Share

Chapter 5

“Inumin mo muna ito para mainitan tiyan mo,” saad ni Manang Mary sabay abot sa ‘kin ng isang tasa ng paborito kong coffee.

Tinanggap ko naman ito. Ngunit nang malanghap ko ang amoy nito ay nakaramdam na naman ako ng pagkaduwal kung kaya’y muli kong binigay kay Manang ang tasa.

“Bakit? Ayaw mo ba nito?” takang tanong niya.

 I gulped and massaged my temple. “A-ayos lang po ako, Manang. May nakain lang pong masama.”

Tinitigan muna ako nito bago siya sumagot. “Oh siya, sige. Maiwan muna kita rito at nang makapagpahinga ka. Gusto mo bang lutuan kita ng sopas?”

Kahit na hindi ako mahilig sa sopas ay agad itong nagpaalam para makapagluto siya. Habang ako naman ay humiga na sa kama at pinikit ang aking mga mata. Abala pa rin ang isip ko sa kakaisip kung bakit ako nasusuka nang maamoy ko ang aking paboritong kape.

Muli akong napatingin sa aking phone nang bigla itong mag-ring. Kaagad akong napairap sa isiping si April na naman ito dahil pinatayan ko siya kanina ng tawag.

Bagot kong inabot ang aking phone at walang tingin na sinagot ang tawag. I closed my eyes and heaved a deep breath.

“Hindi ko alam na siya ‘yun, okay? Nagkataon lang na nagkasalubong kami,” saad ko bago pa man makapagsalita si April. “Kaya ano mang marinig mong chismis sa internet, walang katotohanan lahat ng ‘yon.”

“Sinong nakasalubong mo?”

Wala sa sarili akong napabangon nang makilala ko ang boses na ‘yon. Tinignan ko ang caller at namilog ang aking mga mata sa nakita. Muli kong dinikit ang phone sa ‘king tenga at mariing kinagat ang aking ibabang labi.

“M-mommy…” Sunod-sunod na mahinang mura ang pinakawalan ko matapos kong malaman kung sino ang caller. Ang tanga ko naman! “N-napatawag po kayo?”

“I am asking you a question, Ivy. Sinong nakasalubong mo? Umalis ka sa araw na ito na hindi nagpapaalam sa ‘kin?”

Napahilot ako sa ‘king sintido at pabagsak na humiga sa kama. “Yes, Mommy. A-at si ano po…”

“Are you seeing Joshua again?!”

Wala sa sarili kong nailayo ang phone mula sa ‘king tenga dahil sa biglang pagtaas ng boses ni Mommy. Ngumiwi muna ako bago ko muling nilapit ang phone sa ‘king tenga.

“H-hindi po, Mom.” I bit my lower lip. “I just went out for a walk. Nakasalubong ko lang po siya.”

She hummed. “Siguraduhin mo lang, Ivy. Kapag nalaman kong nakikipagbalikan ka riyan sa lalaking ‘yan, gagawin ko ang lahat maihatid ka lang sa states.”

Tumingin ako sa kisame. Parang ang ganda pakinggang pupunta ako ng States. Malayo kay Fox dahil feeling ko sinasadya talagang lagi kaming magkita o baka lagi niya akong nahahanap. But on the other hand, I can’t. Mahirap para sa ‘kin magkaroon ng kaibigan. Kung hindi nga ako pinagtitiisan ni April ay baka wala akong close friend ngayon.

“Hindi po.” I sighed. “Bakit ka nga po pala napatawag? Pauwi ka na po ba?”

“No. Mamayang gabi pa ako uuwi sabay sa Daddy mo. I just called to check on you,” she replied. “Anyway, h’wag ka na lumabas ng bahay. Gawin mo nalang mga assignments mo. I’ll end the call now.”

She didn’t wait for my response and just turned off the call. Hindi ko maiwasang mapanguso at bumuntong hininga. Napatingin ako sa aking phone at hinilot ang aking sintido. Si Mommy. Kahit na hindi kami masyadong close si Mommy ramdam ko pa rin ang concerns niya sa ‘kin. Pero hindi katulad ng pagpapakita ni Daddy ng pagmamahal sa ‘kin.

Mommy is strict to me. At alam ko naman kung bakit siya ganu’n. She just wants what she thinks is best for me. Pero minsan ay hindi niya namamalayang sumusobra na siya. Doon naman papasok si Daddy. Kapag alam niyang masyado na ang ginagawa ni Mommy sa ‘kin ay siya ang sisita kay Mommy at pagbibigyan niya ako. Kaya naman Daddy’s girl talaga ako.

Humugot ako ng malalim na hininga at muling dumapa sa kama. Hindi ko alam ngunit ayaw ko munang makipag-usap ngayon. Kahit si April o sino man. Feeling ko kasi ay mabilis lang ako mairita kapag may kausap ako. Lalo na kapag retarded at maraming tanong.

