Share

Chapter Five

CHAPTER FIVE

AKI's POINT of VIEW

"AKI!" 

Napaangat ako ng tingin at binalingan ang taong tumawag sakin. "May kailangan ka, Yanna?" tanong ko dito.

She's Alyanna, from Sales Department. Siya 'yong kumakausap sakin dati no'ng first day ko pa lang dito.

"Come here, ipapakilala kita sa mga ka-team ko sa Sales Department." sagot niya at sinenyasan pa akong lumapit sa kanya.

Napakunot ang noo ko pero hindi nagtagal, umalis din ako sa station ko at lumapit sa kanya. "Para saan?" taka kong tanong.

Siyanga pala, dalawang araw nang hindi pumapasok si Boss dito. Ang sabi ni Sir Gino, nagka-allergy daw siya dahil sa binili kong breakfast dati. Nahihirapan pa itong huminga kaya mas piniling pagpahingain muna ito para hindi lumala ang kalagayan nito. 

Akala ko nga tatanggalin na ako dahil pumalpak na naman ako, pero ang sabi ni Sir Gino na magtrabaho lang daw ako kahit na hindi pumasok si Boss.

"Sakto at kompleto kaming lahat ngayong araw. Syempre, abang na abang ang mga kasama ko sa mga bagong sekretarya ni Boss, kaya gusto kitang ipakilala sa kanilang lahat." inakbayan ako ni Yanna at sabay kaming naglakad. Sa tingin ko papunta kami sa Department niya.

Medyo naging close ko na din siya sa tatlong araw na pagta-trabaho ko dito. Madalas ko siyang makasalubong at kung minsan ay kasabay ko siya sa lunch break.

"Hindi ba tayo mapapagalitan sa ginagawa natin? Alam mo na? Working hours—"

"Ano ka ba? Mapapagalitan lang naman tayo kapag nandito si Boss. Wala naman siya ngayon e," pagdadahilan niya.

Hindi na ako nakasagot hanggang sa makarating kami sa Sales Department Office.

"Attention everyone!" pagtawag ni Yanna sa atensyon ng mga taong nandirito.

Hindi naman siya nabigo na agawin ang atensyon ng mga kasamahan niya. Sabay silang lahat na napatingin samin at napatigil sa pinagkakaabalahan nila.

"This is Akira, newly hired secretary ni Sir Aldrich." sabi niya at hinila pa ako palapit sa mga kasama niya. "Guys? Mag-hi naman kayo sa kanya, napaghahalataan kayong walang paki. Alam niyo ba 'yon?" dagdag pa niya at hinampas sa balikat ang isang lalaking nasa tabi niya.

Binati naman nila ako maliban lang sa isang babae na medyo nasa fifties na yata ang edad. Napailing lang kasi siya at maya-maya'y muling tinipa ang computer na kaharap niya.

Hindi naman siya mukhang masungit, slight lang.

"Aki, this is Sheena and Sandy." pagpapakilala ni Yanna sa dalawang babaeng nakangiti. "Darren, Rogel and Glenn naman ang tatlong unggoy na 'to." turo naman niya sa isang lalaking nasa tabi niya at ang dalawang lalaking nasa likuran nila Sheena at Sandy.

"Hi Aki. If you need something regarding paperwork, andito lang ako." hirit ng isang lalaking nasa likuran ng dalawang babae.

"Naku! Huwag kang maniwala kay Rogel. Babaero 'yan." singit naman ni Yanna kaya napangiwi na lang ako. "Dito ka na lang kay fafa Darren. Atleast nakakasiguro akong hindi ka sasaktan niyan." dagdag niya at iniharap ako sa lalaking katabi niya.

"Hi," bati ng lalaki.

"Hello." nahihiya kong sagot kasi hindi pa din ako sanay sa mga ganito. Bilang lang kasi ang mga taong nakakasalamuha ko sa probinsya namin at hanggang ngayon ay nangangapa pa din ako.

"Si Raquel naman 'yon," mahinang bulong sakin ni Yanna at hinawakan pa ang magkabila kong pisngi para mapatingin sa babaeng kasalukuyang nagta-trabaho. "Medyo masungit 'yan kung minsan. Actually, matagal na 'yan dito sa InLine at madaming department na din ang nasubukan niya." paliwanag niya at napatango-tango na lamang ako.

"So dahil sekretarya ka ni Boss..." Napatingin ako kay Sheena na nagsalita. "See you later after work. Magpapa-welcome party kami for you." sabi pa niya 

"Bet ko 'yang idea mo." sagot ng katabi niyang si Sandy.

"Ako na ang bahala sa place. Magpapa-reserve ako." sabat ni Glenn.

"Si Rogel na ang bahala sa—"

"Pass muna ako. Naka-schedule na ang dinner ko with my parents later." putol ni Rogel sa sasabihin sana ni Yanna.

"Puro ka na lang pass. Baka sa team building natin next week ay sasabihin mo na namang pass?" reklamo ni Sandy at pinameywangan pa si Rogel.

