Lumipas ang buong dalawang linggo at pilit kong binabaon sa limot ang mga nangyari. Masaya si Mommy na malamang hiwalay na kami ni Joshua. And then she started talking about that childhood sweetheart of mine that she wants me to marry.
Napahilot ako sa ‘king sintido at bumaling sa labas ng bintana ng aking silid. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Today’s Friday, just the same as the day where I decided to go club and drank myself, creating another stupid mistake.
Bahagya ng humuhupa ang issue tungkol doon sa lalaking naka-one night stand ko. And thankfully, God didn’t let our paths cross once again. Well, the world is too big. Hindi ko lang mawari sa iba kung bakit lagi nilang linya ang salitang ‘the world is too small’. E ang laki nga ng mundo, e.
Humugot ako ng malalim na hininga at nag-decide na lumabas muna ngayon at aliwin ang aking sarili sa shopping. Bumangon ako sa kama at nagtungo sa ‘king closet para mamili ng aking damit. Napili ko ang isang kulay maroon na shirt at itinuck in ko ito sa ‘king suot na kulay puti. I know it will turn out messy later but I don’t care. Matapos ay nagsuot ako ng sandals at bumuntong hininga.
Nang mapansin kong handa na ako ay saka lamang ako lumisan sa ‘king silid. Pinagpapasalamat ko na wala si Mommy at Daddy. Si Daddy ay na sa trabaho habang si Mommy naman ay hindi ko alam kung nasaan. Minsan lang siya lumabas kaya baka inaya na naman siya ng kanyang kumare na lumabas.
“Aalis ka, hija?”
Napatingin ako sa nagtanong at tipid na tumango sa mayordoma. “Mag-wi-window shopping ako, Manang. Kapag po nauunang umuwi sa ‘kin si Mommy, pasabi na lang pong hindi ko kikitain si Joshua.”
She smiled and nodded her head. “Sige, mag-iingat ka.”
Hindi na ako nagsalia pa at agad na lumisan. Ihahatid pa sana ako ng private driver namin ngunit tumanggi ako. Wala ako sa mood na magkaroon ng taong susunod-sunod sa ‘kin. I want some time to be alone and to be myself.
Pumara ako ng taxi at agad ako nitong hinatid sa destinasyon ko, sa mall. At habang na sa biyahe, abala ako sa pangangalikot sa ‘kin phone. Masaya akong humupa na ang issue ngunit wala namang pinalit na magandang balita. May iilan pa namang nag-uusap tungkol doon sa naka-one night stand umano ni Fox ngunit hindi na gaanong maugong.
“Nandito na po tayo, Ma’am.”
I hummed. Nagbayad na ako rito at agad na lumabas. Bahagyang umihip ang hangin at tinangay ang mga takas kong buhok. I tuck some strands of my hair behind my ears before walking towards the building.
At dahil Sabado ngayon, marami akong nakikitang mga magbabarkadang namamasyal. Meron ding mga magkakapamilya. At hindi mahuhuli ang mga magkasintahan. Hindi ko maiwasan mapangiti ng mapait.
I used to hang out with Joshua here before. Lalo na sa tuwing matatapos ang afternoon class namin. We spend hours here and enjoying each other’s company.
Ilang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin naghihilom ang sakit na dulot ni Joshua sa ‘kin. Hindi ko lubusang maisip na sobrang dali lang sa kanya na iwanan ako. Na ipagpalit ako.
Nagtungo ako sa second floor at nagtungo sa botika ng mga dress at gown. Sa totoo lang ay hindi talaga Hotel and Restaurant Management ang gusto kong kurso. I want to become a fashion designer. I love to design my own clothes. I want to sew a dress… a wedding dress.
Pero hindi magkatugma ang kagustuhan namin ni Mommy sa dapat na mangyari sa buhay ko. She wanted me to study HRM so I can help her manage her Hotel Business someday. Being a designer isn’t her thing. Wala raw akong mapapala sa ganu’n.
