Share

Chapter 6

Author: Akiyutaro
last update Last Updated: 2025-09-05 09:07:20

Hawak pa rin ni Cassandra ang sobre. Paulit-ulit niyang binabasa ang salitang: “Meet me at midnight. The truth about Nathaniel will set you free.”

Midnight. Isang oras ng katahimikan, isang oras na para bang ang mundo ay natutulog—maliban sa mga taong may tinatagong kasinungalingan.

Pupunta ba ako? tanong niya sa sarili. O ito’y bitag lang para mas lalo akong masira?

Ngunit mas nangingibabaw ang pagkasabik niyang malaman. Mula nang ikasal siya kay Nathaniel, parang maraming pader ang itinayo nito sa paligid niya. Maraming tanong, Kung totoo ang sabi ng hindi kilalang boses sa telepono, marahil ito na ang pagkakataong mabuksan ang kulungan.

Huminga siya nang malalim. “I need to know.”

Kinabukasan, sa institute, hindi mapakali si Cassandra. Habang inaayos niya ang mga sketches ng bagong koleksyon, dumating si Marco na halatang napansin ang lungkot sa mukha.

“Cass, what’s wrong?” tanong nito, may hawak pang kape para sa kanya.

Tinitigan niya si Marco, saka nagpasya. Hindi niya kayang itago ito nang mag-isa. “Marco… someone called me last night. They said they know something about Nathaniel. Something that could destroy him. Then this morning, may dumating na sulat. They want me to meet them at midnight.”

Nanlaki ang mga mata ni Marco. “Cass, that’s dangerous! Paano kung trap ‘yan? What if Nathaniel sent them to lure you?”

Umiling si Cassandra. “I don’t think so. Ang tono ng boses—hindi iyon galing sa kanya. At saka… I need answers, Marco. Kung totoo man o hindi, kailangan kong malaman.”

hinawakan ni marco ang kamay niya. “Then I’m coming with you. Hindi kita hahayaang pumunta mag-isa.”

Dumating ang hatinggabi. Tahimik ang buong lungsod, ang mga kalsada’y halos walang tao. Sumakay si Cassandra sa kotse kasama si Marco. Ang direksyon ay nakasulat lamang sa sobre—isang lumang warehouse malapit sa pier.

Habang papalapit sila, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ni Cassandra. Ang hangin ay malamig, at bawat anino ay tila may matang nakatingin.

Pagdating sa harap ng warehouse, bumukas ang isang maliit na ilaw sa loob. Isang anino ng lalaki ang lumitaw sa pinto.

“You came,” sabi ng lalaking may hood.

“Who are you?” tanong ni Cassandra, mahigpit ang hawak sa clutch bag. “Anong gusto mo sa akin?”

Tumingin ito sandali kay Marco bago bumalik ang tingin kay Cassandra. “I used to work for Nathaniel. I know things—things he has kept hidden from you. And if you want to be free from him, you’ll need this information.”

Inabot ng lalaki ang isang folder. Nanginginig si Cassandra habang tinatanggap ito.

“Open it,” sabi nito.

Binuksan niya. Laman ng folder ang mga dokumento, litrato, at ilang kontrata. Habang binabasa niya, unti-unting lumaki ang kanyang mga mata.

“Illegal transactions… offshore accounts… smuggling?” halos pabulong niyang sambit.

Tumango ang lalaki. “Nathaniel is not just a businessman. He built the Lee empire on dirty money. Drugs, smuggling, laundering—you name it. And now, he’s planning something bigger. If you don’t act soon, you’ll be dragged down with him.”

Parang biglang lumiit ang mundo ni Cassandra. Ito ba ang lalaking pinakasalan ko? Ang lalaking kinakatakutan ko?

Bago pa man siya makapagsalita, biglang bumukas ang mga ilaw sa buong warehouse. Maraming lalaki ang lumabas.

“RUN!” sigaw ng lalaking naka-hood. Ngunit huli na.

Sa gitna ng mga bantay, dahan-dahang pumasok si Nathaniel. Naka-itim ito, seryoso ang mukha, at malamig ang tingin.

“Did you really think you could hide from me?” malamig nitong tanong, nakatuon kay Cassandra.

