เข้าสู่ระบบSino ang tinutukoy nito? Si Marco ba?
Pero posible naman.
Dahil sa loob ng isang taon, nakita mismo ni Reina kung paano halos maubos ang oras at pera ni Marco sa paghahanap ng doktor na makapagpapagaling sa pandinig niya. Halos nalibot na nila ang iba't ibang ospital sa Pilipinas. Ilang espesyalista na ang nakausap nila. Ilang beses na rin siyang umasa at nabigo. Pero nanatili si Marco sa tabi niya sa bawat check-up at bawat therapy.
Hanggang anim na buwan na ang nakalipas, nang si Dr. Lucas ang humawak sa gamutan niya. Mula noon, unti-unting bumalik ang pandinig niya. Akala niya noon, isa lang iyong bunga ng tiyaga at pagmamahal ni Marco.
Pero ngayon, parang may mali.
Kung si Marco nga ang tinutukoy ni Dr. Lucas, bakit parang hindi naman magkasundo ang dalawa?
Naalala niya ang bawat check-up niya noon. Tahimik lang si Marco habang kausap ang doktor, pero kapansin-pansin ang malamig na pakikitungo ni Dr. Lucas rito. Minsan, ni hindi man lang ito ngumingiti kay Marco. Para bang may hindi ito nagugustuhan sa lalaki.
Lalong naguluhan si Reina.
May bagay bang hindi niya alam?
Dahan-dahan siyang napatingin kay Dr. Lucas. Puno ng tanong ang mga mata niya, pero bago pa siya makapagtanong, bahagya lang itong ngumiti.
"Sige. Magpahinga ka na. Kailangan mong gumaling."
Tumango si Reina bilang pasasalamat kay Dr. Lucas. Ngumiti lang ito nang bahagya bago tumalikod at tahimik na lumabas ng silid. Muling nabalot ng katahimikan ang buong kuwarto.
Ilang sandali pa, biglang nag-vibrate ang cellphone sa tabi ng unan niya. Dahan-dahan niya itong kinuha at tiningnan ang screen. Sunod-sunod ang mensahe ng mama niya.
[ Nakapag-book ka na ba ng flight? ]
[ Anong oras ka uuwi ng Cebu? Nag-aalala na kami rito. ]
Tinignan ni Reina ang oras. Alas-tres ng madaling-araw ipinadala ang mga unang mensahe. Ang huli naman ay alas-siyete ng umaga.
Huminga siya nang malalim bago nag-reply.
[ Ma, may nangyari lang dito. Uuwi ako sa loob ng dalawang araw. ]
Kakapindot lang niya ng send nang muling mag-vibrate ang cellphone.
Mensahe iyon mula kay Marco.
[ Reina, kumusta ka? Malubha ba ang sugat mo kagabi? Pupuntahan kita mamaya. Ano ang gusto mong kainin? Dadalhan kita. ]
Matagal na nakatitig si Reina sa mensahe. Unti-unti siyang napangiti, pero puno iyon ng pait. Kagabi, iniwan siya ni Marco kung kailan kailangan niya ito. Ngayon, saka lang ito magtatanong kung kumusta siya at kung ano ang gusto niyang kainin.
Dahan-dahan niyang binuksan ang chat box at saka nag-type ito.
[ Marco, maghiwalay na tayo. ]
Pagkatapos pindutin ang send, agad niyang bina-block ang numero ni Marco. Sunod niyang dinelete ang buong conversation nila, na parang gusto niyang burahin ang lahat ng alaala tungkol dito.
Tahimik niyang ibinaba ang cellphone sa tabi ng kama saka ipinikit ang mga mata. Wala na siyang balak pang balikan ang desisyong ginawa niya.***
Samantala, mabagal na umaandar ang isang itim na SUV sa gitna ng trapik. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Marco. May isang kamay siya sa manibela habang kinuha ang cellphone gamit ang isa.
Pagkabasa niya ng mensahe, bigla siyang napakunot-noo sa nabasa niyang text message ni Reina.Hindi niya namalayang huminto na ang sasakyan sa harap niya.
