Share

Chapter 1

last update Dernière mise à jour: 2025-08-29 09:52:43

Nagmamadaling tinakbo ni Janella ang hallway ng building habang pinipigilan ang kaba at hiya sa dibdib niya. Kanina pa siya panay tingin sa suot niyang relo at hinihiling na sana ay umatras man lang ng kunti ang oras para kahit papaano ay makaabot man lang siya. Hindi siya pwedeng ma-late! Hindi talaga pwede! Sa dami ng mga araw na pwede mangyari ang ganito ay ngayon pa talaga sa unang araw niya sa bagong trabaho siya na-late. Hindi niya alam kung malas lang siya o sadyang sinusubok siya ng kapalaran. Kahit hinihingal ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo.

Kanina pa siya iniirita ng busina ng mga sasakyang naiipit sa EDSA. Sakto ba naman kasing late siya nakatulog kagabi dahil tinapos pa niya ang Korean drama na pinapanood niya. Sa kagustuhan niyang hindi ma-late ay ayaw niya ring mabitin sa pinapanood niya kaya nanaig ang kagustuhang tapusin iyon. At idagdag pa ang malakas na ulan kaya natagalan tuloy siya sa paggising. Kaya kanina ay halos sumuko na nga siya sa biyahe at muntik nang bumaba ng jeep para maglakad na lang sana pero pinilit niyang tiisin. Hindi siya puwedeng mawalan ng trabaho. Hindi ngayong kailangan niyang magsimula ulit at kalimutan ang lahat ng sakit ng nakaraan.

Humihingal pa siya nang dumating sa main lobby ng kumpanya. Agad niyang napansin ang kakaibang tensyon sa paligid. Abala ang bawat empleyado na nadadaanan niya. May nag-aayos ng necktie, may nag-aayos ng halaman na nakalagay sa gilid at meron pa siyang nakitang naglilinis ng mesa na parang dumating ang presidente ng bansa.

Bakit parang ganito sila ka-OA? Eh, magpapalit lang naman ng CEO.

Nagbulungan ang dalawang receptionist sa gilid habang pasimpleng sinisipat ang elevator.

“Darating na raw siya,” mahina ngunit puno ng excitement na wika ng isa. “Balita ko gwapo daw ang anak ni Sir, eh. Sana nga legit yong chismis.”

“Grabe, kinakabahan ako,” sagot naman ng kasama nito at kinapa pa ang dibdib. “Sabi nila mas strikto pa raw siya kaysa sa tatay niya. Eh si Don Rafael nga, halos hindi makangiti sa mga empleyado, paano pa kaya ‘yong anak?”

Saglit siyang natigilan. Hindi niya masyadong kilala ang bagong CEO bukod sa ilang balitang nasagap niya sa HR noong interview niya. Dominic Alcantara daw ang pangalan nito. Ang tanging anak ni Don Rafael Alcantara, ang dating pinuno ng Alcantara Holdings. Ayon sa sabi-sabi, mas bata at mas agresibo raw itong magpatakbo ng negosyo. Isang taong sanay makuha ang gusto sa anumang paraan.

“Wag naman sana, girl. Mas okay na ko don sa balitang gwapo siya, ibawas mo na lang ang strikto.” At sabay na nagtawanan ang dalawa.

Humigpit ang hawak niya sa bag. Kung natatakot na ang ibang empleyado sa magiging bagong CEO, paano pa kaya siya na siya ang tatayong secretary nito? Mukhang mali yata ang pinili niyang daan. Mag-backout na lang kaya siya?

Ramdam niya ang lamig ng aircon sa lobby, pero mas malamig ang pawis na tumulo sa batok niya. Takbuhin ba naman niya kaya tulo pawis tuloy siya. Inisip na lang niya ang mga dahilan kung bakit siya nandito. Kailangan niyang magsimula ulit, kailangan niyang may pagkakakitaan at higit sa lahat ay kailangan niyang kalimutan ang lahat ng nangyari isang linggo lang ang nakalipas.

Isang linggo na mula nang gabing sinumpa niya ang sarili. Hindi niya inakalang magagawa niya yon. Apat na taon niyang hindi pumayag na may mangyari sa kanila ng ex-boyfriend niya pero nagawa niyang ibigay iyon sa taong hindi niya kilala.

Gusto niyang kalimutan ang gabing yon. Ang gabing umikot ang mundo niya sa loob ng bar na puno ng alak, usok, halakhakan, at isang estrangherong humila sa kanya palabas ng bar na yon. Isang lalaking hindi niya kilala ngunit siya ang nakasaksi sa pinakamarupok na bahagi ng pagkatao niya. At siya rin ang kumuha ng bagay na matagal niyang pinakaiingatan, ang kanyang puri.