Napalunok si Cassandra, hawak pa rin ang folder. “Nathaniel… what is this? Are these true? Tell me it’s not true!”

Ngumisi si Nathaniel. “You should’ve just stayed quiet, Cassandra. You were never meant to see this side of me.”

“Answer me!” sigaw niya, halos mabasag ang boses.

Lumapit ito nang dahan-dahan, at saka kinuha ang folder mula sa kanya. “The empire needs to survive. And survival requires sacrifices. You, of all people, should understand that.”

“Sacrifices?” nanginginig na tanong niya. “Pamilya? Batas? Lahat ng inosenteng nadadamay—iyan ba ang tinatawag mong survival?”

Tumawa si Nathaniel, mababa at nakakatakot. “Naïve as always.”

Nagpumiglas si Marco, na hawak ng dalawang lalaki. “Cassandra, we have to get out of here!” sigaw niya.

Ngunit bago pa man sila makagalaw, biglang may pumutok na baril. Umalingawngaw ang putok sa buong warehouse, at napahinto ang lahat.

Nagkaroon ng kaguluhan. Ang lalaking naka-hood ay biglang bumunot ng baril at pinaputukan ang ilaw, dahilan upang mabulag ang mga bantay.

“GO!” sigaw nito.

Hinila ni Marco si Cassandra palabas, tumatakbo sila habang umaalingawngaw ang mga sigaw at putukan sa loob. Ramdam ni Cassandra ang malamig na hangin ng gabi habang pinipilit niyang humabol sa bawat hakbang.

Pagdating nila sa kotse, agad silang sumakay at pinaharurot ni Marco ang sasakyan. Sa rearview mirror, nakita nilang may mga sasakyan ding humahabol.

“Hold on, Cass!” sigaw ni Marco.

Habang tumatakbo ang sasakyan mahigpit na nakahawak si Cassandra sa folder na bahagyang naagaw niya pabalik. Ramdam niya ang bigat ng mga papel na iyon—hindi lang bilang ebidensya, kundi bilang susi sa kanyang kalayaan.

Ngunit kasabay nito, ramdam din niya ang mas malaking panganib.

Kung totoo ang lahat ng ito, hindi lang si Nathaniel ang makakalaban ko. Ang buong imperyo niya… at lahat ng taong nakikinabang dito.

 hindi makapaniwala si Cassandra na buhay pa sila. Umupo siya sa gilid ng kama, nanginginig, habang hawak ang folder.

“Cass,” sabi ni Marco, hinihingal pa rin. “You can’t stay here anymore. Nathaniel will come after you. We need to go to the authorities.”

Tumingin siya kay Marco, puno ng takot at pagdududa. “But if I do that, Marco… my life will never be the same. Wala na akong babalikan. Pati pangalan ko, masisira.”

“Cass,” mahinahon nitong sagot, “sometimes destruction is the only way to rebuild.”

Napaluha siya. Kung hindi niya haharapin si Nathaniel ngayon, habang buhay na siyang magiging alipin ng kanyang anino.

Binuksan niyang muli ang folder. Sa huling pahina, may nakalagay na larawan—isang batang babae. Sa likod nito, may nakasulat: “Project Seraphim.”

Natigilan siya. “Who is she?” bulong ni Cassandra.

Ngunit bago niya masagot ang tanong, biglang tumunog ang cellphone niya. Isang mensahe mula sa unknown number:

“You’re in deeper than you think. Trust no one. Even those closest to you.”

Nalagutan siya ng hininga. Dahan-dahan niyang tiningnan si Marco, na nakaupo sa tabi niya.

“Cass?” tanong nito, napansin ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.

Hindi siya sumagot. Sa puso niya, may bagong tanong na umusbong:

Hanggang saan ang kaya kong pagkatiwalaan si Marco?

Habang nakatitig siya sa larawan ng batang babae sa folder, biglang may malakas na pagsabog mula sa labas ng mansyon. Yumanig ang buong bahay, at bumukas ang mga bintana.

Napahawak si Cassandra sa mesa, nanlalaki ang mga mata.

“Cass, we have to move! NOW!” sigaw ni Marco, hinila siya palabas ng kwarto.

