LOGINTahimik ang buong hapag-kainan matapos umalis si Nathaniel. Ang mga plato at kubyertos ay naiwan pa, hindi man lang nagalaw ang mamahaling pagkain na inihanda ng kusina. Si Cassandra, nananatiling nakaupo, hawak-hawak ang sketchpad na para bang ito lamang ang nagbibigay lakas sa kanya.
Ngunit sa kabila ng kaba, ramdam niya na iyon na ang simula ng paninindigan niya. Kinabukasan, maaga siyang nagising. Habang nakaharap sa salamin, nakatitig siya sa sarili. Hindi ang glamorosang reyna ng isang imperyo ang nakikita niya kundi isang babaeng muling nagahanap ng tunay na sarili. “Cass, kaya mo ‘to,” bulong niya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang director ng fashion institute. “This is Cassandra Lee. I accept the offer.” Mabilis ang naging tugon sa kabilang linya. “We’re glad to hear that, Mrs. Lee. The showcase will be in three weeks. Please prepare your designs, and we’ll provide the venue and models. Congratulations!” Pagkababa ng tawag, napaupo siya sa kama. Halos hindi siya makapaniwala na sinasabi niya iyon. Parang bumalik siya sa dating Cassandra, ang babaeng nangangarap pa lamang, hindi ang babaeng tinuring na reyna ng isang korona na hindi niya kailanman pinili. Ngunit habang nagsisimula siyang mabuhay muli, mas lalong lumalamig ang pagitan nila ni Nathaniel. Sa opisina, halos doon na ito natutulog. At kung umuuwi man, diretso itong pumapasok sa study room at hindi na siya kinakausap. Isang gabi, sinubukan niyang kausapin ito habang nakaupo sa sala. “Nathaniel, can we talk?” mahinahon niyang tanong. Walang imik na lumakad ito papunta sa bar counter, kumuha ng alak, at nagbuhos sa baso. “About what, Cassandra? About how you just decided to humiliate me in front of everyone once you join that showcase?” Napasinghap si Cassandra. “This is not about humiliating you. This is about me.” Biglang tumawa si Nathaniel, pero mapait. “There is no you without me. Remember that.” Napaatras si Cassandra sa bigat ng tinig nito. Hindi niya alam kung bakit parang lumalayo na lalo ang pagitan nila, pero ramdam niyang hindi na ito ang lalaking nakilala niya noon. Sa mga susunod na araw, nagsimula siyang maghanda para sa showcase. Sa tulong ni Marco at ng ilang kaibigan sa coffee shop, nagsimula silang magtahi ng prototypes. Walang engrandeng kagamitan, walang mamahaling materyales—ngunit bawat tahi at bawat disenyo ay puno ng damdamin. “Cass, these gowns… they reflect your soul,” sabi ni Marco habang tinitingnan ang isang kulay pilak na gown na may simpleng linya ngunit eleganteng bagsak. Ngumiti siya. “Hindi ito para maging pinaka-sosyal. Gusto ko lang ipakita na kahit simple, may halaga. Na hindi mo kailangan ng crown para maging queen ng sarili mong buhay.” Habang tumatagal, mas lalong lumalakas ang loob niya. Ngunit kasabay nito, mas nagiging halata ang distansya nila ni Nathaniel. Isang gabi, dumalo si Nathaniel sa isang malaking business event. Syempre, inaasahan ng lahat na kasama niya si Cassandra. Ngunit sa halip na umupo nang tahimik at ngumiti gaya ng dati, nagpasyang magsalita si Cassandra nang may tanong ang media tungkol sa kanya. “Mrs. Lee, how does it feel to be the queen beside the king of empire?” tanong ng isang reporter. Huminga siya nang malalim. “I don’t see myself as a queen. I see myself as Cassandra, a woman with her own dreams. And soon, you’ll see what I mean.” Nagulat ang lahat. Ang mga camera ay biglang nakatutok sa kanya, at si Nathaniel, nakatitig sa kanya na para bang gusto siyang hilahin palabas. Ngunit huli na—lumabas na ang katotohanan. Pag-uwi nila sa mansyon, pumutok ang galit ni Nathaniel. “Cassandra! Anong ginawa mo? You embarrassed me in front of everyone! Hindi mo ba alam na lahat ng mata nakatutok sa atin?” Tumayo si Cassandra, nanginginig man pero matatag. “Hindi ko ginawa iyon para hiyain ka. Ginawa ko iyon para ipakita na hindi ako invisible. Hindi ako trophy, Nathaniel!” Nakatitig si Nathaniel sa kanya, ang mga kamao ay nakatikom. Ngunit hindi niya magawang saktan si Cassandra. Sa halip, dahan-dahan siyang umupo, parang biglang naubos ang lakas. “You’re destroying everything I built…” mahina nitong