Share

Chapter 4

Penulis: senyora_athena
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-05 09:15:53

Paglabas ni Janella mula sa opisina ng CEO, bitbit niya ang tray ng walang lamang tasa ng kape. Nanginginig pa rin ang daliri niya, hindi niya alam kung dahil ba sa kaba mula sa mga bilin ni Dominic o dahil hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mga salitang binitawan nito kanina.

"Next time you try to pretend you don’t remember me… make sure you do it better."

Diyos ko. Paano ba siya makakapagtrabaho nang normal kung ganito ang simula ng araw niya? Paano ba kasi mag-pretend yong hindi siya mahahalata? Gusto lang naman niyang huwag sabihin na naalala niya ang gabing yon pero paano niya maitatago?

Huminga siya nang malalim at pilit pinapakalma ang sarili. Calm down, Janella. It’s just work. Trabaho lang ito. Hindi mo puwedeng haluan ng emosyon, lalo na ng alaala ng isang gabi na dapat ay nakalimutan mo na.

Pagdating niya sa hallway ng executive floor, agad niyang napansin ang mataray na tingin ng ilang empleyado. May iba pang nagbubulungan habang tinitingnan siya. Hindi niya alam kung dahil ba bago siya, o dahil agad siyang nailagay bilang secretary ng bagong CEO. Kahit siya man, nagtataka pa rin kung bakit siya tinanggap agad. Baka sadyang fit lang talaga siya sa trabahong to at ang tulad niya ang hinahanap ng bagong CEO.

At doon pumasok ang isang lalaki na parang ngayon lang niya nakita. Hindi pamilyar sa kaniya ang mukha at tindig nito.

“Ah, so ikaw pala yong bago,” ani ng lalaking nasa mid-40s, naka-polo barong na masikip sa tyan, may hawak na clipboard at ballpen. May alon-alon itong buhok na halatang inayos dahil daig pa nito ang naka-plantsa, at naka-color coordinated na belt at sapatos. Ang lakas ng amoy ng perfume nito na amoy bulaklak, halatang pati pabango nito ay mapapansin mo talaga.

“Good morning po,” magalang na bati niya. Pinilit niyang ngumiti, kahit halata ang mataray na titig nito na sinusukat siya mula ulo hanggang paa.

Nagtaas ng kilay si Mr. Alvaro at saka nag-cross arms. “Secretary? Ikaw?” Natawa ito nang pakutya. “Naku, girl, este Miss, do you even know what you’re getting yourself into? Hindi ito basta-bastang trabaho. Dominic doesn’t need some…” tiningnan na naman siya nito mula ulo hanggang paa, “pretty little face who types slow and gets nervous with every instruction.”

Napalunok siya sa sinabi nito. Hindi naman siya nasabihan na may ganito palang eksena sa building na to kapag bago kang secretary. Hindi tuloy siya nakapaghanda.

Diyos ko, bakit parang hindi pa man ay gusto na agad akong lamunin ng sahig? Grabe naman.

“Sir, gagawin ko po ang lahat ng kaya ko. Hindi ko po hahayaang maging pabigat,” maingat niyang sagot, kahit ramdam niyang nanginginig ang boses niya. At sino ba kasi tong lalaki na to?

“Oh honey…” Umikot si Mr. Alvaro, nilapitan siya at marahang itinapik ang clipboard sa mesa. “I’ve been here for years. Alam ko ang takbo ng kumpanyang ’to. And let me tell you one thing, hindi magtatagal ang mga tulad mo dito. Dominic likes perfection. One mistake? Babagsak ka.”

Parang gusto niyang manginig. Pero pinilit niyang tumingin nang diretso. Parang hindi niya maintindihan kung ano bang pinaglalaban ng kausap niya. Pero kahit na ganon, hindi naman siya papaya nang ganon-ganon lang.

Hindi ako puwedeng matinag. Hindi pa sa unang linggo.

“Hindi ko po hahayaang mangyari yon,” sagot niya, mas matatag na ngayon. Kahit papaano’y nagulat din siya sa sariling tapang. Hindi niya alam kung saan niya kinukuha ang tapang na meron siya..

Ngunit mas lalong kumunot ang noo ni Mr. Alvaro. “Ang tapang ah.” Bahagya itong ngumisi, ngunit hindi iyon ngiti ng pagkatuwa, kundi ng panunuya. “Sige, let’s see. Baka bukas wala ka na rito. And when that happens…” Umiling siya, parang nagtataka. “…don’t say I didn’t warn you.”

Mas lalo pang lumubog ang sikmura niya. Diyos ko, kakayanin ko ba talaga ’to? Bakit ba parang nananakot sila?

