Share

Chapter 5

Author: Akiyutaro
last update Last Updated: 2025-09-05 08:57:11

Mainit ang ilaw ng backstage, punong-puno ng ingay at nagmamadaling hakbang. Ang mga modelo ay nagbibihis, ang mga assistant ay abala sa pag-aayos ng buhok at make-up, at ang mga organizers ay paulit-ulit na tumatawag sa radyo.

Ngunit si Cassandra, nakatayo lang sa gilid, nakahawak sa puting gown na siyang finale piece ng koleksyon niya. Ang dibdib niya ay mabilis ang tibok, at para bang bawat paghinga ay may halong takot at pananabik.

“Cass,” bulong ni Marco habang hawak-hawak ang clipboard, “are you okay?”

Tumango siya kahit hindi. “I have to be. This is it.”

Ngunit sa kabila ng determinasyon, ramdam niya ang bigat ng presensya ni Nathaniel. Alam niyang nandoon ito, nakaupo sa front row, nakatingin, naghihintay. Hindi niya alam kung anong plano nito, pero sigurado siyang hindi ito pumunta para suportahan siya.

Nagsimula ang musika. Isa-isa, lumakad ang mga modelo sa runway. Ang unang disenyo niya ay isang simpleng cocktail dress na may malinis na linya at natural na bagsak. Hindi engrande, ngunit elegante sa sariling paraan.

Narinig niya ang mga bulungan ng mga audience.

“Who’s the designer again?”

“She’s Mrs. Lee, right? The wife of Nathaniel Lee?”

“But… this doesn’t look like the usual extravagant style of the Lee empire.”

Napakagat-labi si Cassandra, pero pinilit niyang tumayo nang tuwid. Hindi ito tungkol sa empire. Ito ay tungkol sa akin.

Habang lumalakad ang pangalawa at pangatlong modelo, nagsimulang humupa ang kaba niya. Nakikita niyang may ilan sa mga kritiko ang tahimik na nagno-notes, may ilan ding napapailing. Ngunit higit sa lahat, may ilan ding ngumiti—at iyon ang nagbigay ng lakas sa kanya.

Sumilip siya saglit mula sa backstage. Nakita niya si Nathaniel. Walang ekspresyon, nakaupo nang diretso, ang mga mata’y nakatuon lang sa runway. Sa tabi nito ay mga business partners at ilang board members ng Lee Corporation.

“Do you think she’ll survive this?” bulong ng isa.

“She’s nothing without the Lee name,” sagot ng isa pa.

Parang kutsilyo ang bawat salita, pero pinilit ni Cassandra na huwag madala.

Bumalik siya sa likod, pinakawalan ang isang malalim na hininga. Kaya ko ‘to. Hindi ko na kailangang patunayan sa kanila… sapat na na patunayan ko sa sarili ko.

Biglang lumapit si Marco, halatang nagmamadali. “Cass! We have a problem.”

Nagulat siya. “What? What happened?”

“It’s the silver gown—the zipper’s broken. Someone must’ve pulled it too hard, pero hindi normal ‘to. Para bang sinadya.”

Nanlamig siya. “Sino ang gumawa?”

Umiling si Marco. “I don’t know. But this gown is supposed to be in the middle of the sequence. What do we do?”

Huminga nang malalim si Cassandra. “Skip it. Focus on the next. Hindi ako pwedeng magpahinto dito.”

Habang umaagos ang palabas, alam niyang may kamay si Nathaniel sa likod ng sabotahe. Ngunit imbes na madala ng takot, mas lalo siyang naging determinado.

At dumating na ang pinakahihintay—ang finale. Ang puting gown. Ang obra na sumisimbolo ng lahat ng laban niya, lahat ng desisyon, lahat ng hinanakit at pag-asa.

“Cass, this is it,” bulong ni Marco habang inaayos ang tela. “Kung mananalo ka, ito ang magpapatunay.”

Habang lumalakad ang modelo suot ang gown, tila huminto ang oras. Ang ilaw ay nakatutok, at ang puting tela ay kumikislap sa bawat hakbang. Simple ngunit napakalinis, elegante ngunit walang bahid ng yabang.

