Share

Kabanata 4

“You did not tell me you were the head secretary here,” usal ko kay Kito na ngayo’y busy sa pag-aayos ng mga papeles sa kaniyang mesa. Pinasadhan niya ako ng tingin at iginaya ako upang ma-upo sa upuang nasa tapat ng kaniyang lamesa at ipinasa sa akin ang isang folder.

“Iyan ang program at ang litrato ng venue, you could also go to the site personally to see it clearly, you could ask me for more details. Regarding the flowers please send photographs or bring samples here in the office. Or better yet, I can just make time and go to the shop,” propesyonal na sabi ni Kito.

“Hindi na kailangan, pupunta ako dito upang magdala ng mga litrato, hindi naman ako masiyadong busy sa shop dahil mayroon ng part-timer na tumutulong roon.” Bigkas ko bilang sagot sa kaniyang proposisyon.

Bumuntong hininga si Kito at sumandal sa kaniyang upuan.

“I did not tell you about my status in work simply because I forgot I haven’t got the chance to tell you yet,” paliwanag niya. He smiled weakly at me. Sasagot na sana ako na naiintidihan ko siya nang tumunog ang kaniyang telepono. Kagyat siyang nag paalam at sinagot ang telepono.

Sa gitna ng katahimikan ay napagtanto ko kung gaano ako naging distracted sa presensiya ng CEO na hindi ko namalayan ang mga palatandaan na si Kito ang head secretary ng White Swan. Kito Hiskien Balyurin, ito ang buong ngalan ni Kito. Kaya noong oras na binanggit ang mga pangalang ito ay dapat ko nang napagtanto na siya and head secretary ngunit parang nagulo yata muli ng preseniya ng lalaki ang nabuo kong tatag.

Nakamapaglaro nga naman ng tadhana at muli niya pang pinagtagpo ang landas naming dalawa. Tila hindi pa sapat na muling nagulo ang aking buhay dahil ni isang bahid ng pagkakakonsensya ay hindi makikitaan ang lalaking iyon. Sino nga naman ang makokonsensya kung hindi niya man lang maalala ang babaeng linapastanganan niya.

 Hinilot ko ang aking sentido sa pagtatangkang mawala ang gulo at sakit sa aking ulo. I bit my lip to stop myself from tearing up. I know, kahit lumipas ang ilang taon ang sugat sa aking puso ay hindi parin nawawala. The pain was never gone, and I don’t know if it will ever be.

 Paglipas ng ilang minuto ay bumalik na si Kito na may bahid ng pag-aalala ang mukha.

 “I think I need to go see to my task given by the CEO again,” usal nito na tila nang hihingi ng paumanhin. Tumango ako upang ipakitang ayos lang ako.

 “Babalik na ako sa shop, I’ll come back tomorrow with the designs, would you be here?” Tanong ko sa kaniya.

 “Hindi pa ako sigurado, but if ever I’m not here just leave the photos in the secretaries’ office. Or you could just contact me, I can go get it at your house,”

 “No, I’ll drop it here, I would like to separate work from personal matters,” paliwanag ko sa kaniya. Tumango si Kito at iginaya ako patungo sa pintuan.

 “So I’ll see you soon, I need to go now,” paalam ni Kito. Bago siya tuluyang umalis ay tinawag niya ang isang sekretarya at inutusang ihatid ako palabas.

 Nang makababa ay nag pasalamat ako sa sekretarya at nag kusa nang lumabas. I gave my visitor’s pass back to the guard and stepped out of the building.

 Sinalubong ako ng sariwang hangin pagkalabas ko. Mataas na ang sikat ng araw at ang asul na langit ay walang bahid ng mga ulap. Nagsimula akong maglakad ng biglang may isang sasakyang humarorot at tumigil sa aking harapan. Bumaba ang wind shield ng sasakyan, peering at me was the CEO of White Swan.

 “Miss florist, are you on your way back to your flower shop?” tanong ng lalaking huli kong gustong makita. 

Walang bahid ng malisya ang pagkakatanong ng lalaki ngunit hindi ko maiwasang isiping may nakatagong intesiyon sa kaniyang pagtatanong, ngunit sa gitna ng aking pag-aalinlangan ay binigyan ko ang CEO ng aking praktisadong ngiti at kagyat na sinagot ang kaniyang tanong. Mas mabuti ng maka alis kaagad sa presensiya nito.

“Yes Mr. CEO, pabalik na po ako. So please excuse me,” paalam ko at nagbadya ng tumalikod.

“I’m on my way to a business down that street, would you like me to drop you by there?” Nag-oobserbang tanong nito sa akin.

Labis akong naguguluhan sa mga kilos ng lalaking ito. Halatang hindi ako nito naaalala, but why does he keep approaching me now? 

“I’d like to refuse sir, I can go on my own,” tanggi ko rito. 

