
Marreid to the secret Billionaire
Lumaki si Celestine Navarro sa bahay na kailanman ay hindi naging tahanan.
Sa ilalim ng pang-aapi ng kanyang madrasta na si Margarita at ng maldita niyang stepsister na si Veronica, natutunan niyang maging matatag, tahimik, pero palaban.
Isang araw, bigla siyang pinapirma sa isang arranged marriage contract—isang kasal na hindi niya maintindihan.
Wala siyang ideya kung sino ang lalaki sa papel, at tanging sinabi lang ng abogado ay:
“Mas gusto niyang manatiling pribado. Pero simula ngayon, nasa ilalim ka ng kanyang proteksyon.”
Ang lalaking iyon ay si Adrian Cruz—isang malamig, makapangyarihang Bilyonaryo at CEO sa isang malaking kumpanya na sanay makuha ang gusto niya.
Sa harap ng mundo, isa siyang taong walang emosyon at walang kahinaan.
Ngunit sa likod ng kanyang katahimikan, may lihim siyang dahilan: minsan niyang nasaksihan kung paanong hinamak si Celestine ng sarili nitong pamilya. At mula noon, hindi na siya mapalagay.
Tahimik niyang inayos ang kasunduan ng kasal—isang paraan para masiguro na walang sinumang makakasakit kay Celestine muli.
Habang patuloy siyang binabastos at minamaliit ng mga Navarro, patago namang nakamasid sa kanya ang lalaking handang ipaglaban siya… kahit hindi pa niya kilala.
Hanggang isang gabi, nakatanggap siya ng mensahe mula sa hindi kilalang numero:
“Hindi mo na kailangang harapin sila mag-isa.” —A.C.
Hindi niya alam, ang lalaking iyon ay ang mismong asawa niyang hindi pa niya nakikita—ang lalaking tahimik pero mapanganib magmahal.
At kapag dumating ang araw na mabunyag ang katotohanan, malalaman ng lahat…
na ang babaeng minamaliit nila ay asawa ng pinakamakapangyarihang lalaki sa lungsod.
Read
Chapter: Chapter 178CHAPTER: What Power Sounds Like When It’s QuietUmaga pa lang, ramdam na ni Calestine ang pagbabago.Hindi dahil may nagsalita.Kundi dahil wala.Ang hallway papunta sa office floor ay dati laging may bulungan—mga paanas na tawa, mga tingin na may halong panghusga. Ngayon, ang tunog lang ay ang maingat na yabag ng sapatos at ang mahihinang pag-click ng keyboard mula sa loob ng mga cubicle.Hindi siya minamadali ng oras. Hindi rin siya hinahabol ng kaba.Huminto siya sandali sa harap ng salamin sa restroom. Tinitigan ang sarili—ang postura niya, ang linya ng balikat, ang steady na mga mata. Hindi ito ang Calestine na dati niyang nakilala. Hindi na siya yung marahang umiiwas ng tingin.She adjusted her blazer. Isang maliit na galaw, pero may bigat.Paglabas niya, naroon na si Adrian sa dulo ng hallway, nakatayo malapit sa bintana. Hindi siya tumingin agad. Parang alam na niya ang presensya nito.Magkasabay silang naglakad papunta sa executive floor—walang hawak-kamay, pero magkasing-hak
Last Updated: 2026-01-24
