Share

CHAPTER 2

last update Last Updated: 2025-02-01 22:13:47

MARAHANG sinalinan ni Trace ng alak ang dalawang kopitang kinuha niya. Ang isa ay para sa kanyang sarili. Ang isa naman ay para sa kapatid niyang si Lemuel. Siya pa ang nagbigay sa kanyang kapatid ng inumin na agad naman nitong kinuha.

Nasa bahay niya ito ngayon at bumisita. Once in a while, kung may oras din naman ay talagang sinasadya siya nito upang personal na kumustahin.

Hindi muna ininom ni Trace ang alak. Mula sa may mini bar ng kanyang bahay ay humakbang siya palabas sa may lanai habang bitbit ang kanyang kopita. Hindi na niya kailangan pang ayain si Lemuel. Agad na itong sumunod sa kanya habang dala-dala rin ang kopita nito.

"May problema ba, Trace? Kung titingnan ka ay para bang ang daming gumugulo sa isipan mo," komento ni Lemuel bago dinala sa bibig ang inumin. Marahan itong sumimsim ng alak habang sa kanya pa rin nakatutok ang mga mata.

"Kailan ba tayo nawalan ng problema, Lemuel? Ang daming kailangang ayusin sa kompanya, hindi ba?"

Nagkibit ito ng mga balikat bago siya sinagot. "Hindi tayo nawawalan ng trabaho. I think that's the right term to use, Trace. Bakit ituturing mong problema ang bagay na nagdadala sa iyo ng pera?"

Trace smirked as he looked intently at his brother. "Having Jossa in your life really changed you, Lemuel. Hindi ganyan ang mga naririnig ko sa iyo noon sa tuwing pinag-uusapan natin ang kompanya ng ating ama. You even hate working there, right?"

Tipid na ngumiti sa kanya si Lemuel. Hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang masuyong ekspresyong lumarawan sa mukha nito nang mabanggit niya ang asawa nitong si Jossa.

"They really changed a lot in me, Trace. Not just Jossa, but the kids as well," anito sa malumanay nang tinig. "Simula nang maging maayos ang lahat sa amin, pakiramdam ko ay magaan na lang ang lahat. Oh well, after everything we went through, sa tingin ko ay wala nang makahihigit sa mga problemang pinagdaanan namin. It's the reason why I just want to take life easily now. Ayokong ituring na problema ang mga simpleng bagay na lang."

Muli siyang napaismid. Alam niyang ang huling pangungusap nito ay disimulado nitong patama sa kanya.

Napailing na lamang si Trace bago inubos ang laman ng kopitang hawak niya. Sa kabila ng lahat ay masaya naman siya para kay Lemuel. Totoong maayos na nga ang buhay nito ngayon at bilang kapatid, kahit pa sabihing hindi naman sila ganoon kalapit sa isa't isa, ay masaya siya sa itinatakbo ng buhay nito.

It's true that they weren't that close to each other. Katunayan, nitong nakalipas na taon lamang nila lubusang binigyan ng pagkakataong mapalapit sa isa't isa.

Lemuel is just his half-brother. Matanda ito sa kanya ng tatlong taon at anak ng kanyang ama sa ibang babae. Kung hindi pa dahil sa organisasyong kinabibilangan nila noon ay hindi niya pa malalamang may anak ang kanyang ama sa iba. He would admit, he found it hard to accept. Hanggang sa kalaunan ay unti-unti na ngang nagkakaroon ng puwang sa buhay niya ang bastardo ng kanyang ama.

Well, Lemuel was not hard to be with. Halos magkaugali lang naman sila dahilan para unti-unti ay makapalagayan niya rin ito ng loob.

"Why don't you think of settling down as well, Trace? Baka sakaling magbago ka rin," maya-maya ay narinig niyang sambit nito. Hindi pa itinago ng kanyang kapatid ang panunudyo sa tinig nito nang magsalita. "Look at yourself. Walang araw na hindi yata magkadikit ang mga kilay mo at nakakunot iyang noo mo. Loosen up, Trace. You're not getting any younger."

Isang pagak na tawa ang pinakawalan niya dahil sa mga sinabi ni Lemuel. "Don't preach, Lemuel. You know that settling down is not for me."

