(Joaquin's POV)
Nasa kama ko siya. As in. Literal. Nakadilat ako, staring at her like she was some kind of cosmic joke from the universe. Pa-starfish pa na nakahiga, lasing na lasing, at ngayon—yes, narinig ko na naman ‘yon— Blaghhh. Sumuka. Ulit. I blinked, deadpan. “Seriously? Again?” Dahan-dahan akong lumapit, pinigilan ang sarili kong tumawa—or tumawag ng exorcist. Kumalat na naman ‘yung suka sa mamahaling bedsheets ko. Fresh hotel linens turned battlefield real quick. What. The. Hell. Hindi pa ‘to sapat? It was her. Erena Lopez. Ang babaeng may attitude ng whole boardroom at confidence ng isang corporation. 'Yung type ng babae na kahit sumuka, may aura pa rin ng royalty. She snored. "Christ.” I grabbed my phone, pressed a button. “Room service. Urgent cleanup. Palitan lahat ng sheets. Yes, including the pillows. And maybe throw the whole bed.” “Yes, Mr. Hernandez.” Next call. “Zane,” I said flatly. “Sir? (Napatingin si Zane sa relo habang sinasagot ang nasa kabilang linya. 1am na natawag pa siya ano na naman kaya ito?)Bakit po?” “May babae sa kama ko.” Pause. “...Are we celebrating this, or do you want me to call security?” “She’s unconscious. Lasing. And she just vomited. Twice.” “Oh. So not the fun kind.” “She’s also Erena Lopez.” Another pause. “As in Empressa heiress? Yung sa fashion empire? Yung tinawag kang ‘walking red flag’ nung sa bar?” “That’s the one.” “Ano’ng gusto mo gawin ko?” “I need you to assist in getting her cleaned. She's a mess. Pa-dry clean mo yung damit niya. Kung hindi na maligtas—sunugin. And wag kang kukuha ng picture.” “Got it.” “And Zane…” “Yes, boss?” “No one hears about this.” Ten minutes later, malinis na ulit ang suite. The bed, spotless. Erena? Nakatulog na sa couch, balot ng robe ko, mukhang tulog na tulog kahit sinakop na niya buong gabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya, sipping coffee. Di ko alam kung tatawa ako o magpapabless. Of all the people na pwedeng sumugod sa room ko… Bakit siya pa? Siya yung klase ng babae na kahit lasing, may presence. Yung tipong kahit di niya sabihin, alam mong may power siya. And worse—maganda pa rin kahit kalat. I hated that I noticed. Pero mas lalo kong kinainis na I didn’t hate it. Kinabukasan. Tahimik ako sa labas ng bedroom, kape sa kamay, waiting. Then—CRASH. May nalaglag. Sinundan ng, “WHERE IS MY LIFE?!” Ngumiti ako. Perfect timing. Pumasok ako, kalmadong-kalmado, like I didn’t witness last night’s chaos firsthand. Nakita ko agad siya—nakabalot sa comforter like a panicked burrito. Naka-wild hair, gulong-gulo, parang may tinatakbuhang multo. “Mornin’,” I said, poker face on. Nanlaki mata niya. Literal. ‘Yung parang may nakita siyang multo. Ako nga lang pala ‘yun. Multo ng kahihiyan niya. I tilted my head and still had my poker face on, “You look... rested.” “Where are my clothes?”, ani niya. I raised my eyebrow. “Dry-cleaning.” Her eyes widened. “Did you—did I—did we—?” I smirked, “What do you remember?” She groaned and collapsed into the pillows again. Lubog pa din sa kahihiyan si Erena. Ininom ko ang kape ng dahan dahan bago muling nagsalita, “If you can't remember anything, maybe nothing really happens." Tahimik pa din si Erena. "But what I learned last night is, you really like abs. You keep admiring it.", I smirked. Namula siya. Literal na pula, parang stoplight. Tumayo ako sa tabi ng bintana, binuksan konti para pumasok ang liwanag. Tamang torture para sa