Chapter: Chapter 173CHAPTER: The Weight of SilenceTahimik ang opisina pagkatapos ng announcement. parang tumatak sa mga empleyado ang mga sinabi ni adrian. Walang nag tangka, walang sumuway, pero bakas sa mukha nila na gusto nilang mag usap, gustong may pag usapan, pero bawal.Hindi yung normal na tahimik—kundi yung klase ng katahimikan na may iniwang bakas sa hangin. Parang may dumaan na bagyo, tapos lahat ng tao nagkukunwaring normal kahit ramdam pa rin ang pinsala.Naglalakad si Calestine papunta sa desk niya, hawak ang tablet, tuwid ang likod, steady ang hakbang. Pero sa loob niya, ramdam pa rin niya ang tibok ng puso—hindi mabilis, hindi magulo—kundi mabigat. Parang bawat hakbang ay may kasamang alaala ng mga panahong hindi siya ganito kalakas.Napansin niya ang mga mata.Hindi na mapanuri.Hindi na mapanghusga.Kundi maingat.May ilan na umiwas ng tingin. May ilan na biglang nagkunwaring busy. May ilan na hindi alam kung paano siya titingnan—parang gusto magsalita pero natatakot.At sa unang pagk
Last Updated: 2026-01-24
Chapter: Chapter 172Hindi agad sinabi kay Adrian.Hindi direkta.Hindi harapan.Dumating lang sa kanya ang chismis sa paraan na kinaiinisan niya—pira-piraso, pabulong, palihim.Mga mata na biglang umiilag kapag papalapit siya.Mga boses na biglang tumitigil sa kalagitnaan ng pangungusap.At isang katahimikan sa opisina na masyadong pilit para maging normal.Napansin niya iyon bago pa man may magsabi.At nang kumpirmahin ni Calestine—hindi sa reklamo, kundi sa isang mahinahong ulat—doon tuluyang nagdilim ang mukha ni Adrian.“Hindi na bago,” sabi ni Calestine, kalmado habang inaayos ang files sa tablet niya. “Pero mas malakas ngayon. Mas lantad.”Hindi siya galit.Hindi rin nasasaktan.Pero si Adrian?Hindi umupo. Hindi huminga nang malalim.Tumayo lang siya sa gitna ng opisina niya, nakapamewang, tahimik—yung klase ng katahimikan na mas nakakatakot kaysa sigaw.“How long?” tanong niya.“Since yesterday afternoon,” sagot niya. “After the announcement.”Napangiti si Adrian. Hindi dahil amused—kundi dahil n
Last Updated: 2026-01-22
Chapter: Chapter 171Sa umaga pa lang, alam na ni Calestine—hindi ito magiging tahimik na araw.Hindi dahil sa schedule. Hindi dahil sa workload.Kundi dahil sa hangin sa opisina.Yung klase ng hangin na punô ng bulungan, ng mga matang kunwari busy pero palihim na sumusunod sa bawat galaw mo. Yung klaseng presensya na ramdam mo sa batok kahit hindi ka nililingon.Habang naglalakad si Calestine papunta sa desk niya sa labas ng opisina ni Adrian, diretso ang tindig niya. Walang ni isang hakbang ang nagbago. Walang bakas ng pag-aalinlangan.Pero sa paligid—Huminto ang mga daliri sa keyboard.Bumagal ang paghinga.At sabay-sabay na nagsimula ang tahimik na usapan.“Siya na ’yon…”“Diretso sa tabi ni Adrian.”“Grabe ang tiwala.”Hindi sila nag-uusap tungkol sa trabaho.Nag-uusap sila tungkol sa kapangyarihan.At mas lalo silang nag-uusap dahil hindi na sila makalapit.Binuksan ni Calestine ang tablet niya, sinimulang ayusin ang mga files. Kalma ang galaw. Eksakto. Walang sayang na kilos.Pero sa loob niya, al
Last Updated: 2026-01-22