Lemuel shrugged his shoulders. "Don't you need a woman in your life?"

Ang kaninang pagak niyang tawa ay nauwi sa isang marahang halakhak. "Kailan ba nawalan ng babae sa buhay ko, Lemuel? If you're just referring to my sex life, it's active, my brother."

"You know what I mean, Trace," giit nito. "Seryosong relasyon ang tinutukoy ko. Hindi ka ba naghahanap ng babaeng makakasama ninyo ni Mat-mat?"

Hearing his son's name, Trace's expression suddenly became serious. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga saka nagsalita. "I don't need it, Lemuel. Hindi ko gustong makatagpo ng isang katulad ni Liezel---"

"Hindi lahat ng babae ay katulad ni Liezel," mabilis na awat nito sa pagsasalita niya. "Come on, Trace. Dahil sa ginawa ni Liezel, ang tingin mo sa mga babae ay magkakapareho na. Not everyone is like her."

Napatiim-bagang siya. Hindi maiwasang sumagi sa isipan niya ang mga nangyari noon... ang mga ginawa ni Liezel na naging dahilan para hindi na niya hayaan ang sariling mahulog sa kahit kaninong babae. Hindi na niya gustong makakilala ng isang katulad nito--- manloloko at babaeng nakipaglapit lamang sa kanya dahil sa pansariling intensyon. Kung hindi siguro nabuo si Matmat ay baka matagal nang bumitiw sa kanya si Liezel. Nagbunga lang ang pakikipagrelasyon nito sa kanya, dahilan para tumagal sila.

Hindi siya minahal ni Liezel sa totoong kahulugan ng salitang iyon. She just loved the things that he could give to her. Iyon lang.

Hinamig na ni Trace ang sarili at paismid na ngumiti sa kanyang kapatid. "Hindi ko kailangang maghanap ng babae, Lemuel. Ang mahalaga ay nasa akin ang anak ko. Besides, tagapagbantay nga ni Matmat ay nahihirapan na akong maghanap, seryosong relasyon pa kaya?"

"Speaking of that, hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring nahahanap na kapalit ni Lea?" anito na ang tinutukoy ay ang huling nakuha niyang tagapagbantay ng kanyang anak.

"Wala pa," tipid niyang sagot dito.

May iba pa silang kasama sa bahay. Maliban sa mga security guards ay naroon din sina Manang Tess at Kakay na kapwa matagal na sa kanya. Halos kabisado na nga ng mga ito ang pag-uugali niya dahilan para matagalan ng mga itong makisama sa kanya.

Ang hindi tumatagal sa kanya ay ang mga nakukuha niyang tagapagbantay ni Matmat. Umaabot lang ng ilang buwan ang mga ito. Pagkaraan ay bigla-bigla na lang magpapaalam ang mga ito na aalis na at iiwan na ang trabaho.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi tumatagal ang mga nakukuha mong tagapagbantay ng pamangkin ko?"

"What are you trying to say?" buwelta niya kay Lemuel. "Sinasabi mo bang mahirap bantayan ang anak ko?"

Napapailing habang napapangiti si Lemuel. "I'm not referring to Mat-mat. He's a nice boy, we know that. Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo, Trace?"

Pinanliitan niya ito ng mga mata. Hindi man nito sabihin ngunit nahuhulaan na niya kung ano ang nais nitong ipahiwatig. At nang hindi nga siya umimik ay isinatinig ni Lemuel ang nasa isipan nito.

"You're being too harsh, Trace. Okay... kina Manang Tess ay hindi ka gaanong kahigpit, pero sa mga nakukuha mong tagabantay ni Matmat? Daig mo pa lagi ang leon."

"Dahil sina Manang Tess ay alam na ang mga dapat gawin. Hindi na nila kailangan pang bilinan," katwiran niya rito. "But those nannies that we got, puros hindi alam kung ano ang gagawin. At masama ba kung kaligtasan ni Mat-mat ang iprioridad ko? For sure, iyon din ang gagawin mo kina Lianna at sa pinagbubuntis ngayon ni Jossa."

Lemuel was silent for a while. Alam niyang sang-ayon ito sa mga sinabi niya. Higit sa ano pa man, kaligtasan din ng mag-iina nito ang mahalaga para sa kanyang kapatid. Sa bagay na iyon ay hindi sila magtatalo.

