LOGIN
Michelle's POV
" Congrats, anak..." bati sa akin ni mama,bago ako niyakap ng mahigpit.Ganun din si papa sa akin. Tinanggal ko ang toga na nakapatong sa ulo ko. Nilagay ko ito sa ibabaw ng ulo ni papa. " Congratulations, papa and mama...soon may magandang architect na kayong anak." Inakbayan ko silang dalawa. " Ikaw lang naman ang nag-iisa naming anak..." agad din na singit ni mama sa sinabi ko. " Proud kami sa'yo,anak. Kami ng mama mo ay natutuwa sa pagtatapos ninyo ng kaibigan mo na si,Tanya." si papa. "Pwede ka ng magboyfriend, Michelle," biro ni mama sa akin.Agad naman akong natigilan. Hindi naman nila akong pinagbawalan na magboyfriend.Habang nag-aaral ako. Pareho lang talaga kami ni bestie Tanya. Hindi pa talaga dumating ang lalaking nakuha ang kiliti ko. Kung saan ang kiliti ko? Siyempre secret ko lang iyon. Kung sino man ang unang maging boyfriend ko. Sana siya na ang magiging asawa ko. Iyan ang pinaghahawakan ko sa sarili.Weird man sa iba, pero my body, my rule. I myself thank you... Nakita ko sila bestie Tanya at si tay Lito na papalapit sa pwesto na namin.Kaya agad akong sumalubong kay Tanya. " Congratulations to us, bestie." Masayang bati ko sa kanya. Nagyakapan kaming dalawa dahil sa kasiyahan. Talagang solid ang aming samahan at pagkakaibigan ng bestie Tanya ko.Simula pa elementarya hanggang sa kolehiyo. Finally, after five years of studying harder, emotionally and financially. Naitawid din namin ang pag-aaral sa college.Through thick and thin iyan ang friendship goals namin ni Tanya. Ganunpaman thankful parin kami na sa kabila ng mahirap na hamon sa buhay. Hindi man kami tulad ng ibang kaklase namin na mayaman na magkaibigan. Nakapag-aral parin kami isa sa prestihiyosong unibersidad sa Manila. Malaking pribelihiyo narin ang pagiging scholar namin. Nandito na kami ngayon sa isang restaurant kung saan kami kasalukuyang kumain at para na rin sa pagcelebrate ng graduation namin ni bestie Tanya. Habang masayang nagkukwentuhan sila mama,papa at tay Lito. Nagpaalam muna kami ni Tanya na mag-cr muna. " Gwapo talaga ni sir,Drake Montemayor..." ito iyong bulungan ng mga staff dito sa restaurant na narinig namin ni Tanya . Habang papunta kami sa restroom. Kilala ko na iyan binanggit nila na Drake Montemayor,sa tv nga lang. Well, nandito lang naman kaming kumain sa isang branch ng DM restaurant. Na walang ibang nagmamay-ari kundi ang isang hot billionaire na ubod ng gwapo na si Drake Montemayor. Iba din naman kasi ang pagka generosity ng amo ni tay Lito. Binigyan kami ng vip access, eat all you can sa restaurant na ito. Bilang regalo daw sa anak ni tay Lito na si Tanya.Siyempre sinama na din kami ni tay Lito pati mga magulang ko. Swerte naman ang nagtratrabaho dito. Boss nila ang isang Drake Montemayor.Ano kaya ang pakiramdam kapag may boss ka ng isang hot billionaire? Siguro laging kinikilig ang mga babaeng staff dito. Ganado sa pagtatrabaho kumbaga. Siniko ako ni Tanya, " Iihi ka pa ba? O makikinig nalang sa kanila,bestie?" " Hehe...sorry,bestie.Tara na..." hinila ko na siya. Hindi ko pala napansin na napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ni Drake Montemayor. Simpleng celebration lang sana ang plano. Kakain lang kami sa isang fast food chain.Pero salamat sa amo ni tay Lito. Nakapagcelebrate kami ni bestie Tanya sa isang mamahaling restaurant. Crush ko pa ang may-ari dito sa tv nga lang hehe... Drake Montemayor,i love you crush wetwew...kinilig na naman ako sa sarili ko. