Share

Chapter Six

CHAPTER SIX

AKI's POINT of VIEW

"Sir, gusto niyo po bang isama ko sa schedule niyo bukas an—"

"Don't ask me. That's your job." putol niya 

Nagtatanong lang naman e. Ang hilig niyang magsungit. Pasalamat siya at mahaba ang pasensya ko dahil kung hindi, malamang sa malamang nakipagtarayan na ako sa kanya kahit na hindi ako marunong magtaray.

"Baka po kasi ayaw niyong—"

"Get out!" 

Hindi pa nga ako tapos e. Isinara ko na lang ang pinto at muling bumalik sa pwesto ko. Tinitigan ko na lang ulit ang pangalan ni Mister Alegera. Nang hindi ako mapakali, tumayo ako at binuksan ulit ang pinto ng opisina ni Boss.

"Pero sir, baka kasi—"

"Go back to your station. Don't enter my office not until I said so." seryoso niyang sagot.

Laglag balikat naman akong bumalik sa station ko at kinancel ang appointment ni Mister Alegera kay Sir Aldrich para bukas.

Itatanong ko lang naman sana kung papayag siya bukas, baka kasi i-cancel din niya bukas kapag sinali ko 'to sa schedule niya. Siguro next week na lang. Ang dami naman kasi ng kaganapan niya bukas. Ewan ko ba kung paano pagkakasyahin lahat ng 'to.

"Excuse me, Miss Akira." 

Napaangat ako ng tingin nang may babaeng nakatayo sa harap ng long desk table ko. "Yes? May kailangan ka?" tanong ko sa kanya.

Hindi ko siya kilala pero sigurado akong employee siya dito, hindi naman siya mukhang palaboy-laboy e.

Ngumiti muna siya bago binigay sakin ang isang folder. "Pwede mo bang ibigay 'to kay boss? Kailangan kasi ng approval at pirma niya." 

Napahawak muna ako sa baba ko at isinuli sa kanya ang folder. "Pasensya ka na pero hindi ako pwedeng pumasok sa opisina niya ngayon." sabi ko sa kanya.

"Pero kailangan—"

"Ganito na lang. Kung gusto mo talagang mapirmahan niya ngayon 'yan, pwede ka namang pumasok sa loob at kausapin siya. Ayaw niya kasi akong papasukin sa loob." paliwanag ko sa kanya.

Nagiging masunurin lang ako sa sinasabi ng boss ko. Mahal ko ang trabaho ko at ayaw kong ma-involve na naman sa init ng ulo ng lalaking 'yon. 

"Ah, sige. Salamat." 

Kinuha ng babae ang puting folder at tinungo ang pinto ng opisina ni Boss. Saglit siyang kumatok bago binuksan ang glass door at pumasok sa loob.

Napatingin ako sa wristwatch ko. Nang makita kong mag-aalas singko na ng hapon, napainat ako ng braso at mga kamay ko.

Sa wakas, makakalabas na din ako. Hindi na ako makapaghintay kung anong klaseng welcome party ang ihahanda nila sakin ni Yanna. 

May pa-confetti kaya sila? Sana bumili din sila ng party hat para magmukha talagang party. What if i-invite ko kaya si Boss? Sasama kaya siya? Ayos lang din naman siguro kina Yanna kung isasama ko si Boss. At saka para sakin naman ang party nila.

"Miss Akira, pinapatawag ka ni boss." 

Napatayo ako nang lumabas ang babae sa opisina at 'yan kaagad ang sinabi niya. Mabuti na din 'to para matanong ko si Boss kung sasama ba siya mamaya sa welcome party para sakin.

"Sir, gusto niyo po bang—"

"Who told you na basta basta ka na lang magpapasok ng kung sino sa opisina ko?" bungad niya sakin at magkasalubong na naman ang dalawa niyang kilay.

Inis niyang hinampas sa table ang folder na hawak niya bago tumayo at naglakad palapit sakin.

"Ayaw niyo po kasi akong—"

"Nangangatwiran ka pa ngayon? So sino ang mali sa'ting dalawa? Ako ba?" kunot noo niyang tanong

Alam naman pala niya ang sagot, bakit niya pa ako tinatanong? Ah, alam ko na. Baka sinusubukan niya lang kung kaya ko bang sagutin ang tanong niya.

Sana naman may pa-bonus siya sakin kapag sinagot ko siya.

"Oo." maikli kong sagot 

"Anak ng—" natigil siya sabay sabunot sa kanyang buhok.

Tinalikuran niya ako at sapo-sapo ang noong naglakad pabalik sa table niya. Binuksan niya ang kanyang drawer at inilagay sa loob ang folder na hawak.

"Hindi niyo naman po kasi pwedeng ipilit na ako ang may kasalanan sa'ting dalawa. At saka kakasabi mo lang kanina na huwag akong pumasok not until you said so—" napahinto ako sabay lunok ng makailang beses nang bigla siyang bumaling sakin at nanlilisik ang mga matang tinitigan ako.

Galit na naman ba siya?

"Send me your resignation letter. Now!" 

Anong gagawin niya sa resignation letter ko? Hindi pa naman ako magre-resign.

"Po?"

"Hindi mo ba ako narinig?" pabalik niyang tanong

Siya nga 'tong hindi ako naririnig e. Hays. Ang hirap ng ganitong klaseng Boss. Baka mamaya maging ulyanin na 'to tapos malalaman ko lang na dahil pala 'yon sa Spinach na binili ko. Huwag naman sana.

"Itatanong ko po muna kay Sir Gino kung papayag siyang—"

"D-mn it! Just do what I told you to do. Ayoko nang makita ka pa dito bukas. Naiintindihan mo ba?" putol niya

Parang hindi ko pa naintindihan sa una kung ano ang ibig niyang sabihin, pero nang mag-sink na sa utak ko ang sinabi niya ay nagtatatalon ako sa tuwa. 

Yes! Sa wakas, makakaalis na din ako dito. Kung 'yon lang naman pala ang gusto niya, edi sana mas nag-focus na lang ako sa resignation letter ko.

Magre-resign na ako as secretary niya, sana naman ilipat niya ako sa department nila Yanna. Medyo related din naman kasi ang profession ko kina Yanna, kaya hindi ako mahihirapan pag gano'n.

Tumigil ako sa kakatalon at nakangiti siyang tinignan. "Ah, sige po. Pero saang department ako maa-assign? Mas pabor po sakin kung sa Sales Department niyo po ako—"

"You're fired!" sigaw niya na nakapagpangiwi sakin.

Sinasabi ko na nga ba. Hindi matinong kausap ang isang 'to.

"Teka lang po, may gagawin pa po pala ako." singit ko at kumaripas na kaagad palabas bago pa siya makasagot.

Kinuha ko ang bag ko sa station at isinara ang laptop ko. Nang masiguro ko nang maayos na lahat ng nasa desk ko, saka lang ako umalis para pumunta na kila Yanna.

Mabuti na lang at end na ng shift ko. Bakit kasi lagi na lang nakabusangot ang mukha ni Boss? Ang laki nga ng pa-sweldo nila dito pero hindi naman sigurado kung magtatagal ba ako.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
paano ka mgtatagal eh napaka slow mo nmn kc hindi dapat ganyan ang mga secretary noh
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status