Angeline pov:LUMIPAS ANG MGA araw na naging mas maayos ang relasyon namin ni Primo. Naging mas sweet at clingy pa nga ito na halos sa akin na nakatutok ang buong oras at attention sa maghapon at magdamag. Pagkabalik namin ng mansion ay hindi pa rin ito nagbago. Napakamaasikaso nito at walang pakialam kahit nakamasid ang kanyang mga tauhan sa amin.Isang umaga, habang nasa garden ako ng mansion na abala sa pagbabasa ko ng novel online sa iPad ko ay lumapit sa akin si tatay. "Good morning anak" napaangat ako ng mukha at awtomatikong napangiti dito na may dalang dalawang mug ng kape."Tay. Magandang umaga din po!" masiglang bati ko. Naupo ito sa kaharap kong silya na inilapag sa mesa ang mug. Ngumiti ito. Pero kita sa kanyang mga mata ang takot at pag-aalala. Ilang taon ko ng kasa-kasama si tatay. Kaya tiyak ako, may inaalala itong gumugulo sa kanyang isipan. Kahit hindi ko siya totoong ama ay siya na ang tinuturing kong pangalawa kong ama sa mundong ito. Sila ni Primo, sila ang bagon
Primo pov:NAPAPANGUSO AKO NA nakikinig sa mga presentation ng mga employee ko sa aming conference meeting dito sa PM's Corporation. Ang isa sa mga kumpanya ko. Halos wala akong maintindihan sa kanilang mga paliwanag at suggestion dahil na kay Angeline ang isip ko. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang nabasang takot at pangamba sa kanyang mga mata kanina. Na pangalawang beses ko pa lang nakikita. Una noong bagong dating siya ng mansion. Napapaisip lang ako. Bakit siya natakot na nadulas ang dila ko at nasambit ang totoong pangalan nito? Wala nga ba siyang naaalala? O nagpapanggap lang siyang ibang tao para maprotektahan ang sarili laban sa ama? Pero bakit? Bakit naman niya pagtataguan ang ama niya? Maraming possibilities na naglalaro sa isipan ko pero lahat ng iyon ay walang kasiguraduhan. Hindi ko pa rin makumbinsi ang sarili. Kung bakit siya nagtatago sa katauhan bilang isang Angeline Gomez. Ganun din ang relasyon nila ni Amor. Kung paano siya napunta sa poder nito. Nakakatiyak akong
Angeline pov:NAALIMPUNGATAN AKO mula sa pagkakahimbing na maramdaman ang dalawang pares ng mga matang nakatutok sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at unang bumungad ang mukha ng asawa kong matiim na nakatitig sa akin. Nakaupo sa gilid ng kama na nakahalukipkip at parang kay lalim ng iniisip! Napalunok ako. Napakadilim ng aura nito na parang galit na galit! Bumilis ang kabog ng dibdib ko na napaayos ng upo. Para akong pinagpawisan ng malamig sa uri ng ginagawad nitong tingin. Ito ang unang beses kong kilabutan sa kanya. Para kasi siyang isang mabangis na lobo, na naghahandang manakmal ng biktima. "P-Primo" nauutal kong sambit sa pangalan nito.Napahinga ito ng malalim pero ang mga mata ay nanatiling nanlilisik ang itsura. "Let's go somewhere" walang emosyong saad nito.Napalunok ako. Maawtoridad ang pagkakasabi nito at pabalang tumayo. Kinikilabutan man at kabado ay tumayo akong kaagad napasunod dito. Ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko habang nakasunod sa likuran
Primo pov:NANIGAS AKO NA maamoy ang malansa at malagkit na basa sa likuran nito habang karga ko. Napakapa ako kung saan ito nagmumula at hindi nga ako nagkamali ng hinala. She was shoot! Nabaril siya kaya nawalan ng malay at nanghina! "Fūck!" panay ang mura ko habang karga-karga itong tumatakas sa mga tauhan ni Havier na humahabol sa amin. Naubusan na rin ako ng bala kaya hindi ako makapagsabayan ng putukan sa mga ito. Napapalayo na kami sa pinagmulan naming abandoned cemetery ni Angeline kaya lalo akong nagngingitngit sa galit dahil nasa kotse ko ang extrang magazines, baril at cellphone ko.Plano ko sanang paaminin si Angeline sa nangyari sa kanilang magkapatid kaya ko siya inilabas ng mansion at dinala sa nakakatakot na lugar para mapaamin. Pero heto at napurnada ang plano ko sa biglaang pagsulpot ng mga aso ni Havier para bawiin sa akin si Angeline. MAGLILIWANAG NA ng makalabas kami ng gubat na napasok ko. Pero isla naman ang bumungad sa akin na walang katao-tao sa paligid! Na