Chapter: Chapter 170Tahimik ang executive floor—mas tahimik kaysa dati. Hindi dahil walang tao, kundi dahil walang gustong magkamali. Lahat ay alam na: may nagbago na sa balanse ng kapangyarihan.At ang sentro ng pagbabagong iyon ay ang babaeng kasalukuyang naglalakad sa hallway, diretso ang likod, hawak ang tablet, at walang bakas ng pag-aalinlangan sa mga mata.Si Calestine.Unang araw niya bilang executive secretary ni Adrian Cruz.Bawat hakbang niya ay may kasamang bigat. Hindi dahil sa pressure—kundi dahil sa mga matang sumusunod sa kanya. Dati, ang mga matang iyon ay mapangmataas. Ngayon, halo na ng pag-iingat at takot.Sa likod niya, ilang hakbang ang layo, naglalakad si Adrian. Hindi niya kailangang magmadali. Ang presensya niya mismo ang nag-uutos sa mundo na magbigay-daan.Huminto si Calestine sa harap ng opisina. Automatic na bumukas ang pinto. Pumasok siya, inayos ang mesa—malinis, maayos, walang kahit anong personal na gamit. Propesyonal.“Schedule?” tanong ni Adrian, isinara ang pinto sa li
Last Updated: 2026-01-20
Chapter: Chapter 169Tahimik ang umaga sa loob ng opisina, pero hindi iyon yung uri ng katahimikan na kalmado. Ito yung katahimikang may nakaambang tensyon—parang alam ng buong gusali na may mangyayaring babago sa takbo ng lahat.Magkatabi sina Adrian at Calestine habang papasok. Pareho silang naka-formal attire, pero kitang-kita ang kaibahan. Si Adrian, dominante ang aura—isang lalaking sanay sundin, sanay katakutan. Si Calestine naman, tahimik pero matatag, hindi na yung babaeng yumuyuko sa bigat ng mga mata ng iba.Ngayon, sila ang iniiwasan tingnan ng mga tao sa company.Habang naglalakad sila sa hallway, ramdam ni Calestine ang mga bulong—hindi na bastos, kundi puno ng pagtataka.“Siya ba talaga…?”“Kasama niya lagi si Mr. Cruz…”“Grabe, ibang iba na siya ngayon.”Hindi na iyon nakakabawas ng loob. Sa halip, parang bawat bulong ay kumpirmasyon ng isang bagay na matagal na niyang ipinaglaban—narating niya ito.Huminto si Adrian sa gitna ng floor. Isang simpleng kilos lang, pero sapat para tumigil ang
Last Updated: 2026-01-20

The Ex-Husband CEO Started Chasing Her
Victor Alvares—ang malamig at walang-awang CEO ng isa sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa. Isang pangalan na sapat na para manginig ang buong siyudad. Sa isang salita niya, bumabagsak ang mga negosyo; sa isang desisyon, nasisira ang mga reputasyon. Ngunit sa kabila ng kapangyarihang iyon, may isang laban siyang natalo—ang panatilihin ang babaeng minsang naging mundo niya.
Si Elera Alvares, ang ex-wife niyang kasing talino at kasing-yaman niya sa industriya, ay ang babaeng iniwan niya sa katahimikan kapalit ng ambisyon. Trabaho ang pinili ni Victor, at sa bawat gabing wala siya, unti-unting naubos ang pagmamahal ni Elera—hanggang sa tuluyan itong bumitaw.
“I’ll do anything to make you mine again, Elera—and I’ll make sure of that.”
Handa siyang gawin ang lahat—gamitin ang kapangyarihan, impluwensya, at kahit ang sarili niyang dilim—para mabawi ang loob ni Elera at mapasakanya muli. Sa muling pagharap nila sa isa’t isa, magsisimula ang isang laban.
Isang laban kung makukuha niya pang muli ang babaeng mahal niya, o kung ang galit at tensyon ang tuluyang mananaig at wawasak sa pagitan nila.