"I'm just concern, Trace, more to Mat-mat," wika pa ni Lemuel. "Don't you think he needs a---"

"We're family, Lemuel," mabilis niyang sabat, hindi pa man ito tapos sa pagsasalita. "Hindi ko kailangan ng asawa para matawag kaming pamilya ni Matmat."

Lemuel heaved out a sigh. Tinalikuran siya nito at humakbang papasok ng bahay. Dumiretso ito sa mini bar at muling sinalinan ng alak ang kopitang hawak. Sinundan niya lang ito ng tingin at hindi na nag-abala pang kumuha rin ng inumin niya.

Nang makapaglagay ng alak sa kopita nito ay nilingon siya ni Lemuel. Hindi na ito lumapit ulit sa kanya at mula sa may mini bar ay muli nang nagwika. "Kakainin mo lahat ng sinabi mo oras na may makilala kang babaeng magpapaibig sa iyo, Trace. Kapag nangyari iyon, pagtatawanan kita..." nakaloloko nitong saad bago itinaas ang kopitang hawak na para bang inaasar pa siya. Then, after a while, he sipped from his goblet while still looking at him mischievously.

Hindi siya kumibo. He doubted it. After what Liezel did? Hindi na niya hahayaan pang may pumasok na babae sa buhay niya, lalo na kung ang intensyon lang naman ay makakuha ng impormasyon sa kanya at sa mga De la Serna--- katulad ng ginawa ni Liezel!

*****

DIRE-DIRETSONG pumasok sa may komedor si Trace at nadatnan doon sina Kakay at Manang Tess. Ang huli ay abala sa pag-aasikaso kay Matmat. Kasalukuyang sinasandukan ng matandang babae ang platong nasa harapan ng kanyang anak habang si Kakay ay nasa aktong inilalapag pa lang ang bandehadong naglalaman ng mga hiniwang hinog na papaya.

"Magandang umaga, Trace," bati sa kanya ni Manang Tess nang tuluyan siyang nakalapit sa mesa. Mula bata pa lang siya ay namamasukan na ito sa mga De la Serna dahilan para maging malapit na siya rito. Ni hindi na nga ito nasanay na tawagin pa siyang 'sir' sapagkat halos dito na siya lumaki.

"Good morning, Sir Trace," bati naman sa kanya ni Kakay.

Kapwa tango lamang ang isinagot niya sa mga ito. Dumiretso na siya sa kabisera ng mesa at naupo sa silyang naroon.

Mula nang magpasya siyang bilhin ang bahay na iyon at doon na manirahan ay nasa kanya na sina Manang Tess at Kakay. Ang matandang babae ay sadyang kinuha niya pa sa bahay ng kanyang ama. Sa halip na doon pa nito mamasukan ay inalok niyang sa kanya na magtrabaho. Si Kakay naman ay inirekomenda sa kanya ni Manang Tess. Laki rin ito sa probinsiyang pinagmulan ng matandang babae.

"How's your sleep, Mat? Did you sleep well?" baling niya kay Mat-mat.

The boy just looked at him intently. Tapos na itong sandukan ni Manang Tess pero hindi pa nito pinagkaabalahang simulang kumain.

Trace slightly tilted his head, as if urging for his son to answer. Doon lang ito kumilos at marahang tumango sa kanya. Hindi pa maiwasang mapabuntonghininga ni Trace. Sa halip kasi na magsalita ay mas pinili nitong isenyas na lamang ang sagot.

Mat-mat started to stop talking since his mother, Liezel, died. Simula noon, kahit isang salita ay wala na siyang narinig mula sa kanyang anak. He was only three years old back then. Dalawang taon na ang lumipas pero hindi pa rin ito bumabalik sa normal.

The doctor said he was traumatized. Nakita kasi ng kanyang anak ang duguang katawan ni Liezel. After that, everything changed on him. Kahit ilang beses na niya itong pinatingnan sa doktor ay hindi pa rin bumabalik ang pagsasalita nito.

Iyon ang dahilan kung bakit mahigpit siya sa paghahanap ng tagapagbantay ni Mat-mat. As much as possible, ang gusto niyang makasama nito ay yaong matutulungan itong maging normal na bata ulit.

