Hindi na alam ni Janella kung anong isasagot sa boss niya. Gusto lang naman sana niyang makalimot kaya naisipan niyang magtrabaho pero bakit parang mapaglaro ang tadhana at ginawa pa talaga nitong boss niya ang lalaking unang nakakuha sa kaniya? Ang buong akalaa niya ay hindi siya nito natatandaan, pero bakit ganito naman, Lord?
Wala siyang sinagot dito at patuloy lang siyang nakayuko. Ni hind inga niya magawang tingnan ito lalo na nang malamang naaalala pa pal anito ang nangyari. Hindi na rin ito nagtanong pa sa kaniya at pinagmamasdan lang din siya. Bumalot ang katahimikan sa buong opisina at tila bumigat ang hangin sa pagitan nila. Wala mang ibang tao sa silid ay pakiramdam niya ay nahuhubaran siya ng mga titig ni Dominic. Hindi iyon basta tingin lang ng boss sa empleyado, iyon ay isang titig na alam ang mga lihim mo, na parang kahit anong pagtatakip ay walang silbi.
Parang gusto niyang sumigaw. Gusto niyang itanggi ang lahat. Pero paano? Paano niya maitatanggi ang gabing iyon kung mismong katawan niya ang nagtataksil, kung bawat parte ng kanyang balat ay nakakaalala pa rin sa haplos at halik ng lalaking ito?
Pero bakit naman kasi ito pa ang naging boss niya?
Huminga siya nang malalim at pinilit ibalik ang tingin sa mesa. Hindi siya dapat matinag. Unang araw niya ito bilang secretary at wala siyang karapatang magkamali. Kahit pa nakaupo sa harapan niya ang pinakamalaking pagkakamali ng buhay niya.
“Simulan na natin.” Boses ni Dominic ang unang bumasag sa katahimikan. Malamig, diretso at walang patumpik-tumpik. Pero bakit pati boses nito ay nagdadala ng kiliti sa katawan niya? Agad siyang napailing para ibalik sa katinuan ang isip niya.
Kinuha nito ang isang folder at ini-slide sa mesa, diretso sa harapan niya.
“Your first task is to organize my schedule for the week. I want everything in order, meetings, calls and business trips. I don’t want any delays, Miss Villanueva. Do you understand?”
Halos mapalunok siya. “Yes, Sir.”
Dahan-dahan niyang binuksan ang folder. Laman nito ang makapal na papel at nakasulat ang mga listahan ng pangalan, oras at lugar. Sa dami ng nakalagay ay parang gusto na niyang mahilo.
Kaya ko ba ito? bulong ng isip niya. Kaya naman niya siguro, ang hindi lang niya kakayanin ay ang tension sa pagitan nilang dalawa. Paano ba naman kasi tuwing nakikita niya ang boss niya ay naaalala niya ang lahat. Pero hindi pwede yon!
Hindi siya puwedeng magpakita ng ano mang kahinaan dito. Hindi sa harapan ng lalaking ito. Hindi sa harapan ng lalaking minsan na siyang nakita sa pinakamarupok niyang sandali.
Narinig niya ang pagtunog ng laptop ni Dominic. Tahimik itong nagta-type, at mabilis ang bawat pagtipa nito sa keyboard na parang may hinahabol na word count at walang inaaksayang oras. Ang bawat tunog ng keyboard ay parang kumpas ng orasan na tumutunog bawat segundo.
Hindi niya namalayang napakagat siya ng labi habang pinipilit unawain ang nakasulat sa papel. Kasalukuyan siyang nasa kaniyang mesa at inaayos ang mga files nito para ma-arrange na niya gaya ng gusto nito. Kinakagat niya ang kaniyang labi tuwing nagkakamali siya napansin iyon ni Dominic. Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na pala ito sa kanya.
“Don’t bite your lip,” malamig ngunit mababang utos nito sa kaniya habang nakatingin pa rin sa gawi niya.
Halos mapaatras siya, kanina pa ba siya nito tinitingnan? “S-sir?”