Bago pa siya makasagot, biglang nagbukas ang pinto ng opisina. Lumabas si Dominic. Tahimik, malamig, at preskong presko sa itim na suit na para bang galing sa magazine cover. Lahat ng nasa hallway ay parang biglang natigil sa paghinga at agad bumalik sa mga kaniya-kaniyang tabaho.

At si Mr. Alvaro, mabilis na nagbago ng tono. “Dominic!” Masayang bati nito sa CEO, halos mabasag ang boses sa pilit na pagiging malambing. “Good morning. I was just…” Tiningnan siya nito saka binalik ang tingin kay Dominic, “orienting your new secretary.”

Huminto si Dominic sa harapan nila. Walang emosyon ang mukha, malamig ang mga mata. “Orienting?” ulit nito, mababa at diretso ang tono.

Nagkibit-balikat si Alvaro, saka nag-fake smile. “Yes, you know, giving her some advice. Baka kasi mabigla, diba? Mahirap ang trabaho bilang secretary ng isang CEO, alam mo na—”

Pero pinutol ito agad ni Dominic. “If you have time to criticize my secretary, maybe you don’t have enough work on your plate.”

Napatigil si Alvaro. Halos mabitawan nito ang hawak na clipboard.

Tahimik na tumingin si Dominic sa kaniya, saglit lang, pero sapat para bumilis ang tibok ng puso niya. Pagkatapos ay binaling muli ang tingin kay Alvaro.

“She’s under my supervision. If she fails, that’s on me. Until then, focus on your own job.”

Nanlamig siya. Parang may mainit na kumurot sa dibdib niya nang marinig iyon. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o masasaktan. If she fails, I’ll fire her myself. Ganun ba talaga ang tingin niya sa kanya, na isa lang siyang eksperimento na kapag pumalpak ay itatapon?

Pero sa kabilang banda bakit parang pinoprotektahan din siya?

“Y-Yes, sir,” nauutal na sagot ni Alvaro, pilit na ngumiti, kahit halata ang pamumula ng mukha. “Of course. I’ll go back to my reports now.”

At mabilis itong tumalikod, halatang hindi makatingin nang diretso kay Dominic.

Naiwan siyang nakatayo, bitbit ang tray at halos hindi makagalaw. Parang gusto niyang magpasalamat pero hindi niya alam kung paano. Bago pa siya makapagsalita ay nagsalita si Dominic, malamig pa rin ang tono nito.

“Don’t waste your time entertaining people who doubt you. Just do your job.”

Nag-angat siya ng tingin, at sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata. Saglit lang iyon, pero para sa kaniya, parang tumigil ang mundo niya. Hindi niya inakalang may ganon palang paniniwala ang lalaking nakakuha ng kaniyang pinakaiingatan. Tinitigan niya ito nang maiigi habang tila dinadala siya ng kaniyang imahenasyon nang gabi na yon.

“O-opo, Sir,” mahina niyang sagot.

Tumango lang si Dominic at muling pumasok sa opisina, iniwan siyang nanginginig at nagtataka kung bakit kahit malamig ang mga salita ng lalaki, ay mas lalo lang siyang hinihila palapit dito.

Kahit hindi ko masabi sayo na natatandaan kita, parang hindi ako nagsisisi na ibigay sayo ang lahat…

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Secretary, His Sin   Chapter 4

    Paglabas ni Janella mula sa opisina ng CEO, bitbit niya ang tray ng walang lamang tasa ng kape. Nanginginig pa rin ang daliri niya, hindi niya alam kung dahil ba sa kaba mula sa mga bilin ni Dominic o dahil hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mga salitang binitawan nito kanina."Next time you try to pretend you don’t remember me… make sure you do it better."Diyos ko. Paano ba siya makakapagtrabaho nang normal kung ganito ang simula ng araw niya? Paano ba kasi mag-pretend yong hindi siya mahahalata? Gusto lang naman niyang huwag sabihin na naalala niya ang gabing yon pero paano niya maitatago?Huminga siya nang malalim at pilit pinapakalma ang sarili. Calm down, Janella. It’s just work. Trabaho lang ito. Hindi mo puwedeng haluan ng emosyon, lalo na ng alaala ng isang gabi na dapat ay nakalimutan mo na.Pagdating niya sa hallway ng executive floor, agad niyang napansin ang mataray na tingin ng ilang empleyado. May iba pang nagbubulungan habang tinitingnan siya. Hindi niya alam kung