Read
Chapter: Chapter 13Elera (POV)Hindi ako tulog.Alam ko ang eksaktong sandali kung kailan siya bumalik sa kama. Ramdam ko agad ang pag-angat ng kutson sa likod ko, ang bahagyang pag-shift ng bigat niya na parang nag-iingat—parang natatakot na baka magising ako. Kung alam lang niya.Pinagmasdan ko ang sarili kong paghinga, sinadya kong panatilihing mabagal at pantay. Ayokong mahalata. Ayokong maunahan ang kilos niya. Gusto kong maramdaman kung ano ang gagawin niya kapag akala niya wala akong depensa.Tahimik ang buong unit. Tanging tunog lang ng ulan sa labas at ang mabigat niyang paghinga ang naririnig ko. Amoy ko pa rin ang sabon na ginamit niya sa banyo—malinis, pamilyar. Victor.Matagal siyang hindi gumalaw. Ramdam ko ang alanganin niyang presensya, parang pinag-iisipan kung lalapit ba siya o hindi. Noon, hindi siya nagdadalawang-isip. Noon, sanay siyang kunin ang espasyo ko na parang natural lang.Pero ngayon… may distansya.At doon ako napangiti sa loob.Nang tuluyan niyang ipatong ang braso niya s
Last Updated: 2026-01-23
Chapter: Chapter 12Pagbalik ni Victor sa condo, tahimik.Isinara niya ang pinto sa likod niya, bitbit ang bag na may lamang extrang damit. Tinanggal niya ang sapatos, natural ang galaw, parang matagal na niyang ginagawa iyon sa lugar na ito kahit matagal na ring hindi.“Elera?” tawag niya, mababa ang boses.Walang sumagot.Naglakad siya papasok, dumaan sa sala. Maayos ang lahat. Nakasindi ang isang ilaw sa hallway. Doon niya napansing bukas ang pinto ng banyo.At saka—Narinig niya ang buhos ng tubig.Huminto siya, sapat na para malamang naliligo si Elera.Hindi siya lumapit agad. Hindi rin siya umatras. Tumayo lang siya roon, nakikinig sa tunog ng shower, sa tubig na tumatama sa tiles, sa mahinang ugong na parang humaharang sa lahat ng ibang isip niya.Umupo siya sa gilid ng sofa, inilapag ang bag sa sahig. Pinilit niyang mag-isip ng iba. Trabaho. Meeting. Numbers. Contracts.Maya-maya, humina ang buhos.Tumayo ulit si Victor.Hindi niya alam kung bakit, pero kusa siyang napatingin sa direksyon ng bany
Last Updated: 2026-01-22
Chapter: Chapter 11Tahimik ang loob ng sasakyan.Hindi iyong awkward na katahimikan—kundi iyong uri na puno ng maliliit na detalye. Ang mahinang ugong ng makina. Ang regular na galaw ng wiper na tumatama sa salamin. At sa gilid ng paningin ni Victor, si Elera—nakaupo nang maayos, isang kamay hawak ang tasa ng kape, ang isa’y nakapatong sa bag niya.Napasulyap si Victor.Hindi halata. Sanay siyang magnakaw ng tingin nang hindi nahuhuli. Nakita niyang bahagyang sumimsim si Elera ng kape, pumikit sandali, parang sinisiguro ang lasa. Walang salita. Walang reaksyon. Pero may kakaibang gaan sa balikat nito, isang subtle na bagay na tanging siya lang ang makakapansin.Nagustuhan niya.Isang munting ngiti ang sumilay sa labi ni Victor—hindi sadya, hindi kontrolado. Isang iglap lang, pero totoo.Hindi niya agad binawi ang tingin.At doon niya napansing alam ni Elera.Hindi lumingon ang babae, pero nag-iba ang posisyon ng tasa sa kamay nito. Mas mahigpit ang hawak. Isang maliit na senyales na naramdaman nitong ti
Last Updated: 2026-01-22
Chapter: Chapter 10Tapos na ang meeting.Walang naging komplikasyon. Walang pagtutol. Walang naglakas-loob magtanong ng ikalawang beses. Gaya ng inaasahan ni Victor—diretso, mabilis, kontrolado. Isa-isa niyang isinara ang mga usaping tinalakay, para bang checklists lang ang mga iyon na matagal na niyang kabisado. Nang tumayo siya mula sa upuan, kasunod ang sabay-sabay na pagtayo ng iba, alam niyang tapos na ang bahagi ng araw na hindi niya pinapahalagahan.Ang mahalaga—ang susunod.Paglabas niya ng boardroom, hindi na niya hinintay ang assistant. Siya mismo ang humakbang palabas ng hallway, mahabang stride, tuwid ang likod, ngunit ang isip niya ay wala na sa loob ng gusaling iyon.Kinuha niya ang phone mula sa bulsa, isang mabilis na tingin sa oras.Eksakto.Schedule ni Elera.Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya bumagal. Ang bawat hakbang niya ay eksakto—parang alam na ng katawan niya kung saan siya pupunta kahit hindi pa sinasabi ng isip.Pagdating sa lobby, tinanggihan niya ang driver sa isang ting