“I said…” Hindi pa rin nito pinuputol ang tingin sa kaniya, bahagyang tumagilid sa upuan, nakasandal at nakahalukipkip. “…don’t do that. It’s distracting.”
Namula ang pisngi niya. Mabilis niyang inalis ang labi sa pagkakakagat at agad na yumuko.
Diyos ko, bakit ba ngayon pa? Bakit parang iba ang dating niya sakin?
Kung ganito palagi ang sitwasyon niya, baka hindi siya magtagal sa trabahong to! Hindi na niya tuloy alam kung ano ang gagawin. Parang gusto na lang niyang magpalamon sa lupa nang hindi na niya makita ang mukha ng boss niya!
“Continue,” malamig na dagdag nito.
Pinilit niyang ayusin ang sarili. Pinilit niyang ituon ang pansin sa mga papel na nasa harap niya. Pero kahit anong gawin niya, pakiramdam niya’y ramdam ni Dominic ang bawat pintig ng puso niya. Pakiramdam niya ay nakatingin pa rin ito sa kaniya at pinagmamasdan ang bawat kilos niya.
Gwapo naman talaga ang lalaki. Sobrang gwapo parang modelo ang tindig at hugis ng mukha. Idagdag pa na mabango ito. No’ng una nga niya itong makita ay parang nakakita siya ng isang Greek God. At siguro yon din ang dahilan bakit hindi siya tumutol nang dalhin siya nito sa condo.
Agad siyang napailing, kung ano-ano na lang ang naiisip niya samantalang kailangan niyang magtrabaho.
Makalipas ang ilang minuto, tumayo ito mula sa kinauupuan. Lumapit ito sa gilid ng mesa kung saan siya nakaupo. Bigla na namang nagsitakbuhan ang kabayo sa dibdib niya nang maramdam niya ang bigat ng presensya nito sa tabi niya at ang init ng katawan na kahit natatabunan ng mamahaling suit ay dumadaloy pa rin sa hangin.
Nakatayo lang ito sa bandang likod niya at nakatingin sa papel na kasalukuyang hawak niya. Pero para sa kaniya ang bawat segundo ay parang isang oras kung nasa tabi niya ang lalaki. Parang ang bagal tumakbo ng oras. Para tuloy siyang pinaparusahan samantalang gusto lang naman niyang makalimot.
Nang yumuko ito para ituro ang isang pangalan sa dokumento, halos dumikit ang pisngi nito sa gilid ng mukha niya. Naamoy niya ang mamahaling pabango nito na hindi matapang, kundi banayad na halimuyak na lalong nagpabigat sa dibdib niya.
Langit na ba ‘to?
“This one,” mababa at malapit na boses ni Dominic. “Cancel it. I don’t deal with incompetence.”
Parang nanigas ang buong katawan niya nang magsalita ito. Parang musika sa pandinig niya ang boses nito na para bang wala siyang dapat gawin kundi sumunod dito. Kung palaging nasa malapit sa kaniya ang lalaki ay baka mabaliw na siya. Nakakapagtaka lang dahil kailanman ay hindi niya naramdaman ang ganitong pakiramdam sa boyfriend niya noon. Hindi siya nakaramdam ng ganitong kaba kapag nasa malapit ang boyfriend nita dati. Parang normal lang, hindi katulad sa nararamdaman niya ngayon.
Muli siyang nakaramdam ng kiliti nang huminga ito malapit sa gilid ng tenga niya. Ramdam niya ang mainit nitong hininga na kinikiliti pati ang kasulok-sulokan ng katawan niya. Na para bang binabalik siya sa gabing iyon, sa parehong boses na minsang bumulong ng ibang klaseng utos sa kanyang katawan.
Agad niyang inilayo ang sarili, pilit na nagkunwaring abala sa pagsusulat. “Yes, Sir. I’ll cancel it right away po.”
Bahagyang ngumiti si Dominic. Hindi iyon ngiti ng pagkatuwa, kundi ng isang taong alam ang epekto niya sa iba. Ngiti ng kontrol.
“Good girl.”
