Share

Kabanata 5

 Isang mahiyaing ngiti ang lihim na nagdulot ng kilos sa labi ni Juancho, hindi niya namalayang napangiti narin pala siya ng dalagang masayang nakatitig sa kaniya. Ang banayad na sikat ng araw at ang hanging nagmumula sa mga puno sa paligid ay tila nakikisaya rin sa dalaga. Napakagandang tanawin nito para kay Juancho, sa magulo niyang buhay ang tanawing ito ang nagdadala ng kapayapaan sa kaniya. 

 Hindi si Juancho ang klase ng taong hindi nagpapakita ng emosyon sa kahit nino man sapagkat sa kahit anong oras man hindi niya alam kung sino sa mga taong nakapaligid sa kaniya ang tauhan ng kaniyang mga kalaban. Ngunit maski ang sarili niya ay hindi niya maintindihan, bakit ganoon nalang ang kapayapaang kaniyang nararamdam kasama ang dalagang hindi niya pa lubos na kilala.

 Unti-unting idinilat ni Juancho ang kaniyang mga mata, nakapagtatakang kahit na kakagising pa lamang niya ay kay bigat ng kaniyang pakiramdam. Isa na namang panaginip tungkol sa babaeng iyon, ngunit kagaya ng iba niya pang panaginip sa pag gising niya ay malabo ang mukha ng babaeng kaniyang naaalala. Ang tanging malinaw sa kaniyang isip ay ang mga ngiti nitong nagbibigay ng payapa sa kaniyang magulong isip.

 Ni hindi nga sigurado si Juancho kung totoo nga ang dalaga sa kaniyang panaginip o ito ay gawa gawa lamang ng kaniyang utak. Sa tuwing sinusubukan niyang alalahanin ang mukha ng babae ay labis na sumasakit ang kaniyang ulo na tila ba hinuhukay ito.

 Sa hindi malamang dahilan ay biglang pumasok sa kaniyang isip ang babaeng florist ng Marquez Flowers, malayo ito sa babaeng nasa kaniyang panaginip, ang tindig nito, ang pakikitungo sa kaniya, at higit sa lahat ang mga ngiti nito. Ngunit hidi niya paring mapigiling ikumpara ang dalawa. Binabagabag rin si Juancho ng mga batang kaniyang nakita sa flower shop. Hindi siya nagkakamali, siya ay kaahaawig ng dalawa pero hindi ito sapat na ebidensiya upang sabihing siya ang ama ng mga ito lalo na at hindi niya nga kilala ang babae. Ngunit talaga bang hindi niya ito kilala?

 Hilot ang ulong tumayo si Juancho mula sa kaniyang kama at dumiretso ng kusina upang magtimpla ng kape. Pagkalabas niya ay hindi na siya nagulat ng makita ang kaniyang head secretary na nag hahanda ng almusal.

 “Good morning Mr.CEO, please do have breakfast now,” aniya.

 “What the heck Hiskien, why are you talking like that so early in the morning?” Puna ni Juancho sa sekretarya habang umuupo sa at kaagad na nag-umpisang inumin ang nakahandang kape.

 “What’s wrong with it Mr.CEO? I am just addressing you with your title,” saad nito. 

Mayroon ng ideya si Juancho kung bakit ganoong magsalita ang sekretaryang matagal niya naring kaibigan. Dahil ito sa mga agarang utos niya kahapon. Ang kompetisyon sa larangan ng negosyo ay hindi lamang natitigil sa legal na mga transaksiyon, talamak rin ang mga ilegal na gawaing kanilaang kinasasangkutan. 

Si Hiskien ay ang kanang kamay ni Juancho kaya ito ang palaging inaasahan niya sa mga importanteng usaping kaya nang gawin ng isang tauhan. Isang pagsasayang ng oras para kay Juancho ang humarap sa mga kalaban nilang lumuluhod sa kanilang harapan upang humingi ng paumanhin.

“So how’s the disposal of the rats?” Tanong ni Juancho pagkatapos baliwalain ang mga sarkastikong salita ni Hiskien.

“Clean and done,” kagyat na sagot nito. Tumango si Juancho at patuloy na kumakain.

“About the incident eight years ago,”biglang usal ni Juancho na gumulat kay Hiskien, hindi man halata sa kaniyang mukha. 

Sa ilang taon niyang pagtatrabaho bilang isang sekretarya ay natutunan niya ring itago ang kaniyang mga emosyon. Taliwas nga lamang ito sa kaniyang amo na tila ipinanganak ng walang emosyon. 

Ngunit sa tuwing nababanggit ang insidente walong taon na ang nakakalipas ay bahagyang nagpapakita ng pagkakagulo ang mukha ng CEO. Madalas itong nag-iisip ng malalim kasabay ng pag kunot ng noo nito na tila ba may nais itong maalala.

