Pagbalik ni Janella sa opisina ay mahigpit pa rin ang kapit niya sa tray habang ang mga daliri niya ang nanginginig. Kung kanina ay nanginginig ang kamay niya sa kaba, ngayon ay mas lalong nanlamig ang mga palad niya dahil alam niyang muli niyang haharapin ang boss niya na parang tuwang-tuwa din naming makita siyang kinakabahan.
Dahan-dahan niyang inilapag ang baso ng kape sa mesa ng boss niya. Tahimik lang itong nakatingin sa laptop pero nang mag-angat ng mata ay diretsong tumama ang titig sa kanya. Parang may kung anong dumaloy na kuryente sa kalamnan niya kasabay ng pagsipa ulit ng mga kabayo sa dibdib niya. Hindi lang iyon basta titig. Parang ang ibig sabihin ng titig nito sa kaniya ay mayroon itong ipinapahatid o may gustong ipaalala. Hindi ito nagsalita pero hindi rin siya pinakawalan ng mga mata nito. Titig na titig ito sa kaniya at parang kinakabisado ang kaniyang mukha.
Diyos ko, bakit ba ganyan siya tumingin? Hindi ako makahinga. Ano na naman bang trip ng lalaking ‘to?
“Coffee, Sir.” Mahina at diretso niyang sabi, para lang mabasag ang katahimikan nila.
Tumango si Dominic, dahan-dahang kinuha ang baso at uminom. Nanatili itong walang imik. Pero kahit simpleng pag-inom nito ng kape, para bang sinusukat siya ng bawat paghinga nito. Bumalik na siya sa kaniyang mesa at pilit pinapakalma ang sarili. Sa tingin naman niya ay kaya niya itong pakisamahan basta hindi lang siya aamin na natatandaan niya ito. Ganon na lang ang gagawin niya.
Mayamaya ay isinara ng boss niya ang laptop at tumayo. Naglakad ito papunta sa shelves at kinuha ang isang folder doon na kulay puti at saka muling bumalik sa mesa nito. Nang mag-angat ito ng ulo ay muli siyang tinignan.
“Type this now,” malamig na utos nito at ipinakita ang folder na kinuha nito sa shelves. “It’s urgent.”
Lumapit siya sa mesa nito at ibinigay nito sa kanya ang folder saka ini-slide ang isang papel na mukhang draft ng kontrata. Nang alam na niya kung ano ang ipapa-type nito ay mabilis siyang tumalina at bumalik na siya sa maliit na desk na nakalaan para sa kanya sa gilid ng mesa ng boss.
Umupo siya at binuksan na ang kaniyang laptop at sinimulang i-type ang nilalaman ng dokumento. Kunti lang naman ang laman non kaya alam niyang mabilis lang niyang matatapos kaya pinipilit niya ang sariling ituon ang atensyon sa mga letra, pero nanginginig ang kamay niya sa keyboard. Minsan tuloy ay mali-mali ang letters na napipindot niya.
Focus, Janella. Trabaho lang ‘to. Hindi siya puwedeng maging dahilan para mawala ka sa focus.
Narinig niya ang hakbang ni Dominic papalapit na naman sa kaniya. Parang gusto talaga ng lalaking to na mahirapan siya. Mabigat at mabagal ang bawat hakbang nito na para bang pinaparamdam talaga sa kaniya nag presensiya nito. Hanggang sa tumigil iyon sa mismong likuran niya.
Halos malaglag ang daliri niya sa keyboard nang maramdaman ang presensya ng lalaki sa likod niya. Naging triple pa ang kabang nararamdaman niya kanina nang lumapit ito. Amoy na amoy niya agad ang pabango nito, pabango pa lang mamahalin na. Mamahaling klaseng pabango pero hindi matapang. Nakakaadik pa ang amoy.
God, bakit ba ang lapit niya? Pwede bang umupo ka na lang ulit sa mesa mo?
“Check the spelling. You mistyped.” Mababa at malamig ang boses nito, pero malapit. Hindi lang basta malapit kundi sobrang lapit na parang sa mismong tainga na niya ito bumubulong.
Pwede naman kasing magtrabaho na hindi ako binabantayan. Magkakamali talaga ako kung nandiyan ka.
Napakurap na lang siya at mabilis niyang binura ang mali at itinama kahit nanginginig ang kamay niya. “S-sorry, Sir.”
Tahimik lang ito pero hindi pa rin ito umaalis sa tabi niya. Ramdam niya ang bigat ng tingin nito sa batok niya. Siguro kung hindi siya kumain kaninang umaga ay baka hinimatay na siya. Bakit ba kasi siya nito binabantayan, edi sana ito na lang ang nag-type diba para sigurado ito.
Bakit hindi siya umaatras? Ano bang problema niya? At ano bang problema ko? Bakit parang nanginginig lalo ang kamay ko? Wala naman sigurong masama kung gusto lang nitong makasigurado diba? Malamang importante tong tina-type ko eh, ginagawan ko lang talaga ng malisya.