Bigla niyang nabitawan ang ballpen at nalaglag iyon sa sahig. Agad niyang pinulot iyon at sinadya niyang takpan ang mukha gamit ang buhok. Alam niya na sa oras na to ay pulang-pula na ang pisngi niya dahil ang init ng pakiramdam niya. Pero kahit nakayuko, naramdaman niya ang mga mata nitong nakasunod sa bawat galaw niya.
God, stop this. Ang init-init na dito oh.
Kahit hindi pa siya tapos sa ginagawa niya ay mabilis siyang tumayo at inayos ang damit niya. Nasa tabi niya pa rin si Dominic at hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya.
“I’ll… I’ll get you some coffee, Sir.” Aniya at lumayo ng kunti dito pero hindi pa rin siya tumitingin sa mukha nito.
Tumango lang ito at muling bumalik sa mesa nito. Pero bago pa siya makalabas ng opisina ay narinig niyang muli ang malamig na tinig.
“Janella.”
Napatigil siya, nakapikit sandali bago dahan-dahang lumingon. “Yes, Sir?”
Tinitigan siya nito nang maiigi na para bang may nagawa siyang kasalanan dito. “One more thing,” anito sa mababang tinig. “Next time you try to pretend you that don’t remember me make sure you do it better.” Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya at nang ilang inches na lang ang pagitan nila ay inilapit nito ang mukha sa may bandang tainga niya. “Yong hindi ka halata.”
Parang gumuho ang mundo niya sa isang iglap at hindi siya nakapagsalita. Wala siyang nasabi kundi mabilis na pagtango bago tuluyang lumabas ng opisina.
Pagkasara niya ng pinto ay saka lang siya nakahinga nang maluwag. Nanginginig ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kaniyang cellphone. Hindi niya alam kung paano niya malalagpasan ang araw na ito. Ang sigurado lang siya na sa labanang ito, hindi siya puwedeng matinag. Hindi siya pwedeng magpatalo.
Pero paano kung sa bawat titig at salita ni Dominic ay bumabalik ang lahat ng pilit niyang nililimot?
Paglabas ni Janella mula sa opisina ng CEO, bitbit niya ang tray ng walang lamang tasa ng kape. Nanginginig pa rin ang daliri niya, hindi niya alam kung dahil ba sa kaba mula sa mga bilin ni Dominic o dahil hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mga salitang binitawan nito kanina."Next time you try to pretend you don’t remember me… make sure you do it better."Diyos ko. Paano ba siya makakapagtrabaho nang normal kung ganito ang simula ng araw niya? Paano ba kasi mag-pretend yong hindi siya mahahalata? Gusto lang naman niyang huwag sabihin na naalala niya ang gabing yon pero paano niya maitatago?Huminga siya nang malalim at pilit pinapakalma ang sarili. Calm down, Janella. It’s just work. Trabaho lang ito. Hindi mo puwedeng haluan ng emosyon, lalo na ng alaala ng isang gabi na dapat ay nakalimutan mo na.Pagdating niya sa hallway ng executive floor, agad niyang napansin ang mataray na tingin ng ilang empleyado. May iba pang nagbubulungan habang tinitingnan siya. Hindi niya alam kung
Pagbalik ni Janella sa opisina ay mahigpit pa rin ang kapit niya sa tray habang ang mga daliri niya ang nanginginig. Kung kanina ay nanginginig ang kamay niya sa kaba, ngayon ay mas lalong nanlamig ang mga palad niya dahil alam niyang muli niyang haharapin ang boss niya na parang tuwang-tuwa din naming makita siyang kinakabahan.Dahan-dahan niyang inilapag ang baso ng kape sa mesa ng boss niya. Tahimik lang itong nakatingin sa laptop pero nang mag-angat ng mata ay diretsong tumama ang titig sa kanya. Parang may kung anong dumaloy na kuryente sa kalamnan niya kasabay ng pagsipa ulit ng mga kabayo sa dibdib niya. Hindi lang iyon basta titig. Parang ang ibig sabihin ng titig nito sa kaniya ay mayroon itong ipinapahatid o may gustong ipaalala. Hindi ito nagsalita pero hindi rin siya pinakawalan ng mga mata nito. Titig na titig ito sa kaniya at parang kinakabisado ang kaniyang mukha.Diyos ko, bakit ba ganyan siya tumingin? Hindi ako makahinga. Ano na naman bang trip ng lalaking ‘to? “Cof