Last Updated: 2026-01-22
Chapter: Chapter 9Hindi nagmadali si Victor.Hindi niya kailanman ginagawa iyon—lalo na pagdating kay Elera.Tumayo siya mula sa sofa, inayos ang cuffs ng polo, kinuha ang phone sa mesa na hindi man lang niya nabuksan habang nandoon siya. Isang huling tingin sa paligid ng opisina. Maayos. Tahimik. Kontrolado. Gaya ng babaeng nasa gitna nito.“May meeting ako,” sabi niya, kalmado ang tono, parang simpleng paalam lang. “Board.”Hindi agad sumagot si Elera. Nakatayo siya sa likod ng mesa, hawak ang tablet, halatang may binabasa—o kunwari lang.“Okay,” sagot niya matapos ang ilang segundo, walang emosyon.Humakbang si Victor palapit sa mesa niya. Hindi mabilis. Hindi rin marahas. Parang sinasadya niyang bigyan ng oras ang bawat hakbang—para maramdaman niya ang presensya niya.“I’ll drive you home later,” dagdag niya, parang fact, hindi tanong.Doon siya napatingin.Diretso. Matigas.“Hindi ako uuwi sa bahay na dati nating tinitirhan,” sagot niya agad. Walang galit. Walang paliwanag. Final.Bahagyang ngumit
Last Updated: 2026-01-22
Chapter: Chapter 8Eksaktong alas-dose ng tanghali nang muling gumalaw ang atmosphere sa buong floor.Hindi dahil sa announcement. Hindi dahil sa meeting reminder.Kundi dahil bumukas ang elevator.At lumabas si Victor Alvares.Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya nag-announce ng presensya. Hindi niya kailangan. Suot niya ang charcoal suit, walang tie, bukas nang bahagya ang unang butones ng polo—relaxed, pero hindi kailanman casual. Sa isang kamay, may dala siyang insulated bag na halatang galing sa isang lugar na hindi basta-basta pinupuntahan. Sa kabilang kamay, isang bouquet ng simpleng puting lilies—hindi flashy, hindi OA, pero intentional.At sa pagitan ng mga iyon, isang sobre. Malinis. Walang pangalan sa labas.Tahimik ang buong floor.May mga empleyadong kunwari busy, pero ang mata ay palihim na sumusunod sa bawat hakbang niya.“Lunch break na ba?” bulong ng isa, kunwari nagbabasa ng email.“Shh,” sagot ng isa pa. “Paparating siya.”Hindi sila nagkakamali.Diretso ang lakad ni Victor papunta
Last Updated: 2026-01-22

Honey, I don't want the Crown
Sa mata ng lahat, si Cassandra ay ang “Queen” ng mundo ng negosyo ang asawa ni Nathaniel, isang makapangyarihang negosyante na tinaguriang “King of Business Empire.” Marangya ang kanilang buhay, puno ng pera, impluwensya, at kasikatan. Ngunit sa likod ng kinang, itinatago ni Cassandra ang bigat ng pagiging isang “trophy wife” na nakatali sa imahe at kapangyarihan ng asawa.
Habang mas lumalawak ang kaharian ni Nathaniel sa mundo ng negosyo, mas nararamdaman ni Cassandra ang pagkawala ng sarili. Ang mga simpleng pangarap niya maging isang fashion designer, mamuhay nang tahimik at payapa ay natatabunan ng mga korona at trono na ipinipilit isuot sa kaniya ng asawa.
Sa pagbabalik ng isang matalik na kaibigan mula sa nakaraan, muling nabuhay ang mga tanong sa puso ni Cassandra: Ano ba talaga ang tunay na halaga ng kaligayahan? Pera, kapangyarihan, at titulo? O ang kalayaan na sundin ang sariling pangarap kahit kapalit nito ay mawala ang lahat ng yaman at impluwensya?
