LOGINTahimik ang buong silid nang hawakan ni Cassandra ang ballpen. Nakatingin siya sa annulment papers, parang ito ang pinakamabigat na desisyon sa buong buhay niya. Ang mga kamay niya ay nanginginig, at ang puso niya’y tila umaalog sa dibdib.
Ito na ba talaga? Kung pipirma ako, mawawala ang lahat… pero kung hindi, habang buhay na akong nakakulong sa crown na hindi ko pinili. Dahan-dahan niyang isinara ang ballpen at ipinikit ang mga mata. Hindi pa siya handa. Hindi pa ngayon. Kinabukasan, maaga siyang bumangon. Nagtungo siya sa veranda, hawak ang isang tasa ng kape. Ang hangin ay malamig, pero ang dibdib niya’y mainit sa kaba. “Good morning, Cass.” Napalingon siya at nakita si Marco. Nasa labas ito, may hawak na ilang piraso ng tela. Pinapasok niya ito. “Marco… I don’t know if I can do this,” mahina niyang sabi. “Nathaniel gave me annulment papers. He’s serious this time.” Umupo si Marco sa tabi niya. “Cass, I know it’s scary. But ask yourself—mas natatakot ka ba sa pagkawala ng pangalan at yaman… o sa pagkawala ng sarili mo?” Natigilan si Cassandra. Tila baga iyon ang tanong na pilit niyang iniiwasan. Kinahapunan, tumungo si Cassandra sa fashion institute. Nandoon ang mga organizers ng showcase. Ipinakita nila sa kanya ang entablado, ang ilaw, at ang runway kung saan lalakad ang kanyang mga disenyo. “Mrs. Lee,” sabi ng director, “you have real talent. But we also heard some… noise. There are rumors that your husband might try to stop this.” Nanlamig si Cassandra. “What do you mean stop this?” “Powerful men have ways, you know,” sagot ng director, maingat ang tono. “But don’t worry, we believe in your vision. Just be prepared.” Habang nakatayo siya sa gilid ng runway, napakagat-labi si Cassandra. Handa ba talaga akong lumaban sa isang imperyo? Pag-uwi niya sa mansyon, nagulat siya nang makita si Nathaniel sa sala, nakaupo at nakatitig sa kanya. May hawak itong baso ng alak. “Where have you been?” malamig na tanong nito. “Sa institute,” tapat na sagot ni Cassandra. Tumayo si Nathaniel, mabigat ang bawat hakbang. “You really are choosing them over me. Over us.” Napaluha si Cassandra, pero hindi siya umatras. “I’m not choosing them, Nathaniel. I’m choosing myself.” Tumawa ito, mapait. “Yourself? Do you think the world will care about Cassandra without the Lee name attached to it? Wala kang halaga kung wala ako.” Parang tinusok ng karayom ang puso niya, pero pinilit niyang magpakatatag. “Kung gano’n ang tingin mo sa akin, mas lalo kong kailangang lumaban.” Lumipas ang mga araw, mas naging abala si Cassandra sa paghahanda. Kasama si Marco at ang ilang estudyante mula sa institute, nagsagawa sila ng fitting at rehearsals. Habang pinapanood niya ang mga models na nagsusuot ng kanyang gowns, hindi niya mapigilang mapangiti. Ang mga simpleng sketches na tinago niya sa loob ng maraming taon ay nabibigyang-buhay na ngayon. “Cass,” bulong ni Marco, “this is it. You’re finally stepping into the light.” Ngumiti siya, ngunit sa loob niya, ramdam niya ang anino ni Nathaniel na laging nakasunod. Isang gabi, habang papalabas siya ng institute, may lumapit na isang lalaki. Isa itong assistant ni Nathaniel. May iniabot itong sobre. Binuksan niya iyon at nakita ang isang liham. “Withdraw from the showcase or face the consequences. This is your last chance.” Nalagutan ng hininga si Cassandra. Kinabukasan na ang rehearsal na may press coverage, at heto na ang pagbabanta. Niyakap niya ang sobre at mabilis na tumakbo papunta sa sasakyan. Hindi na lang ito tungkol sa pangarap ko. Ito na ay laban sa pagitan ng pagiging alipin at pagiging malaya. Pag-uwi, hindi na siya nagpatumpik-tumpik. Dumeretso siya sa study room kung saan abala si Nathaniel. “Stop threatening me, Nathaniel!” sigaw niya habang hawak ang sulat. “You can’t control me anymore.” Dahan-dahang tumingin si Nathaniel sa kanya, malamig ang mga mata. “I warned you, Cassandra. You think you’re ready to face the world without me? You’ll be crushed.” Napahikbi si