang hapon para sa complete laboratory results mo,” paliwanag niya habang patuloy sa pagmamaneho. “Mas malapit dito ang restaurant.”Hindi na ako nagtanong pa. Mukhang nakaayos na naman sa isip niya ang buong schedule namin kaya wala rin namang saysay makipagtalo.Makalipas ang ilang minuto, huminto kami sa harap ng isang sikat at mamahaling restaurant na ilang beses ko nang nakikita sa social media. Hindi ko pa man nakikita ang menu, pakiramdam ko isang order lang dito, ilang araw na agad na kita ng karinderya namin.Pagpasok namin, agad kaming sinalubong ng manager.“Good afternoon, Mr. Carrin
ZANIYAHKinabukasan, alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako.Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang beses akong nagising at hindi ko alam kung dahil naninibago lang ang katawan ko sa lugar o dahil hindi pa rin matahimik ang isip ko sa lahat ng nalaman ko kahapon.Pagbangon ko, inayos ko agad ang kama gaya ng nakasanayan ko sa bahay. Kahit may mga staff naman dito na siguradong gagawa niyon para sa akin, hindi ako sanay na iniiwan lang na magulo ang higaan ko. Pagkatapos, naligo ako at nagsimulang mag-ayos.Isang simple lang na pink halter-neck midi dress na may maliliit na floral prints ang pinili kong isuot. Ipinares ko iyon sa puting flat shoes na may maliit na bow. Hinayaan ko lang ding nakalugay ang buhok ko at naglagay ng kaunting make-up.