Read
Chapter: 192 Tahimik ang gabi sa Aurelia Palace. Sa isang pribadong balcony sa ikalawang palapag, naroon ang royal family ng Arkenfall. Walang korona. Walang formal posture. Walang tagamasid. Pamilya lang. Nakaupo si Cassandra sa isang cushioned bench, may hawak na mainit na tsaa. Katabi niya si Nathaniel, nakasandal nang bahagya, parang ngayon lang pinayagan ang sarili na mag-relax. “Grabe,” bungad ni Alaric habang nakatingala sa langit. “Hindi pa rin nagsi-sink in.” “Same,” sagot ni Elera, hawak ang tasa ng tsokolate. “Parang kanina lang… training hall lang tayo. Tapos ngayon—foreign kingdom, banquet, speeches.” Napangiti si Cassandra. “Life moves fast when you’re not looking.” Tumango si Nathaniel. “And even faster when you’re prepared.” bago nagsalita si Alaric. “Dad…” Napatingin agad si Nathaniel. “Yes, son?” “Kanina, nung tinawag nila akong future king…” Huminto siya, naghanap ng tamang salita. “Hindi ako natakot. Pero… ramdam ko yung bigat.” Hindi nagulat si Nathaniel.
Last Updated: 2026-01-25
Chapter: Chapter 191 Unti-unting huminto ang royal carriage sa mismong gitna ng malawak na plaza ng Aurelia Kingdom. Ang tunog ng mga gulong ay napalitan ng mas malakas na ingay—palakpakan, sigawan ng tuwa, at tugtog ng trumpeta na sabay-sabay umalingawngaw sa buong lugar. “Whoa…” mahina ngunit puno ng gulat na bulong ni Alaric habang dumungaw sa bintana. “Ang dami ng tao.” “Mas marami pa yata kaysa sa last festival sa Arkenfall,” dagdag ni Elera, pilit pinapakalma ang sarili kahit halatang excited. Mula sa loob ng carriage, tanaw nila ang makukulay na banderang may simbolo ng Aurelia—puti at ginto—nakasabit sa bawat haligi. May mga bulaklak sa daan, sariwa at mabango, at sa magkabilang gilid ay nakahanay ang royal guards ng Aurelia, maayos ang tindig, sabay-sabay ang galaw. Tumayo si Nathaniel, agad nagbago ang aura. Mula sa playful father mode, bumalik ang Hari ng Arkenfall—matikas, kalmado, pero may presensya na hindi kailanman nawawala. “Alright,” mababang sabi niya. “Royal posture. Calm breathi
Last Updated: 2025-12-24
Chapter: Chapter 190“Are we finally ready?”Tanong ni Cassandra habang inaayos ang manipis na balabal ni Elera sa may balikat.“Mom, ilang beses mo na po yang inayos,” tawa ni Elera. “Hindi naman po ako lalamigin agad.”“Hindi ‘yan,” sagot ni Cassandra habang tinatapik ang buhok ng anak. “Gusto ko lang sure ako na presentable ka.”Sumingit si Nathaniel, nakasandal sa poste ng karwahe.“Cass, huwag mong kalimutan—dalawa ‘yang anak natin. Kung si Elera ay inaayos mo, sino mag-aayos kay Alaric?”Agad na napatingin si Cassandra, at muntikan nang matawa.Nakahawak si Alaric sa sinturon ng suot niyang travel uniform—pero mali… sobrang higpit. Para siyang kinukulong nito.“Anak,” natatawang sabi ni Cassandra, “paano ka hihinga n’yan?”“Ma, sabi ni Dad kaya raw dapat mahigpit kasi ‘royal posture’,” reklamo ni Alaric.Napalingon ang lahat kay Nathaniel.Nagtaas ng dalawang kamay ang Hari.“I did not say that.”Pero halata sa smirk niya na oo, siya nga ang nagsabi nun.Napailing si Cassandra. “Lord… dalawang oras
Last Updated: 2025-12-06