Cassandra, pero tumindig siya nang diretso. “Mas pipiliin kong mabasag sa sarili kong laban… kaysa mabuhay nang buo pero hawak mo lang.” Saglit na natahimik si Nathaniel, tila hindi makapaniwala na nasabi iyon ng asawa. Ngunit imbes na magalit, ngumiti ito—isang mapait at nakakatakot na ngiti. “Very well. Let’s see how far you’ll go.” Dumating ang araw bago ang fashion showcase. Lahat ay handa na—ang runway, ang ilaw, ang mga gown. Ngunit si Cassandra, halos hindi makatulog. Nasa tabi niya ang annulment papers. Sa kabilang dulo ng kama, nakalatag ang kanyang pinakamagandang disenyo—isang puting gown na sumisimbolo ng kalayaan. Huminga siya nang malalim. “This is it. Bukas, malalaman ko kung kaya ko talagang bitawan ang crown.” Kinabukasan, maaga siyang pumunta sa venue. Nandoon na ang mga press, fashion critics, at iba’t ibang personalidad. Ang kanyang pangalan ay nasa listahan ng mga bagong designer na ipakikilala. Ngunit bago pa man magsimula ang rehearsal, lumapit ang director sa kanya. “Cassandra, we just received a call… The Lee Corporation is pulling out their sponsorship from this event. Without them, half of our funding is gone.” Parang gumuho ang mundo niya. Nathaniel… “Should we cancel your segment?” tanong ng director, nag-aalangan. Napatitig si Cassandra sa kanyang mga disenyo. Ilang taon na siyang nakatali sa pangalan ni Nathaniel. Kung ngayon siya aatras, kailan pa siya lalaban? “Don’t cancel it,” mahina pero matatag niyang sagot. “I’ll show my designs, kahit anong mangyari.” Habang inaayos ang mga gowns sa backstage, nakarinig siya ng bulungan mula sa mga staff. “Did you hear? Nathaniel Lee is here. He’s in the audience.” Nanlamig si Cassandra. Sa unang pagkakataon, haharapin niya si Nathaniel hindi bilang asawa niya… kundi bilang kalaban. At nang sumilip siya sa kurtina, nakita niya ito—nakaupo sa front row, malamig ang titig, tila naghihintay ng pagkatalo niya. Humigpit ang hawak niya sa tela ng gown. Ito na… lalaban ako. Kahit siya pa ang kaharapin ko.“Are we finally ready?”Tanong ni Cassandra habang inaayos ang manipis na balabal ni Elera sa may balikat.“Mom, ilang beses mo na po yang inayos,” tawa ni Elera. “Hindi naman po ako lalamigin agad.”“Hindi ‘yan,” sagot ni Cassandra habang tinatapik ang buhok ng anak. “Gusto ko lang sure ako na presentable ka.”Sumingit si Nathaniel, nakasandal sa poste ng karwahe.“Cass, huwag mong kalimutan—dalawa ‘yang anak natin. Kung si Elera ay inaayos mo, sino mag-aayos kay Alaric?”Agad na napatingin si Cassandra, at muntikan nang matawa.Nakahawak si Alaric sa sinturon ng suot niyang travel uniform—pero mali… sobrang higpit. Para siyang kinukulong nito.“Anak,” natatawang sabi ni Cassandra, “paano ka hihinga n’yan?”“Ma, sabi ni Dad kaya raw dapat mahigpit kasi ‘royal posture’,” reklamo ni Alaric.Napalingon ang lahat kay Nathaniel.Nagtaas ng dalawang kamay ang Hari.“I did not say that.”Pero halata sa smirk niya na oo, siya nga ang nagsabi nun.Napailing si Cassandra. “Lord… dalawang oras
Sa gitna ng tahimik at maaliwalas na umaga, naglalakad lang ang kambal—si Alaric at Elera—sa royal garden, bitbit ang mga scroll na kailangan nilang aralin mamaya. “Kuya…” tawag ni Elera nainom ng milk na dala ng isa sa mga handmaids. “Sure kaba talaga na hindi mo sisirain yung schedule natin mamaya? Kasi last time, bigla kang nag-sparring kahit dapat diplomacy class tayo.”Umangat ang kilay ni Alaric. “Hindi yun kasalanan ko. Si Sir Galeno ang nag-challenge sa’kin.”“Challenge ka d’yan,” pang-aasar ni Elera. “Nung tinanong ka pa nga kung handa ka ang sagot mo—”Tinaas niya ang boses, ginagaya ang tono ng kapatid:“I was born ready.”Tumawa si Elera, halos masamid sa milk. “Ewan ko sa’yo, Kuya. Hindi lahat laban.”“Hindi rin lahat tea party,” sagot ni Alaric, tumatawa rin.Pero bago pa sila makapagpatuloy, biglang may rumagasa na tunog mula sa kabilang side ng garden.Takbo. Maaring pagod. Halatang panic.“P-Princess Elera! Prince Alaric!” sigaw ng messenger mula sa watchtower.Nagk