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami ni Tanya sa dorm namin. Si tatay Lito ay umuwi agad sa sa bahay ng amo niya. Iyong mga magulang ko naman ay pumunta sa kamag-anak namin. Para makapasyal narin sila sa kamag-anak namin dito sa Manila. Lumuwas lang kasi ang mga ito galing Bulacan.Dahil graduation ko. " Bestie, nag-imbita iyong grupo nila ni, Jake, sa bar.Para narin daw makapag celebrate mga batch natin. Bago tayo maghihiwalay-hiwalay, " wika ko kay Tanya.Habang naglalakad na kami pauwi sa dorm namin. Napataas agad ang kilay nito. Speaking of Jake isang taon narin itong nanliligaw sa kaibigan ko.Hanggang ngayon ay hindi parin ito tumigil sa panliligaw kay Tanya.Haba nga ng hair ng isang ito. May nagtiyagang nanligaw sa kanya na ganun katagal. Well, may iilan din naman nanliligaw sa akin. Pero agad ko din na binasted. Ayun, kinabukasan nabalitaan ko nalang iba na ang nililigawan. Magaling! Hindi matiyaga.Sabagay, kahit ako naman siguro. Ayaw ko din ipilit ang sarili ko sa taong ayaw sa akin. Biglang nanahimik si Tanya.Iniisip din siguro nito si Jake. " Oy! ano na sama na tayo,ha. Natahimik ka na diyan," Siniko ko siya,mukhang nawawala sa sarili ang bestie kong ito. " Hmm...pwede naman. Total, after nito busy narin naman tayo sa pag-rereview class natin. For board exam." Naging tugon naman niya. "Okay, enjoy natin ang sarili mamaya,bestie." Inakbayan ko na siya. NANDITO na kami ngayon sa nasabing bar. Kung saan nakipag-celebrate kami ni Tanya sa mga ka-batch namin. May ibang imbitado na hindi pamilyar sa amin ni Tanya ang mukha.Mga kamag-anak siguro at mga barkada ito ni Jake.Binayaran lang naman ni Jake ang buong gabi na ito. Iba talaga magagawa ng isang mayaman. Iyong iba naman ay humahataw na sa dance floor.May kanya-kanya narin mga partner.Kami ni Tanya ay tamang upo lang muna. Habang sumimsim lang ng alak na bigay sa amin ng waiter.Humagod pa nga sa lalamunan ko. Binigyan ko din si Tanya. Nakita ko nga din ang reaksiyon ng mukha niya.Hindi niya nagustuhan ang lasa.Kaya napangiti nalang ako ng lihim. Kung ako ang tatanungin. Malambing at mahinhin si Tanya. Samantalang palaban naman ako at may pagka loka-loka,minsan lang naman hehe... " Bestie, cr lang ako,ha." Paalam ko kay Tanya. Tango lang ang naging tugon nito sa akin. Ito naman ang hinintay na pagkakataon ni Jake para malapitan niya ang kaibigan ko. Ngumiti lang ako kay Jake at nagpaalam narin na pupunta muna ako ng cr. Medyo natagalan ako sa pag-cr.Dahil narin sa madaming gumamit.Pabalik na sana ako sa pwesto namin ni Tanya.Kung saan ko sila iniwan ni Jake. Pero laking gulat ko nalang ay nagkagulo na.Nakita ko nalang na nakahandusay na sa sahig si Jake. Nagtatanong ang aking mga mata.Nang magtama ang aming paningin ni Tanya.Napailing naman ako sa nangyari . Agad siyang lumapit sa akin.Mabilis na namin nilisan ang nasabing bar. Ang masayang graduation