Sunod-sunod ang naging paglunok ni Chrissa nang marinig niya ang mga sinabi ni Trace. Mataman pa itong nakatitig sa kanya na wari bang hinihintay na siyang humakbang palapit dito.And Chrissa did. Slowly, she walked towards Trace’s room. Nang marating niya ang hamba ng pintuan ay agad pa itong tumabi upang bigyan siya ng daraanan. Tuluyan nga siyang pumasok sa loob saka marahang iginala ang kanyang paningin sa loob.Hindi iyon ang unang beses na nakapasok siya sa silid ni Trace. Ni hindi niya na nga alam kung ilang beses na ring may nangyari sa kanila sa mismong kama nito. Pero ganoon pa man, hindi niya maunawaan kung bakit naiilang pa rin siya sa tuwing napapag-isa silang dalawa sa loob ng kuwartong iyon.Maya-maya pa ay marahas siyang napalingon dito nang marinig niya ang pagsara ng pinto sabay ng pag-lock niyon. She swallowed hard again and asked him.“A-Ang... ang mga gamit ko, Trace?”“Nasa walk-in closet,” mabilis nitong sagot habang humahakbang palapit sa kanya. “Bukas ay maaar
“Good morning, Sir Trace,” agad na bati ni Becca kay Trace naglalakad pa lamang siya papasok sa kanyang opisina. Mabilis na tumayo mula sa puwesto nito ang kanyang sekretarya at sinundan siya. Ni hindi niya sinagot ang pagbati nito at tanging tango lamang ang itinugon sa dalaga.Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa opisina niya sabay lapit sa kanyang executive desk. Doon ay inilapag niya ang kanyang cell phone at ang susi ng kanyang sasakyan saka nilingon si Becca na nasa loob na rin ng opisina niya. Lumapit din ito sa mesa at inilagay doon ang dalawang folder na naglalaman ng mga dokumento.“What are those?” tanong niya.“Documents that you need to sign, Sir. Nariyan na rin po ang ipinagawa mo sa aking summary ng monthly activities ng DLS Corporation.”“Good job,” puri niya rito sabay upo sa kanyang swivel chair. Inabot niya ang dalawang folder na dala nito saka binuksan ang isa at pinasadahan ng basa.Ilang taon na ring nagtatrabaho sa kanya si Becca at masasabi niyang gamay na talaga n
Ilang araw ang matuling lumipas mula nang kinailangan siyang isugod sa ospital ni Trace. Mula ng araw na iyon ay hindi pa siya nakababalik sa trabaho, ni hindi pa sila nagkitang muli ng binata. And Chrissa couldn’t understand the emptiness that she’s feeling because of the thought that she hasn’t seen him for days. Hindi man maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Trace pero hindi niya maitatanggi ang pangungulilang nadarama niya para rito.Mula sa pagkakahiga sa kanyang kama ay marahan siyang napaupo at napasandal sa headboard. Nilingon niya pa ang bedside table na nasa kanyang kaliwa at sinulyapan ang oras sa alarm clock na naroon. It’s already quarter to ten in the evening. Dapat ay natutulog na siya pero mailap sa kanya ang antok. Katunayan, nitong mga nakalipas na araw ay hirap talaga siya sa pagtulog dahil kayraming gumugulo sa isipan niya.Isa na roon ang batang nasa sinapupunan niya. Hindi niya rin naman gustong ipanganak ang kanyang anak na hindi maayos ang relasyon ni T
Marahang napatayo si Chrissa mula sa kanyang kinahihigaan kanina saka pinaglipat-lipat ang kanyang paningin sa kanyang mga magulang at kay Trace. Dama na niya ang tensyon sa loob ng silid, lalo na ang galit na umusbong sa kanyang ama nang marinig nito ang mga sinabi ng binata.“Ulitin mo ang mga sinabi mo,” mariing utos ni Alfredo habang nanliliit ang mga matang nakatitig kay Trace.Ni hindi niya kinakitaan ng pagkasindak ang binata at matapang lamang na nakaharap sa kanyang ama. Wari bang ano mang oras ay kaya nitong manindigan sa harap ng kanyang mga magulang. Halos gusto niya pa itong mahampas dahil sa ganoong paraan nito sinabi ang tungkol sa ugnayan nilang dalawa. Hindi man lang nito dinahan-dahan ang pagsasabi at basta na lamang nagsalita na para bang simpleng bagay lang ang paksang iyon.Trace cleared his throat. Sumulyap muna ulit ito sa kanya bago sumagot na kay Alfredo. “You heard it right, Mr. Bonifacio... Mrs. Bonifacio, I am the father of Chrissa’s child. And I want---”H