Chapter: Chapter 189Sa gitna ng tahimik at maaliwalas na umaga, naglalakad lang ang kambal—si Alaric at Elera—sa royal garden, bitbit ang mga scroll na kailangan nilang aralin mamaya. “Kuya…” tawag ni Elera nainom ng milk na dala ng isa sa mga handmaids. “Sure kaba talaga na hindi mo sisirain yung schedule natin mamaya? Kasi last time, bigla kang nag-sparring kahit dapat diplomacy class tayo.”Umangat ang kilay ni Alaric. “Hindi yun kasalanan ko. Si Sir Galeno ang nag-challenge sa’kin.”“Challenge ka d’yan,” pang-aasar ni Elera. “Nung tinanong ka pa nga kung handa ka ang sagot mo—”Tinaas niya ang boses, ginagaya ang tono ng kapatid:“I was born ready.”Tumawa si Elera, halos masamid sa milk. “Ewan ko sa’yo, Kuya. Hindi lahat laban.”“Hindi rin lahat tea party,” sagot ni Alaric, tumatawa rin.Pero bago pa sila makapagpatuloy, biglang may rumagasa na tunog mula sa kabilang side ng garden.Takbo. Maaring pagod. Halatang panic.“P-Princess Elera! Prince Alaric!” sigaw ng messenger mula sa watchtower.Nagk
Last Updated: 2025-12-03
Chapter: Chapter 188Umagang-umaga pa lang, ramdam na agad sa buong palasyo ang kakaibang excitement. Hindi ito yung tipong may festival o coronation — Kasi today…Una nilang official mission bilang mga heirs.Sa hallway pa lang, rinig na ang sigawan.“Kuya! Ang bag ko nasaan?!” sigaw ni Elera habang paikot-ikot na parang ipo-ipo.“You left it on the training field— AGAIN,” sagot ni Alaric habang nagtatali ng boots. “Hindi ba kahapon lang sinabi kong ayusin mo ang gamit mo?”“Eh nag-practice ako ng speech ko!” sagot ni Elera, naka-pout. “You know naman, kailangan perfect ang pagpresent ko sa mga tao!”“Hindi naman ‘to presentation, El. Mission ‘to. As in trabaho. Work. Responsibility.”“Traba-whaaat?” sabay tawa ni Elera.Nag-facepalm si Alaric.Huminto ang usapan nang dumating si Cassandra na may hawak na isang malaking basket ng pagkain.“Good morning, my kids,” nakangiti niyang bati. “Breakfast muna before your mission.”“Mom, mission nga eh,” sabi ni Alaric, nagmamatigas pero gutom na.“All missions
Last Updated: 2025-11-24
Chapter: Chapter 187Kinabukasan matapos ang engrandeng festival, tahimik ang buong palasyo. Pero ‘yung klaseng tahimik na puno ng saya — hindi dahil pagod, kundi dahil fulfilled ang lahat.Ang mga banderitas ay unti-unting tinatanggal ng mga royal attendants, at ang mga lansangan ay punong-puno pa rin ng mga kwento tungkol sa “The Twin Heirs’ First Festival.”May mga bata pa ngang nagkukwentuhan sa kalsada:“Grabe ‘yung sayaw ni Princess Elera! Parang fairy!”“At si Prince Alaric! Ang cool n’ya nung nag archery, parang walang mintis!”Habang pinupuri sila ng mga tao, nasa royal garden naman ang buong pamilya — Nathaniel, Cassandra, Alaric, at Elera — nakaupo sa ilalim ng malaking puno ng golden magnolia.“Grabe, I can’t believe tapos na agad ‘yung festival,” sabi ni Elera, naka-sandals lang at kumakain ng manggang hinog. “Parang kahapon lang nagpa-practice pa tayo.”“Technically kahapon nga,” sagot ni Alaric habang nagbibilang ng mga darts na ginamit nila sa archery booth. “At technically, ikaw ang pinak
Last Updated: 2025-11-03