MABILIS na napaupo nang tuwid si Chrissa nang makita niyang naglalakad na palapit sa kanilang mesa ang editor-in-chief nilang si Arthur. Hindi pa man ito nagsasalita ngunit dama niya nang problema ang dala nitong balita para sa kanila.
Pinatawag ito ni Mrs. Myrna Cipriano, ang kanilang boss at siyang may-ari ng publishing house kung saan siya nagtatrabaho--- ang MC Press Publication. Kailangan daw itong makausap ni Mrs. Cipriano tungkol sa ilang bagay na konektado sa kanilang trabaho. Mag-iisang taon pa lamang si Chrissa sa nasabing kompanya. It was just a small company, actually. Ni hindi pa iyon maihahanay sa naglalakihang publishing house sa Pilipinas. Ayon kay Mrs. Cipriano at sa iba niyang mga kasamahan ay halos limang taon pa lamang ang MC Press. Si Mrs. Cipriano at ang asawa nito ang nagtayo ng kompanya na sa loob ng ilang taon ay buwan-buwang naglalabas ng magazine issue na siyang binebenta nila sa merkado. And Chrissa is part of that magazine, the Art And Shine Magazine. It's like a showbiz magazine that featured the personal life, career and even love story of different celebrities in the Philippines. Katunayan, hindi lang naman mga artista ang nagiging paksa ng kanilang magazine. Maging mga sikat na atleta, politiko at mga negosyante ay nakakapanayam nila at inilalathala ang tungkol sa buhay ng mga ito. Sa loob ng halos isang taong pagtatrabaho niya sa MC Press ay ilang kilalang tao na rin ang nakaharap niya para makapanayam. At masasabi ni Chrissa na sobra siyang masaya sa ginagawa niya. Iyon naman ang pangarap niya noon pa. Actually, she wanted to be a journalist. Yaong haharap sa iba't ibang tao, mang-iinterview at magsusulat ng balita tungkol sa mga impormasyong nakalap niya. Sadyang sa MC Press lang siya dinala ng kapalaran at sa halip na balita ang isulat ay feature articles ang kanyang ginagawa. "Ano ang sabi ni Ma'am Myrna?" agad na usisa ni Daisy kay Arthur. Katulad niya, writer din si Daisy at madalas ay kasa-kasama niya ito sa pag-iinterview sa mga sikat na personalidad na itinatampok nila sa magazine. "Mukhang bad news ang dala mo sa amin, Arthur? May problema ba?" tanong naman ni Kaye, kasamahan niya pa sa trabaho. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Arthur bago sila isa-isang pinagmasdan. Paglipas ng ilang saglit ay saka ito nagsalita. "Ipinaliwanag sa akin ni Ma'am Myrna na mababa ang nagiging benta ng magazine natin nitong nakalipas na limang buwan. Hindi raw nababawi ang lahat ng expenses sa printing. In short, limang buwan na tayong lugi sa lahat ng magazine na inilalabas natin." Hindi sila agad nakapagsalita dahil sa mga sinabi nito. Lahat ay kinakitaan niya ng panlulumo at pagkabahala dahil sa ibinalita ni Arthur. Chrissa swallowed hard. "Ano pa ang sinabi ni Ma'am Myrna? I-I mean, is there something that we need to do?" hindi na niya napigilang itanong. "Kailangan nating makabawi," sagot ni Arthur sa kanya. "Kung magpapatuloy ang mababang kita ng MC Press, I'm afraid na hindi na natin magagawang makapaglabas ng bagong magazine issue. Ano ang gagamitin nating fund kung laging lugi ang kita natin buwan-buwan?" "What do you mean? May chance na hindi na tayo mag-operate? Ang maglimbag ng Art and Shine Magazine?" magkasunod niyang tanong. "Yes," diretsahang tugon nito. "Nalulugi na ang kompanya. How can we still operate when we don't even have enough fund to keep it operating?" "W-Why don't we think of alternative way of earning? I