Ngunit sa gitna ng usok at apoy, isang boses ang umalingawngaw mula sa speaker ng mansyon—ang malamig na tinig ni Nathaniel:

“Run all you want, Cassandra. But remember… everything you love, everything you touch, will burn with you.”

Nanlamig ang buong katawan niya.

At sa gitna ng apoy, hawak pa rin niya ang folder—at ang larawan ng batang babae na maaaring siyang magbago ng lahat.

Pero sino siya… at bakit ang pakiramdam ko, konektado siya sa akin?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Honey, I don't want the Crown   Chapter 53

    Mainit ang liwanag ng araw na tumatama sa mga pader ng palasyo nang magtipon ang konseho para sa buwanang pagpupulong. Sa gitna ng mahaba at marangyang mesa, nakaupo sina Nathaniel at Cassandra, kapwa nakasuot ng damit na sumisimbolo ng pagkakaisa ng kaharian: siya sa gintong balabal na may burdang puti, at siya naman sa bughaw na kasuotan na may pilak na detalyeng kumikislap. Tahimik na nagsimula ang pag-uusap tungkol sa bagong mga proyekto: mga tulay na itatayo, mga bukirin na palalaguin, at mga paaralan na bubuksan para sa mga kabataan. Habang naglilista ang mga tagapayo, napansin ni Cassandra ang isang bagong presensya sa silid. Si Marco. Nakasuot siya ng marangal ngunit simpleng kasuotan, hindi kasing kinang ng mga pinuno ngunit sapat upang ipakita ang respeto sa konseho. Nang tumayo siya upang magbigay ng mungkahi, agad na nakuha niya ang pansin ng lahat. “Kung nais nating lalo pang pagtibayin ang ugnayan ng hilaga at timog,” panimula ni Marco, mahinahon ngunit puno ng kumpi

  • Honey, I don't want the Crown   Chapter 52

    Ang araw ay nagsisimula nang lumubog nang lumabas si Cassandra mula sa palasyo. Kasama niya ang dalawang dama at si Lux, ang pinakakatiwalaang bodyguard na ipinadala ni Nathaniel mismo. Malaki ang pangangatawan ni Lux, maliksi ang galaw, at halos hindi nagsasalita maliban kung kailangan. Nakasunod siya nang bahagya sa likod ni Cassandra, para bang anino nitong laging handang sumalo sa anumang panganib.“Reyna, mag-ingat po,” mahinahong paalala ni Lux habang inaalalayan si Cassandra paakyat sa karwahe.Ngumiti si Cassandra. “Salamat, Lux. Alam kong pinadala ka ni Nathaniel para bantayan ako. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako lalayo.”Habang naglalakbay sila patungo sa marketplace, ramdam ni Cassandra ang kakaibang saya. Sa mga huling buwan kasi, puro giyera at bangungot ang kanilang kinaharap. Ngayon, sa unang pagkakataon, makikita niyang muli ang kanyang nasasakupan na walang takot at puno ng ngiti.Pagdating nila sa pamilihan, sinalubong siya ng mga tao. “Reyna Cassandra! Mabuhay

  • Honey, I don't want the Crown   Chapter 51

    Ang bulwagan ng palasyo ay maliwanag sa apoy ng malalaking sulo na nakasabit sa bawat haligi. Ang kisame ay may nakaukit na mga simbolo ng liwanag, tanda ng panibagong kapayapaan. Ngunit sa gitna ng kagandahang iyon, ang hangin ay tila mabigat, puno ng hindi nakikitang laban.Nakaupo sina Nathaniel at Cassandra sa gitnang upuan, kapwa suot ang gintong balabal na sumisimbolo ng kanilang pamumuno. Sa tapat nila, nakatayo si Marco, nakasuot ng maayos na kasuotan ngunit halatang hindi galing sa palasyo. Ang bawat galaw niya ay maingat, pero ang mga mata niya ay hindi maitago ang ningning na nakatuon kay Cassandra.“Salamat sa pagtanggap muli sa akin,” panimula ni Marco, malamig ngunit maayos ang tono. “Alam kong mahirap pagkatiwalaan ang isang taong may nakaraan na kasing bigat ng akin. Ngunit narito ako hindi para guluhin, kundi para mag-alok ng lakas at kaalaman.”Nagkatinginan ang mga miyembro ng konseho na nakaupo sa gilid ng mesa. Ang ilan ay nagbulungan, ang iba nama’y nagtaas ng ki