“Hello, Miss! Looking for a dress?” pagbati sa ‘kin ng saleslady.
Umiling ako. “Hindi. May tinitignan lang.”
Tumango naman sa ‘kin ang saleslady at agad akong iniwan. Pinagpatuloy ko ang aking ginawang pagtingin-tingin sa mga dress at gown. Hanggang sa isang wedding gown ang aking nakita. Nilapitan ko ito at hinawakan ang fabric.
Beautiful and gorgeous. That is how I describe the gown.
“Maganda ‘no?”
Wala sa sarili kong nilingon ang nagsalita at agad na sumalubong sa ‘king paningin ang isang babaeng nakasuot ng kulay lila na dress. Nakatingin din ito sa dress.
“Alam mo bang gawa ang dress na ito sa isang pinakasikat na fashion designer noon. This wedding gown is a custom made gown. Pero nakakalungkot isipin na binibenta ito rito sa murang halaga.”
“Why?” I asked out of the blue. I’m certain this is an expensive gown. The fabrics used are expensive. “Why did they put this up on a sale?”
“The bride who wore this gown… ran away at her own wedding day.” She chuckled. “Sinira niya ang sariling kasal.”
Nangunot ang aking noo. “Seriously? It’s a wedding. Baka fake news ‘yan.”
“After running away from her wedding, the wedding was off. So the family decided to put this up for rent. And you know what the first person who rented this gown did?” She looked at me. “She ran away.”
Mas lalo akong naguluhan sa narinig. “Ano? Nagbibiro ka ba? So you’re telling me that this gown has a curse or something? That ridiculous.”
Tumingin ako sa gown. This gown is such a masterpiece. Sinong tanga ang rerenta o magpapagawa nito tas sisirain ang kanyang sariling kasal. That’s plain bullshit. Hindi kapani-paniwala.
“I don’t know. I just heard that story after my grandmother bought this gown,” she replied. “She bought this out of curiosity after my grandfather died.”
Grandmother? Ibig sabihin ay luma na ito? Ngunit bakit ganon? Mukha itong bagong-bago na parang hindi napaglipasan ng panahon.
I shook my head. “Did you wear this on your wedding day?”
“No,” she replied. “Though I really want to wear it.”
Napaangat ang aking isang kilay. “Bakit?”
She smiled at me. “You can have the dress. I’ll give it to you for free.”
“Huh? Bakit? No. I’m not looking for a dress─”
“Take good care of it and maybe… maybe one day you can change how people who heard this story view this beautiful wedding gown.”
Bago pa man ako makapagsalita ay tumawag na siya ng isang tauhan para ipabalot ang gown at wala akong ibang magawa kundi ang panoorin siya.
Saka ko lang nalamang siya ang may-ari ng botika na pinasukan ko, kung saan galing ang wedding gown na nasa loob ng paper bag na bitbit ko ngayon.
“Take care,” she said. “And I wish you the best.”
I looked at her weirdly before I left. Para akong lutang habang naglalakad. Ni hindi ko nga alam kung saan ako papunta kaya nang makadaan ako sa food court ay huminto ako roon at naghanap ng bakanteng mesa.
Matapos kong makaupo ay wala sa sarili kong tinignan ang paper bag na aking nilapag sa mesa at umismid. Hindi ko alam kung para saan ko ‘yan gagamitin. Wala na rin naman akong planong magpakasal, e.
Sumagi sa ‘king isipan ang sinabi sa ‘kin ni Mommy at Daddy na ipapakasal nila ako sa anak ng kanilang kumara. Makes me think… baka kaya ito ang suotin kong damit at takbuhan ang sariling kasal?
“Oh my gosh! He’s here!”
Nagulat ako nang makarinig ako ng isang matinis na sigaw. Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na ‘yon at mula ‘yon sa grupo ng mga kababaihang kaedad ko lamang. Nakatitig sila sa isang deriksyon kaya wala sa sarili akong tumingin sa kanilang tinuro.