mean, maglabas ng ibang uri ng produkto," suhestiyon ni Daisy. "Why not books? Romance novels, for example." "I don't think it could help," sansala ni Arthur sa sinabi ni Daisy. "Like what Ma'am Myrna said, kulang na kulang na tayo sa fund. We all know na halos naubos din ang pera nina Ma'am Myrna dahil sa pagkakasakit ng asawa niya." Of course, they knew about that. Mrs. Cipriano's husband died last year because of cancer. Alam niyang hindi birong halaga ang nawala sa mga ito dahil doon. Halos naubos nga ang pera ng mag-asawa dahil sa pakikipaglaban sa sakit, na kalaunan ay hindi rin nakayanan ng matandang lalaki. Namatay ito at naiwan sina Mrs. Cipriano at dalawa nitong anak na halos masaid ang pera at kita ng kompanya. It must be one of the reasons why the company was struggling right now. Maliban kasi roon ay may alam pa siyang isang rason kung bakit halos wala silang kitain. "Maayos naman ang kita sa bawat inilalabas nating magazine noon. I don't know what happened now," narinig niyang komento pa ni Arthur. "Dahil sa mga makabagong teknolohiya," aniya. Hindi niya nga napigilang isatinig ang nasa isipan niya. "Hindi na gugustuhin ng mga taong bumili ng magazine dahil lahat ng maaari nilang malaman sa mga kilalang celebrities at personalidad ay nakikita na nila sa internet." "Tama," segunda ni Kaye sabay upo nang tuwid sa kinauupuang swivel chair. Nasa tapat ito ng mesa nito ngunit sa kanila nakaharap. "Let's admit it. Tulad ng diyaryo, halos iilan na lang ang bumibili ng magazine. Why? Because there are social medias where people could look for information that they need. Iba na ang panahon ngayon, guys." "Then, we should improve the magazine that we are releasing every month," wika niya sa mga ito. "Kung makakapaglabas tayo ng isang magazine issue na makakukuha ng atensyon ng madla, makababawi ang MC Press." "At ano ang maaaring maging laman ng next issue natin na magugustuhan ng mga tao?" wika ni Daisy. "Tulad ng sabi ni Kaye, lahat ay nasa internet na." "Then, let's think of something na hindi makikita sa internet... something na exclusive lang nilang mababasa sa Art and Shine Magazine," giit niya pa. "And what would it be?" Daisy asked. "Sinong tao ang kukunin natin para makapanayam?" Walang nakapagsalita. Waring lahat sila ay nahulog sa malalim na pag-iisip. Sino nga ba? Ilang celebrity na ang na-feature sa kanilang magazine at hindi naman gugustuhin ng mga tao na maulit na naman ang kanilang content. Gaya ng sabi ng mga kasamahan niya, madali na ring makikita lahat ng impormasyon sa internet. Sino sa mga kilalang personalidad ang makakukuha pa ng interes ng mga tao? "I remember before, there's this one businessman na naging paksa ng halos lahat ng balita," bigla ay saad ni Arthur na ikinalingon niya rito. "That happened almost two years ago. Lahat ay halos ginusto siyang makapanayam. Kahit dito sa MC Press ay sinubukan nating makuha ang kuwento niya pero ni isa ay walang nakagawa. Ni hindi tayo nakakuha ng sagot mula sa mga tawag at email na pinadala natin sa kanila." "S-Sino?" naguguluhan niyang tanong. Hindi niya mahulaan kung sino ang tinutukoy nito. "The issue about the De la Serna Family..." Si Kaye ang sumagot sa tanong niya. "De la Serna?" aniya sa mga ito. "Yes," saad naman ni Daisy. "Wala ka pa rito sa MC Press nang mangyari iyon, Chris. Itinuturing na isa sa mga pinakamayamang negosyante ang mga De la Serna, particularly Marcelo De la Serna. They owned group