  • Honey, I don't want the Crown   Chapter 50

    Ang umaga sa kaharian ay may kakaibang katahimikan. Sa labas ng palasyo, ang mga tao ay abala sa kani-kanilang gawain—ang mga tindera’y nag-aayos ng kanilang mga paninda, ang mga bata’y masayang naglalaro, at ang mga mandirigmang dating hawak ang espada’y ngayo’y nakangiti habang nagbabantay, hindi na para sa digmaan kundi para siguraduhin ang kapayapaan. Sa bawat sulok, ramdam ang bagong simula.Ngunit sa kabila ng kasiyahan ng bayan, si Cassandra ay nakaupo sa veranda ng palasyo, nakatanaw sa malayo habang hawak ang isang tasa ng tsaa. Sa kanyang isipan, paulit-ulit na pumapasok ang gabing nagdaan—ang gabing humingi ng tawad si Nathaniel. Para bang isang mabigat na kadenang matagal nang nakatali sa puso niya ang unti-unting natanggal. At kahit ramdam pa rin ang bakas ng sugat, may bahagyang ginhawa sa kanyang dibdib.“Kung tutuusin,” bulong niya sa sarili, “hindi madaling kalimutan ang nakaraan. Pero siguro… ang mahalaga ay nagsisimula na kaming ayusin ang lahat.”Naputol ang pag-ii

  • Honey, I don't want the Crown   Chapyer 49

    Ang umaga sa kaharian ay puno ng bagong simula. Sa mga kalsada, makikita ang mga bata na naglalaro, ang mga tindero na muling nagbubukas ng kanilang mga pwesto, at ang mga mandirigma na hindi na humahawak ng espada kundi nagbabantay na lamang para siguraduhin ang kapayapaan. Sa bawat sulok, ramdam ang bagong pag-asa.Ngunit sa gitna ng sigla, si Cassandra ay nakaupo sa veranda ng palasyo, tahimik na nakatanaw sa mga tao. Hawak niya ang isang tasa ng tsaa, at sa isip niya ay paulit-ulit na pumapasok ang gabing nagdaang pag-uusap nila ni Nathaniel.Nag-sorry na ito. Sa wakas, narinig niya ang mga salitang matagal na niyang hinintay. At ramdam niya na totoo ang bawat salita. Ngunit alam din niyang hindi madaling kalimutan ang mga sugat ng nakaraan—kailangan ng panahon, at higit sa lahat, ng pagpapatunay. iniisip niyang kailangan bumawi ni nathaniel sa mga bagay bagay na nakasakit sakanya, pero aantayin n'ya ang panahon upang maipakita ni nathaniel ang pag mamahal na gusto n'yang madama

  • Honey, I don't want the Crown   Chapter 48

    Ang gabi ay payapa. Ang mga bituin ay nakahabi sa kalangitan na para bang libo-libong mata ng langit na nakamasid sa mundo. Sa hardin ng palasyo, nakaupo si Cassandra sa isang lumang bangkong gawa sa marmol. Nakatitig siya sa buwan, iniisip ang lahat ng pinagdaanan nila nitong mga nakaraang buwan—mga laban na muntik na niyang ikamatay, mga desisyon na muntik na niyang pagsisihan, at higit sa lahat, ang hindi matitinag na pagmamahal na nagtali sa kanila ni Nathaniel.Narinig niya ang marahang yabag ng mga paa mula sa likuran. Pamilyar iyon—ang hakbang ng taong kahit hindi niya makita ay kilala na ng puso niya.“Cass…” mahina ang boses ni Nathaniel, puno ng pag-aalinlangan.Hindi siya lumingon agad. Sa halip, pinakiramdaman niya ang bawat nota ng tinig nito. Hindi iyon ang boses ng isang hari na may dala ng kapangyarihan, kundi ng isang asawang mabigat ang dinadala.“Umupo ka,” mahinahong tugon ni Cassandra, sabay kaway sa tabi niya.Dahan-dahang naupo si Nathaniel. Ilang sandali silang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status