Share

Chapter 004

Author: Mira Solenne
last update publish date: 2026-06-28 19:41:17

Maya-maya, may mainit na likidong dumaloy mula sa noo niya. Nanlaki ang mata niyang matantuang dugo pala iyon. Unti-unti iyong umagos pababa sa mukha at leeg niya. Humalo iyon sa malamig na alak na bumasa sa buong katawan niya.

Nakatihaya lang si Reina sa sahig, halos hindi makagalaw. Parang biglang namanhid ang kalahati ng katawan niya, habang matinding kirot ang nararamdaman niya sa balikat, likod, at batok. Sa bawat pagtatangka niyang gumalaw, lalo lang sumasakit ang buong katawan niya. 

Naririnig pa rin niya ang mga sigawan ng mga tao. Pero parang unti-unti nang lumalayo ang mga iyon. Parang lumulubog siya sa isang madilim na lugar kung saan paunti-unti nang nawawala ang lahat ng tunog.

"Kuya Marco!" naiiyak na sabi ni Sophia. "Ang sakit ng paa ko..."

Agad siyang inalalayan ni Marco.

"Nasaan? Tingnan ko,” natatarantang sabi ni Marco.

"My ankle hurts, huhu."

May maliit na hiwa sa bukung-bukong ni Sophia. Dumudugo iyon, pero hindi naman malalim.

Gayunman, halos hindi ito makahinto sa pag-iyak.

Samantalang si Reina, pilit niyang itinukod ang isang kamay sa sahig para makabangon. Lumalabo na ang paningin niya. Nanginginig niyang iniunat ang kamay papunta kay Marco, na para bang humihingi ng tulong. Gumalaw ang mga labi niya, pero kahit anong pilit niya, wala pa ring boses na lumabas. 

Hindi man lang siya nilingon ni Marco dahil binuhat na nito si Sophia.

"Marco!" Tawag ng isa nilang kaibigan na si Gelo. "Parang malubha rin ang lagay ni Reina."

Saglit na huminto si Marco at lumingon siya.

Pero bago pa siya makalapit, napayakap si Sophia sa leeg niya habang umiiyak.

"Kuya... sobrang sakit... baka nabali ang paa ko..."

Napapikit si Marco.

Pagkatapos ay tumingin siya sa mga kaibigan niya.

"Kayo na ang bahala kay Reina. Dalhin ninyo siya sa ospital o ihatid sa bahay kung kaya pa niya. Uunahin ko munang ipatingin si Sophia. Hindi siya sanay sa sakit."

Tahimik na nagkatinginan ang lahat. "Sige."

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Marco. Bitbit na niya si Sophia at mabilis siyang lumabas ng VIP room.

Samantala, tahimik na naiwan ang mga kaibigan niya kasama si Reina. Napatingin sila dito na nakaupo pa rin sa sahig.

"Reina... kaya mo bang tumayo?" tanong ni Gelo.

"Hoy, tanga ka ba? Bingi pa si Reina. Teka, marunong ka ba ng sign language?" nababahalang tanong ng isang lalaki na si Taylor.

Nagkibit-balikat na lang si Gelo. "Malay ko. Pero bahala na."

Lalong lumabo ang paningin ni Reina. Naririnig pa rin niya ang mga boses sa paligid, pero parang unti-unti nang lumalayo ang mga iyon. Dumaloy ang dugo mula sa noo niya at pumatak sa mga mata niya. Dahil doon, namula ang paningin niya hanggang sa halos wala na siyang makita.

Gusto niyang umiling. Gusto niyang gumalaw. Pero wala na siyang lakas. Sobrang lamig ng pakiramdam niya, na para bang pati mga buto niya ay unti-unting nagyeyelo. Dahan-dahang umiikot ang buong paligid, at unti-unti nang nagdidilim ang lahat sa harap niya.

Biglang may sumigaw. "Grabe! Ang daming dugo!"

Parang lalo pang lumayo ang mga boses na iyon at unti-unting dumilim ang paningin niya.

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

"Bakit hindi sumasagot si Marco..."

***

Nagising si Reina dahil sa matinding sakit. Pagmulat niya ng mga mata, puro puti ang bumungad sa kanya. Amoy na amoy niya ang matapang na disinfectant sa buong silid.