of companies here in the Philippines, maging sa ibang bansa. Two years ago, nasangkot sa malaking kontrobersiya ang pamilya nila." "W-What controversy?" usisa niya. Narinig niyang nagpakawala muna ng buntonghininga si Kaye bago siya sinagot. "Iyon ang panahong nasa ibang bansa ka pa, Chris. It must be the reason why you don't have any idea about it." Well, hindi niya talaga alam ang sinasabi ng mga ito. Totoo naman, mahigit isang taon pa lang mula nang umuwi siya ng bansa. She stayed almost half her life in the states. Doon siya nag-aral at kung ang mga magulang niya lang ang nasunod ay baka itinuloy niya ang pagma-masteral sa ibang bansa. But she decided not to. Nagpasya siyang umuwi na ng Pilipinas at subukang maghanap ng trabaho, bagay na halos pagtalunan nila ng kanyang ama. Her father didn't like what she did. Katunayan, hindi sang-ayon ang kanyang ama sa trabahong pinasok niya. Ni hindi nito gustong ituloy niya ang pagiging journalist. Para sa kanyang ama ay mas maigi raw na sumunod siya sa yapak nito at ng kanyang ina--- ang pamahalaan ang negosyo ng kanilang pamilya, a construction firm that her father started. But Chrissa wanted to start on her own. Naghanap siya ng trabaho at ngayon nga ay mag-iisang taon na sa MC Press. Sa kabila ng hindi kalakihan ang kompanyang pinapasukan niya ngayon, masaya siyang ang gusto niya ang kanyang ginagawa, hindi ang bagay na idinidikta lamang ng kanyang mga magulang. "Malaking balita iyon noon, Chris," saad naman ni Arthur. "A certain Liezel Trinidad was ambushed. Dead on the spot. Pumutok ang balita na may kaugnayan ang pagkamatay niya sa mga kaaway ng kasintahan niyang si Trace De la Serna, anak ni Marcelo De la Serna." "Kaaway ng mga De la Serna?" pag-uulit niya. Napaupo pa siya nang tuwid at tuluyan nang napukaw ang atensyon. "Dahil ba sa negosyo?" "Iyon ang sabi," saad ni Daisy. "Pero may lumabas ding balita... na illegal na negosyo raw ng mga De la Serna." "What?!" bulalas niya. "It wasn't confirm," sansala ni Kaye sa mga sinabi ni Daisy. "Biglang namatay ang balitang iyon na para bang walang nangyari. Walang nakuhang impormasyon sa mga De la Serna." "Because they have a lot of connections," katwiran ni Daisy. "Hindi mahirap hulaang binayaran nila ang media para manahimik, ang mawala sila sa mga balita. Ni walang nagtagumpay na makuhanan ng panayam ang anak ni Marcelo na si Trace De la Serna." "Trace De la Serna..." bigkas niya sa pangalan ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang interes niya sa paksang pinag-uusapan nila. "Yes, si Trace De la Serna," Arthur said firmly. "I was just thinking, siya ang hinahabol ng media noon para makuhanan ng interview tungkol sa mga nangyari, but no one succeeded. Kung sakaling siya ang maging laman ng magazine natin at ang MC Press ang kauna-unahang maglabas ng balita tungkol sa nangyari noon, may posibilidad na gumanda ang kita natin. We can exposed what really happened... and perhaps, the De la Serna's secrets." "Then, let's try for an interview. Bakit hindi natin subukang lapitan itong Trace De la Serna?" suhestiyon niya na naging dahilan para magtinginan ang mga kausap niya. Alanganing napangiti si Kaye. "Hindi iyon ganoong kadali, Chrissa. Para kang makikipag-usap sa isang leon. Don't you know that Trace De la Serna was tagged as the ruthless lion on business world? He's a shrewd businessman." Napaangat ang isang kilay ni Chrissa. Well, ano ba ang bago roon? Karaniwan naman