Share

Chapter 002

Penulis: Mira Solenne
last update Tanggal publikasi: 2026-06-28 19:40:53

Nang ma-send ang message, saka dahan-dahang itinulak ni Reina ang pinto ng VIP room.

Sa isang iglap, tumigil ang tawanan sa loob. Lahat ng mata ay sabay-sabay na napalingon sa kanya.

Makapal ang usok ng sigarilyo sa loob. Humahalo iyon sa amoy ng alak at mamahaling pabango. Pagpasok pa lang ni Reina, iyon agad ang bumungad sa kanya. Pakiramdam niya, bawat paghinga niya ay unti-unting sumasakal sa kanya. 

Sa ilalim ng ilaw, naroon ang mga kaibigan ni Marco. Lahat sila ay nakatawa, may hawak na wine glass, at mukhang masayang nagkukuwentuhan.

Sa gitna nila, tahimik na nakaupo si Marco. May sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya. Habang dahan-dahang umaakyat ang usok, mas lalo siyang mukhang malamig at mailap.

Si Marco ang unang tumayo. Dahil doon, saglit na kumislap ang kaba sa mga mata niya.

Pero nang makita niyang wala pa ring suot na hearing aid si Reina, tila nakahinga siya nang maluwag. Parang nabunutan siya ng tinik. Agad siyang lumapit at kinausap siya gamit ang sign language.

[ Reina, bakit ngayon ka lang? Kanina pa ka namin hinihintay. ]

Biglang nanikip ang dibdib ni Reina.

Kaya pala walang bakas ng takot sa mukha ni Marco. Akala nito, hindi pa rin siya nakakarinig. Akalang ligtas ang lahat ng narinig niya kanina tungkol sa kasinungalingan nito.

Mahigpit niyang kinuyom ang mga kamao niya. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang itanong kung paano nito nagawang lokohin siya nang ganoon katagal.

Pero pinigilan niya ang sarili dahil hindi pa ito ang tamang oras.

Bago pa siya sumagot dito, may narinig siyang boses mula sa likod niya.

"Ay, ang saya naman dito."

Malambing ang boses, pero halatang puno ng kumpiyansa at kayabangan. Isang iglap lang, sabay-sabay na napalingon ang lahat sa pintuan. Si Reina lang ang nanatiling nakatayo sa kinatatayuan niya, hindi man lang lumingon. 

Naroon si Sophia Laxamana. Nakasandal siya sa gilid ng pinto, suot ang isang pulang dress na hapit sa katawan niya. Mahaba ang buhok niyang bahagyang kulot sa dulo, at matingkad ang pulang lipstick sa labi niya. Halatang pinaghandaan niya ang pagdating niya. Para bang alam niyang sa sandaling pumasok siya, sa kanya mapupunta ang lahat ng atensyon.

Dahan-dahan niyang pinagmasdan ang mga taong nasa loob. Isa-isa niya silang tiningnan bago tuluyang huminto ang tingin niya kay Marco.

Ngumiti si Sophia—isang ngiting puno ng lambing, na para bang matagal na niyang hinihintay ang sandaling iyon.

Bahagyang kumunot ang noo ni Marco. Halatang hindi niya inaasahang lalabas si Sophia mula sa isang VIP room, lalo nang nasa harap niya si Reina.

"Sophia," mahina pero madiin niyang sabi. "Bakit ka nandito? Sabi ko manatili ka sa kabilang room. Ang tigas talaga ng ulo mo.”

Malinaw na narinig iyon ni Reina pero hindi siya lumingon. Tahimik lang siyang nakatayo na parang walang naririnig. Kaya lalo pang naging kampante si Marco.

Tumawa nang mahina si Sophia. 

"Na-miss lang kita, Kuya Marco. Sandali lang naman ako rito. Hindi naman niya ako makikita kung hindi siya lilingon, di ba? Tsaka hindi naman siya nakakarinig. Ano bang kinatatakot mo?"

May ilang napatawa sa loob.

"Grabe, oo nga pala. Hindi siya nakakarinig. Akala ko yari na tayo."

"Kinabahan ako. Akala ko tapos na ang palabas."

"Safe pa pala."

Sunod-sunod ang tawanan at usapan sa loob. Parang wala silang pakialam sa nangyari kay Reina. Para sa kanila, isa lang iyong nakakatawang kuwento. Wala ni isa ang nag-isip kung gaano kasakit ang pinagdaanan niya.