Naramdaman ni Cassandra ang luha na unti-unting dumaloy. Ito ako. Ito ang totoo kong sarili.

Ngunit sa audience, nakatingin si Nathaniel, malamig pa rin.

Pagkatapos ng huling lakad, nagkaroon ng ilang segundo ng katahimikan. Walang nagsalita. Ang puso ni Cassandra ay halos tumigil.

At saka biglang sumabog ang palakpakan. Hindi lahat, pero sapat para maramdaman niyang may nakakita sa kanya. May mga nakatayo, may mga ngumiti, at may mga nagsimulang kumuha ng litrato ng kanyang mga disenyo.

“Cassandra Lee…” bulong ng host, “…a new voice in fashion.”

Napaluha siya, niyakap si Marco, at halos hindi makapaniwala.

Ngunit sa gitna ng palakpakan, nanatiling walang ekspresyon si Nathaniel. Tumayo ito, at dahan-dahang naglakad palabas ng venue.

Pagkatapos ng event, abala ang lahat sa pagbati at pagkukuwento. Marami ang lumapit kay Cassandra—mga estudyante, mga kritiko, at ilang tao mula sa industriya. Ngunit sa kabila ng saya, hindi niya maiwasang isipin ang malamig na tingin ni Nathaniel.

Pag-uwi niya sa mansyon, madilim ang buong paligid. Tahimik. Parang walang tao.

Ngunit pagpasok niya sa study room, nandoon si Nathaniel. Nakatayo, nakatingin sa bintana.

“You embarrassed me tonight,” malamig nitong sabi.

Humigpit ang hawak niya sa clutch bag. “No, Nathaniel. I shone tonight. At hindi mo na iyon kayang burahin.”

Dahan-dahang lumapit si Nathaniel, ang mga mata’y mapanganib. “You think this is a victory? This is just the beginning. You want freedom, Cassandra? Then you’ll have to fight harder. Because I will not let you go that easily.”

Nanlamig siya. Hindi niya alam kung pananakot lang ba iyon o may mas mabigat pang plano ang asawa.

Ilang araw matapos ang showcase, lumabas sa mga pahayagan ang pangalan ni Cassandra.

“New Designer Rises”

“Mrs. Lee Steps Out of the Shadow”

“Cassandra Lee—More Than Just a Wife”

Ngunit kasabay nito, kumalat din ang ibang balita.

“Lee Corporation Stocks Drop After Public Rift”

“Rumors of Divorce Surface Between Nathaniel and Cassandra Lee”

Dumami ang mga mata nakatutok sa kanila. Hindi lang ito laban sa pagitan nilang mag-asawa—isa na itong giyera ng pangalan, reputasyon, at kapangyarihan.

Isang gabi, habang abala si Cassandra sa fashion studio, nagri-ring ang telepono niya. Hindi pamilyar ang numero.

“Hello?” maingat niyang sagot.

“Mrs. Lee?” malamig na tinig ang nagsalita. “If you value your freedom, meet us tomorrow. There are things about Nathaniel you don’t know. Things that could destroy him.”

Nalagutan siya ng hininga. “Sino ka?!”

Ngunit bago pa man siya makasagot muli, pinutol ang tawag.

Nanlalamig ang kamay niyang nakahawak sa telepono. Anong ibig sabihin nito? Ano pa ang hindi ko alam tungkol kay Nathaniel?

Habang nakatulala, napatingin siya sa sketchpad na nakabukas sa mesa. At doon niya napagtanto—ang laban niya ay hindi lang tungkol sa pag-alis sa crown… kundi sa pagtuklas ng katotohanan sa likod ng lalaking pinakasalan niya.

Kinabukasan, habang naghahanda siya sa pagpunta sa institute, dumating si Marco. Ngunit bago pa siya makapagsalita, biglang pumasok ang isang sulat mula sa ilalim ng pinto—isang sobre na walang pangalan.

