Share

Chapter 14

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-04-06 02:31:52
Bigla akong kinabahan nang makita ko si Lucian na dahan-dahang naglalakad papalapit sa table kung saan ako nakaupo kasama si Wade. Sa bawat hakbang niya, ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng hangin sa paligid. Para bang may paparating na bagyong hindi mo maiiwasan—hindi mo alam kung masisira ka, o madadala lang ng hangin palayo.

Tahimik akong napalunok. I tried to maintain a calm expression, pero hindi ko maitago ang kaba sa bawat pintig ng puso ko. I felt Wade glance at me, probably sensing the sudden tension.

Lucian stopped right next to us. His towering presence and commanding aura made everyone around pause—even the air seemed to still.

“Pwede ko ba munang hiramin ang asawa ko?” tanong niya, malamig ang boses at hindi man lang inaalis ang matalim niyang titig sa akin.

“Sure, Lucian,” sagot ni Wade, may ngiting pilit sa labi, pero may bahid ng pagka-ilang sa tono niya. “It was such a nice meeting, your wife.”

Hindi ako nakakibo. Hinawakan ako ni Lucian sa kamay, at dahan-
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 32

    Nakapulupot ang mga braso ko sa tuhod ko habang nakaupo sa sahig ng banyo. Bago pa man pumatak ang unang luha sa tiles, damang-dama ko na ang sakit sa dibdib. Akala ko kaya ko, akala ko matatag ako. Pero ngayong hawak ko sa kamay ang isang maliit na plastic stick na may dalawang guhit—para akong gumuho sa sarili kong katahimikan.Hindi ko na namalayang lumipas na pala ang ilang minuto. O oras ba?Pinilit kong bumangon, pero parang bigla na lamang naging mabigat ang lahat. Pati ang katawan ko, parang ayaw na akong buhatin. Hindi ko na rin namalayan kung paano ako nakarating sa sala, pero bago pa man ako makaupo nang maayos, tumulo na naman ang luha ko.“Lucian…” mahinang bulong ko. “Bakit ngayon pa?”Dahil kahit gaano ko pilit limutin, siya pa rin ang laman ng isip ko.Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto ng condo. Agad kong tinakpan ang mukha ko, pero huli na. Nakatayo si Wade sa may pintuan, hawak ang grocery bags, at kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla. Kasunod ng kaba,

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 31

    Matagal ko na siyang hindi iniisip. At least, 'yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko tuwing umaga pagbangon ko. Tuwing makikita ko si Wade na walang sawang nag-aalaga sa akin, nagbibigay ng tahimik pero makabuluhang presensiya. He made things bearable. Hindi na namin pinag-uusapan si Lucian. Hindi na rin siya muling nagpakita. As if he vanished completely from my world—leaving only traces of memory that refused to be erased. Pero kahit ilang linggo na ang lumipas, may mga gabi pa rin na nagigising akong hinihingal. Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o alaala lang ng lahat ng sakit at init na iniwan niya. That morning felt like any other day. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa bukas na bintana ng condo ay malumanay na dumampi sa balat ko. Ang sinag ng araw ay masyado nang maliwanag pero nanatili akong nakapikit, nilalasap ang tahimik na sandaling ‘yon bago harapin ang panibagong araw. Hanggang sa bigla na lang sumikdo ang sikmura ko. Hindi ako sure kung dahil ba sa k

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 30

    Pagkatapos kong inumin ang gamot na iniabot ni Wade, marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig at saka tinapon sa gitna ng apoy. Hindi ko na rin alam kung alin sa dalawa ang mas masakit—ang sakit sa katawan kong nilalagnat o ang bigat sa dibdib kong punung-puno ng tanong, pangungulila, at galit.Sa sobrang pagod at hirap ng pakiramdam, hindi ko na namalayang nakatulog ako.Pero hindi rin ako nagtagal sa payapang pagtulog.Nagising ako sa malalim na hininga. Mabigat ang panaginip ko. Nakita ko roon ang mukha ni Lucian, lumulubog sa dilim, habang paulit-ulit niyang sinasabing, “I own you.” Kasunod noon, nakita ko ang mukha ng mama ko—umiiyak, humihingi ng tawad. Si Adrian, umiiyak din, kinakalabit ako pero hindi ko siya maramdaman.Napadilat ako. Malamig ang pawis sa likod ko. Madilim pa ang paligid. Tiningnan ko ang orasan sa bedside table—2:47 AM. Nasa loob pa rin ako ng guest room ni Wade. Nagulat ako nang marinig kong bumukas ang pint

