Share

CHAPTER 45

last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-08 20:40:25

Ilang araw ang matuling lumipas mula nang kinailangan siyang isugod sa ospital ni Trace. Mula ng araw na iyon ay hindi pa siya nakababalik sa trabaho, ni hindi pa sila nagkitang muli ng binata. And Chrissa couldn’t understand the emptiness that she’s feeling because of the thought that she hasn’t seen him for days. Hindi man maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Trace pero hindi niya maitatanggi ang pangungulilang nadarama niya para rito.

Mula sa pagkakahiga sa kanyang kama ay marahan siyang napaupo at napasandal sa headboard. Nilingon niya pa ang bedside table na nasa kanyang kaliwa at sinulyapan ang oras sa alarm clock na naroon. It’s already quarter to ten in the evening. Dapat ay natutulog na siya pero mailap sa kanya ang antok. Katunayan, nitong mga nakalipas na araw ay hirap talaga siya sa pagtulog dahil kayraming gumugulo sa isipan niya.

Isa na roon ang batang nasa sinapupunan niya. Hindi niya rin naman gustong ipanganak ang kanyang anak na hindi maayos ang relasyon ni T
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
EDEN
wow mukhang tanggap kna trace ni byanan m kaso baka ibang problema nman ang kaharapin nyo
goodnovel comment avatar
mycaptain❤️
nako trace pwede mo na ako iuwe este si Chrissa at dina yata galit si papa sayo.
goodnovel comment avatar
Christine Johna Myzing
ay trace may pag ASA kana... payag na c papa...pero takot Ka Pala s itak trace.........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 45

    Ilang araw ang matuling lumipas mula nang kinailangan siyang isugod sa ospital ni Trace. Mula ng araw na iyon ay hindi pa siya nakababalik sa trabaho, ni hindi pa sila nagkitang muli ng binata. And Chrissa couldn’t understand the emptiness that she’s feeling because of the thought that she hasn’t seen him for days. Hindi man maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Trace pero hindi niya maitatanggi ang pangungulilang nadarama niya para rito.Mula sa pagkakahiga sa kanyang kama ay marahan siyang napaupo at napasandal sa headboard. Nilingon niya pa ang bedside table na nasa kanyang kaliwa at sinulyapan ang oras sa alarm clock na naroon. It’s already quarter to ten in the evening. Dapat ay natutulog na siya pero mailap sa kanya ang antok. Katunayan, nitong mga nakalipas na araw ay hirap talaga siya sa pagtulog dahil kayraming gumugulo sa isipan niya.Isa na roon ang batang nasa sinapupunan niya. Hindi niya rin naman gustong ipanganak ang kanyang anak na hindi maayos ang relasyon ni T

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 44

    Marahang napatayo si Chrissa mula sa kanyang kinahihigaan kanina saka pinaglipat-lipat ang kanyang paningin sa kanyang mga magulang at kay Trace. Dama na niya ang tensyon sa loob ng silid, lalo na ang galit na umusbong sa kanyang ama nang marinig nito ang mga sinabi ng binata.“Ulitin mo ang mga sinabi mo,” mariing utos ni Alfredo habang nanliliit ang mga matang nakatitig kay Trace.Ni hindi niya kinakitaan ng pagkasindak ang binata at matapang lamang na nakaharap sa kanyang ama. Wari bang ano mang oras ay kaya nitong manindigan sa harap ng kanyang mga magulang. Halos gusto niya pa itong mahampas dahil sa ganoong paraan nito sinabi ang tungkol sa ugnayan nilang dalawa. Hindi man lang nito dinahan-dahan ang pagsasabi at basta na lamang nagsalita na para bang simpleng bagay lang ang paksang iyon.Trace cleared his throat. Sumulyap muna ulit ito sa kanya bago sumagot na kay Alfredo. “You heard it right, Mr. Bonifacio... Mrs. Bonifacio, I am the father of Chrissa’s child. And I want---”H