Habang patuloy siyang nagta-type ay bigla itong nagsalita.
“You’re shaking.”
Natigilan siya at hindi alam kung itutuloy pa ba ang pagta-type. “Po?”
“You’re shaking,” ulit nito pero mas mababa ang tono nito ngayon. “Are you always like this around your boss or just me?”
Pilit niyang pinapakalma ang mga kamay niya at itinago pa niya ito sa ilalim ng mesa. Kung ano-ano na lang ang napapansin ng boss niya. Bakit kasi hindi na lang ito bumalik sa mesa nito at magtrabaho.
Mabilis siyang napalunok at sumagot. “I-I’m not…” Nabubulol pa siya. “Hindi po ako nanginginig.”
Bahagyang yumuko si Dominic at halos dumikit ang labi nito sa gilid ng tainga niya. “Oh, really? Then why can I see your hands trembling on the keyboard?”
Parang natuyo ang lalamunan niya. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin. Napakagat siya ng labi at pilit na itinaas ang kamay, nagkunwaring inaayos ang papel. Pero lalo lang siyang nanginig. Sana hindi na lang niya nilabas ulit ang kamay niya hangga’t hindi umaalis ang boss niya. Parang natutuwa pa itong nakikita siyang nahihirapan.
“Stop lying to me, Janella,” dagdag pa ng boss niya sa mababang boses. Parang natutuwa talaga ito sa ginagawa nito sa kaniya.
Wag kang kabahan, mas lalo ka lang niyang nahahalata! Pagkausap niya sa sarili.
“I-I’m not lying… Sir, I just—”
“You just what?” mabilis na singit ni Dominic. “You just can’t control yourself when I’m close?”
Halos hindi na siya makahinga.
Bakit ba ang lakas ng loob niya magsalita ng ganyan? At bakit parang… parang may tama siya?
Mabilis siyang tumayo, halos mabangga pa ang dibdib nito. “S-sir, I’ll just get another copy para hindi ako magkamali.”
Ngunit hindi ito umalis sa harap niya. Nakatayo lang, nakahalukipkip, nakatitig nang diretso sa kaniya.
“Or maybe you’re nervous because you remember,” malamig pero may bahid ng panunukso ang boses nito.
Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Bakit ba pinipilit ng boss niya na alalahanin ang nangyari sa kanila? Samantalang nasa trabaho sila at dapat professional itong makipag-usap sa kaniya.
“I-I don’t know what you’re talking about.” Halos hindi na niya makontrol ang panginginig ng boses niya.
Bahagyang ngumiti si Dominic. Hindi iyon ngiti ng tuwa, kundi ng isang taong siguradong-sigurado sa iniisip niya.
“You’re a bad liar, Janella.”
Halos mabitawan niya ang papel na hawak. Pinilit niyang maging matatag kahit namumula na ang pisngi niya at init na init ang kaniyang katawan. Aminin man niya o sa hindi parang gusto na lang niyang sabihin dito na naaalala niya ito. Pero parang yon na yata ang pinakamasaman naisip niya.
“Sir, I’m here to work. Nothing else. Kung ano man ang iniisip niyo, wala na ‘yon. It doesn’t matter anymore.”
Tumahimik ang lalaki. Ilang segundo siyang pinakatitigan, saka marahang lumapit pa ng isang hakbang. Halos hindi na siya makahinga.
“It matters to me,” bulong na naman nito.
Nanginginig na ibinaba niya ang tingin. “P-please, Sir. Stop this.”
Hindi ito agad sumagot. Ngunit bago tuluyang lumayo, dumampi ang malamig na tinig sa tenga niya muli.
“You can deny it all you want. But I know you remember every second.”
Halos manghina ang tuhod niya. Gusto na lang niyang matumba, makatulog, at makalimot.
Pagkatapos niyon, umatras si Dominic at muling bumalik sa mesa. Para bang walang nangyari.Samantalang siya ay hindi na alam kung paano pipigilan ang mabilis na pintig ng puso niya.
Bakit ba ako natataranta ng ganito? At bakit, sa kabila ng lahat, parang ayaw kong matapos ang ganitong lapit niya sa akin?