Angeline pov:NAPAPABALING-BALING ako ng ulo. Pinapakiramdaman ang sarili at paligid ko. Sobrang tahimik at lamig sa kinaroroonan ko. Namamanhid din ang buong katawan na ramdam kong hinang-hina ako. Masakit ang buong katawan particular sa ibaba ng balikat ko. "Anong nangyari? Nasaan ako?" piping usal ko.Napalunok ako at damang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Na halos wala na akong laway na malunok. Uhaw na uhaw na ako. Gutom na gutom na rin. At sobrang nangihihina na ultimo magdilat ng mga mata ay hindi ko magawa."P-Primo" sambit ko pero nanatili lamang sa isip ang pagtawag ko sa asawa ko.Nangilid ang luha kong tumulo na maalala ang huling tagpo namin ng asawa ko. Kung saan dinala niya ako sa isang sementeryo at tinutukan ng baril. Kung paano niya sinabing wala akong halaga at kwenta sa kanya dahil hindi naman pala ako si ate Shantal na minamahal nito. Sobrang sakit sa puso ko. Akala ko totoo na ang mga nakikita at pinadama nito sa akin sa loob ng halos isang buwan naming pagsasama
Angeline pov:ILANG ARAW PA ang lumipas at naging mas maayos na ang pakiramdam ko. Nakakakilos na rin ako na tuluyan ng naghilom ang sugat ko sa likod. Nalaman ko rin na nagpahatid nga si Primo kay manong Anton sa bayan at nag-iwan ng malaking halaga dito bilang kabayaran sa pagtulong at pagpapatuloy nila sa amin dito sa kanilang tahanang mag-asawa. Nahihiya na rin ako sa mag-asawa kaya napagpasyahan kong umalis na ng isla. Nakakatiyak din naman kasi ako na hindi ako pupuntahan ni Primo dito. Malinaw pa sa isip ko ang sinaad nito.Hindi ako si ate Shantal. Kaya wala akong, kwenta para sa kanya. Dahil hindi ako, ang mahal niya. Napagkamalhan niya lang ako. Gusto ko sanang magbalik sa poder ni tatay Amor. Pero dahil tauhan siya ni Primo ay magdadalawang-isip akong bumalik pa ng bahay. Palakad-lakad ako dito sa pampang. Nagpupulot ng mga shells na nagkalat lang. Dito ko ginugugol ang buong maghapon ko sa tuwing naiiwan nila manong Anton. Napaangat ako ng mukha at napangiti na makitang ma
Primo pov:MALIWANAG NA NG makarating kami ng isla kung saan ko iniwan si Angeline. Hindi na ako tumutol nang magpumilit si Amor na sumama. Ngayong alam ko na ang mga bagay-bagay sa kanila ni Angeline ay hindi na ako mag-aalangan palapitin ito sa asawa ko. Parang lulukso palabas ang puso ko na sa wakas ay nakarating din kami ng pampang. Napatalon akong napangiti na tumakbo sa bahay nila Anton! "Angeline!!? Baby!? Angeline!?" pagtawag ko dito. Unti-unting napalis ang ngiti ko na makitang sarado ang bahay. Napagala ako ng paningin sa paligid. Pero hindi ko mahagilap kahit ang anino nito. Napapalapat ako ng labing napapahawi ng buhok kong tinatangay ng malamig na hangin! Hindi na maganda ang nagpaparamdam sa akin sa mga sandaling ito. "Nasaan si Angeline bigboss?" ani Amor na napapalinga din."Hindi ko alam. Dito ko siya iniwan kasama ang mag-asawang tumulong sa amin" bulalas ko na naituro ang saradong bahay sa harapan namin."Sir Primo?" napalingon ako sa boses na tumawag sa akin.P
5 years later Angeline pov:NANGINGITI AKONG pinagmamasdan si Eivo na abala sa kanyang laruang kotse na bagong bili ko mula sa sobrang bayad ng kakanin na tinda ko sa simbahan kanina. Makita ko lang ang matamis na ngiti nito, ang malutong niyang paghalakhak, at ang mga nagniningning niyang mga mata ay masayang-masaya na ako. Bawing-bawi na ang pagod ko sa maghapon kong pagtitinda ng kakanin at mga bibingka sa labas ng simbahan na pwesto naming mga tindera doon ng kakanin. Napatitig ako dito. Ang bilis ng panahon. Limang taon na. Limang taon na rin pala kaming mag-ina dito sa isla Del Monte. Isang liblib na isla na pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao. Pero dahil hindi ko naman alam at hindi ko kaya ang trabahong pangingisda ay ibinenta ko na lamang ang naiwang pamana sa akin nila nanay at tatay na bangka at itong bahay na tinutuluyan naming mag-ina. Magmula nang magising ako noon sa isang hospital limang taon na ang nakakalipas ay napagpasyahan kong manatili na lamang d