My left brow raised when I saw a group of… guards? Hindi ko alam. At hindi rin ako interesadong alamin. Gutom na ako at dahil bagot na ako sa kakaupo roon ay tumayo na ako at natungo sa isang stall.
And when I was just a few steps away, someone pushed me off making me lost my balance. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at hinintay ang sariling bumagsak sa lapag nang may biglang humawak sa ‘king beywang at hinapit ako.
My hand held the person’s shoulders tightly. Masakit mahulog sa lapag kaya ayokong mahulog. Mukhang na-gets naman ng taong kinakapitan kong ayaw kong mahulog dahil hinigpitan nito ang pagkakahapit sa ‘king beywang.
“Oh my gosh!”
“Kunan niyo ng video, dali!”
“The nerve of her to touch Fox!”
Sa huling saad ng isang babaeng tinig, wala sa sarili kong dinilat ang aking mga mata at bumungad sa ‘kin ang mukha na hina-hunting ako ng isang linggo sa ‘king panaginip.
Si Fox!
Nagmamadali ko itong tinulak at mabilis kong binalanse ang aking katawan. I immediately took a step back and looked down. Saka ko lang napansing marami ang nakatingin sa ‘min at kadalasan ay mga kababaihan.
“S-sorry,” mahinang saad ko at nagmamadaling tumalikod. As much as possible, I don’t want him to see my face! Baka makilala niya ako o ano.
“Wait,” saad nito sa buo at malamig na tinig na siyang nagpahinto sa ‘kin. “Didn’t your parents taught you to say thank you after─”
Bago pa man nito matapos ang kanyang sasabihin ay humarap ako rito ng nakatungo. “Thank you!”
And with that, I immediately ran to my table and grabbed the paper bag before running away. Bawat taong nadadaanan ko ay napapatingin sa ‘kin na para bang isa akong weird na nilalang.
Nang makaliko ako sa isang hallway ay agad akong tumigil sa pagtakbo. Sumandal ako sa pader at tumingala para suminghap ng hangin. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi nang maramdaman ko ang pananakit ng aking tagiliran.
“Ivy?”
I closed my eyes and pretended I didn’t hear the voice who just called my name. Shit. Sunod-sunod na mahinang mura ang pinakawalan ko dahil sa labis na katangahan ko ngayong araw na ito.
“Ivy?”
Palapit nang palapit ang boses na ‘yon kaya wala akong ibang mapagpipilian kundi ang idilat ang aking mga mata at lingunin ang tumawag sa ‘king pangalan.
Sino pa ba? Sino pa bang taong kayang makipaggagohan sa ‘kin kahit na trinato ko siya ng wasto.
“Anong kailangan mo?” malamig kong baling dito.
“I saw what happened a while back.” He smiled. “Don’t worry, I already explain─”
“Oh, tapos?” Mas lalong lumamig ang aking tinig. “Should I be thankful? Should I praise you for doing that?”
Umiling ito. “Hindi naman sa ganu’n. Look, Ivy, bumabawi lang ako. I know I hurt you so much─”
“You didn’t hurt me,” I cut him. “But your actions did. So please, leave me alone. Ayokong makita ang pagmumukha mo.”
“Ivy─”
“Ano sa salitang alis ang hindi mo maintindihan? Naging bobo ka na ba? O baka dahil laman ng utak mo ay puro kalibugan?” diretsa kong saad. “You know what, if you can’t leave, then I will.”
Hindi ko na hinintay ang magiging sagot nito. Agad ko siyang tinalikuran at umalis. Hindi ko kayang makita siya ng matagalan dahil parang may kung anong pumipiga sa dibdib ko sa tuwing nakikita ko siya.
Nang makalabas ako ng mall ay agad akong pumara ng taxi pauwi. Nakakainis! Hindi ko man lang naaliw ang sarili sa paglilibot ng mall dahil sa nangyari kanina.
Pero teka… sa lahat ng taong pwedeng makabanggaan ko… bakit si Fox pa?