sa mga negosyante ay istrikto pagdating sa negosyo at buhay, hindi ba? Kahit ang kanyang ama ay ganoon din. Iyon pa nga ang dahilan kaya madalas silang hindi magkasundo. Pero nasisiguro niya namang may paraan para makausap nila ang mga De la Serna. For sure, there's a way. "Then, let's talk to a lion kung ganoon..." buo ang loob na saad niya. "At sino ang gagawa? Sino ang lalapit sa mga De la Serna?" magkasunod na tanong ni Daisy. Bakas pa sa tinig nito ang hindi pagsang-ayon sa naiisip niya. Walang sumagot sa kanila. Natahimik sina Kaye at Arthur na kahit hindi naman magsalita ay alam niyang hindi magpipresintang gawin ang binabalak niya. Hanggang sa maya-maya ay mariin siyang napalunok saka matatag na nagwika sa mga ito. "I'll do it. Ako ang lalapit sa mga De la Serna. Susubukan kong makakuha ng panayam kay Trace De la Serna..."Nakasunod pa rin ng tingin si Chrissa sa lalaki kahit tumalikod na ito at pumasok sa grocery store na pinanggalingan nila ni Mat-Mat. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang alisin ang kanyang paningin dito. At dahil nga nakatutok pa sa estranghero ang kanyang mga mata ay kitang-kita niya ang pagkuha nito ng cell phone mula sa bulsa ng suot nitong pantalon saka may tinawagan. Ginagawa iyon ng lalaki hanggang sa tuluyang mawala ito sa kanyang paningin.Hanggang sa maya-maya ay naging mas marahas na ang paghila ni Mat-Mat sa laylayan ng kanyang damit sanhi para mapabaling na rito ang kanyang atensyon. Niyuko niya ang bata at halos makadama ng pag-aalala nang makitang hindi na lang basta takot ang nakarehistro sa mukha nito. Basa na rin ang magkabilang pisngi ni Mat-Mat dahil sa ginagawa nitong pag-iyak.“Why are you crying?” nababahala niyang tanong sabay upo sa harapan nito. “Are you in pain? What---”“Let’s go home. Let’s go home now!”Mat-Mat started to be hysterical. It was t
“Kailangan ba talagang may kasama kaming bantay, Trace?” tanong ni Chrissa habang matamang nakatitig dito. Bawat galaw ng binata ay sinusundan niya ng tingin habang nag-uusap silang dalawa.Pasado alas-siyete na ng umaga at naghahanda na si Trace sa pagpasok sa trabaho. Tapos na itong maligo at kasalukuyan nang nagbibihis nang kausapin niya. Ipinaalam niyang dadalaw siya sa bahay ng kanyang mga magulang at kung maaari ay isasama niya si Mat-Mat para maipakilala sa kanyang ama’t ina.Trace agreed. Agad din naman itong pumayag na labis niyang ikinatuwa. Ang hindi niya lang nagustuhan ay ang sinabi nitong kailangan silang samahan ng dalawa sa mga tao nitong nagbabantay sa bahay na iyon. Bagay iyon na hindi niya kasi maintindihan kung bakit kailangan pa. She has her own car and she could surely drive. Hindi naman siya reckless driver para matakot itong ipasama sa kanya ang anak nito.“Just to be sure that both of you will be safe, baby. Mas mapapanatag ako kapag alam kong may kasama kayon
Hindi pa sana gustong magmulat ng mga mata ni Chrissa. Dama niya pa ang paghila ng antok sa kanya at kung maaari lang ay nanaisin niya pa sanang matulog. Ngunit ang kagustuhang gawin iyon ay hindi na niya nagawa pa dahil sa naramdaman niyang paglundo ng kama sa kanyang tabi kasabay ng marahang pagpapaikot ng isang braso sa kanyang baywang.Chrissa groaned softly as she opened her eyes. “T-Trace,” sambit niya sa mahinang tinig. “Don’t tell me you’re waking me up now? Pakiramdam ko’y isang oras pa lang mula nang hinayaan mo akong makatulog matapos ng mga ginawa natin kagabi.”She heard him chuckled. Wari bang aliw na aliw ito sa mga sinabi niya. “You’re exaggerating, baby. I let you sleep before eleven PM. And it’s almost twelve hours since then.”Dahil sa mga sinabi nito ay tuluyan nang nagising ang diwa niya. Lumingon siya kay Trace na nakahiga sa kanyang tabi habang yakap-yakap pa rin siya. Bahagya pang napaawang ang kanyang mga labi nang mapansing nakapaligo na ito at bihis na bihis
