Pagbukas ng pinto ng kotse, mabilis akong bumaba at tumingin sa paligid. Hindi ko maiwasang mamangha—ang bawat sulok ng lugar ay mukhang mamahalin, mula sa engrandeng chandelier na bumabati sa pasukan hanggang sa malalawak na marble flooring.
Tahimik ang buong bahay, pero hindi ito malamig. Sa halip, may kakaibang presensiya ito—isang uri ng katahimikan na parang nagmumungkahi na hindi ito basta-bastang bahay lang, kundi isang lugar na puno ng kapangyarihan. Nakatayo ako sa tabi ng hagdan nang biglang nagsalita si Lucian. "Susunduin kita mamaya. May guest room sa dulo ng hallway sa second floor. Doon ka muna titira," malamig niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. "Akala ko mag-asawa tayo?" Hindi ko napigilang itanong. Saglit siyang napangiti—isang uri ng mapanuksong ngiti na hindi ko alam kung dapat bang ikabahala. "Huwag kang mag-alala, Ysabelle," aniya, nakapamulsa habang tumitingin sa akin. "Hindi ako interesado sa 'yo sa ganoong paraan. Hindi ikaw ang tipo ng babaeng magugustohan ko." Napasapo ako sa noo ko. Oo nga pala, kontrata lang ‘to. Wala akong karapatan na asahan ang kahit ano pa. "Mabuti naman," sagot ko na lang, pilit itinatago ang inis sa tono niya. Lumapit sa amin ang isang matandang babae na halatang isa sa mga kasambahay. Nakasuot siya ng simpleng uniporme at may magaan na ngiti sa mukha. "Sir, handa na po ang kwarto para kay Ma’am Ysabelle," aniya, bago tumingin sa akin. "Ako po si Manang Rosa, isa sa mga kasambahay rito. Kung may kailangan po kayo, huwag kayong mag-atubiling magsabi." Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Salamat po, Manang Rosa." "Bukas nang umaga, may dadaluhan tayong event bilang mag-asawa," singit ni Lucian. "Magsisimula na ang pagpapanggap natin." Napalunok ako. "Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng panahon para huminga?" "Wala tayong oras para riyan, Ysabelle," sagot niya, seryoso ang mukha. "Dapat matutunan mo nang mabuhay sa mundo ko." Napabuntong-hininga ako. Wala na akong magagawa. "Fine," sagot ko, bago humakbang papunta sa hagdan. *** Tahimik akong nakatayo sa harap ng full-length mirror sa loob ng silid ko sa mansion ni Lucian. Sa suot kong designer nightgown, pakiramdam ko ay para akong isang estrangherong nakatingin sa isang babaeng hindi ko kilala. Hindi pa rin ako makapaniwala na ito na ang bagong buhay ko. Tatlong araw na akong naninirahan sa mansyon ni Lucian, ngunit kahit isang beses ay hindi ko pa rin maramdaman na bahagi ako ng lugar na ito. Napabuntong-hininga ako nang maisip ko si Adrian. Kailangan kong makita si Adrian. Hindi ko na matiis ang hindi pagbisita sa kanya. Hindi sapat ang updates na nakukuha ko kay Mama sa tawag at text. Kailangan kong makita siya, hawakan ang kamay niya, at tiyakin sa sarili kong hindi ako huli nang dumating para iligtas siya. Alam kong hindi basta-basta papayag si Lucian na lumabas ako nang walang paalam. Lalo na ngayong nagsimula na ang pagpapanggap namin bilang mag-asawa sa publiko. Kaya wala akong ibang choice kundi gawin ito nang palihim. Mabilis akong nagbihis ng simpleng itim na jeans, plain white t-shirt, at isang lightweight hoodie para hindi agad makilala. Nang makasigurong wala nang kasambahay sa hallway, maingat akong lumabas ng kwarto at dahan-dahang bumaba ng hagdan. Dahan-dahan akong lumabas sa likod ng mansyon at lumakad palayo sa estate. Tumawag ako ng taxi at agad akong nagtungo sa ospital kung saan