celebration sana ay nauwi pa sa kaguluhan. " Bakit? Anong nangyari, bestie? " agad na tanong ko kay Tanya. Nang makarating na kami sa dorm. Napabuntong-hininga siya at agad na kinwento sa akin ang buong nangyari. " Really? Nagagawa ni, Jake, iyan sa'yo? Wala naman pala siyang modo. Bet ko pa naman sana siya para sa'yo." Inis na wika ko. Hindi na namin inisip ang nangyari ngayon. Hindi naman siguro na kami magkikita ng mga kabatch namin.Michelle's POV Masaya kaming nagku-kwentuhan ni Drake habang nagmamaneho siya ng sasakyan.Pinag-usapan na namin kung anong magiging pangalan ng baby namin. Kahit hindi pa namin alam kung anong gender ni baby. May pangalan na kaming napili babae man o lalaki. " Anong gusto mong gender ng baby natin, Drake? " Masayang tanong ko sa kanya. Hawak niya parin ang isa kong kamay. Habang ang isang kamay lang niya ang may hawak sa manibela. " It doesn't matter kung anong gender, little kitten. As long as healthy kayo ni, baby. At higit sa lahat, ikaw ang ina ng mga anak ko." Kinilig na naman ako sa banat niya. Dahil sa subrang kakiligan ko mukhang basa na yata ang panty ko. Shit! Ganito ba ako ka init kay Drake? O talagang normal lang ito sa hormones ng pagbubuntis. Napansin ko kasi na laging mainit ang katawan ko. Lagi kong pinanggigilan si Drake "Little kitten..." napapikit ako ng ma realized ko na naman na nakatitig na naman ako kay Drake. Nagtataka ako ng bigla niyang ginilid ang
Michelle's POV Kahit ganun ang nangyari sa akin at kay tatay. Tinapos parin namin magstay sa Camiguin ng isang linggo. Dahil hindi mo maiwan ang magandang lugar na iyon. Pero may bangungot na sa akin ang nangyari. Dalawang araw na ang nakalipas simula ng bumalik kami sa Manila. Hindi na namin ginawa ang pamamasyal sa lansonesan dahil may trauma parin ako hanggang ngayon. " Little kitten, hurry up!" tawag sa akin ni Drake. Sabay kaming papasok.Ako sa LS Construction; siya naman ay sa opisina niya. " Nandito na!" masayang sambit ko. Napakunot-noo naman ako dahil nakatulala si Drake na nakatingin sa akin. " Bakit? Pangit ba ang suot ko?" Lumapit siya akin; mabilis akong hinalíkan." You're beautiful as always, little kitten. You're always captivating me." " Ahm, Drake! Tayo na at baka kung saan na naman mapunta iyang pa beautiful mo diyan." Natawa siya ng malakas. Napakamot pa nga siya sa kanyang batok. Paglabas palang namin sa condo niya. Nakasalubong namin si sir G
Michelle's POV MAGKAHAWAK-KAMAY kami ni Drake na lumabas ng hospital. Dahan-dahan lang ang lakad namin, nalungkot naman ako dahil imbes nandito sila mama at papa para mag-unwind. Ito pa ang nangyari sa amin. Ang masaklap pa binaligtad ni Travis ang nangyari. Kakasuhan daw niya si papa kung kakasuhan din namin siya. Dahil ayaw ng mga magulang ko ng gulo.Kahit malakas ang ebidensya namin. Kahit anong pilit ni Drake kay papa na lumaban. Pero si papa na din ang nagsabi na Diyos na ang bahala kay Travis. Pasalamat nalang daw kami na walang masamang nangyari sa amin dalawa ni baby. Ganun paman, hindi parin manahimik si Drake hangga't hindi magbabayad ang pinsan niya. Siya na daw ang bahala sa lahat. H'wag nalang daw akong ma stress at makasama pa sa pagdadalang-tao ko. " May gusto ka bang kainin, little kitten?" " Gusto ko sanang paksiw na isda na may gata." " Oh! I see...sa DM restaurant nalang tayo kakain." " Ikaw, tawagan ko lang sila ni,mama." "No need, nandoon na
