Home / Romance / His Sweetest Ruin / Chapter 3: Golden Cage

Share

Chapter 3: Golden Cage

Author: Pieces97
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-07 18:53:16

Alas-diyes pa lang ng umaga pero pakiramdam ni Lauren ay naubos na ang buong lakas niya.

Nakatayo siya sa gitna ng kanyang maliit at paupahang kwarto sa Mandaluyong, nakatitig sa lumang maleta na nakabukas sa ibabaw ng kutson. Ilang pirasong pantalon, simpleng blusa, at mga lumang gamit lang ang laman noon. Wala siyang marangyang damit. Ang tanging bagay na may halaga sa silid na iyon ay ang resibo mula sa ospital na ipinadala sa email niya kaninang madaling araw: Fully Paid.

Totoo nga. Hindi nagbiro si Gideon Vane. Isang pirma lang pala ang katumbas ng buhay ng kanyang ama.

Bago pa man siya makapagsisi, tumunog ang busina ng isang sasakyan mula sa ibaba ng makipot na eskinita. Pagsilip niya sa bintana, kapansin-pansin ang itim na Mercedes-Benz Maybach na agaw-buhay sa gitna ng mga nakaparadang tricycle at naglalakihang sampayan. Isang lalaking nakasuot ng pormal na itim na suit ang bumaba mula sa driver’s seat.

"Miss Lauren?" tawag ng lalaki nang makatungtong ito sa ikalawang palapag ng apartment building. May hawak itong tablet at pormal na yumukod. "I’m Julian, Mr. Vane’s personal assistant. I'm here to escort you to the residence."

"A-Ako na magbubuhat ng maleta," mabilis na sabi ni Lauren, hawak ang hawakan ng lumang bagahe.

"No need, Miss," magalang ngunit madiing sagot ni Julian sabay kuha sa bag. "Mr. Vane instructed that you won't be needing most of these. But I will bring them along as requested."

Walang nagawa si Lauren kundi sumunod. Pagbaba nila sa kotse, halos magsilabasan ang mga kapitbahay niya para manood. Para siyang kriminal na dinukot sa tanghaling tapat, pero mas malala pa rito ang katotohanan—kusang-loob siyang sumama kapalit ng salapi.

Tahimik ang biyahe pabalik sa Bonifacio Global City. Bawat kilometro na inilalapit ng kotse sa marangyang residential tower ay tila pisi na sumasakal sa dibdib ni Lauren. Nang huminto ang sasakyan sa underground private parking, diretso silang sumakay sa private elevator na nangangailangan ng biometric access.

Bumukas ang elevator diretso sa loob ng penthouse suite ni Gideon.

Kung kagabi ay madilim at misteryoso ang lugar, ngayon ay maliwanag ito dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa naglalakihang floor-to-ceiling glass walls. Pero hindi iyon nakabawas sa lamig ng paligid. Modern minimalist ang kabuuan ng interior—kulay abo, itim, at marmol. Walang bakas ng init ng isang tahanan.

"Make yourself comfortable, Miss Lauren," wika ni Julian habang inilalagay ang kanyang maleta sa tabi. "Mr. Vane is currently at the corporate headquarters for a board meeting. He will be back by eight in the evening. In the meantime, you are free to use the master suite."

"Master suite?" kumunot ang noo ni Lauren. "Wala ba akong sariling kwarto?"

Bahagyang ngumiti si Julian, isang ngiting sanay sa mga patakaran ng kanyang amo. "Mr. Vane was very specific, Miss. There is only one bedroom assigned for you in this penthouse. His."

Bago pa makapagreklamo si Lauren, tumalikod na si Julian at muling sumakay sa elevator, iniwan siyang mag-isa sa gitna ng nakabibinging katahimikan.

Napabuntong-hininga si Lauren at marahang pinihit ang doorknob ng master bedroom. Malawak ang kwarto, halos kasinglaki na ng buong apartment unit niya noon. Sa gitna ay nakapwesto ang isang California king-size bed na may charcoal-gray Egyptian cotton sheets. Sa gilid ay may malaking walk-in closet.

Nang buksan niya ang closet para itabi ang kanyang mga damit, napasinghap siya.

Puno na ang kalahati ng cabinet. Nakasabit doon ang iba't ibang uri ng mamahaling damit—mula sa silk loungewear, tailored trousers, hanggang sa mga backless evening dresses. Ngunit ang mas nagpainit sa kanyang mga pisngi ay ang mga drawer sa ibaba: hilera ng mamahaling French lace lingerie sa iba’t ibang kulay—itim, burgundy, at hubad na beige. Lahat ay may tag pa mula sa mamahaling boutique, at lahat ay eksakto sa kanyang sukat.

Kabisado niya ang sukat ko? tanong ni Lauren sa sarili. Paano nalaman ni Gideon ang bawat detalye ng katawan niya gayong kagabi lang sila pormal na nagkausap?