Binuksan niya ito, at sa loob ay may nakasulat lang na isang pangungusap:

“Meet me at midnight. The truth about Nathaniel will set you free.”

Nanlaki ang mga mata ni Cassandra, at halos mabitawan ang papel.

Anong sikreto ang tinatago ni Nathaniel… at handa ba akong malaman iyon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Honey, I don't want the Crown   Chapter 190

    “Are we finally ready?”Tanong ni Cassandra habang inaayos ang manipis na balabal ni Elera sa may balikat.“Mom, ilang beses mo na po yang inayos,” tawa ni Elera. “Hindi naman po ako lalamigin agad.”“Hindi ‘yan,” sagot ni Cassandra habang tinatapik ang buhok ng anak. “Gusto ko lang sure ako na presentable ka.”Sumingit si Nathaniel, nakasandal sa poste ng karwahe.“Cass, huwag mong kalimutan—dalawa ‘yang anak natin. Kung si Elera ay inaayos mo, sino mag-aayos kay Alaric?”Agad na napatingin si Cassandra, at muntikan nang matawa.Nakahawak si Alaric sa sinturon ng suot niyang travel uniform—pero mali… sobrang higpit. Para siyang kinukulong nito.“Anak,” natatawang sabi ni Cassandra, “paano ka hihinga n’yan?”“Ma, sabi ni Dad kaya raw dapat mahigpit kasi ‘royal posture’,” reklamo ni Alaric.Napalingon ang lahat kay Nathaniel.Nagtaas ng dalawang kamay ang Hari.“I did not say that.”Pero halata sa smirk niya na oo, siya nga ang nagsabi nun.Napailing si Cassandra. “Lord… dalawang oras

  • Honey, I don't want the Crown   Chapter 189

    Sa gitna ng tahimik at maaliwalas na umaga, naglalakad lang ang kambal—si Alaric at Elera—sa royal garden, bitbit ang mga scroll na kailangan nilang aralin mamaya. “Kuya…” tawag ni Elera nainom ng milk na dala ng isa sa mga handmaids. “Sure kaba talaga na hindi mo sisirain yung schedule natin mamaya? Kasi last time, bigla kang nag-sparring kahit dapat diplomacy class tayo.”Umangat ang kilay ni Alaric. “Hindi yun kasalanan ko. Si Sir Galeno ang nag-challenge sa’kin.”“Challenge ka d’yan,” pang-aasar ni Elera. “Nung tinanong ka pa nga kung handa ka ang sagot mo—”Tinaas niya ang boses, ginagaya ang tono ng kapatid:“I was born ready.”Tumawa si Elera, halos masamid sa milk. “Ewan ko sa’yo, Kuya. Hindi lahat laban.”“Hindi rin lahat tea party,” sagot ni Alaric, tumatawa rin.Pero bago pa sila makapagpatuloy, biglang may rumagasa na tunog mula sa kabilang side ng garden.Takbo. Maaring pagod. Halatang panic.“P-Princess Elera! Prince Alaric!” sigaw ng messenger mula sa watchtower.Nagk

  • Honey, I don't want the Crown   Chapter 188

    Umagang-umaga pa lang, ramdam na agad sa buong palasyo ang kakaibang excitement. Hindi ito yung tipong may festival o coronation — Kasi today…Una nilang official mission bilang mga heirs.Sa hallway pa lang, rinig na ang sigawan.“Kuya! Ang bag ko nasaan?!” sigaw ni Elera habang paikot-ikot na parang ipo-ipo.“You left it on the training field— AGAIN,” sagot ni Alaric habang nagtatali ng boots. “Hindi ba kahapon lang sinabi kong ayusin mo ang gamit mo?”“Eh nag-practice ako ng speech ko!” sagot ni Elera, naka-pout. “You know naman, kailangan perfect ang pagpresent ko sa mga tao!”“Hindi naman ‘to presentation, El. Mission ‘to. As in trabaho. Work. Responsibility.”“Traba-whaaat?” sabay tawa ni Elera.Nag-facepalm si Alaric.Huminto ang usapan nang dumating si Cassandra na may hawak na isang malaking basket ng pagkain.“Good morning, my kids,” nakangiti niyang bati. “Breakfast muna before your mission.”“Mom, mission nga eh,” sabi ni Alaric, nagmamatigas pero gutom na.“All missions