Michelle's POV Umupo muna kami sa ilalim ng puno.Ang sarap tumambay sa mga puno. Ang sarap ng simoy ng hangin na kakarelax. Iwan ko ba simula ng na buntis ako mabilis na akong inaantok. Sinandal ko ang aking ulo sa may puno. Tumabi naman sa akin si Travis. Hindi ko na nakuhang lumayo pa sa kanya dahil ang sarap na ng upo ko. Hindi naman siguro ganun kasama si Travis sa iniisip ko. " Habang wala ang pinsan ko, Michelle. Pwede mo naman ako maging sandalan." Napalingon naman ako sa'yo, muntikan ng mapang-abot ang mga labi namin.Nagsimula na akong mga ilang sa kanya.Dahil ang salitaan ni Travis ay hindi bagay sa isang tulad ko na buntis na at girlfriend ako ng pinsan niya. Kung makita kami ni Drake sa ganitong ayos, baka mabugbog na si Travis na wala sa oras. Ang seloso pa naman ng lalaking iyon. Agad akong tumayo para yayain na siyang bumalik na kami sa rest house. " Travis, tayo na...babalik na tayo sa resthouse." " Ayaw mo na bang mamasyal?" " Ayaw ko na!" may ha
Michelle's POV Maagang umalis si Drake sa resthouse niya. Hinatid siya ni manong David. Naglakad-lakad nalang ako sa loob ng bahay dahil hindi na ako makabalik ng tulog. Kahit sila mama ay nagising na din. Dahil nasanay naman silang maagang magising gawa ng may pwesto kami sa palengke. " Anak, gusto mo ba ng gatas? Timplahan kita mahigpit pa naman bilin ni,Drake, na wag ka daw namin pabayaan. " Natawa lang si mama. " Ang kulit talaga ni, Drake. Kayo pa talaga ang pinagsabihan." Sumama na ako kay mama sa kusina. Para tulungan na din siyang maghanda ng pagkain. Salitan kasi sila ni manang Caridad ng araw para maghanda ng pagkain. Dahil hindi naman kami ang amo nila. Si Drake lang ang amo ng mag-asawa.Isa pa hindi din sanay si mama na walang ginagawa. " Kumusta na ang pagbubuntis mo, anak?" " Okay naman po, ma. Alaga po ako ni,Drake. " " Kailan kayo magpakasal?" Bigla akong napaubo sa tanong ni mama. Ano ba ang pwede ko na isagot sa kanya? Iyong hindi sila magagalit
Michelle's POV Sadyang paraiso nga itong pinagdalhan sa akin ni Drake. Nag ganda ng buhangin, pino at maputi. May mga macapuno na mga tanim. Ang linaw ng dagat kaya kita mo ang mga maliliit na isda na iba't ibang kulay. Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno na may duyan. Nakahiga ako sa may duyan habang nakaupo lang si Drake. Nakaunan ako sa dalawang hita niya. " Ang sarap dito, Drake. Gusto ko kapag magbakasyon tayo dito na tayo diretso. Ang ganda ng isla ng Camiguin." " Ayaw mo ba na pumunta din tayo sa ibang bansa?" "Tsaka na kapag malaki na si,baby. " "Ang tagal pa 'yon, little kitten. Pwede naman tayong pumunta sa Japan. Diba gusto mong makakita ng cherry blossom? I'll take you there..." " Paano mo nalaman na gusto ko makakita ng cherry blossom?" " Sa diary mo..." Agad akong napabalikwas ng bangon sa narinig. Malakas ko siyang tinampal sa balikat niya. "Sira! Bakit mo pinakialaman ang diary ko? Private property ko 'yon,eh!" "Correction hindi ko pinakial