Moments later, Manang Mary came and knocking on my door. Hindi ako sumagot dahil alam naman niyang na sa loob ako kaya kasunod nito ay ang tunog ng pagbukas ng pinto.

“Hija, nandito na ‘yung sopas na pinapaluto mo. Kain ka na,” I heard her say.

Kahit na ayaw kong bumangon ay wala akong ibang mapagpipilian kundi ang bumangon. Nilingon ko si Manang Mary at namataan ang paglalagay nito ng mga pagkain sa center table sa loob ng aking silid.

Hinagilap ko ang tsinelas at saka ako naglakad patungon longue area at naupo sa pang-isahang couch. Pinanood kong maglapag si Manang ng isang baso ng tubig.

“Maligamgam na tubig ‘yan. Baka kinabag ka na kakalabas tuwing gabi. Ikaw talagang bata ka. Hindi ka na nakikinig sa mga payo ng Mommy mo,” aniya. “Kain ka para mabawasan pagsusuka mo.”

Hindi ako umimik. Nagsimula na lang akong kumain dahil feeling ko ay walang laman ang tiyan ko. I don’t really like soup. It’s disgusting. Nakakagulat na masarap na ito sa panlasa ko ngayon. Hindi na nakakadiri ang sopas sa ‘king bibig.

“May gusto ka bang iutos sa ‘kin o may kailangan ka?”

Umiling ako. “Wala po. Magpapahinga lang ako po ngayong araw.”

“Ayaw mo mag-swimming?”

Napatigil ako sa pagsubo at napaisip. Pwede rin. Hindi naman ako inaantok, sadyang tinatamad lang talaga ako ngayon. Pwede naman akong lumangoy para mabawasan ‘yung katamaran pero…

“Hindi ko po alam, Manang. Pero pakilinis na lang po ng pool. Baka maisipan kong bumaba mamaya.”

She nodded her head and smiled. “Oh siya, sige. Maiiwan na kita. Iwan mo na lang diyan ang pinagkainan mo. Magpahinga ka.”

Tipid akong tumango at ngumiti. Agad na itong lumisan at sinara ang pinto. Hindi ko tuloy maiwasang mapasimangot. Mabuti pa si Manang Mary, sinasara ang pinto kapag umaalis sa kwarto ko. Pero si Mommy? She would leave it as wide as open as she could and then nag me for not standing and closing it instead.

Inubos ko na ang sopas na niluto sa ‘kin ni Manang na hindi nakakaramdam ng pandidiri. I love it instead and I can feel how my stomach feels better after eating. Dagdag pang maligamgam ang tubig na siyang mas lalong nagpabuti sa pakiramdam niya.

Matapos kong kumain ay agad akong naglakad patungong kama at dumapa doon. I closed my eyes and heaved a deep breath. Matutulog na sana ako nang biglang may mukhang sumagi na mukha sa ‘king isipan.

Wala sa sarili kong dinilat ang aking mga mata. Bumangon ako at napahawak ako sa ‘king noo.

“What the hell was that?” I asked to myself.

Napatingin ako sa vanity mirror na nakatayo sa tabi ng aking desk. Para akong siraulong kinulang sa tulog. Magulo ang buhok ko kahit kakaayos ko lang nito kanina.

“Bakit sumagi sa isip ko ‘yung lalaking ‘yon?” I murmured to myself.

Paano ba naman kasi, ‘yung lalaking nakabunggo ko kanina ang biglang sumagi sa isip ko. Parang tanga. Baka madapa ‘yon. At saka, why did he even suddenly appear in my head?  

Muli akong dumapa sa kama at pinikit ang aking mga mata. Hoping this time, I’ll fall asleep. But I didn’t. Mas lalong lumala ang mga senaryong pumasok sa isip ko. Isa na roon ang mainit na gabi na pinagsaluhan naming dalawa na pilit kong kinakalimutan.

Shit!

Mariin kong pinikit ang aking mga mata at bahagyang hinila ang aking buhok. I don’t know what the actual hell is happening to me.

Kahit anong pilit ko sa ‘king sarili na matulog ay hindi ko magawa kaya nakasimangot akong bumangon at ginulo ang buhok kong kanina pa magulo.

Siguro naman ay mawawala ito kapag nagbabad ako sa pool ano?

Yes, tama. Maliligo ako.

Nagbihis ako ng isang maikling short at bra saka ako bumaba dala ang aking tuwalya na nakasabit sa ‘king balikat. Nakasalubong ko si Manang Mary na siyang ngumiti agad sa ‘kin nang magtagpo ang paningin naming.

“Maliligo ka ba, Hija?” she asked.

I nodded my head. “Yes, Manang. Maliligo po ako. Tapos na po bang linisan ang pool?”

“Oo, hija. Pinagmadali ko nga sila dahil baka bababa ka ano mang oras. Gusto mo ba ng maiinom?”