Screech! Malakas na kumiskis ang gulong sa kalsada nang bigla niyang inapakan ang preno. Napasubsob sa upuan ang lalaking katabi niya at muntik pang mabitawan ang hawak nitong kape."Mukhang gusto mo akong patayin, ah!" reklamo ni Gelo habang halos matapon ang hawak niyang kape. "Ano bang iniisip mo?"
Hindi sumagot si Marco. Nakatitig lang siya sa screen ng cellphone. Lalong kumunot ang noo niya.
Napansin iyon ni Gelo.
"Anong nangyari? Si Reina ba ang nag-message?"
Hindi pa rin nagsalita si Marco. Tahimik niyang ibinaba ang cellphone at muling pinaandar ang sasakyan.
Dahil hindi ito sumagot, alam na ni Gelo ang sagot.
Napabuntong-hininga siya. "Marco, huwag mo namang sisihin si Reina. Kahit sino ang nasa kalagayan niya kagabi, siguradong masasaktan."
Tahimik lang si Marco. Mas humigpit lang ang hawak niya sa manibela.
"Pero huwag kang mag-alala," dugtong ni Gelo. "Mahal na mahal ka ni Reina. Konting suyo lang, ayos na 'yan. Bilhan mo ng bulaklak, samahan mo sa ospital, tapos lambingin mo nang kaunti."
Tahimik pa rin si Marco.
"Hindi ba? Noon pa man, kahit anong gawin ni Sophia sa kanya, hindi ka niya iniwan. Lahat tiniis niya dahil mahal ka niya."
Biglang nagsalita si Marco. "Gusto niyang makipaghiwalay."
Natigilan si Gelo at napakunot ng noo. "Ano?"
"Nag-message siya. Gusto na niyang makipaghiwalay," sagot ni Marco.
Ilang segundo siyang napatitig kay Marco. Pagkatapos ay napatawa siya.
"Huwag ka ngang magbiro dyan, Marco. Si Reina? Makikipaghiwalay sa'yo? Naku imposible ‘yon."
"Mahal na mahal ka no'n. Hindi ka nga iniwan kahit halos sirain ni Sophia ang buhay niya. Dahil lang ba sa nangyari kagabi, makikipaghiwalay na siya? Hindi ako naniniwala," dugtong ni Gelo.
Walang sinabi si Marco, tahimik lang siyang nakikinig. Hanggang sa tinapik lang siya ni Gelo sa balikat.
"Nagtatampo lang 'yan. Puntahan mo mamaya sa ospital. Konting suyo lang, magiging okay na ulit kayo."
Sandali itong tumahimik bago muling nagsalita.
"Isa pa, wala namang ibang maaasahan si Reina rito sa Manila kundi ikaw."
Nanatiling tahimik si Marco habang nagmamaneho siya. Gayunpaman, hindi niya maalis sa isip ang mensaheng natanggap niya kay Reina.
Makalipas ang halos tatlumpung minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng ospital.
Tatanggalin na sana ni Marco ang seatbelt niya nang biglang may tumakbo papunta sa sasakyan—si Sophia.
"Kuya Marco!"
May suot itong maluwag na sweater at maikling palda. May benda sa paa niya kaya mas lalo siyang mukhang kawawa.
Napakunot-noo si Marco. "Bakit ka lumabas? Hindi ba masakit ang paa mo?"
Tumango si Sophia at ngumuso. "Masakit pa rin..." mahina nitong sagot.
Pero bago pa ito makapagsalita, biglang nag-ring ang cellphone niya. Nanlaki ang mga mata ni Sophia nang makita ang caller ID.
"Si Daddy!" Kinabahan siya. "Kuya Marco, ikaw na lang ang sumagot… please."
Huminga nang malalim si Marco bago kinuha ang cellphone.
"Hello, Dad..."
[ Marco? ] tanong ng ama ni Sophia. [ Nasaan si Sophia? Malubha ba ang sugat niya? ]
"Wala naman pong seryoso. Maliit lang ang sugat."
[ Mabuti naman kung gano’n]
Huminto sandali ang lalaki.
[ Narinig ko ang nangyari kagabi. Totoo bang sinampal ni Reina si Sophia nang dalawang beses pa? ]
Humigpit ang hawak ni Marco sa cellphone.