may hangover. “You’re welcome by the way,” I added. “Could’ve called hotel security. Could’ve posted a photo. Pero instead, nilabhan ko damit mo and made sure di ka mamatay sa sarili mong lasing.” Dahan-dahan siyang sumilip sa kumot, half dead, half diva. “I hate you.” I smirked. “You’re not the first.” “Ano ba talaga nangyari?” “Anong naaalala mo?” “Tequila. Bar. Abs mo… wait—” Tumahimik siya. “Did we?..." Tilting my head, I said, “Wouldn’t you like to know?” Nanlaki ulit mata. “Relax, Erena. Natulog ka agad. Di kita ginagalaw. I’m not a criminal.” She breathed. Tapos biglang nagmukhang offended na naging relieved siya. Classic Erena Lopez. “Tingin ko panaginip lang ‘to,” she muttered. “Well, sa panaginip mong ‘to, sinuka mo ‘yung kama ko at ginastos ko ₱15,000 sa laundry service.” Tumayo siya, trying to be composed kahit mukhang hangover mess siya. “I need my clothes.” “Nasa closet. Clean and folded. My assistant handled it.” “YOUR assistant saw me like this?!” “No,” I lied. She squinted. “You’re lying.” I smiled innocently. Nagmumura siya habang naglalakad papuntang banyo, dala-dala pa rin ang blanket like it was armor. “I swear..” she warned, “if you tell l-I cut her off, amused. “What? That you snuck into my suite, admired my body, puked on my bed, and called me a ‘rom-com sin’?” She groaned. “Damn. Don’t finish that sentence!” I laughed. ?+he slammed the door. And for the first time in a long time, I wasn't entertained."We need to find her as soon as possible. Hanggat hindi tayo nakakasigurong wala na siya, we can't proceed with our next plan." patuloy ng lalaki. Tinitigan ng mariin ni Erena ang dalawang tao na naguusap. Pilit inaaninag kung sino ang mga ito. Abala si Erena sa pagtanaw ng biglang may lalaking tumakbo papunta sa dalawang naguusap. Hingal at mabilis itong tumakbo sa kanila. "Nakita na raw po siya pero nakatakas. Nahirapan silang habulin dahil po sa sukal ng kagubatan at dilim ng gabi." paliwanag ng lalaki. "Huwag niyo akong bigyan ng ganyang dahilan! Hindi maaring mahinto ang paghahanap. Halughugin ang buong kagubatan!" galit na saad ng lalaki. Muling napaisip si Erena kung saan niya narinig ang boses na iyon ng mahinuha niyang pamilyar din ang tinig nito gaya ng kausap nitong babae. Kumikirot man ang sugat sa kanyang braso, maingat ang bawat paggalaw at paghinga ni Erena upang hindi siya mapansin ng mga taong naroroon. Nang akmang haharap siya sa kanyang likuran, is
Matagal bago muling nagsalita si Julian. Nanatiling nakatanaw ito kung saan nagtungo si Mikhaela. Makalipas ang ilang minuto, nilingon nito si Joaquin sa ginagawa nito. "We've got some progress. After hours of questioning, we got something from him. And I also need to discuss something with you." seryosong saad nito kay Joaquin. Nagbalik ng tingin si Joaquin dito. Saglit niyang tinitigan ito bago tumango. "Sabay na tayong pumunta dun. We'll discuss it on the road." sagot ni Joaquin. Agad naglakad palabas si Julian upang ipahanda ang sasakyan. Sumunod naman si Joaquin sa kaibigan. Maya maya pa ay naulinagan na sa kalaliman ng gabi ang pag-alis ng sasakyang lulan ni Joaquin at Julian. ---- Nagising si Erena na hinahabol ang kanyang paghinga. Ramdam ng katawan niya ang pagod at tumatagaktak ang pawis sa kanyang mukha. Paglibot ng kanyang paningin sa paligid, nasa isang madilim at masukal na kagubatan siya. 'Paano ako nakarating dito?' Sinubukan niyang igalaw ang kanyang braso.