"By the way," aniya. Hinamig niya na ang kanyang sarili at nagsimula nang magsandok ng pagkain sa kanyang pinggan. "Nakausap na ba ninyo ang agency kung saan tayo kumukuha ng babysitter?"

"Tumawag na si Kakay roon, Trace," sagot ni Manang Tess. "Baka sa makalawa dumating ang babysitter na kinukuha mo."

"Did you check the profile? Ayoko nang kung sinu-sino lang, Manang. Baka mamaya ay katulad lang ng mga nauna nating nakuha na halos wala namang naitulong sa anak ko," saad niya sabay sulyap pa kay Mat-mat na ngayon ay nagsisimula nang galawin ang pagkain sa pinggan nito.

"Maayos naman daw ang ipapadala ngayon, Sir," wika naman ni Kakay.

"Anong oras darating sa makalawa? I'll be the one to talk to her."

"Umaga ho, Sir. Baka mga alas-nueve ay narito na siya."

He nodded his head. Hindi na siya nagbigay pa ng ano mang komento at mas pinagtuunan na ng pansin ang pagkain. Kapag ganoong hindi na siya umimik ay alam na ng mga itong tinatapos na niya ang usapan.

Nagpaalam na nga si Kakay at pumasok na sa kusina. Si Manang Tess naman ay nanatili sa tabi ni Mat-mat at nakabantay dito.

Hindi niya maiwasan ang maya't mayang pagsulyap sa kanyang anak. Maliban sa sandamakmak na gawain sa kanilang kompanya, ang tungkol kay Mat-mat ang labis niyang pinoproblema. Kailangan na niyang makahanap ng tagabantay nito at personal niyang haharapin iyon sa makalawa...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 48

    Hindi pa sana gustong magmulat ng mga mata ni Chrissa. Dama niya pa ang paghila ng antok sa kanya at kung maaari lang ay nanaisin niya pa sanang matulog. Ngunit ang kagustuhang gawin iyon ay hindi na niya nagawa pa dahil sa naramdaman niyang paglundo ng kama sa kanyang tabi kasabay ng marahang pagpapaikot ng isang braso sa kanyang baywang.Chrissa groaned softly as she opened her eyes. “T-Trace,” sambit niya sa mahinang tinig. “Don’t tell me you’re waking me up now? Pakiramdam ko’y isang oras pa lang mula nang hinayaan mo akong makatulog matapos ng mga ginawa natin kagabi.”She heard him chuckled. Wari bang aliw na aliw ito sa mga sinabi niya. “You’re exaggerating, baby. I let you sleep before eleven PM. And it’s almost twelve hours since then.”Dahil sa mga sinabi nito ay tuluyan nang nagising ang diwa niya. Lumingon siya kay Trace na nakahiga sa kanyang tabi habang yakap-yakap pa rin siya. Bahagya pang napaawang ang kanyang mga labi nang mapansing nakapaligo na ito at bihis na bihis

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 47

    Sunod-sunod ang naging paglunok ni Chrissa nang marinig niya ang mga sinabi ni Trace. Mataman pa itong nakatitig sa kanya na wari bang hinihintay na siyang humakbang palapit dito.And Chrissa did. Slowly, she walked towards Trace’s room. Nang marating niya ang hamba ng pintuan ay agad pa itong tumabi upang bigyan siya ng daraanan. Tuluyan nga siyang pumasok sa loob saka marahang iginala ang kanyang paningin sa loob.Hindi iyon ang unang beses na nakapasok siya sa silid ni Trace. Ni hindi niya na nga alam kung ilang beses na ring may nangyari sa kanila sa mismong kama nito. Pero ganoon pa man, hindi niya maunawaan kung bakit naiilang pa rin siya sa tuwing napapag-isa silang dalawa sa loob ng kuwartong iyon.Maya-maya pa ay marahas siyang napalingon dito nang marinig niya ang pagsara ng pinto sabay ng pag-lock niyon. She swallowed hard again and asked him.“A-Ang... ang mga gamit ko, Trace?”“Nasa walk-in closet,” mabilis nitong sagot habang humahakbang palapit sa kanya. “Bukas ay maaar