"Dad... hindi po ganoon ang nangyari."
[ Wala akong pakialam. ]
Matigas ang boses ng matanda.
[ Kapatid ang turing mo kay Sophia, hindi ba? Utang natin ang buhay natin sa ama niyang si William. Kaya hindi ko hahayaang may mang-api sa kanya. ]
Napapikit si Marco. Paulit-ulit na lang niya itong naririnig.
[ Isa pa, kakauwi lang ni Sophia. Dalhin mo siya sa bahay. Miss na miss na siya namin ng mommy mo. ]
Hindi na nakapagsalita si Marco dahil pinutol na ng matanda ang tawag.
Tahimik siyang nakatingin sa cellphone hanggang sa hinila ni Sophia ang manggas niya.
"Kuya Marco... huwag ka na pong magalit sa akin. Pangako, magiging mabait na ako. Susundin ko na ang lahat ng sasabihin mo."
Napabuntong-hininga si Marco.
"Huwag mo nang sasaktan si Reina dahil siya ang mapapangasawa ko."
Nakanguso si Sophia. Pero agad din itong ngumiti at kumapit sa braso niya.
"Miss na ako nina Mom at Dad, di ba? Umuwi na tayo," wika ni Sophia.
Napatingin si Marco sa itaas ng ospital. Bigla na lang niya naalala ang mensaheng ipinadala ni Reina na gusto na itong makipaghiwalay sa kanya.
Napapikit siya.
Hayaan na muna niya ito. Siguro galit lang si Reina sa kanya.
Kapag kumalma na ito, magiging maayos din ang lahat.
Sa pag-aakalang ganoon ang mangyayari, ibinalik niya ang cellphone kay Sophia.
"Tara na."
Masayang sumunod si Sophia. Tahimik na isinara ni Marco ang pinto ng sasakyan.
Bago niya iyon ibinulsa, nag-type muna siya ng isang mensahe.
[ Reina, may mahalagang pag-uusapan kami ni Daddy. Pupuntahan kita mamaya. Magpahinga ka muna. ]
Pinindot niya ang send, hindi niya alam na matagal na pala siyang naka-block ni Reina kaya hindi na naipadala ang mensahe.
Napahinto si Reina sa narinig. Bahagya siyang napakunot-noo habang nakatingin kay Dr. Lucas.Sino ang tinutukoy nito? Si Marco ba?Pero posible naman.Dahil sa loob ng isang taon, nakita mismo ni Reina kung paano halos maubos ang oras at pera ni Marco sa paghahanap ng doktor na makapagpapagaling sa pandinig niya. Halos nalibot na nila ang iba't ibang ospital sa Pilipinas. Ilang espesyalista na ang nakausap nila. Ilang beses na rin siyang umasa at nabigo. Pero nanatili si Marco sa tabi niya sa bawat check-up at bawat therapy.Hanggang anim na buwan na ang nakalipas, nang si Dr. Lucas ang humawak sa gamutan niya. Mula noon, unti-unting bumalik ang pandinig niya. Akala niya noon, isa lang iyong bunga ng tiyaga at pagmamahal ni Marco.Pero ngayon, parang may mali.Kung si Marco nga ang tinutukoy ni Dr. Lucas, bakit parang hindi naman magkasundo ang dalawa?Naalala niya ang bawat check-up niya noon. Tahimik lang si Marco habang kausap ang doktor, pero kapansin-pansin ang malamig na pakikit
Maya-maya, may mainit na likidong dumaloy mula sa noo niya. Nanlaki ang mata niyang matantuang dugo pala iyon. Unti-unti iyong umagos pababa sa mukha at leeg niya. Humalo iyon sa malamig na alak na bumasa sa buong katawan niya. Nakatihaya lang si Reina sa sahig, halos hindi makagalaw. Parang biglang namanhid ang kalahati ng katawan niya, habang matinding kirot ang nararamdaman niya sa balikat, likod, at batok. Sa bawat pagtatangka niyang gumalaw, lalo lang sumasakit ang buong katawan niya. Naririnig pa rin niya ang mga sigawan ng mga tao. Pero parang unti-unti nang lumalayo ang mga iyon. Parang lumulubog siya sa isang madilim na lugar kung saan paunti-unti nang nawawala ang lahat ng tunog."Kuya Marco!" naiiyak na sabi ni Sophia. "Ang sakit ng paa ko..."Agad siyang inalalayan ni Marco."Nasaan? Tingnan ko,” natatarantang sabi ni Marco."My ankle hurts, huhu."May maliit na hiwa sa bukung-bukong ni Sophia. Dumudugo iyon, pero hindi naman malalim.Gayunman, halos hindi ito makahinto
