Chapter 1 Mainit ang araw sa siyudad nang bumaba si Cassandra mula sa itim na luxury car na hatid ng kaniyang asawa. Kahit saan siya magpunta, ramdam niya ang tingin ng mga tao hindi lang dahil sa kaniyang ganda o kasuotan, kundi dahil siya ang tinatawag na “queen” ng mga negosyanteng pamilya. Siya ang asawa ni Nathaniel, ang kilalang “King of Business Empire” na paborito ng media, palaging nasa magazine cover, at kinaiinggitan ng maraming lalaki.Ngunit sa likod ng lahat ng kinang at kasosyalan, ramdam ni Cassandra ang bigat ng titulong iyon. Sa bawat press conference, charity gala, at business party na pinipilit siyang puntahan, pakiramdam niya ay mas lalo siyang nagiging dayuhan sa sariling mundo.“Babe, don’t forget, mamayang gabi ay may dinner tayo kasama si Senator Jimenez. Importante ito sa expansion plan ko,” sabi ni Nathaniel habang inaayos ang necktie niya bago bumaba ng kotse.Ngumiti si Cassandra, pero hindi iyon abot hanggang mata. “Yes, honey. I’ll be ready.”Pero sa lo
Last Updated : 2025-09-05 Read more