  • Honey, I don't want the Crown   Chapter 187

    Kinabukasan matapos ang engrandeng festival, tahimik ang buong palasyo. Pero ‘yung klaseng tahimik na puno ng saya — hindi dahil pagod, kundi dahil fulfilled ang lahat.Ang mga banderitas ay unti-unting tinatanggal ng mga royal attendants, at ang mga lansangan ay punong-puno pa rin ng mga kwento tungkol sa “The Twin Heirs’ First Festival.”May mga bata pa ngang nagkukwentuhan sa kalsada:“Grabe ‘yung sayaw ni Princess Elera! Parang fairy!”“At si Prince Alaric! Ang cool n’ya nung nag archery, parang walang mintis!”Habang pinupuri sila ng mga tao, nasa royal garden naman ang buong pamilya — Nathaniel, Cassandra, Alaric, at Elera — nakaupo sa ilalim ng malaking puno ng golden magnolia.“Grabe, I can’t believe tapos na agad ‘yung festival,” sabi ni Elera, naka-sandals lang at kumakain ng manggang hinog. “Parang kahapon lang nagpa-practice pa tayo.”“Technically kahapon nga,” sagot ni Alaric habang nagbibilang ng mga darts na ginamit nila sa archery booth. “At technically, ikaw ang pinak

  • Honey, I don't want the Crown   Chapter 186

    Mula umaga pa lang, buhay na buhay na ang buong kaharian. Ang mga kulay bughaw at gintong banderitas ay nakasabit sa bawat kanto. May mga mang-aawit, mananayaw, at vendors na nagtitinda ng kung anu-anong masasarap na pagkain—mula roasted boar hanggang matatamis na pastries na may hugis korona.Today is The First Royal Festival of the Heirs — at sina Prince Alaric at Princess Elera ang espesyal na bida at organizer.Sa loob ng palasyo, sobrang busy ng kambal. Takbo dito, takbo doon.“Kuya, na-check mo na ba yung rehearsal ng knights?” tanong ni Elera habang sinusuklay ng royal stylist ang kanyang buhok.“Yes. They’re good,” sagot ni Alaric, sinusukat ang royal sash para siguraduhing naka-align. “Ikaw? Ready ka na ba sa speech mo?”“Uh…” ngumanga si Elera. “I have a speech???”Natawa si Alaric. “Of course. We both do.”“Kuya, bakit hindi mo sinabi agad?!” halos mapasigaw si Elera. “Hindi ako mentally prepared!”Lumapit si Cassandra, dala ang dalawang congratulatory ribbons.“Anak, kaya

  • Honey, I don't want the Crown   Chapter 185

    “Alright, everyone!” sigaw ni Haring Nathaniel habang nakatayo sa gitna ng courtyard, suot pa rin ang royal coat pero may whistle sa leeg na parang PE teacher. “Today, no excuses! We train like warriors — and no complaining!”“Dad,” reklamo agad ni Elera, nakataas ang kilay, “we’re wearing royal uniforms, not workout clothes!”“Adaptability test!” sagot ni Nathaniel, nakangiti. “If you can fight in heels, you can fight anywhere.”“Mom!” sigaw ng dalaga, tumakbo kay Cassandra na nakaupo sa lilim. “Please tell him this is torture!”Ngumiti lang si Cassandra habang umiinom ng tsaa. “Oh, sweetheart, I went through worse when I trained with him before. Kaya mo ‘yan.”Napabuntong-hininga si Elera. “So this is betrayal… royal edition.”“Come on, sis,” sabi ni Alaric habang nag-stretching, “it’s not that bad. At least may snacks si Mom after.”“Snacks won’t fix this trauma,” sarkastikong sagot ni Elera.“Alright!” sigaw ni Nathaniel. “Jog around the courtyard — ten laps!”“Ten?!” halos sabay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status