Mabilis na namula ang pisngi ni Sophia. Dahan-dahan niyang hinawakan ang nasampal na bahagi habang nanlalaki ang mga mata sa gulat. Ilang sandali siyang natigilan. Halatang hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Sa buong buhay niya, ngayon pa lang may naglakas-loob na sampalin siya. "Reina..." nanginginig ang boses niya. "Sinampal mo ako?"Sa sobrang galit, agad na itinaas ni Sophia ang kamay para sampalin si Reina. Pero mas mabilis si Reina. Bago pa tumama ang kamay ni Sophia, mahigpit na niyang nahawakan ang pulsuhan nito. Pak!Isa na namang malakas na sampal ang dumagundong sa buong VIP room. Napaling ang ulo ni Sophia sa lakas ng tama. Nagulo ang maayos niyang kulot na buhok at tumabing iyon sa mukha niya.Nanatili siyang nakatulala. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Dalawang beses siyang sinampal ni Reina. At sa harap pa ng napakaraming tao.Tahimik ang buong VIP room. Lahat ay nakatitig kina Reina at Sophia.Si Marco ang unang natauhan. Nanlaki ang mga mata niya
Nang ma-send ang message, saka dahan-dahang itinulak ni Reina ang pinto ng VIP room.Sa isang iglap, tumigil ang tawanan sa loob. Lahat ng mata ay sabay-sabay na napalingon sa kanya.Makapal ang usok ng sigarilyo sa loob. Humahalo iyon sa amoy ng alak at mamahaling pabango. Pagpasok pa lang ni Reina, iyon agad ang bumungad sa kanya. Pakiramdam niya, bawat paghinga niya ay unti-unting sumasakal sa kanya. Sa ilalim ng ilaw, naroon ang mga kaibigan ni Marco. Lahat sila ay nakatawa, may hawak na wine glass, at mukhang masayang nagkukuwentuhan.Sa gitna nila, tahimik na nakaupo si Marco. May sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya. Habang dahan-dahang umaakyat ang usok, mas lalo siyang mukhang malamig at mailap.Si Marco ang unang tumayo. Dahil doon, saglit na kumislap ang kaba sa mga mata niya.Pero nang makita niyang wala pa ring suot na hearing aid si Reina, tila nakahinga siya nang maluwag. Parang nabunutan siya ng tinik. Agad siyang lumapit at kinausap siya gamit ang sign language.[
Sa isang private lounge bar sa Makati City, masayang nag-iinuman sina Marco at ang mga kaibigan niya sa isang pribadong silid. “Marco, totoo bang uuwi na sa Pilipinas ang adopted sister mong si Sophia? Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Reina?” tanong ng kaibigan niyang si Gelo.Hindi alam ng mga nasa loob na ilang sandali nang nakatayo si Reina Fajardo sa labas ng private lounge. Bahagyang nakabukas ang pinto, kaya malinaw niyang naririnig ang bawat salitang lumalabas mula sa loob.Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.Parang may malamig na tubig na biglang ibinuhos sa buong katawan niya nang marinig ang pangalan ni Sophia.Isang taon siyang nabuhay sa katahimikan dahil sa babaeng iyon. Isang taon siyang paulit-ulit na umasa na balang araw ay muli niyang maririnig ang boses ng mga taong mahal niya.At ngayon, matapos ang mahabang gamutan, operasyon, at therapy, sa wakas ay bumalik na rin ang pandinig niya.Pero hindi niya inakalang ang unang balitang maririnig niya ay