Paglabas ni Janella mula sa opisina ng CEO, bitbit niya ang tray ng walang lamang tasa ng kape. Nanginginig pa rin ang daliri niya, hindi niya alam kung dahil ba sa kaba mula sa mga bilin ni Dominic o dahil hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mga salitang binitawan nito kanina."Next time you try to pretend you don’t remember me… make sure you do it better."Diyos ko. Paano ba siya makakapagtrabaho nang normal kung ganito ang simula ng araw niya? Paano ba kasi mag-pretend yong hindi siya mahahalata? Gusto lang naman niyang huwag sabihin na naalala niya ang gabing yon pero paano niya maitatago?Huminga siya nang malalim at pilit pinapakalma ang sarili. Calm down, Janella. It’s just work. Trabaho lang ito. Hindi mo puwedeng haluan ng emosyon, lalo na ng alaala ng isang gabi na dapat ay nakalimutan mo na.Pagdating niya sa hallway ng executive floor, agad niyang napansin ang mataray na tingin ng ilang empleyado. May iba pang nagbubulungan habang tinitingnan siya. Hindi niya alam kung
Pagbalik ni Janella sa opisina ay mahigpit pa rin ang kapit niya sa tray habang ang mga daliri niya ang nanginginig. Kung kanina ay nanginginig ang kamay niya sa kaba, ngayon ay mas lalong nanlamig ang mga palad niya dahil alam niyang muli niyang haharapin ang boss niya na parang tuwang-tuwa din naming makita siyang kinakabahan.Dahan-dahan niyang inilapag ang baso ng kape sa mesa ng boss niya. Tahimik lang itong nakatingin sa laptop pero nang mag-angat ng mata ay diretsong tumama ang titig sa kanya. Parang may kung anong dumaloy na kuryente sa kalamnan niya kasabay ng pagsipa ulit ng mga kabayo sa dibdib niya. Hindi lang iyon basta titig. Parang ang ibig sabihin ng titig nito sa kaniya ay mayroon itong ipinapahatid o may gustong ipaalala. Hindi ito nagsalita pero hindi rin siya pinakawalan ng mga mata nito. Titig na titig ito sa kaniya at parang kinakabisado ang kaniyang mukha.Diyos ko, bakit ba ganyan siya tumingin? Hindi ako makahinga. Ano na naman bang trip ng lalaking ‘to? “Cof
Hindi na alam ni Janella kung anong isasagot sa boss niya. Gusto lang naman sana niyang makalimot kaya naisipan niyang magtrabaho pero bakit parang mapaglaro ang tadhana at ginawa pa talaga nitong boss niya ang lalaking unang nakakuha sa kaniya? Ang buong akalaa niya ay hindi siya nito natatandaan, pero bakit ganito naman, Lord?Wala siyang sinagot dito at patuloy lang siyang nakayuko. Ni hind inga niya magawang tingnan ito lalo na nang malamang naaalala pa pal anito ang nangyari. Hindi na rin ito nagtanong pa sa kaniya at pinagmamasdan lang din siya. Bumalot ang katahimikan sa buong opisina at tila bumigat ang hangin sa pagitan nila. Wala mang ibang tao sa silid ay pakiramdam niya ay nahuhubaran siya ng mga titig ni Dominic. Hindi iyon basta tingin lang ng boss sa empleyado, iyon ay isang titig na alam ang mga lihim mo, na parang kahit anong pagtatakip ay walang silbi.Parang gusto niyang sumigaw. Gusto niyang itanggi ang lahat. Pero paano? Paano niya maitatanggi ang gabing iyon kung
Nagmamadaling tinakbo ni Janella ang hallway ng building habang pinipigilan ang kaba at hiya sa dibdib niya. Kanina pa siya panay tingin sa suot niyang relo at hinihiling na sana ay umatras man lang ng kunti ang oras para kahit papaano ay makaabot man lang siya. Hindi siya pwedeng ma-late! Hindi talaga pwede! Sa dami ng mga araw na pwede mangyari ang ganito ay ngayon pa talaga sa unang araw niya sa bagong trabaho siya na-late. Hindi niya alam kung malas lang siya o sadyang sinusubok siya ng kapalaran. Kahit hinihingal ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo.Kanina pa siya iniirita ng busina ng mga sasakyang naiipit sa EDSA. Sakto ba naman kasing late siya nakatulog kagabi dahil tinapos pa niya ang Korean drama na pinapanood niya. Sa kagustuhan niyang hindi ma-late ay ayaw niya ring mabitin sa pinapanood niya kaya nanaig ang kagustuhang tapusin iyon. At idagdag pa ang malakas na ulan kaya natagalan tuloy siya sa paggising. Kaya kanina ay halos sumuko na nga siya sa biyahe at muntik nang bu
Mabigat ang hangin sa loob ng bar kung nasaan si Janella ngayon. Puno ng usok ng sigarilyo ang paligid, idagdag pa amoy ng alak at halakhakan ng mga lasing na tila walang pakialam sa oras. Kahit tila umiikot na ang paligid ay pilit niyang binubukas ang mga mata niya. Mababang ilaw lamang ang nakasindi kaya tila inaakit ang mga mata niya pumikit. Kulay gold na kumikislap sa salamin ng mga bote na nakahilera sa likod ng counter. Hinaluan pa ng musika na malakas na tila iniindayog ang mga balakang ng bawat taong nandoon. Ngunit hindi pa rin sapat para takpan ang pintig ng pusong sugatan.Nasa dulo siya ng bar nakaupo at nakasuot ng itim na dress na hapit sa katawan. Eleganteng tingnan ngunit halatang matagal nang nilalamon ng pagod at pait. Mapulang-mapula ang kaniyang labi at mga pisngi at sa bawat lagok niya ng alak ay para bang sinusubukan niyang lunurin ang mga alaala ng nakaraan.Tila dinudurog na naman ang puso niya nang maisip ang boyfriend niya na may kasama sa condo unit nito. E