Pinilig ko ang aking ulo at hinilot ang aking sintido. Hindi ko ma-gets ang logic. Iisipin ko sanang coincidence ngunit hindi ako naniniwala sa ganoong klaseng pangyayari. There is no such thing like coincidence.
As soon as I arrived at my house, I went to my room and threw the stupid paper bag on the bed. Kinuha ko ang isang throw pillow at dumapa ako sa kama saka ako tumili ng malakas.
I feel like magiging trending ang nangyari kanina. Maraming tao ang nakakita at talaga namang bigating tao si Fox Madrid kaya uugong na naman ang pangyayaring ‘yon.
Malakas kong hinampas-hampas ang kutson ng aking kama at binaon ang aking mukha sa unan sabay tili. Matapos kong tumili dahil sa kahihiyan at pumatak naman ang luha sa ‘king mga mata dahil kay Joshua.
“Fuck…” I murmured.
Hindi ko dapat iniiyakan ang tulad niyang walang kwenta. Ang tulad niyang hindi naman karapat-dapat na iyakan. Pero heto ako, umiiyak at humihikbi dahil sa kanya.
My phone vibrated inside my pocket. Kahit na wala akong gana na sagutin ito ay bumangon ako at hinugot ito mula sa ‘king bulsa. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at muli akong nagmura nang mabasa ang pangalan ni April.
“Ano?” bagot kong bungad.
“Oh my gosh! Beshy! Ikaw ba ‘to?! Tang ina, sikat ka na!”
Hindi ko na gustong marinig ang susunod na sasabihin nito kaya agad ko siyang pinatayan ng tawag bago pa man siya makapagsalita. Sakto namang may kumatok sa pinto kaya mabilis kong pinunasan ang luha sa ‘king pisngi at nilapitan ang pinto.
Binuksan ko ito ngunit isang makakasukang amoy ang bumungad sa ‘kin.
“Ivy, kumain ka muna nitong─”
Hindi nito natapos ang kanyang sasabihin nang bigla akong makaramdam ng duwal sa kanyang harapan.
“Ayos kang lang ba, Hija?”
I was about to nod my head but I couldn’t take it. Tinakbo ko ang distansya ng aking banyo at doon sumuka sa sink.
“Diyos ko. Anong nangyayari sa ‘yo?” parang nagugulantang saad niya.
Hindi ako nagsalita dahil kahit ako… hindi ko alam kung ano na ang nangyayari.
“Inumin mo muna ito para mainitan tiyan mo,” saad ni Manang Mary sabay abot sa ‘kin ng isang tasa ng paborito kong coffee.Tinanggap ko naman ito. Ngunit nang malanghap ko ang amoy nito ay nakaramdam na naman ako ng pagkaduwal kung kaya’y muli kong binigay kay Manang ang tasa.“Bakit? Ayaw mo ba nito?” takang tanong niya. I gulped and massaged my temple. “A-ayos lang po ako, Manang. May nakain lang pong masama.”Tinitigan muna ako nito bago siya sumagot. “Oh siya, sige. Maiwan muna kita rito at nang makapagpahinga ka. Gusto mo bang lutuan kita ng sopas?”Kahit na hindi ako mahilig sa sopas ay agad itong nagpaalam para makapagluto siya. Habang ako naman ay humiga na sa kama at pinikit ang aking mga mata. Abala pa rin ang isip ko sa kakaisip kung bakit ako nasusuka nang maamoy ko ang aking paboritong kape.Muli akong napatingin sa aking phone nang bigla itong mag-ring. Kaagad akong napairap sa isiping si April na naman ito dahil pinatayan ko siya kanina ng tawag.Bagot kong inabot ang