Hinayaan ni Erena na patuloy na magkwento si Cam habang siya ay naghahanda na upang matulog. "At pagdating ni Joaquin kanina, inasikaso agad ng pinsan mo. Para silang may own world. Kaya naglibot libot ako dito sa villa." patuloy ni Cam sa kanyang kwento. Muling inayos ni Erena ang pagkakalapat ng kanyang likuran sa headboard ng higaan. "Narinig ko pa na naguusap yung mga nagbabantay kanina." dagdag ni Cam. Wari naman ay nakuha nito ang interest ni Erena. Mariin itong nakinig sa sasabihin ni Cam. "They are conducting the interrogation dun sa namaril dito na daw sa resort. They also said na they think may kasabwat yung tao dito sa loob. Kaya nakapasok and naabisuhan daw ng pasikot sikot dito. Kaya nahirapan sila mahuli kanina." seryosong sambit ni Cam na may kasama pang kumpas ng kamay. "Did Joaquin say anything pagdating niya kanina? About earlier?" tanong ni Erena. Umiling si Cam bilang sagot sa kanya. "Hinanap ka niya pagdating niya. I didn't get to ask him. Binakuran agad
Naisip ni Erena na bilisan na ang pagkain para makatakas sa usapan ng dalawa sa hapag kainan. Kahit hindi na mawari ni Erena kung kakasya pa ang pagkain sa punong punong bibig niya ng pagkain, patuloy pa din siya dito. "Uhmm-", panimula ni Mikhaela. Si Erena na nakakaramdam ng kaba at hindi mapakali dahil sa kung ano man ang sabihin nito. Pinipilit na lunukin ang ibang pagkain sa bibig habang maluha luha na siya sa pagkain. Mabilis na kinuha niya ang tubig habang nanginginig ang kamay. Napansin naman ni Cam ang ginagawang ito ni Erena. "Are you okay? Nabulunan ka ba?" tanong ni Cam at sinilip ang mukha ni Erena. Sinenyas ni Erena ang kamay kay Cam na ang ipinaparating rito ay huwag siya intindihin at ituloy na ang usapan nila. Ngunit hindi inintindi ni Cam ang gusto nitong iparating. Agad nagpakuha pa ng tubig si Cam ng maisip na baka kulang pa ang tubig na hawak ni Erena ngayon. Marahan ding hinimas ni Cam ang likod ni Erena at nakaabang na rin ito kung sakaling mabulun
'Ano na naman kaya ang naisip nun? Bakit ako ang nandito?' "Nasa baba lang po ako Ma'am kung may kailangan po kayo." magalang na nagpaalam ang babae kay Erena. Tumango siya rito at ngumiti. "Thank you." Nang makaalis ang babae, ipinaglakbay ni Erena ang mata sa buong silid. Simple ang disenyo ng kwartong ito, na tingin niya ay akma kay Joaquin. Kung ito nga ang tinutuluyan na silid ng lalaki. Marahan siyang naupo sa gilid ng higaan at hinaplos ang malambot na kumot na maayos na nakabalot sa higaan. Ibinagsak niya ang katawan rito at hindi nga siya nagkamali, nakakaginhawa sa pakiramdam ang mahiga rito. Napangiti siya sa ginhawang nararamdaman. Dahan dahan niyang itinaas baba ang kamay sa paghaplos sa higaan sa magkabilang gilid niya. Nasa ganoong sitwasyon si Erena ng maabutan ni Joaquin. Dahan dahan itong sumandal sa gilid ng pinto at pinagkrus ang dalawang braso habang mariing tinitingnan si Erena sa sitwasyong iyon. Unti unting napangiti si Joaquin na masaksihan si Erena na
Magulo ang buong paligid dahil sa paghabol sa misteryosong lalaki patungo sa masukal na kagubatang parte ng resort. Kahit mapanganib ang sitwasyon, dali daling tumakbo palabas ng spa si Cam upang masigurong ligtas si Erena. Ngunit napigil ni Julian ang braso niya. "It's dangerous to go out now. Just stay here." seryosong saad nito na kakakitaan ng awtoridad sa boses nito. "Okay lang ba siya? Hindi ba siya napaano sa labas? Naprotektahan ba siya ni Joaquin?" kinakabahan na sunod sunod na tanong ni Cam. "Hindi hahayaan ni Joaquin na may mangyareng masama sa kanya." saad ni Julian sa tinig na sigurado at kakakitaan ng tiwala kay Joaquin. Hinawakan nito ang balikat ni Cam at bahagyang pinisil ito upang magbigay katiyakan na magiging maayos ang lahat. ---Mahigpit na pinaghawak ni Erena ang kamay habang lulan ng sasakyang palayo sa kanina lamang na kaguluhan. 'Maaari kayang siya ang puntirya ng taong iyon? Wala naman siyang maalalang naging kaaway. Simula ng makabalik sa bansa ngayo