Dahan-dahan niyang ginalaw ang mga daliri niya. Pero nang bahagya niyang igalaw ang balikat, napangiwi siya sa sobrang sakit. May benda ang noo niya, naka-splint ang kaliwang braso niya, at kumikirot pa rin ang likod ng ulo niya.

Tahimik ang buong silid. Tanging tunog ng mga makinang nakakabit sa kanya ang maririnig. Dahan-dahan siyang lumingon sa bintana. Makulimlim ang langit. Hindi niya malaman kung umaga na ba o gabi.

Biglang bumukas ang pinto.

Pumasok ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng puting doctor's coat. May suot itong salamin at seryoso ang mukha. Iyon ay si Dr. Lucas.

"Nagising ka na?"

Lumapit ito sa kama at tiningnan ang medical chart.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Hindi inaasahan ni Reina na sa ospital nito siya dadalhin.

Sa nakalipas na anim na buwan, si Dr. Lucas ang namahala sa gamutan niya. Dahil dito, unti-unti niyang nabawi ang pandinig niya.

Binuka ni Reina ang bibig niya pero paos na hangin lang ang lumabas.

Umiling si Dr. Lucas.

"Huwag ka munang magsalita. Maayos naman ang vocal cords mo. Namaga lang ang lalamunan mo dahil sa mataas mong lagnat. Ilang araw lang, babalik din ang boses mo."

Kumuha ito ng maliit na notebook at ballpen sa bulsa nito at iniabot kay Reina.

Agad naman nagsulat si Reina.

[ Salamat po, Doc. Dahil sa inyo, nakakarinig na ulit ako. ]

Napangiti si Dr. Lucas. Pagkatapos ay ibinalik ni Reina ang notebook sa kanya.

"Huwag mo akong pasalamatan, Reina. May isang tao lang talagang gustong gumaling ka."

"At kung hindi kita napagaling… sigurado akong hindi niya ako pauuwiin ng Cebu,” dagdag na sabi ni Dr. Lucas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Regret: Too Late, I'm the Tycoon's Wife Now   Chapter 005

    Napahinto si Reina sa narinig. Bahagya siyang napakunot-noo habang nakatingin kay Dr. Lucas.Sino ang tinutukoy nito? Si Marco ba?Pero posible naman.Dahil sa loob ng isang taon, nakita mismo ni Reina kung paano halos maubos ang oras at pera ni Marco sa paghahanap ng doktor na makapagpapagaling sa pandinig niya. Halos nalibot na nila ang iba't ibang ospital sa Pilipinas. Ilang espesyalista na ang nakausap nila. Ilang beses na rin siyang umasa at nabigo. Pero nanatili si Marco sa tabi niya sa bawat check-up at bawat therapy.Hanggang anim na buwan na ang nakalipas, nang si Dr. Lucas ang humawak sa gamutan niya. Mula noon, unti-unting bumalik ang pandinig niya. Akala niya noon, isa lang iyong bunga ng tiyaga at pagmamahal ni Marco.Pero ngayon, parang may mali.Kung si Marco nga ang tinutukoy ni Dr. Lucas, bakit parang hindi naman magkasundo ang dalawa?Naalala niya ang bawat check-up niya noon. Tahimik lang si Marco habang kausap ang doktor, pero kapansin-pansin ang malamig na pakikit

  • His Regret: Too Late, I'm the Tycoon's Wife Now   Chapter 004

    Maya-maya, may mainit na likidong dumaloy mula sa noo niya. Nanlaki ang mata niyang matantuang dugo pala iyon. Unti-unti iyong umagos pababa sa mukha at leeg niya. Humalo iyon sa malamig na alak na bumasa sa buong katawan niya. Nakatihaya lang si Reina sa sahig, halos hindi makagalaw. Parang biglang namanhid ang kalahati ng katawan niya, habang matinding kirot ang nararamdaman niya sa balikat, likod, at batok. Sa bawat pagtatangka niyang gumalaw, lalo lang sumasakit ang buong katawan niya. Naririnig pa rin niya ang mga sigawan ng mga tao. Pero parang unti-unti nang lumalayo ang mga iyon. Parang lumulubog siya sa isang madilim na lugar kung saan paunti-unti nang nawawala ang lahat ng tunog."Kuya Marco!" naiiyak na sabi ni Sophia. "Ang sakit ng paa ko..."Agad siyang inalalayan ni Marco."Nasaan? Tingnan ko,” natatarantang sabi ni Marco."My ankle hurts, huhu."May maliit na hiwa sa bukung-bukong ni Sophia. Dumudugo iyon, pero hindi naman malalim.Gayunman, halos hindi ito makahinto