Ewan naa-out of place ako sa grupo nila. Pero halatang nagkakasundo silang lahat. Sana pala hindi na lang sekretarya ang inapplayan ko. Baka kasi mahawa ako sa kasungitan ni Boss. E, mukhang masaya namang kasama ang mga 'to.

"Alangan naman sabihin ko failed instead of passed? Alam mo Sandy, bakit hindi mo na lang aminin na nami-miss mo 'ko sa tuwing—"

"What's your agenda for today?" 

Napatigil si Rogel sa pagsasalita nang may marinig kaming baritonong boses na nanggagaling sa pintuan. Nakakunot siya at magkasalubong pa ang mga kilay habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.

Napalingon ako dito at hindi nga ako nagkamali kung kaninong boses iyon. "Good morning, sir." masigla kong bati at sinabayan pa ng malapad na ngiti.

"Umayos ka," mahinang sambit sakin ni Yanna na katabi ko at palihim akong kinurot ng mahina sa tagiliran.

Bakit? Masama na ba ang batiin si Boss? 

"Bad morning po—" napatigil ako nang biglang tinakpan ni Yanna ang bibig ko.

"Diba may trabaho ka pa ngayon?" pilit ang ngiting tanong niya sakin at pinandilatan pa ako ng mata.

Ayaw niya sa good morning, tapos no'ng nag-bad morning ako, ayaw niya pa din? Anong problema niya?

Sapilitan niya akong itinulak palabas hanggang sa makalapit ako kay Boss. "Welcome back po, sir. Hehe." nag-aalinlangang bati ni Yanna kay Sir Aldrich. 

"Welcome back po, sir." panggagaya ko kay Yanna.

Dapat pala welcome back ang sinabi ko. Pansin ko din na mukha akong engot na binati kanina si Boss dahil kababalik nga lang niya ngayon.

"Go back to your work." utos ni Boss at tinalikuran kami saka nagsimulang maglakad paalis.

Nakahinga naman sina Yanna nang maluwag. "Akala ko talaga magagalit na siya. Buti na lang." sabi ni Sheena na para bang nakaraos galing sa matagal na paghihirap.

Parang hindi naman magagalit si Boss e. Sa totoo lang—

"Miss Salazar?" 

Napalingon ulit ako sa pinto nang may tumawag sa apilyedo ko. "Po?" kaswal kong tanong kay Boss.

Bakit bumalik 'to? May naiwan ba siya?

"Hindi mo ba ako narinig—"

"Narinig po. Kaya ko nga po kayo tinanong. May kailangan po ba kayo?" pabalik kong tanong

O baka naman ako ang hindi niya narinig? Nasobrahan ba ang allergy niya noong isang araw at hindi na nakakarinig ngayon?

"Akira naman. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Boss?" 

Nagtataka kong binalingan si Yanna at nagulat na lang ako nang tinulak na naman niya ako. "Ayan na po ang secretary niyo, Boss." sabi pa niya at ginawaran ng pilit na ngiti si Sir Aldrich.

"Follow me." maikling tugon ni Boss at naglakad na naman paalis.

Balak ko lang sana titigan ang papalayong bulto niya nang bigla akong siniko ni Yanna. "Follow him nga diba? Ano pa ang hinihintay mo? Sundan mo na siya bago pa kami mapagalitan dito?" 

Ako ba ang kinausap ni Boss? 

Ewan. Kahit na hindi ako sigurado kung ako ba talaga ang kinausap ni Boss, sumunod na lang din ako sa kanya hanggang sa makapasok ako sa opisina niya.

Pagkabukas ko sa tinted glass door, nakita kong nakaupo siya sa table niya habang may binabasang papers  kaya dumiretso na lang din ako sa tabi niya. "Sir?" tawag ko sa kanya.

"What are you doing?" tanong niya pero hindi pa din naaalis ang tingin niya sa binabasang papaers.

"Sabi niyo po kasi, follow me. Paano po 'yon?" tanong ko ulit.

Hindi kasi ako sigurado kung kailangan ko din ba gawin ang ginagawa niya.

"Umamin ka nga sakin," inilapag niya sa table ang binabasa niyang papers saka tinitigan akong mabuti. "Dumaan ka ba muna sa screening bago ininterview dito sa kompanya ko?" 

Bakit ako aaminin? Wala akong alam sa pinagsasabi niya.

"Hindi po ako aaminin, dahil una sa lahat." saglit akong napahinto at nanlilisik ang mga matang tumingin sa kanya. "Hindi ko alam kung saang banda ang screening na pinagsasabi mo. At saka sa entrance po ako dumaan bago dumiretso no'ng ininterview ako. Baka ibang tao ang tinutukoy mo at hindi ako." paliwanag ko sa kanya.

Nakita kong napahilot siya sa kanyang sintido bago tumayo at naglakad palabas.

Totoo naman e. Kung may taong dumaan man sa screening, sigurado akong hindi ako 'yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status