“But I insist.” Lumabas ito ng sasakyan at tumayo sa aking gilid habang nakalahad ang mga kamay sa direksiyon ng sasakyan.

“The sun is scorching miss, I would not want our florist to have a hard time,” bigkas niyang muli.

Amusement was evident in his eyes, tila sayang saya ang lalaki sa pangyayaring kaniyang kinalalahukan. Sa kabilang banda, nagsisimula ng umusbong muli ang galit sa aking d****b. Ang mga emosyong pillit kong itinatago sa aking ngiti ay walang hirap na naipapalabas ng lalaking ito. Is this his talent? Ha, hindi ko alam kong dapat ko pa bang ipagpatuloy ang trabaho sa White Swan. Kung magpapatuloy ito, siguradong hindi ito ang huling pagkaktaong magkikita kami ng CEO.

Looking at his persistent eyes that were not about to yield at any argument, I sighed in resignation and entered the front seat of his car. Walang mga salitang namagitan sa amin sa loob ng unang mga minute ng byahe. Pasikreto akong tumingin sa CEO. Concentrate itong nag da-drive ngunit ang mga mata nito ay tila naguguluhan, nakakunot ang noo nito. Maging ako ay nagtataka sa kung ano ang nangyayari sa kaniya. After all, my safety in this ride lies on his hands.

“Miss florist have we really not met before? I mean other than the flower shop,” his attention was still focused on the road when he asked this. 

Kumunot ang aking noo sa kaniyang tanong, talaga bang hindi niya ko nakikilala? Does he always ask me if we met before because I was familiar? Ha! If that’s the case, mas mabuti nang tuluyan niya na akong kalimutan upang matahimik na ang aking isip. Ngunit bakit tila may tumusok sa aking puso ng pumasok sa aking isip ang ideyang kailanman ay isa na lamang akong florist na minsang naging katrabaho niya sa isang event ang aking katauhan?

“Have you really forgotten me Juancho?” With weakened painful eyes I asked him. Sa kaunting oras na nakasama ko siya sa maliit sa espasyong ito ay naubos ang ilang taon kong naipong lakas. Hindi na kakayanin ng aking katawan ang mas marami pa.

Kita sa kaniyang mga mata ang bahid ng gulat sa aking katanungan, hindi ako sigurado kung dahil ba ito sa laman ng tanong o dahil gulat siyang walang takot kong tinawag ang kaniyang pangalan. He casted a glance on me ngunit agad niya rin itong ibinalik sa daan. Ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang pag-iiba ng ekspresyon sa kaniyang mukha, iba ito sa kaniyang ipinapakita sa kaniyang kompanya. This expression is what I’ve remember seeing eight years ago.

Isang lalaking mahimbing na natutulog sa katapat na bench ng duyang aking kinauupuan. Banayad na inililipad ng hangin ang kaniyang mahabang buhok. The Japanese features on his face were evident. Ang dalawang magkasunod na nunal sa ibaba ng kaniyang kanang mata ay labis na bumabagay sa kaniyang maamong mukha. Taliwas sa kaniyang mga salitang tila mayroong limit kada araw maraming magagandang salita ang maihahambing sa kaniyang mukha. At ng idinilat niya ang kaniyang mga mata ay parang sumisilip ito sa aking kaluluwa at nagreresulta sa pamumula ng aking mukha.

Bumalik ang aking ulirat nang tumigil ang sasakyan, the road came to a halt because of the red traffic lights. Ibinaling sa akin ng nagmamaneho ang kaniyang paningin. Iba sa mga matang nasa aking memorya ang mga matang kasalukuyang nakatitig sa akin. Mayroon mang gulo sa kaniyang mga mata ay hindi nawawala ang lamig dito. Magka-iba nga sila ng lalaking nasa aking memorya. Pareho man ang kanilang mukha ay magkaibang magkaiba ang paraan ng pagtitig nila sa akin. Malayo sa lalaking kaharap ko ang lalaking tahimik man ngunit may malambing na mga mata. Maybe that expression that reminded me of him earlier was just a mistake. Namalikmata lamang siguro ako.

“Tell me the truth, have we met before?” Pagod na tanong nito habang hinihilot ang kaniyang sentido.

Bahagya ko siyang tiningnan at saka ngumiti

“Yes mister, at the flower shop remember?” Inosente kong saad sa kaniya. He looked at me, irritated. Bumuga siya ng hangin at huminga ng malalim, pilit na kinakalma ang sarili.tumango-tango ito habang kinakagat ang kaniyang labi.

“I guess there’s no point,” usal nito sa kaniyang sarili at muling pinaharurot ang sasakyan.

Hindi na siya muling nagsalita pa sa buong byahe. Samantalang aking nilibang ang aking sarili sa mga taong nadadaanan ng sasakyan . Nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng flower shop ay agad akong bumaba at nagpasalamat. I bowed to show my sincerity at hindi na hinintay na sumagot ito agad na akong tumalikod at pumasok sa flower shop.