Dahan-dahang kinuyom ni Reina ang mga kamao niya. Bumaon ang mga kuko niya sa palad niya. Naririnig niya ang lahat. Bawat salita. Bawat tawa. Bawat pang-iinsulto. At bawat isa sa mga iyon ay parang unti-unting dumudurog sa puso niya.

Lumapad ang ngiti ni Sophia at pumasok siya kaunti sa VIP room.

"Reina," malakas niyang sabi. "Hindi ka nga namatay sa aksidente. Pero mas mabuti pa sigurong nangyari na lang 'yon kaysa mabuhay kang ganyan."

"Tumigil ka.” Mariing boses iyon ni Marco.

Agad napatingin si Marco kay Reina. Halatang kinakabahan na baka may mapansin ito.

Pero tila mas lalo lang natuwa si Sophia. Pumasok siya nang tuluyan sa VIP room at tumayo sa likod ni Reina.

Pagkatapos ay ngumiti siya kay Marco. Para bang siya ang babaeng pinipili nito. 

"Kuya, bakit ka ba nag-aalala? Hindi naman niya malalaman na bumalik ako. Kahit murahin ko pa siya ngayon, wala naman siyang maririnig. Hindi ba—”

Hindi na natapos ni Sophia ang sasabihin niya.

Pak!

Malakas na tunog ng sampal ang bumalot sa buong VIP room.

Parang isang iglap lang, naglaho ang lahat ng tawanan.

Napatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Ang may hawak ng wine glass ay hindi na nakainom. Ang humihithit ng sigarilyo ay natigilan. Lahat ng mata ay sabay-sabay na napunta kina Reina at Sophia.

Walang may gumalaw. Walang may nagtangkang magsalita.

Ang kanina'y puno ng ingay na VIP room ay nabalot ng mabigat na katahimikan.

Nanigas si Sophia. Dahan-dahan niyang hinawakan ang namumulang pisngi niya habang hindi makapaniwalang nakatitig kay Reina. 

Samantalang si Reina ay tahimik lang na nakatayo sa harap niya. Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao niya. Nanginginig ang buong katawan niya sa sobrang galit, pero nanatiling malamig ang tingin niya.

Tahimik ang buong silid. Maging si Marco ay napaatras ng isang hakbang habang nakatulala. Lahat ay nakatitig kay Reina, tila hindi makapaniwala sa nangyari. 

Hindi ba bingi si Reina?

Pero mukhang bumalik na ang pandinig niya. 

Kung narinig niya ang sinabi ni Sophia...

Ibig sabihin, narinig din ba niya ang lahat ng usapan nila kanina?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Regret: Too Late, I'm the Tycoon's Wife Now   Chapter 005

    Napahinto si Reina sa narinig. Bahagya siyang napakunot-noo habang nakatingin kay Dr. Lucas.Sino ang tinutukoy nito? Si Marco ba?Pero posible naman.Dahil sa loob ng isang taon, nakita mismo ni Reina kung paano halos maubos ang oras at pera ni Marco sa paghahanap ng doktor na makapagpapagaling sa pandinig niya. Halos nalibot na nila ang iba't ibang ospital sa Pilipinas. Ilang espesyalista na ang nakausap nila. Ilang beses na rin siyang umasa at nabigo. Pero nanatili si Marco sa tabi niya sa bawat check-up at bawat therapy.Hanggang anim na buwan na ang nakalipas, nang si Dr. Lucas ang humawak sa gamutan niya. Mula noon, unti-unting bumalik ang pandinig niya. Akala niya noon, isa lang iyong bunga ng tiyaga at pagmamahal ni Marco.Pero ngayon, parang may mali.Kung si Marco nga ang tinutukoy ni Dr. Lucas, bakit parang hindi naman magkasundo ang dalawa?Naalala niya ang bawat check-up niya noon. Tahimik lang si Marco habang kausap ang doktor, pero kapansin-pansin ang malamig na pakikit