Umagang-umaga pa lang, ramdam na agad sa buong palasyo ang kakaibang excitement. Hindi ito yung tipong may festival o coronation — Kasi today…Una nilang official mission bilang mga heirs.Sa hallway pa lang, rinig na ang sigawan.“Kuya! Ang bag ko nasaan?!” sigaw ni Elera habang paikot-ikot na parang ipo-ipo.“You left it on the training field— AGAIN,” sagot ni Alaric habang nagtatali ng boots. “Hindi ba kahapon lang sinabi kong ayusin mo ang gamit mo?”“Eh nag-practice ako ng speech ko!” sagot ni Elera, naka-pout. “You know naman, kailangan perfect ang pagpresent ko sa mga tao!”“Hindi naman ‘to presentation, El. Mission ‘to. As in trabaho. Work. Responsibility.”“Traba-whaaat?” sabay tawa ni Elera.Nag-facepalm si Alaric.Huminto ang usapan nang dumating si Cassandra na may hawak na isang malaking basket ng pagkain.“Good morning, my kids,” nakangiti niyang bati. “Breakfast muna before your mission.”“Mom, mission nga eh,” sabi ni Alaric, nagmamatigas pero gutom na.“All missions
Kinabukasan matapos ang engrandeng festival, tahimik ang buong palasyo. Pero ‘yung klaseng tahimik na puno ng saya — hindi dahil pagod, kundi dahil fulfilled ang lahat.Ang mga banderitas ay unti-unting tinatanggal ng mga royal attendants, at ang mga lansangan ay punong-puno pa rin ng mga kwento tungkol sa “The Twin Heirs’ First Festival.”May mga bata pa ngang nagkukwentuhan sa kalsada:“Grabe ‘yung sayaw ni Princess Elera! Parang fairy!”“At si Prince Alaric! Ang cool n’ya nung nag archery, parang walang mintis!”Habang pinupuri sila ng mga tao, nasa royal garden naman ang buong pamilya — Nathaniel, Cassandra, Alaric, at Elera — nakaupo sa ilalim ng malaking puno ng golden magnolia.“Grabe, I can’t believe tapos na agad ‘yung festival,” sabi ni Elera, naka-sandals lang at kumakain ng manggang hinog. “Parang kahapon lang nagpa-practice pa tayo.”“Technically kahapon nga,” sagot ni Alaric habang nagbibilang ng mga darts na ginamit nila sa archery booth. “At technically, ikaw ang pinak
Mula umaga pa lang, buhay na buhay na ang buong kaharian. Ang mga kulay bughaw at gintong banderitas ay nakasabit sa bawat kanto. May mga mang-aawit, mananayaw, at vendors na nagtitinda ng kung anu-anong masasarap na pagkain—mula roasted boar hanggang matatamis na pastries na may hugis korona.Today is The First Royal Festival of the Heirs — at sina Prince Alaric at Princess Elera ang espesyal na bida at organizer.Sa loob ng palasyo, sobrang busy ng kambal. Takbo dito, takbo doon.“Kuya, na-check mo na ba yung rehearsal ng knights?” tanong ni Elera habang sinusuklay ng royal stylist ang kanyang buhok.“Yes. They’re good,” sagot ni Alaric, sinusukat ang royal sash para siguraduhing naka-align. “Ikaw? Ready ka na ba sa speech mo?”“Uh…” ngumanga si Elera. “I have a speech???”Natawa si Alaric. “Of course. We both do.”“Kuya, bakit hindi mo sinabi agad?!” halos mapasigaw si Elera. “Hindi ako mentally prepared!”Lumapit si Cassandra, dala ang dalawang congratulatory ribbons.“Anak, kaya
“Alright, everyone!” sigaw ni Haring Nathaniel habang nakatayo sa gitna ng courtyard, suot pa rin ang royal coat pero may whistle sa leeg na parang PE teacher. “Today, no excuses! We train like warriors — and no complaining!”“Dad,” reklamo agad ni Elera, nakataas ang kilay, “we’re wearing royal uniforms, not workout clothes!”“Adaptability test!” sagot ni Nathaniel, nakangiti. “If you can fight in heels, you can fight anywhere.”“Mom!” sigaw ng dalaga, tumakbo kay Cassandra na nakaupo sa lilim. “Please tell him this is torture!”Ngumiti lang si Cassandra habang umiinom ng tsaa. “Oh, sweetheart, I went through worse when I trained with him before. Kaya mo ‘yan.”Napabuntong-hininga si Elera. “So this is betrayal… royal edition.”“Come on, sis,” sabi ni Alaric habang nag-stretching, “it’s not that bad. At least may snacks si Mom after.”“Snacks won’t fix this trauma,” sarkastikong sagot ni Elera.“Alright!” sigaw ni Nathaniel. “Jog around the courtyard — ten laps!”“Ten?!” halos sabay