Bumuntonghininga siya. Wala na siyang balak balikan ang alaala ng gabing iyon. Lahat ng iyon ay dapat manatiling nakabaon sa dilim. At dapat hindi na mangyari ulit at baka ikabaliw na niya.

Nagbukas ang elevator na nagpatigil ng mundo sa lahat ng empleyado ng kumpaniyang to. Natigil ang lahat sa mga kaniya-kaniyang gawain at itinuon ang atensyon sa bumukas na elevator.

Isa-isang lumabas ang mga nakasuot ng itim na suit—mga bodyguard at staff ng bagong CEO. At sa huli, saka lumitaw ang taong pinakahihintay ng lahat. Ang newly CEO ng kumpanya. Ang magiging boss niya.

Matangkad ito. Malinis at nasa ayos ang buhok at halatang mamahalin ang suit na nakalapat sa matikas niyang pangangatawan. Ang bawat hakbang nito ay sigurado, mabigat, at puno ng presensyang tila may hatak na awtoridad. Hindi ito nagsasalita at hindi rin ngumiti ngunit ang tingin pa lang niya ay sapat na para magtahimik ang buong lobby.

Si Dominic Alcantara.

Napasinghap siya nang mamukhaan ang bagong CEO. Hindi siya puwedeng magkamali.

Pamilyar ang tindig nito. Pamilyar ang matalim na panga, ang matangos na ilong, ang malamlam na titig na parang lumulusot sa balat niya at nababasa ang lahat ng iniisip niya. Kahit ang broad shoulders na hindi maitago ng suit parang nakita na niya iyon at nahawakan pa nga.

OMG! Siya kaya ‘yon?

Nanlamig ang buong katawan niya. Ang mga palad niyang kanina’y nanginginig dahil sa kaba pero ngayon ay nanlamig dahil sa lalaking nasa harapan nila.

Siya yon. Siya talaga yon! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yon!

Ito ang lalaking nakasama niya isang linggo lang ang nakalipas. Ito ang estrangherong nagpatumba sa Bataan.

At ngayon, ito ang bagong CEO.

At siya mismo ang secretary nito.

Napalunok siya sa kaba. Anong gagawin niya? Manalangin na lang kaya siya na sana hindi siya nito mamukhaan. Na sana hindi nito maalala ang tamis na pinagsaluhan nila. Sana nga. Kasi siya, tandang-tanda niya. Tandang-tanda niya ang bawat haplos nito sa kaniyang balat, ang bawat halik na pinagsaluhan nila, at ang mga yakap at pagbayo nito. Tandang-tanda niya ang lahat kahit pa sinasayaw siya ng kalasingan.

“Good morning, everyone.” Malamig at mababa ang boses ng lalaki. Pati boses nito ay natatandaan pa niya.

Napatingala ang lahat sa bagong CEO ngunit pinipilit niya ang sarili na hindi ito tingnan. Pero kahit anong pilit niya at parang magnet ang kaniyang mata at diresto siyang tumingin sa mga mata ng lalaki na siyang ikinagulat niya dahil nakatingin din pala ito sa kaniya.

Dios ko po!

Nanigas siya sa kinatatayuan niya at hinigpitan ang paghawak sa bag. Para bang nakalimutan niyang huminga. Pinilit niyang umiwas ng tingin pero huli na. Nagtagpo na ang mga mata nila, at doon niya nakitang walang bahid ng alinlangan ang mga mata ng lalaki.

Alam nito.

Naalala siya nito.

“Allow me to introduce myself.” Muling nagsalita ang binata, malamig pa rin ang tono ngunit may bahagyang kurba ng ngiti na hindi abot sa mga mata. “I’m Dominic Alcantara. Starting today, I’ll be running this company. I expect nothing less than excellence.”

Nagpalakpakan ang ilan at nagbulungan ang iba. Ngunit sa pandinig niya, parang wala nang ibang tunog kundi ang pintig ng sariling niyang puso.

At saka dumating ang pinakanakakakilabot na bahagi.

“Ms. Villanueva.” Malinaw na binanggit ng lalaki ang apelyido niya. Tumigil siya, nanlaki ang mga mata habang nakatingin ang lahat sa kanya. “My new secretary, am I correct?”

“Y-yes, sir,” halos pabulong ngunit malinaw na sagot niya, pinipilit ang sariling maging kalmado kahit nanginginig ang tuhod.

Ngumiti ito sa kaniya na hindi niya alam kung ikakatuwa niya o mas lalo dapat siyang kabahan.

“Good. Then let’s get started.”

PAGKAPASOK nila sa executive floor ay halos makalimutan ni Janella ang huminga. Sa bawat hakbang papunta sa opisina ay ramdam niyang nasa likod niya ang lalaki. Parang humahabol sa batok niya ang bigat ng presensyang iyon. Pakiramdam niya ay ang lakas ng aircon sa kumpanya na pati yata init ng katawan niya ay napalitan ng lamig.