Dumaan ang mga oras na parang patak ng lason. Naligo si Lauren at pilit pinakalma ang sarili. Nang mag-alas siyete y medya, nagdesisyon siyang magsuot ng isang simpleng silk robe na kulay cream mula sa closet dahil hindi niya dinala ang pambahay niya mula sa maleta. Manipis ang tela, lumalapat sa bawat kurba ng kanyang katawan kapag humahakbang siya.

Eksaktong alas-otso nang marinig niya ang marahang pagbukas ng p***o sa labas.

Sumikdo ang kaba sa dibdib ni Lauren. Lumabas siya mula sa kwarto patungo sa living area.

Nakatayo roon si Gideon. Tinatanggal nito ang mamahaling silver wristwatch at inilalapag sa side console table. Gusot na nang bahagya ang tailored charcoal suit nito mula sa maghapong trabaho, at ang necktie nito ay maluwag nang nakabitin sa leeg.

Nang marinig nito ang mga yabag ni Lauren, dahan-dahan itong nag-angat ng tingin.

Tumigil ang mundo ni Lauren nang magtagpo ang kanilang mga mata. Ang pagod sa mukha ni Gideon ay agad napalitan ng isang mapanganib na kislap—parang leon na nakakita ng biktima sa sarili nitong teritoryo. Mula ulo hanggang paa, binusisi ng lalaki ang hitsura niya sa suot na manipis na robe.

"You look stunning, little bird," bati ni Gideon, mababa at paos ang boses.

Tinanggal nito ang kanyang coat at inihagis sa sofa, bago dahan-dahang lumapit sa kanya. Sa bawat hakbang ng bilyonaryo, nararamdaman ni Lauren ang pagtaas ng presyon ng kanyang dugo.

"Kumusta ang operasyon ni Papa?" agad na tanong ni Lauren, gamit ang tanging dahilan kung bakit siya naroon para protektahan ang sarili sa nararamdamang tensyon.

Huminto si Gideon sa mismong harapan niya. Halos magdikit na ang kanilang mga balat. Amoy pa rin nito ang mamahaling pabango, pero nahaluan na ito ng amoy ng pagod at init ng balat na lalong nagpatindi sa dating ng lalaki.

"Stable. The surgery was successful two hours ago," kaswal na sagot ni Gideon. Inangat nito ang kamay at marahang hinaplos ang basang buhok ni Lauren na nakapatong sa kanyang balikat. "I fulfilled my end of the bargain, Lauren. Without delay."

Nakahinga nang maluwag si Lauren, pero kasabay noon ay ang pagkirot ng kanyang sikmura dahil alam niya kung ano ang kasunod.

"Thank you," mahinang usal niya.

"Don't thank me yet," bulong ni Gideon, ang mga mata ay nakapako sa neckline ng robe ni Lauren kung saan bahagyang nakabukas ang tela. "You haven't paid your interest for today."

Bago pa makapagsalita si Lauren, inabot ni Gideon ang tali ng kanyang robe sa baywang. Sa isang marahang hila lang ng lalaki, lumuwag ang buhol ng tela.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • His Sweetest Ruin    Chapter 18: Uncaged Fire

    Eksaktong alas-singko y medya ng umaga nang sumabog ang buong internet sa Pilipinas.Bago pa man makapagsimula ang regular morning news shows, nag-viral ang limang-minutong audio recording na inilabas sa pamamagitan ng automated bots at unblockable cloud mirror servers na inihanda ng cyber security wing ng Vane Global Holdings. Sa loob lamang ng tatlumpung minuto, naging number one trending topic sa X, TikTok, at Facebook ang hashtag na #AlcantaraTheArsonist at #JusticeForVane.Sa malaking screen ng underground command center, pinanood nina Lauren at Gideon ang live feed sa labas ng mansyon ni Senator Tomas Alcantara sa Greenhills.Dose-dosenang mga mobile van ng iba't ibang media network ang nakaharang sa gate. Mga galit na grupo ng mga trabahador sa pantalan, transport federations, at mga ordinaryong mamamayan ang nagtapon ng pulang pintura sa mataas na kongkretong pader ng senador. Sa background, maririnig ang sirena ng mga sasakyan ng National Bureau of Investigation

  • His Sweetest Ruin    Chapter 16: Flight into the Mist

    Ang hangin sa ibabaw ng helipad ay parang hagupit ng latigo.Nagliliparan ang buhok ni Lauren habang marahas na sumisipol ang hanging dulot ng umiikot na rotor blades ng AgustaWestland chopper. Ang dilim ng madaling araw sa ibabaw ng BGC skyline ay napupuno ng ingay ng makina. Mahigpit ang hawak ni Gideon sa kanyang baywang habang inaakay siya patungo sa nakabukas na pinto ng helicopter."Get in!" sigaw ni Gideon sa gitna ng ugong ng hangin.Sumampa si Lauren sa loob, nanginginig ang mga binti sa ginaw at takot. Agad na sumunod si Gideon, isinara ang pinto nang may malakas na kalabog bago ikinabit ang four-point safety harness sa katawan ni Lauren. Nang mapansin ng bilyonaryo ang panlalamig ng mga kamay ng dalaga, marahan nitong pinisil ang kanyang mga daliri bago isinuot sa kanya ang aviation headset."You're safe with me, little bird," dinig ni Lauren sa headset, ang baritonong boses ni Gideon ay matatag at walang bahid ng takot. "Pilot, lift off. Vector three-one-