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 29

    Pagkalabas ko ng bahay ni Lucian, pakiramdam ko ay para akong nawalan ng saysay. Para akong iniluwa ng isang mundong pinilit kong mahalin kahit hindi naman talaga ako sa kaniya nabibilang.Tumawag ako. Sa mga kaibigan ko. Sa dati kong kasamahan sa trabaho. Sa mga taong minsan kong inakalang maaasahan ko kapag kailangan ko ng masisilungan. Pero paulit-ulit lang akong nauuwi sa voicemail, o kaya ay diretsong tinatanggihan.“Sorry, busy ako ngayon.”“I’m not in Manila, girl. Next week pa balik ko.”“Wala akong extra space sa condo, eh.”Sobrang dali para nilang tanggihan ako. Para bang wala akong karapatang humingi ng kahit konting tulong o atensyon. Sa gitna ng lungkot at gulo sa puso ko, ni wala man lang isang kamay na nag-abot para damayan ako.Naisip kong tawagan si Mama. Ang kapatid ko.Pero habang hawak ko ang cellphone, nanginginig ang mga daliri ko. Hindi ko magawang pindutin ang pangalan nila sa screen. Hindi ko kayang marinig ang boses ni Mama ngayon. Hindi ko kayang maramdaman

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 28

    *Mom, Lucia, umalis na kayo sa pamamahay ko!" sigaw ni Lucian ma siyang ikinagulat naming lahat. "Are you insane? Mas pipiliin mo pa talaga ang babaeng 'yan kesa sa pamilya no?!" galit na sigaw ni Lucia at sinubokang hawakan ang buhok ko, pero mabilis na pumagitna si Lucian. "Don't you dare touch my wife, Lucia!" sigaw ni Lucian. Hindi makapaniwala si Lucia. Hinawakan niya ang braso ng kaniyang ina at padabog silang naglakad palabas ng bahay. Hindi pa man tuluyang lumalabas ng bahay sina Doña Margarita at Lucia ay pinagbuksan na sila ng mga tauhan ni Lucian. Tahimik lang silang lumabas pero alam kong hindi pa doon natatapos ang lahat. Pareho pa rin silang galit, at sa mga huling tingin ni Doña sa akin, alam kong may binabalak pa ito. “Wala silang karapatang maglabas-masok dito para lang saktan ka,” mariing sabi ni Lucian habang pinagmamasdan ang pagsara ng gate. “This is our house, Ysabelle. They crossed the line.” Napatingin ako sa kaniya. Gusto kong maniwala na ginagawa niya it

  • His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband   Chapter 27

    Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kwarto habang naririnig ko ang mahinang usapan nina Lucian at ng kaniyang ina sa study. Alam kong hindi ako dapat makinig, pero nang marinig ko ang pangalan ko sa mababang tinig ni Doña Margarita, kusang lumapit ang mga paa ko sa pintuan.“You’re making a mistake, Lucian,” ani Margarita, malamig ang boses. “You’re letting that girl ruin everything your father built for you. Para saan pa’t pinaghirapan nating itaas ang pangalan ng pamilya kung papatulan mo lang ang babaeng binayaran mo para maging asawa mo?”“She’s not just a girl,” mariing sagot ni Lucian. “She’s my wife.”Napasinghap ako. First time kong marinig mula sa kaniya ang salitang iyon—my wife—na may bigat, may paninindigan.“She’s your wife on paper, Lucian. Don’t be naïve,” sabat ni Lucia na ngayon ay naroroon na rin pala. “We all know this marriage was forged under a contract. Hindi ito totoo. And for you to choose her over us? That’s betrayal.”Bumukas ang pinto at natanaw nila ako.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status