Pagpasok nila sa office ng CEO ay agad siyang namangha. Maluwang ang opisina nito. From floor-to-ceiling glass windows, mamahaling black leather chair, at mahogany desk na mas malaki pa kaysa sa kama niya. Sa gilid ay may mini bar at shelves na puno ng mga business books. Moderno and design ng opisina at elegante.

“Sit.” Malamig na utos ni Dominic sa kaniya.

Napaupo siya agad sa silyang nasa harap ng mesa nito, halos sumiksik pa sa kinauupuan na para bang baka kainin siya ng sahig. Mas lalong kumalabog ang puso niya nang nasa harapan na niya talaga ang boss niya. Imbes na ang utak niya ay nakaatensyon sa sasabihin nito ay bakit pilit niyang inaalala ang nangyari sa kanila. Ang bawat halik nito sa batok niya, ang ungol na pinapalabas nito habang sinasagad nito, at ang bawat halik.

Tahimik na ibinaba ng lalaki ang dalang folder at saka siya tinignan nang diretso. Matalim. Walang pag-aalinlangan.

“Ikaw pala ang secretary na kinuha ng HR,” anito.

“Y-yes, sir.” Pinilit niyang gawing matatag ang boses kahit halata ang panginginig.

“Janella Villanueva.” Mabagal na pagbanggit nito sa pangalan niya, tila inuukit sa hangin. Bahagyang kumunot ang noo niya. Para bang sinasadyang ulitin iyon para ipaalala sa kanya na kilala siya.

Mas lalo tuloy siyang kinabahan. At muli na namang bumalik ang alaala ng mainit na haplos, ang bigat ng katawan ng lalaki sa ibabaw niya, at ang mga luhang halos ayaw na niyang maalala.

“Sir…” nagsimula siyang magsalita ngunit agad siyang pinutol.

“Rule number one,” malamig na tinig ni Dominic. “When I ask you something, answer me directly. No hesitation. Understood?”

Tumango siya, halos hindi makatingin. “Understood, sir.”

Nagtagal ang tingin ng lalaki sa kanya, saka bahagyang ngumiti—isang ngiting nagdala ng kaba sa dibdib niya.

“Good.” Umupo ito, tumuwid ang likod, at nagsimulang buksan ang laptop. Pero bago pa siya makahinga nang maluwag ay muli itong nagsalita.

“Isang linggo na, hindi ba?”

Napalunok siya. So, natatandaan nga nito ang lahat. Anong gagawin niya?

“Ano po yon, Sir?”

Nag-angat ng tingin si Dominic at nginitian siya. “I said, it’s been a week. Don’t act like you don’t remember.”

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Tumayo ang balahibo niya. Pilit niyang itinatago ang panginginig ng mga kamay habang pinipisil ang laylayan ng palda.

Walang ibang nakakaalam. Walang dapat makaalam. At heto ngayon, ang mismong lalaking gusto niyang kalimutan ay nakaupo sa harapan niya bilang boss.

At sa unang araw pa lang ng trabaho niya, alam na niya na wala nang atrasan.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • His Secretary, His Sin   Chapter 4

    Paglabas ni Janella mula sa opisina ng CEO, bitbit niya ang tray ng walang lamang tasa ng kape. Nanginginig pa rin ang daliri niya, hindi niya alam kung dahil ba sa kaba mula sa mga bilin ni Dominic o dahil hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mga salitang binitawan nito kanina."Next time you try to pretend you don’t remember me… make sure you do it better."Diyos ko. Paano ba siya makakapagtrabaho nang normal kung ganito ang simula ng araw niya? Paano ba kasi mag-pretend yong hindi siya mahahalata? Gusto lang naman niyang huwag sabihin na naalala niya ang gabing yon pero paano niya maitatago?Huminga siya nang malalim at pilit pinapakalma ang sarili. Calm down, Janella. It’s just work. Trabaho lang ito. Hindi mo puwedeng haluan ng emosyon, lalo na ng alaala ng isang gabi na dapat ay nakalimutan mo na.Pagdating niya sa hallway ng executive floor, agad niyang napansin ang mataray na tingin ng ilang empleyado. May iba pang nagbubulungan habang tinitingnan siya. Hindi niya alam kung