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 43

    Dahan-dahang iminulat ni Chrissa ang kanyang mga mata saka marahang iginala ang kanyang paningin sa silid na kinaroroonan niya. It was an unfamiliar room yet she knew very well that she’s in a hospital. As Chrissa roamed her eyes around her, she saw Trace sitting quietly on a chair near the bed where she was lying. Nagtagpo ang kanilang mga paningin at hindi pa nakaligtas sa kanya ang mariin nitong paninitig. Pakiramdam niya ay kanina pa ito nakaupo roon habang walang ibang ginagawa kundi ang pagmasdan siya.Agad niya pang binalikan sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina at halos manlaki ang mga mata niya nang maalala ang lahat. Tuluyan nga siyang sinamaan ng pakiramdam habang kasama sina Trace at Mat-Mat. Nawalan siya ng malay... at si Trace ang nagdala sa kanya sa ospital?Abruptly, she moved to sit on the bed. Naawat lamang ang pagkilos niya nang magsalita si Trace sa seryosong tinig.“Don’t sit up yet. Baka mahilo ka na naman,” mariin nitong utos na hindi niya sinunod.Dahan-da

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 42

    Marahang binuksan ni Trace ang pinto ng silid ni Matthew sabay silip sa loob niyon. Naabutan niya pa ang kanyang anak na nakaupo sa kama nito at abala pa sa paglalaro ng mga laruang robot at sasakyan. Dali-dali pa nga nitong itinago sa ilalim ng comforter ang mga iyon nang mapansin ang kanyang pagdating.Matthew was already wearing his pajamas. Oras na ng tulog nito ngunit sa halip na mahiga na ay nahuli niya pa itong abala sa paglalaro. Bagay iyon na hindi marahil alam ni Manang Tess. Malamang, matapos mabihisan ang bata at mapahiga sa kama ay iniwan na ito ng matanda dahil sa pag-aakalang matutulog na ang kanyang anak.Bagay iyon na malayong-malayo sa kung ano ang ginagawa ni Chrissa noong ito pa ang nagbabantay kay Matthew. Talagang hinihintay ng dalaga na mahimbing nang natutulog ang anak niya bago ito lumabas sa silid na iyon. Minsan ay tinatabihan pa nito ang bata, na naging dahilan pa nga kaya ito nakatulog sa kuwarto ni Matthew noon. And Trace would admit, ibang uri ng pag-aal

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 41

    Natigil sa paghithit ng sigarilyo si Daniel nang makita niyang naglalakad palapit sa kanya ang isa sa mga tauhan niya. Bitbit nito ang isang brown envelope na agad nitong inilapag sa mesang nasa kanyang harapan.“Good evening, Boss,” bati nito sa kanya. “Nariyan na ho ang resulta ng ipinagawa mo sa amin nang isang araw.”Daniel’s lips twisted upwardly. Inilapag niya ang sigarilyong hawak-hawak sa ashtray na nasa mesa lamang saka niya kinuha ang envelope na dala nito. Agad niyang binuksan iyon at kinuha ang mga laman upang tingnan.“What have you learned about that bastard?” nanunuya niyang tanong sa kanyang tauhan habang ang mga mata ay sa binabasa nakatuon.“As usual, Boss, laging abala sa kanilang kompanya. Nalaman naming katulong na niya ang kanyang kapatid sa pamamahala ng DLS Corporation. Sa loob ng dalawang taon, mukhang mas lumago ang kompanya ng kanyang ama.”Hindi niya maiwasang mapaismid. “Abala na siya sa kanilang kompanya? Umalis na ba siya sa mga Lebedev?”“Simula nang m

