"Why isn't Tita Eli eating with us, Tito?"Si Elisa na naman ang hinahanap ni Caleb. Pangalawang beses na itong nagtanong sa loob lang ng ilang minutong paghaharap nila sa dining. "She is already resting, Caleb."Napahinto si Caleb sa pagkagat sa hotdog na nakatusok sa fork at napasimangot. "Sayang. I like to eat with her pa naman sana po."Napahinto na rin siya sa pagsubo at napasandal sa upuan at matamang tinitigan ang bata. "Why do you like her so much, Cal?" Naalala niya na kahit si Margaux ay halos isumpa siya kapag inaagrabyado niya noon si Elisa. Even Audrey, once, sa kaisa-isang beses na napilit itong sumama sa Hacienda Samonte. "She is so nice po. No. Super-duper nice."Ano ba ang ipinakain ni Elisa sa pamangkin niya at sa buong durasyon ng dinner hanggang sa natapos sila, ito lang ang bukambibig ng bata. Bago umakyat si Caleb sa silid nito ay dinaanan pa muna nito si Elisa."Good night, Tita." . "Good night, Caleb."He didn't mean to spy on them, pero nakikinig siya sa ma
“Are you looking for someone, Tita Eli?” Namalayan niyang hawak na pala ni Caleb ang baba niya para ibaling muli sa TV na nasa kanilang harapan. “No, Caleb.” Nababaliw na yata ang pakiramdam ni Elisa. Bigla na lang kasi siyang napapalingon sa gawing maindoor sa gitna ng panonood nila ni Caleb ng cartoon show. May huminto kasing sasakyan sa garahe. Hinihintay niya lang naman kung sino ang papasok. “Hello po, Kuya Boyong!” Si Boyong lang pala ang dumating. Akala niya kung sino. “Nabili mo na po ang cookies and cream ice cream ko po?” Excited na lumapit si Caleb kay Boyong. Napapalakpak pa ang bata nang makitang bitbit nito ang ice cream. Pinatay niya ang TV at sumunod na rin sa kusina. Nang matapat sa maindoor, hindi na naman niya mapigilan ang pagsilip sa labas. Baka lang kasi…baka mapapadpad muli si Lorenzo sa bahay nito. Dalawang araw na ring hindi napapagawi si Lorenzo sa bahay. Dalawang araw pero sa pakiwari niya ay sobrang tagal na. Napabuntong-hininga siya at pumasok na r
Lakad takbo ang ginawa ni Lorenzo sa pasilyo ng hospital na kinaroroonan sa ngayon. Tuwid lang ang mga titig niya habang sabay na tumatagaktak ang pawis at sapatos niya sa tiles. Si abot-langit ang kaba niya para sa pamangkin. Sa wakas, natunton niya ang silid na kinaroroonan ni Caleb. Caleb’s name was mounted on that door. Kaagad niyang ipinihit ang seradura at sumalubong kaagad ang katamtamang buga ng aircon mula sa loob. "Caleb." Naratnan niya ang pamangkin na nakahiga sa hospital bed, may oxygen na nakakabit sa bibig nito. Conscious na ito at kumaway pa nga sa kanya. Behind that oxygen mask, nasisiguro niyang nakangiti ang bata. Katabi nito si Elisa at mahigpit na hawak ang kamay ng babae. "Caleb." Lumapit siya kabilang gilid ng kama at naupo sa tabi nito. “How are you, buddy?” Gumalaw ang ulo ni Caleb, may kulob na sinabi. “Pinapakaba mo ang tito.” His hand rested over Caleb's, but his eyes bore on Elisa. As expected, iniwasan nito ang paningin niya. Hinarap nito si Caleb.
Malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Elisa. Ngayon nga ay nasa poder na siya ni Audrey. Bagama't malayo ang agwat nila sa isa't-isa, taos-puso ang pagtanggap at pakikitungo nito sa kanya. Parang Ate, kaibigan at boss. Nahanap niya sa katauhan nito si Margaux. Higit sa lahat, binigyan siya ng paraan para makaramdam ng self-worth sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng trabaho.Bilang may experience at alam sa accounting ay siya ang ginagawa nitong bookkeeper sa shop nito. Accessories at kung anu-anong mga imported home decors ang karaniwang ibinibenta. Hindi naman niya kailangang magbabad at tumao sa shop, araw-araw na idinaraan ni Audrey sa kanya ang mga resibo, envoices at kung anu-anong records ng tindahan nito sa condo unit na pansamantala nitong pinapagamit sa kanya. Buong akala niya nga ay isasama siya nito sa bahay na nilipatan nito at ni Caleb. Sabi nito, for good nang mananatili ang mga ito sa Pilipinas at hindi na babalik sa Singapore."Mas safe ka dito. Walang nakakakita
Kumusta ka na?The most cliché of all cliché questions na sinabi niya sa kawalan ng masasabi. Natatawa siya, napapailing. Bigla na lang kasi ang pagkabog ng dibdib niya sa sandaling narinig ang boses ni Elisa. Then he realized how much he missed even the sound of her voice.Gago talaga siya.Kagat-labing nakangiti siya habang isinandal ang buong katawan sa swivel chair at nakatutok sa ceiling at nilaro-laro ng mga daliri ang phone. All his life, dinadaan-daanan at iniignora niya lang si Eli. He never treated her with respect.Ikakasal na siya't lahat ay nagawa pa niyang i-entertain ang ganitong mga isipin.The thought vanished his smile away. Sunod-sunod ang naging pagbuntong-hininga niya.Gusto pa ba niyang matuloy ang kasal nila ni Margaux? His answers are as vague as his feelings.Nang bigla ay tumunog muli ang cellphone."Shit"Nagiging magulatin na rin ba siya? Sinagot niya ang tawag nang hindi tinitingnan ang caller. .Ang kaibigang si Derek ang nasa kabilang linya. Nakabalik na
“Magnanakaw!"Sige lang siya sa pagbalibag ng kung ano sa bulto ng katawang natuklasan niyang nakahiga ng patagilid at paharap sa dingding. Kaninang bago patayin ang ilaw sa sala, sigurado naman siyang walang ibang tao maliban sa kanya. Kung masamang tao man ito, o mga tauhan ni Sir Deon a natunton ang kinaroroonan niya, makikipagbuno muna siya bago siya maisama nito."Eli, ano ba?!"Panandalian siyang nag-freeze. Eli. Kilala siya ng lalaking bahagyang nangangamoy alak. Mas lalong kilala niya ang boses na iyon na sa pakiwari niya ay nasa malapit lang sa kanya. "L-lorenzo?"Saka niya natantong hawak-hawak na nito ang dalawang braso niya at nauunano siyang nakatingala sa matangkad at matipunong lalaki na ngayon ay tanging ilaw na nagmumula sa silid niya lang ang nakatanglaw."It's just me, okay?"Pabalya niyang inalis ang mga kamay nitong nakahawak sa kanya at hinamig ang sarili. Nagtaas-baba ang dibdib niya sa kaba. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niyang napaatras ng dalawang beses p
With no luck, wala si Margaux sa lahat ng pinuntahan nila. Sa agency nito, sa paboritong restaurant at bar, at kahit na nga ang manager nito ay walang ideya kung nasaan si Margaux.Iisang lugar na lang ang hindi pa nila napuntahan. Ang bahay na sekretong nabili ni Margaux sa Antipolo. Kahit alam niyang hindi doon magtatago si Margaux, sumubok pa rin sila. Sa unang beses na dinala ng kaibigan dito, nakita niya kung gaano ito kasaya. Halos maglulundag sa tuwa si Margaux."Buong akala ng iba, party girl si Margaux. Pero mas madalas na dito siya tumatambay kesa sa um-attend ng parties. Pumupunta siya,oo, pero for attendance lang. Ang hindi alam ng mga magulang niya, binili niya ito mula sa talent fee niya. Sabi niya gusto niyang makapagpundar ng galing sa sariling kita."Nakatanaw sila pareho ni Lorenzo sa hindi man kalakihan ngunit magandang bahay na hinintuan nila. Two-storey with two bedrooms. Walang pool pero may Jacuzzi.Nilingon niya si Lorenzo. Nakatutok lang din ito sa bahay pero
"Lorenzo?"Mula sa ginagawang paghuhugas sa kusina ay umabot sa kanya ang malakas at gulat na boses ni Audrey sa sala. Panandalian siyang napatda. Nandito ba siya?Ang tibok ng puso niya, kaagad na namang nagbago. Namalayan na lang niya ang sariling napahakbang palapit sa pintuan. Si Lorenzo nga ang dumating. By the looks of it, mukhang kagagaling lang nito ng opisina. Nag-overtime kaya ito? Pagod kaya ito? "What brings you here?""I was just checking on you."May kung anong hinahanap ang mga titig ni Lorenzo. Si Caleb marahil na nasa silid na at natutulog, hanggang sa direktang mag-ugnay ang mga mata nila. Baka mali lang siya ng interpretasyon pero nakikita niya ang relief sa mukha nito nang makita siya. or maybe, gawa-gawa lang ng imahinasyon. Noong ihatid naman siya nito pauwi sa condo, halos hindi na ito umiimik. Ni hindi bumaba para ihatid siya sa unit. Bago lumulan ng elevator, sinundan pa niya ito ng titig hanggang sa tuluyang nawala sa paningin niya ang kotse nito.Buong ak