Hindi na alam ni Janella kung anong isasagot sa boss niya. Gusto lang naman sana niyang makalimot kaya naisipan niyang magtrabaho pero bakit parang mapaglaro ang tadhana at ginawa pa talaga nitong boss niya ang lalaking unang nakakuha sa kaniya? Ang buong akalaa niya ay hindi siya nito natatandaan, pero bakit ganito naman, Lord?Wala siyang sinagot dito at patuloy lang siyang nakayuko. Ni hind inga niya magawang tingnan ito lalo na nang malamang naaalala pa pal anito ang nangyari. Hindi na rin ito nagtanong pa sa kaniya at pinagmamasdan lang din siya. Bumalot ang katahimikan sa buong opisina at tila bumigat ang hangin sa pagitan nila. Wala mang ibang tao sa silid ay pakiramdam niya ay nahuhubaran siya ng mga titig ni Dominic. Hindi iyon basta tingin lang ng boss sa empleyado, iyon ay isang titig na alam ang mga lihim mo, na parang kahit anong pagtatakip ay walang silbi.Parang gusto niyang sumigaw. Gusto niyang itanggi ang lahat. Pero paano? Paano niya maitatanggi ang gabing iyon kung
Nagmamadaling tinakbo ni Janella ang hallway ng building habang pinipigilan ang kaba at hiya sa dibdib niya. Kanina pa siya panay tingin sa suot niyang relo at hinihiling na sana ay umatras man lang ng kunti ang oras para kahit papaano ay makaabot man lang siya. Hindi siya pwedeng ma-late! Hindi talaga pwede! Sa dami ng mga araw na pwede mangyari ang ganito ay ngayon pa talaga sa unang araw niya sa bagong trabaho siya na-late. Hindi niya alam kung malas lang siya o sadyang sinusubok siya ng kapalaran. Kahit hinihingal ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo.Kanina pa siya iniirita ng busina ng mga sasakyang naiipit sa EDSA. Sakto ba naman kasing late siya nakatulog kagabi dahil tinapos pa niya ang Korean drama na pinapanood niya. Sa kagustuhan niyang hindi ma-late ay ayaw niya ring mabitin sa pinapanood niya kaya nanaig ang kagustuhang tapusin iyon. At idagdag pa ang malakas na ulan kaya natagalan tuloy siya sa paggising. Kaya kanina ay halos sumuko na nga siya sa biyahe at muntik nang bu
Mabigat ang hangin sa loob ng bar kung nasaan si Janella ngayon. Puno ng usok ng sigarilyo ang paligid, idagdag pa amoy ng alak at halakhakan ng mga lasing na tila walang pakialam sa oras. Kahit tila umiikot na ang paligid ay pilit niyang binubukas ang mga mata niya. Mababang ilaw lamang ang nakasindi kaya tila inaakit ang mga mata niya pumikit. Kulay gold na kumikislap sa salamin ng mga bote na nakahilera sa likod ng counter. Hinaluan pa ng musika na malakas na tila iniindayog ang mga balakang ng bawat taong nandoon. Ngunit hindi pa rin sapat para takpan ang pintig ng pusong sugatan.Nasa dulo siya ng bar nakaupo at nakasuot ng itim na dress na hapit sa katawan. Eleganteng tingnan ngunit halatang matagal nang nilalamon ng pagod at pait. Mapulang-mapula ang kaniyang labi at mga pisngi at sa bawat lagok niya ng alak ay para bang sinusubukan niyang lunurin ang mga alaala ng nakaraan.Tila dinudurog na naman ang puso niya nang maisip ang boyfriend niya na may kasama sa condo unit nito. E