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 46

    “Good morning, Sir Trace,” agad na bati ni Becca kay Trace naglalakad pa lamang siya papasok sa kanyang opisina. Mabilis na tumayo mula sa puwesto nito ang kanyang sekretarya at sinundan siya. Ni hindi niya sinagot ang pagbati nito at tanging tango lamang ang itinugon sa dalaga.Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa opisina niya sabay lapit sa kanyang executive desk. Doon ay inilapag niya ang kanyang cell phone at ang susi ng kanyang sasakyan saka nilingon si Becca na nasa loob na rin ng opisina niya. Lumapit din ito sa mesa at inilagay doon ang dalawang folder na naglalaman ng mga dokumento.“What are those?” tanong niya.“Documents that you need to sign, Sir. Nariyan na rin po ang ipinagawa mo sa aking summary ng monthly activities ng DLS Corporation.”“Good job,” puri niya rito sabay upo sa kanyang swivel chair. Inabot niya ang dalawang folder na dala nito saka binuksan ang isa at pinasadahan ng basa.Ilang taon na ring nagtatrabaho sa kanya si Becca at masasabi niyang gamay na talaga n

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 45

    Ilang araw ang matuling lumipas mula nang kinailangan siyang isugod sa ospital ni Trace. Mula ng araw na iyon ay hindi pa siya nakababalik sa trabaho, ni hindi pa sila nagkitang muli ng binata. And Chrissa couldn’t understand the emptiness that she’s feeling because of the thought that she hasn’t seen him for days. Hindi man maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Trace pero hindi niya maitatanggi ang pangungulilang nadarama niya para rito.Mula sa pagkakahiga sa kanyang kama ay marahan siyang napaupo at napasandal sa headboard. Nilingon niya pa ang bedside table na nasa kanyang kaliwa at sinulyapan ang oras sa alarm clock na naroon. It’s already quarter to ten in the evening. Dapat ay natutulog na siya pero mailap sa kanya ang antok. Katunayan, nitong mga nakalipas na araw ay hirap talaga siya sa pagtulog dahil kayraming gumugulo sa isipan niya.Isa na roon ang batang nasa sinapupunan niya. Hindi niya rin naman gustong ipanganak ang kanyang anak na hindi maayos ang relasyon ni T

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 44

    Marahang napatayo si Chrissa mula sa kanyang kinahihigaan kanina saka pinaglipat-lipat ang kanyang paningin sa kanyang mga magulang at kay Trace. Dama na niya ang tensyon sa loob ng silid, lalo na ang galit na umusbong sa kanyang ama nang marinig nito ang mga sinabi ng binata.“Ulitin mo ang mga sinabi mo,” mariing utos ni Alfredo habang nanliliit ang mga matang nakatitig kay Trace.Ni hindi niya kinakitaan ng pagkasindak ang binata at matapang lamang na nakaharap sa kanyang ama. Wari bang ano mang oras ay kaya nitong manindigan sa harap ng kanyang mga magulang. Halos gusto niya pa itong mahampas dahil sa ganoong paraan nito sinabi ang tungkol sa ugnayan nilang dalawa. Hindi man lang nito dinahan-dahan ang pagsasabi at basta na lamang nagsalita na para bang simpleng bagay lang ang paksang iyon.Trace cleared his throat. Sumulyap muna ulit ito sa kanya bago sumagot na kay Alfredo. “You heard it right, Mr. Bonifacio... Mrs. Bonifacio, I am the father of Chrissa’s child. And I want---”H

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 43

    Dahan-dahang iminulat ni Chrissa ang kanyang mga mata saka marahang iginala ang kanyang paningin sa silid na kinaroroonan niya. It was an unfamiliar room yet she knew very well that she’s in a hospital. As Chrissa roamed her eyes around her, she saw Trace sitting quietly on a chair near the bed where she was lying. Nagtagpo ang kanilang mga paningin at hindi pa nakaligtas sa kanya ang mariin nitong paninitig. Pakiramdam niya ay kanina pa ito nakaupo roon habang walang ibang ginagawa kundi ang pagmasdan siya.Agad niya pang binalikan sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina at halos manlaki ang mga mata niya nang maalala ang lahat. Tuluyan nga siyang sinamaan ng pakiramdam habang kasama sina Trace at Mat-Mat. Nawalan siya ng malay... at si Trace ang nagdala sa kanya sa ospital?Abruptly, she moved to sit on the bed. Naawat lamang ang pagkilos niya nang magsalita si Trace sa seryosong tinig.“Don’t sit up yet. Baka mahilo ka na naman,” mariin nitong utos na hindi niya sinunod.Dahan-da