bulong. Napaluha si Cassandra. “No, Nathaniel. Hindi ako ang sisira. Ang pride mo ang sisira sa lahat.” Muling bumalik si Cassandra sa fashion institute para sa unang rehearsal ng kanyang mga disenyo. Doon niya muling nakaramdam ng saya. Nakita niya ang mga models na nagsuot ng kanyang gawa, at kahit hindi pa perpekto, nakita niya ang potensyal ng kanyang pangarap. “Cass, you’re shining,” bulong ni Marco habang pinapanood siya. Napangiti siya at tumango. “For the first time in a long while… I feel alive.” Ngunit sa gilid ng venue, may isang lalaking nakatayo, malamig ang titig. Si Nathaniel. Tahimik siyang nakamasid, hindi lumalapit ngunit hindi rin umaalis. Ramdam ni Cassandra ang mabigat na presensya ng asawa niya. Ngunit hindi niya pinansin. Pinili niyang magpatuloy. Kinagabihan, pag-uwi niya, naghihintay si Nathaniel sa veranda. May hawak itong isang folder. “Cass, sit down.” Umupo siya, kinakabahan. Binuksan ni Nathaniel ang folder at ipinakita ang ilang dokumento. “These are annulment papers. If you go through with this showcase, if you continue down this path, then consider our marriage over.” Parang binuhusan ng malamig na tubig si Cassandra. Ang mga mata niya ay napuno ng luha. “Nathaniel… handa kang sirain ang lahat, pati tayo, dahil lang ayaw mong tanggalin ko ang crown?” Matigas ang titig ni Nathaniel. “Kung hindi ka magiging queen ko, then you’re nothing.” Napatayo si Cassandra, nanginginig ang buong katawan. “Mali ka, Nathaniel. Kung aalis ka… that doesn’t make me nothing. That makes me free.” Ngunit bago pa siya makalayo, mabilis na hinawakan ni Nathaniel ang kamay niya, mahigpit. “Think carefully, Cassandra. Dahil kapag binitawan mo ako, you’ll lose everything.” Tumulo ang luha sa pisngi ni Cassandra. Hindi niya alam kung paano haharapin ang susunod na araw. Ngunit sa puso niya, alam niyang darating ang oras na pipiliin niya—ang crown o ang kalayaan. Habang nakahiga si Cassandra kinagabihan, nakatingin siya sa mga sketches na nakakalat sa kama. Sa tabi niya, nakalapag ang annulment papers. Sa gilid ng papel, nakasulat ang pangalan ni Nathaniel Lee. At sa kabilang gilid, may blangkong linya kung saan dapat pumirma si Cassandra. Habang nanginginig ang kanyang kamay, napahawak siya sa ballpen. Ito na ba ang wakas ng lahat? O simula ng bago kong buhay?Mula umaga pa lang, buhay na buhay na ang buong kaharian. Ang mga kulay bughaw at gintong banderitas ay nakasabit sa bawat kanto. May mga mang-aawit, mananayaw, at vendors na nagtitinda ng kung anu-anong masasarap na pagkain—mula roasted boar hanggang matatamis na pastries na may hugis korona.Today is The First Royal Festival of the Heirs — at sina Prince Alaric at Princess Elera ang espesyal na bida at organizer.Sa loob ng palasyo, sobrang busy ng kambal. Takbo dito, takbo doon.“Kuya, na-check mo na ba yung rehearsal ng knights?” tanong ni Elera habang sinusuklay ng royal stylist ang kanyang buhok.“Yes. They’re good,” sagot ni Alaric, sinusukat ang royal sash para siguraduhing naka-align. “Ikaw? Ready ka na ba sa speech mo?”“Uh…” ngumanga si Elera. “I have a speech???”Natawa si Alaric. “Of course. We both do.”“Kuya, bakit hindi mo sinabi agad?!” halos mapasigaw si Elera. “Hindi ako mentally prepared!”Lumapit si Cassandra, dala ang dalawang congratulatory ribbons.“Anak, kaya
“Alright, everyone!” sigaw ni Haring Nathaniel habang nakatayo sa gitna ng courtyard, suot pa rin ang royal coat pero may whistle sa leeg na parang PE teacher. “Today, no excuses! We train like warriors — and no complaining!”“Dad,” reklamo agad ni Elera, nakataas ang kilay, “we’re wearing royal uniforms, not workout clothes!”“Adaptability test!” sagot ni Nathaniel, nakangiti. “If you can fight in heels, you can fight anywhere.”“Mom!” sigaw ng dalaga, tumakbo kay Cassandra na nakaupo sa lilim. “Please tell him this is torture!”Ngumiti lang si Cassandra habang umiinom ng tsaa. “Oh, sweetheart, I went through worse when I trained with him before. Kaya mo ‘yan.”Napabuntong-hininga si Elera. “So this is betrayal… royal edition.”“Come on, sis,” sabi ni Alaric habang nag-stretching, “it’s not that bad. At least may snacks si Mom after.”“Snacks won’t fix this trauma,” sarkastikong sagot ni Elera.“Alright!” sigaw ni Nathaniel. “Jog around the courtyard — ten laps!”“Ten?!” halos sabay
