Ang buong magdamag ay naging tila walang katapusan para kay Aurelia. Nakahiga siya sa malamig na sahig ng safehouse, nanginginig sa kaba, habang si Xavier ay nakaupo lamang sa upuang kahoy, walang imik, nakatitig sa kanya na parang binabasa ang laman ng kanyang utak. Hindi niya alam kung alin ang mas nakakasakal—ang ideya na nasa kamay ng sindikato ang kanyang anak, o ang bigat ng presensiya ni Xavier na hindi kumukurap sa pagbabantay sa kanya. “Twenty-four hours…” bulong ni Aurelia, halos wala sa sarili. “Paano kung… paano kung hindi ko magawa? Paano kung patayin nila si Anchali?” Dahan-dahang tumayo si Xavier, naglakad palapit sa kanya. May hawak itong baso ng alak na hindi pa nababawasan. Yumuko ito, inilapit ang mukha sa kanya. “Stop saying things like that. She won’t die. I won’t let that happen.” Mariin siyang tumitig dito, pinipigil ang luha. “At ano’ng gagawin mo, Xavier? Pupunta ka doon, papatayin mo silang lahat? Hindi mo naiintindihan—baka sa oras na makita ka nila, si
Mabigat ang bawat hakbang ni Aurelia habang hinihila siya ni Xavier sa madilim na eskinita. Ang mga kamay nito ay parang bakal na mahigpit na nakakapit sa kanyang bisig. Ang paligid ay puno pa rin ng putukan at sigawan, ngunit sa pandinig niya’y tila lahat ng iyon ay lumalabo, natatakpan ng isang bagay lamang—ang hagulgol ng anak na kinuha mula sa kanya. “Anchali…” bulong niya, nanginginig ang labi, habang patuloy ang pagtulo ng luha. Ngunit si Xavier, tila bingi. Nakatitig lang ito sa kanya, ang mga mata’y kumikislap ng kakaibang alab, at sa kabila ng kaguluhan, para bang siya lang ang mundong nais nitong sakupin. “Xavier, please…” halos magmakaawa ang kanyang tinig. “Tulungan mo akong hanapin si Anchali. Hindi mo ba nakikita? Kinuha nila ang anak ko!” Huminto ito, hinila siya papalapit hanggang sa halos magdikit ang kanilang mukha. Amoy alak at pulbura ang hininga nito, ngunit higit na nakakatakot ang malamig na titig. “Hindi mo naiintindihan, Aurelia,” madiin nitong wika. “Ka
Ang hangin ng gabi ay puno ng usok at pulbura. Ang putok ng baril ay umaalingawngaw sa magkabilang panig, parang kulog na walang tigil. Habang patuloy ang bangayan ng sindikato at ng mga tauhan ni Xavier, pilit na tinatahak nina Aurelia at Anchali ang madilim na eskinita, bawat hakbang ay laban sa oras.“Mama, my ears hurt…” iyak ni Anchali, tinatakpan ang kanyang tainga.“Just a little more, anak… please, don’t stop. We can’t stop,” bulong ni Aurelia, kahit ang baga niya’y halos pumutok sa hingal.Sa kanilang pagtakbo, napansin niya ang isang sirang bahay sa gilid ng kalsada—bukas ang pinto, at tila walang tao. Wala nang ibang pagpipilian, kaya agad niyang hinila si Anchali papasok.Sa loob, puro alikabok at sirang gamit ang bumungad. Ngunit sapat itong taguan, kahit saglit. Pinaupo niya si Anchali sa ilalim ng mesa, at siya nama’y lumuhod, yakap ang bata.“Shh… anak, stay quiet. They can’t find us here.”Nanginginig ang katawan ni Anchali, ngunit tumango ito at isiniksik ang sarili
Maaliwalas ang umaga sa maliit na bahay na inuupahan nila ni Lita. Ang sinag ng araw ay dumudungaw sa siwang ng kurtina, dumadampi sa mukha ni Aurelia habang pinagmamasdan si Anchali na masayang naglalaro ng mga stuffed toys sa sahig. “Mama, look! She’s flying!” sigaw ng bata habang iwinawasiwas ang maliit na manika na may pakpak. Napangiti si Aurelia. “Ang galing naman ng anak ko. Ang taas ng lipad niya.” Tila isang panandaliang kapayapaan ang bumalot sa kanila. Sa mga nakalipas na linggo, kahit natatakot siya kay Xavier at sa kung anong mangyayari, naging sandalan niya ang musmos na tawa ni Anchali at ang kabutihan ni Lita. Parang muling nakahanap ng pamilya si Aurelia. Ngunit ang katahimikan ay parang bulang madaling mabasag. Biglang tumunog ang cellphone na iniwan ni Lita sa mesa kagabi. Napakunot ng noo si Aurelia—hindi madalas na tumatawag iyon sa number na iyon. Nakalagay sa screen ang isang pangalang hindi niya kilala: Aunt Malee. Dahan-dahan niyang sinagot. “Hello?” Is
Si Lita. Tahimik ang umagang iyon sa kanilang inuupahang bahay. Nakaupo si Aurelia sa balkonahe, hawak ang isang tasa ng tsaa habang pinagmamasdan si Anchali na naglalaro ng maliit na manika. Si Lita naman ay nag-aayos ng kanyang bag para sa trabaho. Ngunit sa loob-loob niya, mabigat ang kanyang dibdib.Sa ilalim ng kanyang aparador nakatago ang sobre na natagpuan niya kahapon—ang sulat na nagsasabing hindi kailanman makakatakas si Aurelia. Alam niyang dapat niya itong ipakita kaagad, ngunit natatakot siyang masira ang payapang mundong pilit nilang binubuo. Ayaw niyang makita ang mukha ng kaibigan na muling mababalot ng pangamba.“Lita, are you going now?” tanong ni Anchali habang kumakaway, hawak pa ang manika.“Yes, little one. Be good to Mama while I’m away, okay?” ngumiti siya, sabay kindat.“Don’t worry, Auntie! I will protect Mama,” sagot ng bata sa wikang Ingles, buong tapang, na parang sundalong bata.Napatigil si Lita, at kahit paano ay napangiti. Ngunit habang lumalakad pap
Pagbaba ni Aurelia sa paliparan ng Bangkok, dama niya ang init at bigat ng hangin, malayo sa simoy ng Pilipinas ngunit may kakaibang pakiramdam ng kalayaan. Bitbit niya ang maliit na bag, dala ang lahat ng ipon at pag-asa.Sa gitna ng karamihan, may batang babae na nakatayo, hawak ang kartong may sulat na “Mama Aurelia”. Mga limang taong gulang ito, maiksi ang buhok, may makislap na mata, at nakangiting abot-tenga.Natigilan si Aurelia. “Mama Aurelia…?” bulong niya sa sarili.Biglang tumakbo ang bata palapit. “Mama!” sigaw nito, mahigpit siyang niyakap sa beywang.Nawala ang hininga ni Aurelia, hindi makapaniwala. “what are you doing here? Where's your tata Lita?” Tanong nito sa bata. Umangat ang bata, nakangiting inosente. "Over there!” may itinuro ito at di kalayuan ay nakita nya ang pigura ng taong tumulong sa kanya. " I'm here, welcome back Ary!" Masiglang bati nito sa kanya at yumakap, pati si Anchali ay yumakap ng mahigpit. Doon tuluyang bumigay ang puso ni Aurelia. Naluha siy