  • His Secretary, His Sin   Chapter 3

    Pagbalik ni Janella sa opisina ay mahigpit pa rin ang kapit niya sa tray habang ang mga daliri niya ang nanginginig. Kung kanina ay nanginginig ang kamay niya sa kaba, ngayon ay mas lalong nanlamig ang mga palad niya dahil alam niyang muli niyang haharapin ang boss niya na parang tuwang-tuwa din naming makita siyang kinakabahan.Dahan-dahan niyang inilapag ang baso ng kape sa mesa ng boss niya. Tahimik lang itong nakatingin sa laptop pero nang mag-angat ng mata ay diretsong tumama ang titig sa kanya. Parang may kung anong dumaloy na kuryente sa kalamnan niya kasabay ng pagsipa ulit ng mga kabayo sa dibdib niya. Hindi lang iyon basta titig. Parang ang ibig sabihin ng titig nito sa kaniya ay mayroon itong ipinapahatid o may gustong ipaalala. Hindi ito nagsalita pero hindi rin siya pinakawalan ng mga mata nito. Titig na titig ito sa kaniya at parang kinakabisado ang kaniyang mukha.Diyos ko, bakit ba ganyan siya tumingin? Hindi ako makahinga. Ano na naman bang trip ng lalaking ‘to? “Cof

  • His Secretary, His Sin   Chapter 2

    Hindi na alam ni Janella kung anong isasagot sa boss niya. Gusto lang naman sana niyang makalimot kaya naisipan niyang magtrabaho pero bakit parang mapaglaro ang tadhana at ginawa pa talaga nitong boss niya ang lalaking unang nakakuha sa kaniya? Ang buong akalaa niya ay hindi siya nito natatandaan, pero bakit ganito naman, Lord?Wala siyang sinagot dito at patuloy lang siyang nakayuko. Ni hind inga niya magawang tingnan ito lalo na nang malamang naaalala pa pal anito ang nangyari. Hindi na rin ito nagtanong pa sa kaniya at pinagmamasdan lang din siya. Bumalot ang katahimikan sa buong opisina at tila bumigat ang hangin sa pagitan nila. Wala mang ibang tao sa silid ay pakiramdam niya ay nahuhubaran siya ng mga titig ni Dominic. Hindi iyon basta tingin lang ng boss sa empleyado, iyon ay isang titig na alam ang mga lihim mo, na parang kahit anong pagtatakip ay walang silbi.Parang gusto niyang sumigaw. Gusto niyang itanggi ang lahat. Pero paano? Paano niya maitatanggi ang gabing iyon kung

  • His Secretary, His Sin   Chapter 1

    Nagmamadaling tinakbo ni Janella ang hallway ng building habang pinipigilan ang kaba at hiya sa dibdib niya. Kanina pa siya panay tingin sa suot niyang relo at hinihiling na sana ay umatras man lang ng kunti ang oras para kahit papaano ay makaabot man lang siya. Hindi siya pwedeng ma-late! Hindi talaga pwede! Sa dami ng mga araw na pwede mangyari ang ganito ay ngayon pa talaga sa unang araw niya sa bagong trabaho siya na-late. Hindi niya alam kung malas lang siya o sadyang sinusubok siya ng kapalaran. Kahit hinihingal ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo.Kanina pa siya iniirita ng busina ng mga sasakyang naiipit sa EDSA. Sakto ba naman kasing late siya nakatulog kagabi dahil tinapos pa niya ang Korean drama na pinapanood niya. Sa kagustuhan niyang hindi ma-late ay ayaw niya ring mabitin sa pinapanood niya kaya nanaig ang kagustuhang tapusin iyon. At idagdag pa ang malakas na ulan kaya natagalan tuloy siya sa paggising. Kaya kanina ay halos sumuko na nga siya sa biyahe at muntik nang bu

  • His Secretary, His Sin   Prologue

    Mabigat ang hangin sa loob ng bar kung nasaan si Janella ngayon. Puno ng usok ng sigarilyo ang paligid, idagdag pa amoy ng alak at halakhakan ng mga lasing na tila walang pakialam sa oras. Kahit tila umiikot na ang paligid ay pilit niyang binubukas ang mga mata niya. Mababang ilaw lamang ang nakasindi kaya tila inaakit ang mga mata niya pumikit. Kulay gold na kumikislap sa salamin ng mga bote na nakahilera sa likod ng counter. Hinaluan pa ng musika na malakas na tila iniindayog ang mga balakang ng bawat taong nandoon. Ngunit hindi pa rin sapat para takpan ang pintig ng pusong sugatan.Nasa dulo siya ng bar nakaupo at nakasuot ng itim na dress na hapit sa katawan. Eleganteng tingnan ngunit halatang matagal nang nilalamon ng pagod at pait. Mapulang-mapula ang kaniyang labi at mga pisngi at sa bawat lagok niya ng alak ay para bang sinusubukan niyang lunurin ang mga alaala ng nakaraan.Tila dinudurog na naman ang puso niya nang maisip ang boyfriend niya na may kasama sa condo unit nito. E

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status