naka-confine si Adrian. *** Pagdating ko sa harapan ng hospital building, agad akong bumaba at tiningnan ang paligid. Pamilyar sa akin ang lugar na ito dahil dito ako nagtatrabaho bilang isang janitress, pero ngayon lang ulit ako bumisita matapos ang gabing isinuko ko ang sarili ko sa isang kasunduang hindi ko alam kung paano ko kakayanin. Huminga ako nang malalim at pumasok. Dumiretso ako sa nurse’s station at ngumiti sa staff na naroon. "Si Adrian Cruz? Gusto ko sana siyang dalawin," tanong ko, pilit na pinapanatiling normal ang tono ng boses ko. Ngumiti ang nurse at tumingin sa logbook. "Ah, si Adrian Cruz? Oo, nasa private room na siya sa third floor." Napaangat ang kilay ko. "Private room?" "Yes, Ma’am. Fully covered na ang expenses niya. Mabuti na lang at sobrang bait ng may-ari ng ospital. Siya na mismo ang nag-asikaso ng lahat ng kailangan ni Adrian." Napatitig ang nurse sa akin. "Pamilyar po kayo. Hindi ba ikaw ang asawa ni Dr. Villafuerte?" Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Napalunok ako at nag-iwas agad ng tingin sa nurse. "Hindi po. Baka kamukha ko lang 'yon," pagsisinungaling ko. Naguguluhan akong nagpasalamat sa nurse at agad na naglakad papunta sa elevator. Pagbukas ng elevator sa third floor, lumakad ako papunta sa kwarto ni Adrian. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at agad akong bumungad sa nakahigang katawan ng kapatid ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko siyang payapang natutulog. Mabilis akong lumapit at marahang hinawakan ang kamay niya. "Adrian…" mahina kong bulong. Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang mahinang paghinga niya. Mukhang mas maayos na ang lagay niya ngayon kumpara noong huling nakita ko siya. Napangiti ako kahit may butil ng luha na nagbabadya sa mga mata ko. "Ang tapang-tapang mo, bunso," mahinang sabi ko. "Gumaling ka na, ha? Kasi… ang hirap-hirap nang wala ka sa bahay." Ilang minuto akong nanatili sa tabi niya, pinagmamasdan ang payapang mukha niya. Hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita kung sino ang nakatayo sa harapan ko. Si Lucian. Nakasuot siya ng white coat na may embroidered name na Dr. Lucian Villafuerte—hindi ko kailangang magtanong kung ano ang papel niya sa ospital na ito. Siya ang may-ari ng ospital at hindi ko alam kung matatakot ako o… magpapasalamat. Matalim siyang nakatingin sa akin, ang kanang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng coat niya. Dahan-dahan akong tumayo at humarap sa kanya. "Lucian…" Hindi siya nagsalita agad. Sa halip, sinara niya ang pinto sa likuran niya at lumapit sa akin, ang bawat hakbang niya ay naglalabas ng tensyon sa buong kwarto. "Wala kang sinabi na pupunta ka rito," malamig niyang sabi. Huminga ako nang malalim. "Kailangan kong makita si Adrian." Tinitigan niya ako, para bang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. "Hindi mo ba naisip na delikado para sa 'yo ang lumabas nang walang kasama?" "Lucian, hindi naman ako bata. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko." "Seryoso ka ba, Ysabelle?" Napangisi siya, pero hindi iyon ngiti ng saya—kundi ng inis. "Tumakas ka mula sa mansion ko nang hindi ko alam. Sumakay ka ng taxi mag-isa. At pumunta ka rito, sa isang ospital na pagmamay-ari ko." "Gusto ko lang makita ang kapatid ko, Lucian," mahina kong sabi. Napailing siya at lumapit pa hanggang halos ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa. "Tumakas ka, Ysabelle. At hindi ko gusto ang ginagawa mo. Pumirma ka ng kontrata bilang asawa ko. Isa ka ng Villafuerte kaya kailangan mong mag-ingat dahil ipapakilala kita sa mga magulang ko." Nagpanting ang tenga ko. "Lucian—" "Hindi mo na kailangang mag-alala sa pera. Simula nang pumayag ka sa kasunduan natin, ang kalusugan ng kapatid mo ay responsibilidad ko na rin." Nanlamig ang katawan ko sa sinabi niya. Gusto kong magalit, gusto kong ipilit na hindi ko siya kailangan. Pero alam kong sa puntong ito, utang ko kay Lucian ang buhay ng kapatid ko. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya. "Hindi na mauulit," mahina kong sabi. Pinagmasdan niya ako ng ilang segundo bago marahang tumango. "Good," sagot niya. "Dahil simula ngayon, gusto kong malaman ang bawat galaw mo, Mrs. Ysabelle Villafuerte."Nakapulupot ang mga braso ko sa tuhod ko habang nakaupo sa sahig ng banyo. Bago pa man pumatak ang unang luha sa tiles, damang-dama ko na ang sakit sa dibdib. Akala ko kaya ko, akala ko matatag ako. Pero ngayong hawak ko sa kamay ang isang maliit na plastic stick na may dalawang guhit—para akong gumuho sa sarili kong katahimikan.Hindi ko na namalayang lumipas na pala ang ilang minuto. O oras ba?Pinilit kong bumangon, pero parang bigla na lamang naging mabigat ang lahat. Pati ang katawan ko, parang ayaw na akong buhatin. Hindi ko na rin namalayan kung paano ako nakarating sa sala, pero bago pa man ako makaupo nang maayos, tumulo na naman ang luha ko.“Lucian…” mahinang bulong ko. “Bakit ngayon pa?”Dahil kahit gaano ko pilit limutin, siya pa rin ang laman ng isip ko.Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto ng condo. Agad kong tinakpan ang mukha ko, pero huli na. Nakatayo si Wade sa may pintuan, hawak ang grocery bags, at kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla. Kasunod ng kaba,
Matagal ko na siyang hindi iniisip. At least, 'yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko tuwing umaga pagbangon ko. Tuwing makikita ko si Wade na walang sawang nag-aalaga sa akin, nagbibigay ng tahimik pero makabuluhang presensiya. He made things bearable. Hindi na namin pinag-uusapan si Lucian. Hindi na rin siya muling nagpakita. As if he vanished completely from my world—leaving only traces of memory that refused to be erased. Pero kahit ilang linggo na ang lumipas, may mga gabi pa rin na nagigising akong hinihingal. Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o alaala lang ng lahat ng sakit at init na iniwan niya. That morning felt like any other day. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa bukas na bintana ng condo ay malumanay na dumampi sa balat ko. Ang sinag ng araw ay masyado nang maliwanag pero nanatili akong nakapikit, nilalasap ang tahimik na sandaling ‘yon bago harapin ang panibagong araw. Hanggang sa bigla na lang sumikdo ang sikmura ko. Hindi ako sure kung dahil ba sa k
Pagkatapos kong inumin ang gamot na iniabot ni Wade, marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig at saka tinapon sa gitna ng apoy. Hindi ko na rin alam kung alin sa dalawa ang mas masakit—ang sakit sa katawan kong nilalagnat o ang bigat sa dibdib kong punung-puno ng tanong, pangungulila, at galit.Sa sobrang pagod at hirap ng pakiramdam, hindi ko na namalayang nakatulog ako.Pero hindi rin ako nagtagal sa payapang pagtulog.Nagising ako sa malalim na hininga. Mabigat ang panaginip ko. Nakita ko roon ang mukha ni Lucian, lumulubog sa dilim, habang paulit-ulit niyang sinasabing, “I own you.” Kasunod noon, nakita ko ang mukha ng mama ko—umiiyak, humihingi ng tawad. Si Adrian, umiiyak din, kinakalabit ako pero hindi ko siya maramdaman.Napadilat ako. Malamig ang pawis sa likod ko. Madilim pa ang paligid. Tiningnan ko ang orasan sa bedside table—2:47 AM. Nasa loob pa rin ako ng guest room ni Wade. Nagulat ako nang marinig kong bumukas ang pint
