LOGINMichelle's POV
Mabilis lumipas ang mga araw at buwan. Tapos na kaming nagreview ni Tanya. Kasalukuyan na namin hinintay ang resulta ng board exam. " Whoa! Yes!Yes! Show!..." sabay namin bigkas ni Tanya.Mahigpit kaming nagyakapan sa resulta. " Congratulations to us, bestie..." patili ko na bigkas. Natawa pa nga ako dahil mabilis na tinakpan nito ang dalawang tainga niya. Sa wakas isa na kaming license architect.Grabe talaga iyong friendship goals namin. Walang iwanan at sabay-sabay kaming aangat at mangarap sa mga goals namin sa buhay. Nakaplano na ang lahat ng first step namin. Mag-aapply na kami sa pangarap namin na kumpanya.Ang LS Construction na isa sa malaking construction firm sa bansa.Sabi nga nila, libre lang mangarap. Mangarap na nga lang kami ng bestie ko. Itodo na namin ito. Malay namin, in God's will matanggap kami. Crush ko din sa tv ang may-ari nito na si Luke Sebastian. Kaya nakasubaybay ako sa kanila sa social media. Silang limang mga hot billionaires. Isipin ko palang na magtrabaho sa LS construction. Tapos makita ko ang ceo at mga barkada niyang mga hot billionaires.Ay! paldo na... Pero ang pinakagusto ko talaga ay si Drake Montemayor.May-ari ng DM restaurant,marami narin mga branches ito. Alam ko iyan, kasi silent followers ako ni Drake Montemayor sa social account niya. Malay ko din, one of this days makikita ko din siyam Kapag matanggap kami ng bestie Tanya ko sa LS Construction. Hay! Iyan na naman ako, nangangarap na naman akong nakadilat ang mata. " Dahil arki na tayo,bestie. Celebrate ulit tayo, magluluto ako ng paborito mong sinigang na baboy." Masayang sambit ko na siya naman ikinatawa nito.Agad akong napakunot-noo. " Bakit ka natawa?" " Akala ko kung anong klaseng celebration iyan,bestie.Bakit ako lang ang lutuan mo? Tayo naman dalawa ang nakapasa,huh." " Wala naman kasi akong paborito. Lahat naman kasi sa akin masasarap,eh." Napakamot pa ako sa ulo. " Sa labas nalang tayo kakain,bestie.Magsimba muna tayo para magpapasalamat." " Naman! Sige, sa labas nalang tayo kakain.Sige,ako muna ang maligo,bestie." Tinungo ko na ang kwarto para kukuha ng damit panlakad. IYONG plano namin na sabay kaming mag-apply ni Tanya sa LS Construction ay siya nalang ang tumupad muna. Isang buwan nakalipas lang kasi, tumawag si mama sa akin. Na mild stroke daw si papa,kailangan munang magpahinga at alagaan. Hindi ko pa makalimutan kung paano ako umiyak noong araw na iyon. Niyakap ako ng mahigpit ni Tanya at pinakalma. " Bestie, ikaw iyong babaeng kilals ko na palaban sa hamon ng buhay. Kaya hindi ako sanay na malungkot ka." Malungkot na wika ni Tanya. " Salamat,bestie. Paano ba iyan, ikaw na muna ang mag-apply sa LS. Kailangan ko munang umuwi sa Bulacan. Kawawa naman si papa..." Naiiyak ko na naman sambit. Niyakap na naman niya ako ulit, " Siguro, hindi pa will ni God na mag-apply ka doon. Kasi alam niyang si Luke Sebastian,lang ang gusto mong makita." Kinurot pa niya ako ng pino sa tagiliran ko. Alam ko na pinatawa lang niya ako. " Salamat,bestie...mag-iingat ka dito,ha. Lagi kitang tatawagan." Paalam ko sa kanya. Sumakay na ako ng bus na biyaheng Bulacan. Nakita ko pa si Tanya na mataman nakatayo lang. Hinihintay lang nito na makaalis ang bus na sinasakyan ko. Humigit ako ng buntong-hininga. Nakangiti ako ng matanaw ko na ang bahay namin. Katabi lang din nito ng kaunti ang bahay nila Tanya.Ayaw ko na ipakita sa mga magulang ko. Lalo na kay papa na malungkot ako. Baka mas lalo siyang malulungkot. Nakabukas naman ang pintuan kaya diretso lang akong pumasok.Walang tao sa maliit