  • His Regret: Too Late, I'm the Tycoon's Wife Now   Chapter 004

    Maya-maya, may mainit na likidong dumaloy mula sa noo niya. Nanlaki ang mata niyang matantuang dugo pala iyon. Unti-unti iyong umagos pababa sa mukha at leeg niya. Humalo iyon sa malamig na alak na bumasa sa buong katawan niya. Nakatihaya lang si Reina sa sahig, halos hindi makagalaw. Parang biglang namanhid ang kalahati ng katawan niya, habang matinding kirot ang nararamdaman niya sa balikat, likod, at batok. Sa bawat pagtatangka niyang gumalaw, lalo lang sumasakit ang buong katawan niya. Naririnig pa rin niya ang mga sigawan ng mga tao. Pero parang unti-unti nang lumalayo ang mga iyon. Parang lumulubog siya sa isang madilim na lugar kung saan paunti-unti nang nawawala ang lahat ng tunog."Kuya Marco!" naiiyak na sabi ni Sophia. "Ang sakit ng paa ko..."Agad siyang inalalayan ni Marco."Nasaan? Tingnan ko,” natatarantang sabi ni Marco."My ankle hurts, huhu."May maliit na hiwa sa bukung-bukong ni Sophia. Dumudugo iyon, pero hindi naman malalim.Gayunman, halos hindi ito makahinto

  • His Regret: Too Late, I'm the Tycoon's Wife Now   Chapter 003

    Mabilis na namula ang pisngi ni Sophia. Dahan-dahan niyang hinawakan ang nasampal na bahagi habang nanlalaki ang mga mata sa gulat. Ilang sandali siyang natigilan. Halatang hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Sa buong buhay niya, ngayon pa lang may naglakas-loob na sampalin siya. "Reina..." nanginginig ang boses niya. "Sinampal mo ako?"Sa sobrang galit, agad na itinaas ni Sophia ang kamay para sampalin si Reina. Pero mas mabilis si Reina. Bago pa tumama ang kamay ni Sophia, mahigpit na niyang nahawakan ang pulsuhan nito. Pak!Isa na namang malakas na sampal ang dumagundong sa buong VIP room. Napaling ang ulo ni Sophia sa lakas ng tama. Nagulo ang maayos niyang kulot na buhok at tumabing iyon sa mukha niya.Nanatili siyang nakatulala. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Dalawang beses siyang sinampal ni Reina. At sa harap pa ng napakaraming tao.Tahimik ang buong VIP room. Lahat ay nakatitig kina Reina at Sophia.Si Marco ang unang natauhan. Nanlaki ang mga mata niya

  • His Regret: Too Late, I'm the Tycoon's Wife Now   Chapter 002

    Nang ma-send ang message, saka dahan-dahang itinulak ni Reina ang pinto ng VIP room.Sa isang iglap, tumigil ang tawanan sa loob. Lahat ng mata ay sabay-sabay na napalingon sa kanya.Makapal ang usok ng sigarilyo sa loob. Humahalo iyon sa amoy ng alak at mamahaling pabango. Pagpasok pa lang ni Reina, iyon agad ang bumungad sa kanya. Pakiramdam niya, bawat paghinga niya ay unti-unting sumasakal sa kanya. Sa ilalim ng ilaw, naroon ang mga kaibigan ni Marco. Lahat sila ay nakatawa, may hawak na wine glass, at mukhang masayang nagkukuwentuhan.Sa gitna nila, tahimik na nakaupo si Marco. May sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya. Habang dahan-dahang umaakyat ang usok, mas lalo siyang mukhang malamig at mailap.Si Marco ang unang tumayo. Dahil doon, saglit na kumislap ang kaba sa mga mata niya.Pero nang makita niyang wala pa ring suot na hearing aid si Reina, tila nakahinga siya nang maluwag. Parang nabunutan siya ng tinik. Agad siyang lumapit at kinausap siya gamit ang sign language.[

  • His Regret: Too Late, I'm the Tycoon's Wife Now   Chapter 001

    Sa isang private lounge bar sa Makati City, masayang nag-iinuman sina Marco at ang mga kaibigan niya sa isang pribadong silid. “Marco, totoo bang uuwi na sa Pilipinas ang adopted sister mong si Sophia? Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Reina?” tanong ng kaibigan niyang si Gelo.Hindi alam ng mga nasa loob na ilang sandali nang nakatayo si Reina Fajardo sa labas ng private lounge. Bahagyang nakabukas ang pinto, kaya malinaw niyang naririnig ang bawat salitang lumalabas mula sa loob.Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.Parang may malamig na tubig na biglang ibinuhos sa buong katawan niya nang marinig ang pangalan ni Sophia.Isang taon siyang nabuhay sa katahimikan dahil sa babaeng iyon. Isang taon siyang paulit-ulit na umasa na balang araw ay muli niyang maririnig ang boses ng mga taong mahal niya.At ngayon, matapos ang mahabang gamutan, operasyon, at therapy, sa wakas ay bumalik na rin ang pandinig niya.Pero hindi niya inakalang ang unang balitang maririnig niya ay

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status