“Finally, vacation!” sigaw ni Elera habang tumalon sa buhangin, halos matapon ang dala niyang beach bag.Nasa baybayin sila ng South Valleria — isang pribadong isla na pag-aari ng pamilya. Sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon ng public duties, nagdesisyon si Haring Nathaniel na magpahinga silang lahat bilang pamilya.“Careful, Princess,” tawag ni Nathaniel, suot ang simpleng white shirt at shades. “You’re still royalty even in the sand.”“Dad,” balik ni Elera, nakataas ang kilay, “we’re at the beach. No one cares about royal posture when there’s coconut juice and sunshine!”Si Alaric naman ay busy nagtatayo ng malaking tent. “Actually, may point si Elera. Royal or not, I’m melting.”“Relax,” sabi ni Cassandra, nakangiti habang naglalagay ng sunscreen sa braso ng anak. “The goal today is to enjoy, not to look perfect.”Tumingin si Nathaniel sa kanya, nagngiti. “Finally, someone agrees with me. I told them, no royal meetings, no paperwork, just pure family time.”“Pure fun,” d
Ang buong kaharian ng Valleria ay abala. Ang araw ay sumikat na parang gintong korona sa ibabaw ng mga tore, at bawat kalye ay punô ng kulay, palamuti, at amoy ng mga lutong pagkain.Ito ang ika-20 taong anibersaryo ng pamumuno nina Haring Nathaniel at Reyna Cassandra — at lahat ng mamamayan ay nagdiriwang.“Grabe, Ma,” sabi ni Elera habang tinutulungan ang ina mag-ayos sa silid. “Twenty years na kayo ni Dad as rulers. Paano niyo nagawa ‘yon nang di kayo nag-away araw-araw?”Napatawa si Cassandra, inaayos ang buhok sa salamin. “Anak, sino nagsabing hindi kami nag-aaway?”Sumingit si Alaric, nakaakbay sa pinto. “Exactly. They just argue in style. Royal style.”“Alaric!” singhal ni Nathaniel na kararating lang, suot ang eleganteng navy coat. “You make it sound like we fight for fun.”Ngumisi ang binata. “Do you?”Tumingin si Nathaniel kay Cassandra. “Depends on the day.”Sabay silang nagtawanan.“Alright,” sabi ni Nathaniel, sinusuri ang kambal. “Remember, this is a public appearance. S
Mainit ang umaga sa training grounds ng palasyo. Ang araw ay katamtamang sumisikat, may ihip ng hangin, at ang buong lugar ay abala. Doon mismo, nakapwesto sina Alaric at Elera — suot ang simpleng training uniform, parehong seryoso… kunwari.“Okay,” sabi ni General Kael, ngayon ay Chief Instructor ng Royal Guards. “Today’s training will test your focus, discipline, and coordination. Understood?”Sabay silang sumagot, malakas: “Yes, Sir!”Ngumisi si Kael. “Good. Because whoever messes up first will be cleaning the entire training yard.”Napatingin si Elera kay Alaric, confident. “That’s definitely you.”Umirap si Alaric. “Dream on, sis. I was born ready.”“Born lazy, you mean.”“Born strategic,” kontra niya.Napailing si Kael. “Enough bickering. First exercise—combat stance. Begin!”Sabay silang pumwesto, parehong nakatayo sa gitna ng bilog. Sa unang tingin, parang seryosong laban ng mga elite warriors… pero sa loob lang ng sampung segundo—“Alaric, bakit ganyan ang kamay mo? Mukhang n
Matapos ang buwan ng sunod-sunod na royal meetings at ceremonial duties, isang araw ay biglang nagdesisyon si Cassandra — “Nat, magbabakasyon tayo.”Napatingin si Nathaniel mula sa mesa ng mga dokumento, halatang gulat. “Vacation? As in… lalabas tayo ng palasyo?”“Yes,” nakangiting sagot ni Cassandra. “Outside the palace. Somewhere far. Somewhere… peaceful.”Napaubo si Nathaniel, medyo nag-alangan. “Cass, you know the last time we left the palace, may reporter na muntik mahulog sa fountain sa kakasunod sa’tin.”Natawa si Cassandra. “Then this time, we go quietly. No guards, no press, just us — family lang.”Pumito si Elera mula sa pinto. “Did someone say vacation?!”Kasunod niyang sumilip si Alaric, nakataas ang kilay. “Tell me this isn’t another royal inspection disguised as bonding time.”“Nope,” sagot ni Cassandra, sabay kindat. “This time, it’s really just us.”“Where?” tanong ni Nathaniel, halos sumuko na sa plano ng asawa.“Sa seaside village ng Lirien,” sagot ni Cass. “Remember