Pagkalabas ko ng bahay ni Lucian, pakiramdam ko ay para akong nawalan ng saysay. Para akong iniluwa ng isang mundong pinilit kong mahalin kahit hindi naman talaga ako sa kaniya nabibilang.Tumawag ako. Sa mga kaibigan ko. Sa dati kong kasamahan sa trabaho. Sa mga taong minsan kong inakalang maaasahan ko kapag kailangan ko ng masisilungan. Pero paulit-ulit lang akong nauuwi sa voicemail, o kaya ay diretsong tinatanggihan.“Sorry, busy ako ngayon.”“I’m not in Manila, girl. Next week pa balik ko.”“Wala akong extra space sa condo, eh.”Sobrang dali para nilang tanggihan ako. Para bang wala akong karapatang humingi ng kahit konting tulong o atensyon. Sa gitna ng lungkot at gulo sa puso ko, ni wala man lang isang kamay na nag-abot para damayan ako.Naisip kong tawagan si Mama. Ang kapatid ko.Pero habang hawak ko ang cellphone, nanginginig ang mga daliri ko. Hindi ko magawang pindutin ang pangalan nila sa screen. Hindi ko kayang marinig ang boses ni Mama ngayon. Hindi ko kayang maramdaman
*Mom, Lucia, umalis na kayo sa pamamahay ko!" sigaw ni Lucian ma siyang ikinagulat naming lahat. "Are you insane? Mas pipiliin mo pa talaga ang babaeng 'yan kesa sa pamilya no?!" galit na sigaw ni Lucia at sinubokang hawakan ang buhok ko, pero mabilis na pumagitna si Lucian. "Don't you dare touch my wife, Lucia!" sigaw ni Lucian. Hindi makapaniwala si Lucia. Hinawakan niya ang braso ng kaniyang ina at padabog silang naglakad palabas ng bahay. Hindi pa man tuluyang lumalabas ng bahay sina Doña Margarita at Lucia ay pinagbuksan na sila ng mga tauhan ni Lucian. Tahimik lang silang lumabas pero alam kong hindi pa doon natatapos ang lahat. Pareho pa rin silang galit, at sa mga huling tingin ni Doña sa akin, alam kong may binabalak pa ito. “Wala silang karapatang maglabas-masok dito para lang saktan ka,” mariing sabi ni Lucian habang pinagmamasdan ang pagsara ng gate. “This is our house, Ysabelle. They crossed the line.” Napatingin ako sa kaniya. Gusto kong maniwala na ginagawa niya it
Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kwarto habang naririnig ko ang mahinang usapan nina Lucian at ng kaniyang ina sa study. Alam kong hindi ako dapat makinig, pero nang marinig ko ang pangalan ko sa mababang tinig ni Doña Margarita, kusang lumapit ang mga paa ko sa pintuan.“You’re making a mistake, Lucian,” ani Margarita, malamig ang boses. “You’re letting that girl ruin everything your father built for you. Para saan pa’t pinaghirapan nating itaas ang pangalan ng pamilya kung papatulan mo lang ang babaeng binayaran mo para maging asawa mo?”“She’s not just a girl,” mariing sagot ni Lucian. “She’s my wife.”Napasinghap ako. First time kong marinig mula sa kaniya ang salitang iyon—my wife—na may bigat, may paninindigan.“She’s your wife on paper, Lucian. Don’t be naïve,” sabat ni Lucia na ngayon ay naroroon na rin pala. “We all know this marriage was forged under a contract. Hindi ito totoo. And for you to choose her over us? That’s betrayal.”Bumukas ang pinto at natanaw nila ako.