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 40

    “H-Hindi ka pa nanananghalian?” tanong niya sa mahinang tinig habang ang mga mata ay matamang nakatitig sa mga pagkaing pina-deliver nito. May dalawang plato at mga kutsara’t tinidor na ring nakahanda roon.“Obviously,” he snapped at her. Humakbang na ito palapit sa mesang kinapapatungan ng mga pagkain saka inayos ang mga iyon. Naupo pa ito sa mahabang sofa habang isa-isa nang inalisan ng takip ang mga lalagyang naroon at naghanda na para mananghalian.“Hindi ka naman nagsabing nag-aaya kang sabay tayong kumain, ah,” aniya pa, ni hindi umaalis sa kanyang kinatatayuan.He abruptly looked at her. Hindi pa rin mawala ang pagkagusot ng noo ng binata, palatandaan na yamot pa rin ito. “Ang sabi ko ay umakyat ka rito sa opisina ko, hindi ba?”“Iyon lang ang sinabi mo. Malay ko ba kung ano ang ibig mong sabihin doon.”His eyebrow arched upwardly. “I didn’t know you have a green mind, baby. Ano ba ang iniisip mong gagawin natin?”“Wala akong sinabing ganyan, Trace,” paasik niyang saad kasabay

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 39

    Matamang pinagmasdan ni Chrissa ang babaeng lumapit kay Trace. Mahigpit na itong nakahawak ngayon sa braso ng binata matapos nitong humalik sa pisngi. Hindi niya pa mapigilang kilatisin ito. Well, she’s beautiful, pero asa sa makeup ang mukha. Ito iyong tipo ng babaeng hindi mo yata mapalalabas ng bahay nang hindi man lang naglalagay ng kilay at makapal na foundation sa mukha nito.Kung katawan naman ang titingnan ay hindi niya ikaiilang nagtataglay ito ng katawang gugustuhin ng mga lalaki. She’s sexy and got nice boobs. Malalaki iyon na para bang pilit na lamang pinagkasya sa fit na fit nitong damit. At agad pa siyang napataas ng kilay nang hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang disimulado nitong pagdikit ng mga dibdib nito sa braso ni Trace. At ang lintik na lalaki, wala man lang ginawa upang umiwas. Waring balewala lamang dito ang ginagawa ng babae.Trace cleared his throat. “What are you doing here, Joanna?”Joanna--- Chrissa looked at the woman’s face.“Well, have you forgotten

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 38

    Awtomatikong naihawak ni Chrissa ang kanyang mga kamay sa magkabilang balikat ni Trace nang dumapo ang mga labi nito sa kanya. Isang mariing halik ang iginawad nito at dahil sa kabiglaan ay hindi siya agad nakapagbigay ng ano mang reaksyon. Hindi siya tumugon pero hindi niya rin naman nagawang umiwas sa binata.Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang baywang at doon ay mahigpit siyang hinapit palapit sa katawan nito. As their bodies touched, mixed emotions enveloped her. Hindi niya maunawaan ang samu’t saring emosyong nagsiunahan sa kanyang dibdib pero nasisiguro niyang ang nangingibabaw doon ay ang labis na pangungulila para sa lalaking umaangkin sa mga labi niya.She missed him... she missed him so much that when he kissed her, tears suddenly formed in her eyes. Posible pa lang makaramdam ng ganoon katinding pangungulila para sa isang tao. At ngayong nagkalapit silang muli... nahagkan siya nitong muli, agad na lamang ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya maipaliw

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 37

    Gulantang na napatitig si Chrissa kay Trace matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. May diin ang pagbitiw nito ng bawat kataga. Halos nakatiim-bagang pa ito nang magsalita habang matamang nakatitig sa kanya na wari bang pinahihiwatig na walang makakokontra sa mga sinabi nito.“Do you understand what you have said?” she scoffed at him. “Hindi mo ako pag-aari, Trace.”She said the last sentence with equal firmness. Nilakipan niya pa ng galit ang kanyang boses at matapang na sinalubong ang mga titig nito. As much as possible, she also wanted to look firm in front of him, kahit pa ang totoo ay sapat na ang presensiya nito upang magkagulo ang lahat-lahat sa kanya.The corner of Trace’s lips twisted upwardly as he was staring at her. Iginala nito ang paningin sa kanyang kabuuan na mistula bang masusi siyang sinusuri. Nagtagal pa ang paninitig nito sa kanyang katawan bago muli itinutok ang mga mata sa kanyang mukha.Sunod-sunod ang naging paglunok ni Chrissa. Hindi pa halata ang kanyang

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status