  • His Sweetest Ruin    Chapter 15: Ashes and Ammunition

    Dumausdos ang itim na velvet gown sa sahig na parang anino. Sa gitna ng madilim na sala, tanging ang asul na liwanag mula sa skyline ng siyudad ang lumalapat sa hubad na balat ni Lauren.Wala nang pader. Wala nang kontrata. Ang halik ni Gideon ay naging marahas ngunit puno ng nakapanlulumong pagsusumamo. Hinawakan ng bilyonaryo ang hubad niyang baywang, binuhat siya sa ibabaw ng malamig na marmol na console table, at pumuwesto sa pagitan ng kanyang nakabukang mga hita."Gideon..." mahinang daing ni Lauren nang lumapat ang nanunuyong labi ng lalaki sa kanyang leeg, pababa sa kurba ng kanyang dibdib."Don't speak," bulong ni Gideon, garalgal at may panginginig sa bawat salita. "Just let me drown in this. Kahit ngayong gabi lang, Lauren. Let me forget what I've become."Wala nang pasabi, hinubad ni Gideon ang sariling pantalon at ibinaon ang sarili sa loob ng dalaga sa isang madiin, buo, at walang pigil na pagtulak.Napasinghap si Lauren, napakapit ang mga binti sa

  • His Sweetest Ruin    Chapter 17: Checkmate in Motion

    Malamig ang hangin sa loob ng underground command center sa ilalim ng safehouse. Sa malaking projector screen sa dingding, kitang-kita ang live feed mula sa pambansang telebisyon.Nakatayo si Senator Tomas Alcantara sa podium sa Camp Crame. Suot nito ang tradisyunal na barong Tagalog, malungkot ang mukha, at may luhang pilit pinatutulo sa harap ng mga flashing camera ng media. Sa tabi nito ay ang hepe ng pambansang pulisya."...Ating sinisiguro sa publiko na hindi natin hahayaang maghari ang mga bilyonaryong tulad ni Gideon Vane na gumagamit ng karahasan para takasan ang batas," mariing pahayag ng senador sa mikropono. "Dinukot niya ang may-ari ng Del Fierro Logistics upang takpan ang mga iligal na transaksyon sa pantalan. I am offering a ten-million-peso bounty for any information leading to his immediate capture."Isang malamig na ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Gideon habang pinapanood ang broadcast. Nakasandal ito sa steel conference table, may hawak na baso ng tubi

  • His Sweetest Ruin    Chapter 14: Shattered Mirrors

    Walang nagsalita sa loob ng humaharurot na Maybach. Tanging ang ugong ng makina at ang hampas ng hangin sa windshield ang maririnig habang binabaybay nila ang madilim na kalsada pabalik sa Bonifacio Global City.Nakatitig lamang si Gideon sa kawalan. Ang dati’y malamig, kalkulado, at walang kinatatakutang bilyonaryo ay parang estatwang nawalan ng buhay. Ang kanyang mga kamao ay nakakuyom sa ibabaw ng tuhod, nanginginig sa pinipigil na emosyon. Sa tabi nito, tahimik na pinupunasan ni Lauren ang sariling mga luha, pilit pinapakalma ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib.Nang marating nila ang private elevator ng penthouse, hindi hinawakan ni Gideon ang kamay ni Lauren. Naunang lumakad ang lalaki nang may mabibigat at marahas na hakbang.Pagkapasok sa loob ng malawak na living area, ibinagsak ni Gideon ang kanyang tuxedo coat sa sahig. Padabog nitong hinubad ang cuff links at inihagis sa marmol na coffee table, lumilikha ng matalim na kalansing sa gitna ng hatinggabi.

  • His Sweetest Ruin    Chapter 13: Dinner with the Devil

    Alas-siyete nang gabi nang huminto ang itim na Maybach sa harap ng exclusive dining pavilion ng Manila Polo Club sa Forbes Park.Malamig ang hangin mula sa manicured polo field, ngunit mas malamig ang pawis na namumuo sa likod ni Lauren. Suot niya ang isang backless black velvet gown na ipinadala ni Gideon kaninang hapon—hapit sa kanyang baywang, may mataas na slit sa kaliwang hita, at may plunging neckline na pinalalamutian ng manipis na kwintas na brilyante. Simple ngunit sumisigaw ng karangyaan.Bumaba si Gideon mula sa kabilang pinto ng kotse. Nakasuot ito ng tailored black tuxedo na walang necktie, bahagyang nakabukas ang kwelyo ng puting kamisadentro na nagbibigay ng mapanganib at relaxed na tindig.Nang marating nito ang pwesto ni Lauren, marahang inabot ni Gideon ang kanyang palad. Malamig ang mga daliri ng dalaga, isang bagay na agad napansin ng bilyonaryo."You're tense, little bird," bulong ni Gideon habang ipinupulupot ang braso ni Lauren sa kanyang braso

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status