  • His Regret: Too Late, I'm the Tycoon's Wife Now   Chapter 003

    Mabilis na namula ang pisngi ni Sophia. Dahan-dahan niyang hinawakan ang nasampal na bahagi habang nanlalaki ang mga mata sa gulat. Ilang sandali siyang natigilan. Halatang hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Sa buong buhay niya, ngayon pa lang may naglakas-loob na sampalin siya. "Reina..." nanginginig ang boses niya. "Sinampal mo ako?"Sa sobrang galit, agad na itinaas ni Sophia ang kamay para sampalin si Reina. Pero mas mabilis si Reina. Bago pa tumama ang kamay ni Sophia, mahigpit na niyang nahawakan ang pulsuhan nito. Pak!Isa na namang malakas na sampal ang dumagundong sa buong VIP room. Napaling ang ulo ni Sophia sa lakas ng tama. Nagulo ang maayos niyang kulot na buhok at tumabing iyon sa mukha niya.Nanatili siyang nakatulala. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Dalawang beses siyang sinampal ni Reina. At sa harap pa ng napakaraming tao.Tahimik ang buong VIP room. Lahat ay nakatitig kina Reina at Sophia.Si Marco ang unang natauhan. Nanlaki ang mga mata niya

  • His Regret: Too Late, I'm the Tycoon's Wife Now   Chapter 002

    Nang ma-send ang message, saka dahan-dahang itinulak ni Reina ang pinto ng VIP room.Sa isang iglap, tumigil ang tawanan sa loob. Lahat ng mata ay sabay-sabay na napalingon sa kanya.Makapal ang usok ng sigarilyo sa loob. Humahalo iyon sa amoy ng alak at mamahaling pabango. Pagpasok pa lang ni Reina, iyon agad ang bumungad sa kanya. Pakiramdam niya, bawat paghinga niya ay unti-unting sumasakal sa kanya. Sa ilalim ng ilaw, naroon ang mga kaibigan ni Marco. Lahat sila ay nakatawa, may hawak na wine glass, at mukhang masayang nagkukuwentuhan.Sa gitna nila, tahimik na nakaupo si Marco. May sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya. Habang dahan-dahang umaakyat ang usok, mas lalo siyang mukhang malamig at mailap.Si Marco ang unang tumayo. Dahil doon, saglit na kumislap ang kaba sa mga mata niya.Pero nang makita niyang wala pa ring suot na hearing aid si Reina, tila nakahinga siya nang maluwag. Parang nabunutan siya ng tinik. Agad siyang lumapit at kinausap siya gamit ang sign language.[

  • His Regret: Too Late, I'm the Tycoon's Wife Now   Chapter 001

    Sa isang private lounge bar sa Makati City, masayang nag-iinuman sina Marco at ang mga kaibigan niya sa isang pribadong silid. “Marco, totoo bang uuwi na sa Pilipinas ang adopted sister mong si Sophia? Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Reina?” tanong ng kaibigan niyang si Gelo.Hindi alam ng mga nasa loob na ilang sandali nang nakatayo si Reina Fajardo sa labas ng private lounge. Bahagyang nakabukas ang pinto, kaya malinaw niyang naririnig ang bawat salitang lumalabas mula sa loob.Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.Parang may malamig na tubig na biglang ibinuhos sa buong katawan niya nang marinig ang pangalan ni Sophia.Isang taon siyang nabuhay sa katahimikan dahil sa babaeng iyon. Isang taon siyang paulit-ulit na umasa na balang araw ay muli niyang maririnig ang boses ng mga taong mahal niya.At ngayon, matapos ang mahabang gamutan, operasyon, at therapy, sa wakas ay bumalik na rin ang pandinig niya.Pero hindi niya inakalang ang unang balitang maririnig niya ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status