Umupo ako sa couch habang laman pa rin ng aking isip ang nangyari kanina, lalo na ang naging usapan namin ni April kanina sa pool. Hindi ko matanggap ang impormasyong narinig ko. Kung siguro ay sinabi ni April na may ka-fling siya ay baka hindi ako mag-o-overthink ng ganito. Ngunit fiancée niya ‘yon. Ibig sabihin ay malapit na niya maging asawa. Tapos naka-one night stand ko pa! “Hija, ayos ka lang?” Wala sa sarili akong napatingin sa nagsalita. I nodded my head and forced a smile. “O-opo, Manang Mary. Ayos lang po ako.” “Anong gusto mong ulam? Magluluto na ako dahil pauwi na ang Mommy mo,” she said. I touched my lower lip and played with it. “Siguro po… chicken?” Agad naman itong tumango. “Sige. Magluluto na ako.” Tipid akong tumango sa kanya at nang iwan niya ako sa sala ay muli na naman akong tumulala. I feel so awful about myself. Kung sana lang ay isa ako sa mga taong kapag nalalasing ay nakakaya pa ring alalayan ang sarili. Pero hindi, e. Dahil sa katangahan ko ay mas lalo
“Mommy, I told you I am fine. Hindi naman malala itong nararamdaman ko,” I said. Umiling ito. “Hindi, Ivy. I’m getting worried. We need to know why exactly you’re feeling like that.” Napasimangot ako. Hindi ko alam kung iba ang kutob ko. Humugot na lang ako ng malalim na hininga at umakyat sa ‘king silid. She’s been calling her doctor friend times in a row. Kahit gabing-gabi na ay hindi ‘yon inisip ni Mommy. As soon as I entered my room, I dropped my body on the bed. Hindi ko alam ngunit wala akong gana ngayon. Ewan ko ba ngunit mas lalo akong nawala sa mood dahil sa pamimilit ni Mommy na kumunsulta ako ng doctor dahil sa ‘king pagsusuka. Bakit nga ba ako nagsusuka in the first place? Wala naman akong nakaing masama? At kung meron meron man… ano ‘yun? I can’t recall a thing. “Tinolang pakbet!” gulat akong napabangon nang biglang mag-ring ang phone ko. Sinapo ko ang aking dibdib at masamang tinignan ang aking phone. Pinulot ko ito at muling humiga sa kama nang nakatihaya at nakati
Pagdating naming ng ospital ay dumiretso kami sa opisina ng doctor na kakilala ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit ang daming koneksyon ni Mommy e hindi naman kami mayaman. But well, it’s not my business anyway.“Good morning, Dr. Feliz,” nakangiting sambit ni Mommy nang makapasok kami sa silid nito.Inilibot ko ang aking tingin at bahagyang napangiwi nang mapansing puro certificate ang nakadikit dito. Meron ding mga photo frames ng mga grupo ng doctor.“Good morning, Mrs. Bartolome. It’s so nice to see you again,” pagbati pabalik ng doktora na nakaupo sa swivel chair. Tumayo ito at umikot sa mesa para makipagbesohan kay Mommy.“It’s nice to see you too, Dr. Feliz. I’m really sorry for knocking on your schedule. I’m just really concerned about my daughter.” Nilingon ako ni Mommy kaya agad akong humakbang palapit. “Anyway, Dr. Feliz. This is my daughter, Ivy Shane Bartolome.”Tumingin sa ‘kin ang doctor at ngumiti. “Hello, Ivy. You’re pretty.”Awkward akong ngumiti at tumango. “T-thank
The day has come. Ang araw na bukas ay dapat wala na ako sa bahay na ito. Mommy is not talking anything to my Dad about my pregnancy. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para mapilit si Mommy na h’wag akong palayasin.Kasi paano na ako? Saan ako mananatili?Isa sa rason kung bakit iniisip kong ipakuha na lang ang bata. For my parents to accept me again. Hindi naman ako pwedeng maghabol kay Fox dahil hindi niya nga siguro ako naaalala dahil sa dami ng naging babae niya. At isa pa roon ang rason na ikakasal na siya. Hindi ako pwedeng maging kabit. Ayoko. Hindi ako bababa sa label na ‘yon.“Ayos ka lang ba anak?”Napatingin ako sa nagsalita at pilit na ngumiti. “Hey, Dad.”“What happened? Kanina ka pa tulala,” he said.I bit my lower lip and shook my head. “Wala naman po, Dad. I’m fine. Don’t worry about me po.”Hindi ko magawang sabihin kay Daddy ang totoong nangyayari. Ayokong makakita ng disappointment sa kanyang mukha dahil alam kong mataas ang tingin sa ‘kin ni Daddy. He ado