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 42

    Marahang binuksan ni Trace ang pinto ng silid ni Matthew sabay silip sa loob niyon. Naabutan niya pa ang kanyang anak na nakaupo sa kama nito at abala pa sa paglalaro ng mga laruang robot at sasakyan. Dali-dali pa nga nitong itinago sa ilalim ng comforter ang mga iyon nang mapansin ang kanyang pagdating.Matthew was already wearing his pajamas. Oras na ng tulog nito ngunit sa halip na mahiga na ay nahuli niya pa itong abala sa paglalaro. Bagay iyon na hindi marahil alam ni Manang Tess. Malamang, matapos mabihisan ang bata at mapahiga sa kama ay iniwan na ito ng matanda dahil sa pag-aakalang matutulog na ang kanyang anak.Bagay iyon na malayong-malayo sa kung ano ang ginagawa ni Chrissa noong ito pa ang nagbabantay kay Matthew. Talagang hinihintay ng dalaga na mahimbing nang natutulog ang anak niya bago ito lumabas sa silid na iyon. Minsan ay tinatabihan pa nito ang bata, na naging dahilan pa nga kaya ito nakatulog sa kuwarto ni Matthew noon. And Trace would admit, ibang uri ng pag-aal

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 41

    Natigil sa paghithit ng sigarilyo si Daniel nang makita niyang naglalakad palapit sa kanya ang isa sa mga tauhan niya. Bitbit nito ang isang brown envelope na agad nitong inilapag sa mesang nasa kanyang harapan.“Good evening, Boss,” bati nito sa kanya. “Nariyan na ho ang resulta ng ipinagawa mo sa amin nang isang araw.”Daniel’s lips twisted upwardly. Inilapag niya ang sigarilyong hawak-hawak sa ashtray na nasa mesa lamang saka niya kinuha ang envelope na dala nito. Agad niyang binuksan iyon at kinuha ang mga laman upang tingnan.“What have you learned about that bastard?” nanunuya niyang tanong sa kanyang tauhan habang ang mga mata ay sa binabasa nakatuon.“As usual, Boss, laging abala sa kanilang kompanya. Nalaman naming katulong na niya ang kanyang kapatid sa pamamahala ng DLS Corporation. Sa loob ng dalawang taon, mukhang mas lumago ang kompanya ng kanyang ama.”Hindi niya maiwasang mapaismid. “Abala na siya sa kanilang kompanya? Umalis na ba siya sa mga Lebedev?”“Simula nang m

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 40

    “H-Hindi ka pa nanananghalian?” tanong niya sa mahinang tinig habang ang mga mata ay matamang nakatitig sa mga pagkaing pina-deliver nito. May dalawang plato at mga kutsara’t tinidor na ring nakahanda roon.“Obviously,” he snapped at her. Humakbang na ito palapit sa mesang kinapapatungan ng mga pagkain saka inayos ang mga iyon. Naupo pa ito sa mahabang sofa habang isa-isa nang inalisan ng takip ang mga lalagyang naroon at naghanda na para mananghalian.“Hindi ka naman nagsabing nag-aaya kang sabay tayong kumain, ah,” aniya pa, ni hindi umaalis sa kanyang kinatatayuan.He abruptly looked at her. Hindi pa rin mawala ang pagkagusot ng noo ng binata, palatandaan na yamot pa rin ito. “Ang sabi ko ay umakyat ka rito sa opisina ko, hindi ba?”“Iyon lang ang sinabi mo. Malay ko ba kung ano ang ibig mong sabihin doon.”His eyebrow arched upwardly. “I didn’t know you have a green mind, baby. Ano ba ang iniisip mong gagawin natin?”“Wala akong sinabing ganyan, Trace,” paasik niyang saad kasabay

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status