“Did I really not meet anyone at that night?” Patuloy na tanong ni Juancho.

“According to the investigations, no one has seen you or met you that night sir. Nang matagpuan ka ng umagang iyon ay nag-iisa ka sa hardin at wala ring bakas ng ibang tao roon. Every guest was at the mansion that night and the servants were all there too. Ikaw lamang ang tanging nasa hardin.” 

Hindi ito ang unang pagkakataong sinigurado muli ni Juancho ang tungkol sa insidenta, pa minsan minsan ay binabagabag parin siya nito at hindi na papalagay. 

Bumuntong hininga si Juancho at pilit na lamang na winawaglit ang insidente sa kaniyang isipan.

“How about the investigation about the girl I met at that mansion?” 

Umiling si Hiskien bilang sagot sa tanong ni Juancho, isa lamang ang ibig sabihin nito, ganoon parin ang imporamsyong kanilang nakakalap.

“Still nothing huh?” dismaying sabi ni Juancho.

Hindi niya maiwasang isipin na hindi totoo ang kaniyang memorya. Siguro ay epekto ito ng insidente walong taonn na ang nakakalipas. Siguro ay halusinasyon nga lamang ang lahat.

“You don’t have to worry too much, the doctor said it will come back naturally one day, your memories,” ani ni Hiskien.

“What shitty memories doesn’t come back even after eight long years? Thanks to that I still don’t have a trace of her,” bigong usal ni Juancho.

“But why are you even searching for her?” Nagtatakang tanong ni Hiskien.

Sa hindi malamang dahilan ay desidido ang lalaking mahanap ang babaeng nakasama niya di umano sa mansiyon ng malayong lugar na iyon. Ngunit dahil nga wala itong maalala ay hanggang ngayon wala parin siyang nahahanap, ni isang anino ay wala.

“I don’t even know myself, I… just believe that these unsettling emotions that always disturbs me will die down once I see her,” pabirong sabi ng lalaki ngunit halata sa boses nito na seryoso ito sa bawat salitang lumabas sa kaniyang bibig. 

**********

Hindi ko namalayang natulala na anaman ako habang nagluluto ng almusal para sa mga bata, simula ng araw na iyon ay palagian na ang pag-aalala ko sa mga maaaring mangyari.  Labis pa ngayong araw dahil pupunta ako sa White Swan para sa mga asikasuhin ang tungkol sa mga bulaklak.

“Iha, may problema ba?” tanong ni Manang Rosa, ang tagapag-alaga ng mga bata sa tuwing nasa trabaho ako.

Umiling ako at ngumiti upang mawala ang kaniyang pag-aalaala

“Wala po ito manang, iniisip ko lang po ang mga desinyo ng mga bulaklak para sa proyektong ginagawa ko.” Sagot ko sa kaniya. Ginantihan ako nito ng ngiti at pumunta na sa sala upang ayusin ang gamit ng mga bata sa eskwela.

“Mommy, I just remembered, who was that man in the flower shop yesterday?” I was frozen on spot when Lezzie asked these words.

May napansin ba ang bata sa mga pangyayari kahapon? Bumilis ang tibok ng aking puso at pilit ko itong kinalma, ngumiti ako kay Lezzie

“What do you mean baby? Siyempre isa iyong customer” simpleng sagot ko sa bata. Tumalikod ako at sinimulang iligpit ang mga pinagkainan sa lababo. Kasabay narin ng pagtago sa kinakabahan kong ekspresyon.

“It’s just that you were nervous at that time mommy so I thought he was a bad guy,” labis akong nagulat sa mga inusal ni Lezzie.

Ito ang mahirap sa batang ito, sa mga pagkaktaong ito taalaga namang naka mapag obserba nito. Hindi ko akalaing mararamdaman niya ang tensiyon ko.

“Right Sato? You felt it too right?” tanong pa nito sa kniyang kapatid. Tumango tango si Sato habang umiinom ng gatas.

“Did that man did something bad mommy?” inosenteng tanong ni Sato. Lumapit ako sa bata at pinahid ang natitirang gatas sa ibabaw ng kaniyang labi.

“That was nothing babies, I was not nervous. Napakasaya ko lang noon na makita kayo and I was also surprised that you came early,” palusot ko sa mga bata.

 I know it’s bad to lie in front of them but what could I actually do? 

“I knew Sato could make mommy really happy,” cute na sabi ni Sato habang marahang tumatawa.

“I do make mommy happy too, right mommy?” hindi papatalong saad ni Lezzie.

I smiled at my adorable children and patted their heads.

“Of course my babies, now let’s get ready for school now,” 

Yakap yakap ko silang dinala sa sala at nag simula ng mag-ayos.