My whole body trembled as I watch the man walk up on stage. Hindi ko maialis ang aking tingin sa kanya. I can’t believe what I am seeing right now. Kinakailangan ko pang kurutin ang aking sarili para masabi kong totoo itong nakikita ko.The host handed him the mic. Nang matanggap niya ang mic ay tumingin siya sa mga guests. Nakatutok sa kanya ngayon ang spotlight, ganoon din ang atensyon ng mga tao. Natahimik ang lahat nang makitang na sa entablado na siya.“Good evening, please enjoy the night.”Napaangat ang aking kilay nang wala ng sumunod na kataga pang lumabas sa kanyang bibig. Mas lalo akong naguluhan. Ganoon ba talaga katipid siya magsalita?“Ivy?” A flick of finger in front of my face wakes me up from my deep monologue. Nilingon ko ang may gawa nu’n at nabungaran ko si Daddy na kunot-noong nakatingin sa ‘kin. “What happened? You looked like you’ve seen a ghost. Are you alright?”Napalunok ako at sunod-sunod na tumango. “O-opo. I-I’m fine, Dad.”Rinig ko ang pag-ismid ni Mommy.
“Ivy?”Hindi ako nagsalita. Nanatili lamang akong nakatitig sa puntod ni Mommy at Daddy. Hindi pa rin ako makapaniwala. I still can’t believe this is actually happening to me. Parang kahapon lang…“Hija, kailangan mo ng umuwi. Tayo na lang ang naririto. Mukhang bubuhos ang malakas na ulan ngayon,” sambit ni Manang Mary.I smiled bitterly. “Hayaan niyo po muna ako rito, Manang. Uuwi rin po ako.”“Pero uulang, hija.”“Sisilong po ako,” I shortly replied.I heard her sighed. Mukhang alam na niyang hindi na niya ako mapipilit pa kung kayat nagpaalam na itong umalis. I took a very deep breath and closed my eyes.Saktong pag-alis ni Manang Mary ay siyang pagbuhos ng malakas na ulan ngunit hindi ko ito inalintana. Mas lalo pa akong maiyak nang umihip ang malamig na hangin na parang niyayakap ako.“Mommy… bakit niyo ako iniwan agad?”That night… I lost both of my strength. Parang gumuho ang mundo ko noong narinig ko ang balitang dead on arrival sila Mommy at Daddy.Since then, I keep blaming
Tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Wala akong matinog kain simula nang mamatay sila Mommy ngunit pansin pa rin ang pagsisimula ng aking pananaba sa pagbubuntis. Hinawakan ko ang aking tiyan at bumuntong hininga. Ngayon ay nagdadalawang isip na akong ipalaglag ang bata. Wala na akong pamilya. Mommy and Daddy left me alone in this cruel world and didn’t have the chance to teach me how to survive. Wala na akong ibang pamilya. Hindi ko kilala ang mga relatives ni Mommy o kahit ni Daddy. Wala akong ibang makapitan. Hindi ko alam kung sino angg lalapitan ko ngayon. Pagod na pagod na ako. I am mentally, physically, and emotionally tired. Parang gusto ko na ring magpahinga. Gusto kong matulog na hindi nagigising. But then now that I am alone, I have to face this reality. Hindi pwedeng palagi akong magmummukmok dito sa bahay. I need to continue my life. I have to. Tumingin ako sa perang nakalatag sa kama. Ito ang lahat ng perang ibinigay sa ‘kin galing sa kompanya na pinagt