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Chrissa nang marinig niya ang mga sinabi ni Trace. Mataman pa itong nakatitig sa kanya na wari bang hinihintay na siyang humakbang palapit dito.And Chrissa did. Slowly, she walked towards Trace’s room. Nang marating niya ang hamba ng pintuan ay agad pa itong tumabi upang bigyan siya ng daraanan. Tuluyan nga siyang pumasok sa loob saka marahang iginala ang kanyang paningin sa loob.Hindi iyon ang unang beses na nakapasok siya sa silid ni Trace. Ni hindi niya na nga alam kung ilang beses na ring may nangyari sa kanila sa mismong kama nito. Pero ganoon pa man, hindi niya maunawaan kung bakit naiilang pa rin siya sa tuwing napapag-isa silang dalawa sa loob ng kuwartong iyon.Maya-maya pa ay marahas siyang napalingon dito nang marinig niya ang pagsara ng pinto sabay ng pag-lock niyon. She swallowed hard again and asked him.“A-Ang... ang mga gamit ko, Trace?”“Nasa walk-in closet,” mabilis nitong sagot habang humahakbang palapit sa kanya. “Bukas ay maaar
“Good morning, Sir Trace,” agad na bati ni Becca kay Trace naglalakad pa lamang siya papasok sa kanyang opisina. Mabilis na tumayo mula sa puwesto nito ang kanyang sekretarya at sinundan siya. Ni hindi niya sinagot ang pagbati nito at tanging tango lamang ang itinugon sa dalaga.Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa opisina niya sabay lapit sa kanyang executive desk. Doon ay inilapag niya ang kanyang cell phone at ang susi ng kanyang sasakyan saka nilingon si Becca na nasa loob na rin ng opisina niya. Lumapit din ito sa mesa at inilagay doon ang dalawang folder na naglalaman ng mga dokumento.“What are those?” tanong niya.“Documents that you need to sign, Sir. Nariyan na rin po ang ipinagawa mo sa aking summary ng monthly activities ng DLS Corporation.”“Good job,” puri niya rito sabay upo sa kanyang swivel chair. Inabot niya ang dalawang folder na dala nito saka binuksan ang isa at pinasadahan ng basa.Ilang taon na ring nagtatrabaho sa kanya si Becca at masasabi niyang gamay na talaga n
Ilang araw ang matuling lumipas mula nang kinailangan siyang isugod sa ospital ni Trace. Mula ng araw na iyon ay hindi pa siya nakababalik sa trabaho, ni hindi pa sila nagkitang muli ng binata. And Chrissa couldn’t understand the emptiness that she’s feeling because of the thought that she hasn’t seen him for days. Hindi man maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Trace pero hindi niya maitatanggi ang pangungulilang nadarama niya para rito.Mula sa pagkakahiga sa kanyang kama ay marahan siyang napaupo at napasandal sa headboard. Nilingon niya pa ang bedside table na nasa kanyang kaliwa at sinulyapan ang oras sa alarm clock na naroon. It’s already quarter to ten in the evening. Dapat ay natutulog na siya pero mailap sa kanya ang antok. Katunayan, nitong mga nakalipas na araw ay hirap talaga siya sa pagtulog dahil kayraming gumugulo sa isipan niya.Isa na roon ang batang nasa sinapupunan niya. Hindi niya rin naman gustong ipanganak ang kanyang anak na hindi maayos ang relasyon ni T