“Manang, paki-hatid nalang po ng mga bata sa flower shop mamaya para sabay na kaming umuwi, parin narin po maka-uwi kayo ng maaga,” magalang sa sabi ko sa matanda. 

“Okay lang rin namang ideritso ko sila ditto sa bahay at may oras naman akong magbantay, pero kung yaan angh gusto mo iha,”nakangiting sagot nito.

Laking pasasalamat ko at nakatagpo ako ng maasahaang nanny para sa mga bata, kung hindi dahil kay manang ay siguro’y hindi mapapalagay ang aking isip sa pag-aalala sa mga bata.

“Ipapasyal ko po sila mamaya so you should relax po muna manang, thank you po talaga,” pasasalamat ko sa kaniya.

“Ay, itong batang ito,oo, sige na at mahuhuli na sila sa klase,”

“Sato says goodbye to mommy,” ani ni Sato sabay h***k sa aking pisngi.

“Bye mommy see you later,” sunod ni Lezzie.

“Bye babies, take care of each other,” I said as I waved them goodbye.

**********

Nakatayo akong muli sa harap ng kompanyang kaniyang pagmamay-ari. I could only pray that this day ends without any glitch. Hindi ko naman siguro siya makikita ngayong araw diba? Lalo na at ang head secretary naman ang aking pakay.

That is what I thought, but why am I in this situation right now? I’m beginning to regret rejecting Kito’s offer. Kinalimutan ko na lang sana ang pagiging propesyonal kung ang ibig sabihin nito ay maiiwasan ko ang sitwasyong ito.

“So Miss florist, you came to show the arrangements and the kinds of flowers right?” tanong ng CEO ng White Swan habang nag babasa ng dokumento sa kaniyang mesa.

I suddenly found myself sitting in front of him. Hindi ko inakalang hindi pala si Kito ang haharapin ko ngayong araw. When I went to the head secretrary’s office what welcomed me was this man instead of Kito. Kailan pa sila nagkapalit ng trabaho?

“With all due respect sir, how come the head secretary isn’t here?” 

“Why? Do you not like dealing with the owner himself?” he asked back. Ang kaniyang buong atensiyon ay nakabaling na sa akin.

I noticed the bags under his eyes and some of the strands of his usually neatly gelled hair was down on his forehead. His tired eyes made me more uneasy.

“No sir, I just thought I’ll present to him today. But anyways, here are the sample bouquets and flower arrangements,” linatag ko ang mga larawan sa kaniyang mesa at maingat na iniwas ang aking tingin. 

Kailangan kong magtiis at ayusin ang trabaho ko. Be a professional Orelia, kumbinsi ko sa aking sarili.

“The head secretary is busy, so you’ll have to deal with me today,” aniya.

So the head secretary is busy but the CEO is here entertaining a florist? 

“So you don’t need to see the actual venue Miss florist?” tanong nito habang tinitingnan ang mga litrato.

“You can call me Miss Estralla sir, and it is okay to not see the venue personally because I was sent pictures by the head secretary. But if you want to make sure that the work is perfect I can surely compromise, I think it would be better to see the venue myself too than only the photographs.”

“How come it’s not Mrs?” I was perturbed by his sudden question.

“I believe that’s not a matter you should care about Mr. CEO.”Sagot ko sa kaniya. Idiniin ko ang aking mga salita upang maintindihan niyang nandito lamang ako para sa trabaho.

“None of my business huh? All right then, let’s get back to business. I don’t like all of these, kindly change them all,”nakapatong ang kaniyang dalawang braso sa mesa at magkahawak ang dalawang kamay, seryoso niyang pinasadahan ng tingin ang mga litratong nakalatag sa mesa at pagktapos ay ibinalik ang tingin sa akin.

I furrowed my eyebrows but immediately vanquished it, afraid it might cause more problems with the deal.

“What is it that does not suit your taste sir? So I can use it as reference in choosing the new designs.” I calmly asked. 

“I don’t want it to be colorful, and also I would prefer to see it personally,” paliwanag nito. Bahagya akong tumango at inilista sa aking isipan ang mga nais ng lalaki.

“Then I would deliver the samples in the company sir,” I compromised. Dapat kong siguraduhing magugustuhan ng kustomer ang serbisyo ng Marquez flowers. I was not about to tarnish Ma’am Lony’s reputation.

“No, I would schedule an appointment and go there myself,” the CEO suddenly blurted out.

What? Did I just hear it right? Bakit niya pa kailangang personal na pumunta when he have so many secretaries? 

Bakit ba hindi na lang siya manatiling isang hindi kaaya-ayang alaal. Nang panahong ito ay hindi ko pa alam na ito na pala ang pagbabadya ng gulo sa aking buhay. Kung sana’y sa pagkakataong ito ay agad kong tinanggihan ang kaniyang proposisyon siguro ay hindi na hahantong sa mas malaki pang suliranin ang lahat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status