Dahan-dahang iminulat ni Chrissa ang kanyang mga mata saka marahang iginala ang kanyang paningin sa silid na kinaroroonan niya. It was an unfamiliar room yet she knew very well that she’s in a hospital. As Chrissa roamed her eyes around her, she saw Trace sitting quietly on a chair near the bed where she was lying. Nagtagpo ang kanilang mga paningin at hindi pa nakaligtas sa kanya ang mariin nitong paninitig. Pakiramdam niya ay kanina pa ito nakaupo roon habang walang ibang ginagawa kundi ang pagmasdan siya.Agad niya pang binalikan sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina at halos manlaki ang mga mata niya nang maalala ang lahat. Tuluyan nga siyang sinamaan ng pakiramdam habang kasama sina Trace at Mat-Mat. Nawalan siya ng malay... at si Trace ang nagdala sa kanya sa ospital?Abruptly, she moved to sit on the bed. Naawat lamang ang pagkilos niya nang magsalita si Trace sa seryosong tinig.“Don’t sit up yet. Baka mahilo ka na naman,” mariin nitong utos na hindi niya sinunod.Dahan-da
Marahang binuksan ni Trace ang pinto ng silid ni Matthew sabay silip sa loob niyon. Naabutan niya pa ang kanyang anak na nakaupo sa kama nito at abala pa sa paglalaro ng mga laruang robot at sasakyan. Dali-dali pa nga nitong itinago sa ilalim ng comforter ang mga iyon nang mapansin ang kanyang pagdating.Matthew was already wearing his pajamas. Oras na ng tulog nito ngunit sa halip na mahiga na ay nahuli niya pa itong abala sa paglalaro. Bagay iyon na hindi marahil alam ni Manang Tess. Malamang, matapos mabihisan ang bata at mapahiga sa kama ay iniwan na ito ng matanda dahil sa pag-aakalang matutulog na ang kanyang anak.Bagay iyon na malayong-malayo sa kung ano ang ginagawa ni Chrissa noong ito pa ang nagbabantay kay Matthew. Talagang hinihintay ng dalaga na mahimbing nang natutulog ang anak niya bago ito lumabas sa silid na iyon. Minsan ay tinatabihan pa nito ang bata, na naging dahilan pa nga kaya ito nakatulog sa kuwarto ni Matthew noon. And Trace would admit, ibang uri ng pag-aal
Natigil sa paghithit ng sigarilyo si Daniel nang makita niyang naglalakad palapit sa kanya ang isa sa mga tauhan niya. Bitbit nito ang isang brown envelope na agad nitong inilapag sa mesang nasa kanyang harapan.“Good evening, Boss,” bati nito sa kanya. “Nariyan na ho ang resulta ng ipinagawa mo sa amin nang isang araw.”Daniel’s lips twisted upwardly. Inilapag niya ang sigarilyong hawak-hawak sa ashtray na nasa mesa lamang saka niya kinuha ang envelope na dala nito. Agad niyang binuksan iyon at kinuha ang mga laman upang tingnan.“What have you learned about that bastard?” nanunuya niyang tanong sa kanyang tauhan habang ang mga mata ay sa binabasa nakatuon.“As usual, Boss, laging abala sa kanilang kompanya. Nalaman naming katulong na niya ang kanyang kapatid sa pamamahala ng DLS Corporation. Sa loob ng dalawang taon, mukhang mas lumago ang kompanya ng kanyang ama.”Hindi niya maiwasang mapaismid. “Abala na siya sa kanilang kompanya? Umalis na ba siya sa mga Lebedev?”“Simula nang m
“H-Hindi ka pa nanananghalian?” tanong niya sa mahinang tinig habang ang mga mata ay matamang nakatitig sa mga pagkaing pina-deliver nito. May dalawang plato at mga kutsara’t tinidor na ring nakahanda roon.“Obviously,” he snapped at her. Humakbang na ito palapit sa mesang kinapapatungan ng mga pagkain saka inayos ang mga iyon. Naupo pa ito sa mahabang sofa habang isa-isa nang inalisan ng takip ang mga lalagyang naroon at naghanda na para mananghalian.“Hindi ka naman nagsabing nag-aaya kang sabay tayong kumain, ah,” aniya pa, ni hindi umaalis sa kanyang kinatatayuan.He abruptly looked at her. Hindi pa rin mawala ang pagkagusot ng noo ng binata, palatandaan na yamot pa rin ito. “Ang sabi ko ay umakyat ka rito sa opisina ko, hindi ba?”“Iyon lang ang sinabi mo. Malay ko ba kung ano ang ibig mong sabihin doon.”His eyebrow arched upwardly. “I didn’t know you have a green mind, baby. Ano ba ang iniisip mong gagawin natin?”“Wala akong sinabing ganyan, Trace,” paasik niyang saad kasabay
Matamang pinagmasdan ni Chrissa ang babaeng lumapit kay Trace. Mahigpit na itong nakahawak ngayon sa braso ng binata matapos nitong humalik sa pisngi. Hindi niya pa mapigilang kilatisin ito. Well, she’s beautiful, pero asa sa makeup ang mukha. Ito iyong tipo ng babaeng hindi mo yata mapalalabas ng bahay nang hindi man lang naglalagay ng kilay at makapal na foundation sa mukha nito.Kung katawan naman ang titingnan ay hindi niya ikaiilang nagtataglay ito ng katawang gugustuhin ng mga lalaki. She’s sexy and got nice boobs. Malalaki iyon na para bang pilit na lamang pinagkasya sa fit na fit nitong damit. At agad pa siyang napataas ng kilay nang hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang disimulado nitong pagdikit ng mga dibdib nito sa braso ni Trace. At ang lintik na lalaki, wala man lang ginawa upang umiwas. Waring balewala lamang dito ang ginagawa ng babae.Trace cleared his throat. “What are you doing here, Joanna?”Joanna--- Chrissa looked at the woman’s face.“Well, have you forgotten