Tumunog ang chime at binati ako ng part-timer na inakalang isa akong costumer. Nang makitang ako ang pumasok ay mas lumiwanag ang kaniyang mukha.

“Manager O,” maligayang tawag nito gamit ang kaniyang bansag sa akin. Sinagot ko siya ng ngiti at lumapit sa counter. Inilapag ko ang aking bag at ang folder na ibinigay ni Kito.

“Merdi, wala namang naging problema sa pag-alis ko right?” tanong ko ditto.

“Of course po wala Manager O, as you ordered ang for sale lamang noong wala ka ay ang mga pre-arranged bouquets.” 

Dahil hindi pa dalubhasa sa pag -aarange si Merdi ay mga pre-arrange flowers pa lamang ang available sa shop sa tuwing wala ako. Mukhang marami akong I pe pre-arrange dahil sa mga susunod na araw ay magiging busy ako sa pag-aasikaso ng mga bulaklak para sa White Swan. 

Nakatalikod ako sa pinto ng shop ng muling tumunog ang chimes. Hinayaan kong si Merdi ang bumati sa customer habang sinisimulan kong isuot ang apron uniform ng shop. Nagtaka ako nang binati ni Merdi ang customer ay kuminang ang mga mata nito. Puno ng paghanga ang kaniyang mga mata. Nang tingnan ko kung sino ang pumasok ay nagulat ako ng makitang ang CEO ito ng White Swan.

Ano na naman ba ito?

Ngunit napasobra yata ang aking pag-iisip dahil wala naman yata itong ibang intensiyon kundi bumili ng bulaklak. Wala na ang bahid ng mga emosyong nagpakita kanina sa kaniyang mukha. Ang tanging naiwan na lamang ay ang malamig niyang titig at ang walang emosyon niyang mga mata.

“A bouquet of baby’s breath please,” he swiftly said.

I wonder kung sino ang binibigyan niya ng mga bulaklak na ito, his wife maybe?After all it’s not strange for such a fine man to have a wife. I can even imagine an elegant lady standing by his side.

“Please wait a moment sir, your order will be done in a few minutes.” Magalang na saad ni Merdi. Tumingin sa akin ang dalaga at sinagot ko siya ng simpleng tango. Sinimulan ko kaagad ang pag-aayos ng bulaklak. Nang matapos ay inilahad ko ito kay Merdi na siyang nag bigay ng bulaklak sa lalaki habang pinoproseso ko ang cashier.

Pagkatapos magbayad ay agad nang tumalikodang CEO dala ang mga bulaklak. Ngunit nang tangka niya ng bubuksan ang pinto ay kusa itong bumukas at iniluwa nito ang maliwanag na mukha ni Sato kasunod niya ang tuwid na nakatayong si Lezzie habang yapos ang kaniyang bagong libro.

“Mommy!” Sigaw ni Sato at patakbong yumakap sa akin. Sumunod naman sa kaniya si Lezzie na nagmamadali rin yumakap sa akin.

“We missed you mommy,” malambing na usal ni Sato habang marahang kinukuskos ang kaniyang mukha sa aking pisngi. Just like a cat.

“Why are you here so early? Who dropped you of here?” tanong ko sa kanila. 

Sinimulan akong kabahan nang makitang hindi pa tuluyang lumalabas si Juancho. Nakatayo lamang ito sa harap ng pintuan. Mistulang napako ito sa kaniyang kinatatayuan. Hindi ko makita ang kaniyang ekspresiyon dahil nakaharap parin ito plabas.

“We had an early dismissal mommy, Miss Cecile dropped us here, she also told us to tell you she could not stop by because she has some urgent matters to do,” explained Lezzie. 

Tumango ako sa bata at marahang hinimas ang kaniyang buhok. Patuloy akong sumusulyap sa nakatalikod na lalaki. Kinakabahan sa mga maaaring mangyari. Bakit hindi pa siya umaalis?

“Sir? May nakalimutan po ba kayo?” tanong ni Merdi sa lalaki. 

He flinched when he heard Merdi’s voice and shook his head. Tumungo ito, ang kamay na may hawak ng bouquet ay hinilot niya sa kaniyang ulo at kaliwang kamay nakahawak sa kaniyang baywang. Tila nag-iisip ito at saka huminga ng malalim. Kitang-kita ko ang pag galaw ng kaniyang balikat at kasabay nito ang pananalangin kong hindi na siya jumarap pang muli. 

Nadinig yata ang aking panalangin dahil hindi pa lumipas ang dalawang minuto ay binuksan niya na ang pinto at tuluyan ng lumabas. Napahinga ako ng maluwag at yinapos muli ang mga bata.

“Ano kayang namgyari sa sa gwapong sir na iyon? Masakit kaya ang ulo niya?” Nagtatakang saad ni Merdi.

I don’t know Merdi, I don’t know. And I just hope that it was only a normal headache.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status