Umiling ako. “Wala na po.”

Dumiretso ako sa pool area at binaba ang tuwalya sa isang sun lounger. Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Agad akong nag-dive sa tubig para malamigan ang ulo kong nag-iinit.

I paddled my feet and arms. I swim back and forth. Paulit-ulit ko lang ito ginawa hanggang sa makaramdam ako ng pagod. I decided to float myself while staring at the wide and big blue sky.

“Ano ba kasi ang totoong nangyari at palutang-lutang ka riyan sa tubig?”

Kahit na hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino ang nagsalita. Sino pa ba kasi ang taong titiis sa ‘kin at may lakas ng loob na kausapin ako kapag bad mood ako?

“Anong ginagawa mo rito?” I asked as I closed my eyes.

“Wala. Hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko, e. What happened ba kasi? Manang told me sa call na you’re sleeping daw tapos mararatnan kitang nakalutang diyan. Hindi ka ba makatulog?”

“I met him,” I said as I closed my eyes. “Nakita ko siya kanina. Sa mall.”

“Si Juswa?”

I didn’t reply. Wala rin akong balak na magsalita. Alam na niya ‘yon. Hindi ko na kailangan pang i-enumerate lahat dahil alam kong alam niya kung ano ang laman ng utak ko ngayon.

“Oh my gosh, sa mismong mall kung saan mo rin ulit nakita si Fox Madrid?!” gulat nitong ani.

I hummed. “Lower down your voice. Masakit sa tenga.”

Sanay naman si April sa pagiging harsh ko magsalita. Alam na alam niyang wala ako sa mood ngayon.

“Gagi, ang lala naman nu’n.” Narinig ko itong humalakhak kaya dinilat ko ang aking mga mata at sinamaan siya ng tingin. Tumigil naman io sa pagtawa saka nag-peace sign sa ‘kin. “Pero seryoso, trending ka ulit. But this time, kitang-kita na ang mukha mo. Marami ngang hanash mga tao sa ‘yo, e.”

“Is he really that famous?” I asked. Tumingin ulit ako sa maaliwalas na kalangitan. “Why are they making a big deal out of it? Parang handa na silang makipagpatayan para lang diyan sa lalaking ‘yan. Is he an actor? An idol? A famous someone?”

“Yes,” she replied. “He’s a famous someone. Alam mo, maraming babae ang handang lumuhod para sa kanya. They are more than willing to kneel in front of him. Sikat siya dahil bukod sa gwapo siya, mayaman din. Kaya niya ngang bayaran ang utang ng bansa natin, e.”

I mentally facepalm to myself. Halata naman, e. Relo pa lang niya, kaya na niyang bayaran apat na taong tuition fee ko.

“Oh tapos? Mapapasakanila ba?” pamimilosopo ko rito.

“Hindi rin.” Humalakhak itong muli. “Sa pagkakaalam ko kasi, may fiancée siya. She’s in Paris right now according to them. Hindi ko lang alam kung kailan ang kasal niya.”

Nawalan ako bigla ng balanse na siyang ikinalunod ko. Mabilis ko namang iniahon ang aking sarili at nanghilamos sa ‘king mukha saka siya tinignan.

“What do you mean? He’s engaged?! May fiancée siya?!” halos gulantang kong tanong. “You mean… I hooked up with someone taken?”

She slowly nodded her head and smiled. “Sort of…”

“Does that make me a mistress?”

“Kind of.”

Malakas akong tumili. Hindi pwede. I’m just someone who is broken hearted! And knowing that I just hooked up with someone makes me feel that I am not different from Joshua!

“Tang ina…” Sunod-sunod akong napamura. “Hindi pwede. Shit… hindi ko alam na may fiancée siya!”

“Naku, don’t overthink. Baka break na sila o ano ba. Hindi naman siguro cheater si Fox, e.” She shrugged her shoulders. “But then on the other hand, he’s known for being a manwhore. Even during his college days. Marami ng napaiyak na babae matapos nila malamang hindi sila siniseryoso ni Fox. Baka ganun din ang fiancée niya, ‘di ba. Think positively, Ivy.”

I looked at her in disbelief. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo? April, may fiancée siyang tao! What makes me different from him?!”

She shrugged her shoulders. “Hindi mo naman alam, e. At saka, h’wag mo nan gang isipin ‘yon. Pati tuloy ako nag-o-overthink na, e.”

I took a deep breath and massaged my temple.

Yeah, right. Hindi ko alam. I am innocent. Wala na akong kinalaman diyan. Hindi ako tulad ni Joshua.

Yeah, right. I’ll just keep convincing myself about that.

Mga Comments (17)
goodnovel comment avatar
Cherry Ollano Natividad
pinge po full story please thank you.
goodnovel comment avatar
Ritz Co
ganda ng novel
goodnovel comment avatar
Ainz Estrella
ampamgit basahin kasi putol2...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status