  • His Secretary, His Sin   Chapter 3

    Pagbalik ni Janella sa opisina ay mahigpit pa rin ang kapit niya sa tray habang ang mga daliri niya ang nanginginig. Kung kanina ay nanginginig ang kamay niya sa kaba, ngayon ay mas lalong nanlamig ang mga palad niya dahil alam niyang muli niyang haharapin ang boss niya na parang tuwang-tuwa din naming makita siyang kinakabahan.Dahan-dahan niyang inilapag ang baso ng kape sa mesa ng boss niya. Tahimik lang itong nakatingin sa laptop pero nang mag-angat ng mata ay diretsong tumama ang titig sa kanya. Parang may kung anong dumaloy na kuryente sa kalamnan niya kasabay ng pagsipa ulit ng mga kabayo sa dibdib niya. Hindi lang iyon basta titig. Parang ang ibig sabihin ng titig nito sa kaniya ay mayroon itong ipinapahatid o may gustong ipaalala. Hindi ito nagsalita pero hindi rin siya pinakawalan ng mga mata nito. Titig na titig ito sa kaniya at parang kinakabisado ang kaniyang mukha.Diyos ko, bakit ba ganyan siya tumingin? Hindi ako makahinga. Ano na naman bang trip ng lalaking ‘to? “Cof

  • His Secretary, His Sin   Chapter 2

    Hindi na alam ni Janella kung anong isasagot sa boss niya. Gusto lang naman sana niyang makalimot kaya naisipan niyang magtrabaho pero bakit parang mapaglaro ang tadhana at ginawa pa talaga nitong boss niya ang lalaking unang nakakuha sa kaniya? Ang buong akalaa niya ay hindi siya nito natatandaan, pero bakit ganito naman, Lord?Wala siyang sinagot dito at patuloy lang siyang nakayuko. Ni hind inga niya magawang tingnan ito lalo na nang malamang naaalala pa pal anito ang nangyari. Hindi na rin ito nagtanong pa sa kaniya at pinagmamasdan lang din siya. Bumalot ang katahimikan sa buong opisina at tila bumigat ang hangin sa pagitan nila. Wala mang ibang tao sa silid ay pakiramdam niya ay nahuhubaran siya ng mga titig ni Dominic. Hindi iyon basta tingin lang ng boss sa empleyado, iyon ay isang titig na alam ang mga lihim mo, na parang kahit anong pagtatakip ay walang silbi.Parang gusto niyang sumigaw. Gusto niyang itanggi ang lahat. Pero paano? Paano niya maitatanggi ang gabing iyon kung

  • His Secretary, His Sin   Chapter 1

    Nagmamadaling tinakbo ni Janella ang hallway ng building habang pinipigilan ang kaba at hiya sa dibdib niya. Kanina pa siya panay tingin sa suot niyang relo at hinihiling na sana ay umatras man lang ng kunti ang oras para kahit papaano ay makaabot man lang siya. Hindi siya pwedeng ma-late! Hindi talaga pwede! Sa dami ng mga araw na pwede mangyari ang ganito ay ngayon pa talaga sa unang araw niya sa bagong trabaho siya na-late. Hindi niya alam kung malas lang siya o sadyang sinusubok siya ng kapalaran. Kahit hinihingal ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo.Kanina pa siya iniirita ng busina ng mga sasakyang naiipit sa EDSA. Sakto ba naman kasing late siya nakatulog kagabi dahil tinapos pa niya ang Korean drama na pinapanood niya. Sa kagustuhan niyang hindi ma-late ay ayaw niya ring mabitin sa pinapanood niya kaya nanaig ang kagustuhang tapusin iyon. At idagdag pa ang malakas na ulan kaya natagalan tuloy siya sa paggising. Kaya kanina ay halos sumuko na nga siya sa biyahe at muntik nang bu

  • His Secretary, His Sin   Prologue

    Mabigat ang hangin sa loob ng bar kung nasaan si Janella ngayon. Puno ng usok ng sigarilyo ang paligid, idagdag pa amoy ng alak at halakhakan ng mga lasing na tila walang pakialam sa oras. Kahit tila umiikot na ang paligid ay pilit niyang binubukas ang mga mata niya. Mababang ilaw lamang ang nakasindi kaya tila inaakit ang mga mata niya pumikit. Kulay gold na kumikislap sa salamin ng mga bote na nakahilera sa likod ng counter. Hinaluan pa ng musika na malakas na tila iniindayog ang mga balakang ng bawat taong nandoon. Ngunit hindi pa rin sapat para takpan ang pintig ng pusong sugatan.Nasa dulo siya ng bar nakaupo at nakasuot ng itim na dress na hapit sa katawan. Eleganteng tingnan ngunit halatang matagal nang nilalamon ng pagod at pait. Mapulang-mapula ang kaniyang labi at mga pisngi at sa bawat lagok niya ng alak ay para bang sinusubukan niyang lunurin ang mga alaala ng nakaraan.Tila dinudurog na naman ang puso niya nang maisip ang boyfriend niya na may kasama sa condo unit nito. E

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status