namin na sala. Baka nasa kusina si mama. Si papa naman baka nasa kwarto namamahinga. Dahan-dahan ko ng tinanggal ang sapatos ko. Dahan-dahan din ang kilos ko. Para di ma disturbo si papa kung sakaling namahinga man. " Ma, yohoo...nandito na po ako." Mahinang tawag ko kay mama.Pumasok ako sa kusina. " Ay! juskong anak ka.Ginulat muna naman ako!" M masayang wika ni mama nang makita ako.Nagluluto siya ng meryenda. " Mano po,ma." " Kaawaan ka ng Panginoon,anak. Magbihis ka na,tamang-tama luto na itong meryenda." " Sige po,ma.Si papa?" " Nagpahinga muna...kanina ka pa niya inaantay." " Okay po, akyat lang po ako sa kwarto ko,ma." Paalam ko muna kay mama. Mabilis ko nang tinungo ang kwarto. Dalawang kwarto kasi dito sa itaas. Isa sa akin at isa naman para sa bisita kung sakali may mamasyal dito na kamag-anak sa amin.Iyong kanila mama at papa naman sa baba. Simple lang naman ang buhay namin, may maliit kami na pwesto sa palengke. Iyon ang napag-usapan namin na mama na salitan muna kami magbantay sa palengke.At sa pag-alaga kay papa. Nag-iisa lang akong anak.Kaya walang ibang maasahan kundi ako lang. Mas gustuhin nga nila mama na dito nalang ako magtratrabaho.Kaso nga lang, pangarap talaga namin ni bestie ni Tanya sa LS. Agad akong napahiga sa maliit ko na kama. Malinis at maayos ang kwarto ko kahit maliit lang ito. Lagi itong nililinis ni mama. Bagong palit ng bedsheet,kumot at punda.Si mama talaga...pwedeng ako naman ang magpalit ah. Pagkatapos kong humiga saglit, pinainit ko lang ang likod ko sa kama. Masyado ko itong namiss.No other place like home ika nga. Bumaba na ako para magmeryenda tsaka na ako babalik ng kwarto. " Mama, bukas po ako na po ang magbantay sa palengke." agad na wika ko kay mama.Nakaupo na kami ngayon sa sofa na gawa sa kahoy. " Magpahinga ka muna,anak. Nakakapagod din sa palengke." Sagot naman ni mama. " Okay na po ako,ma.Iang buwan din naman akong nagpahinga simula nung nagreview class kami ni, Tanya." "Pasensaya ka na,anak. Wala kasi akong makuha na magbantay sa pwesto natin." Malungkot na saad niya. " Mama,naman...okay lang po iyon. Anak ninyo ako ni papa.Wala naman ibang aasahan kundi ako lang. Hayaan n'yo na po." mahabang wika ko na ang ibig namin sabihin sa usapan ay sa pagpaliban ng pag-apply ko sa LS.Michelle's POV Masaya kaming nagku-kwentuhan ni Drake habang nagmamaneho siya ng sasakyan.Pinag-usapan na namin kung anong magiging pangalan ng baby namin. Kahit hindi pa namin alam kung anong gender ni baby. May pangalan na kaming napili babae man o lalaki. " Anong gusto mong gender ng baby natin, Drake? " Masayang tanong ko sa kanya. Hawak niya parin ang isa kong kamay. Habang ang isang kamay lang niya ang may hawak sa manibela. " It doesn't matter kung anong gender, little kitten. As long as healthy kayo ni, baby. At higit sa lahat, ikaw ang ina ng mga anak ko." Kinilig na naman ako sa banat niya. Dahil sa subrang kakiligan ko mukhang basa na yata ang panty ko. Shit! Ganito ba ako ka init kay Drake? O talagang normal lang ito sa hormones ng pagbubuntis. Napansin ko kasi na laging mainit ang katawan ko. Lagi kong pinanggigilan si Drake "Little kitten..." napapikit ako ng ma realized ko na naman na nakatitig na naman ako kay Drake. Nagtataka ako ng bigla niyang ginilid ang
Michelle's POV Kahit ganun ang nangyari sa akin at kay tatay. Tinapos parin namin magstay sa Camiguin ng isang linggo. Dahil hindi mo maiwan ang magandang lugar na iyon. Pero may bangungot na sa akin ang nangyari. Dalawang araw na ang nakalipas simula ng bumalik kami sa Manila. Hindi na namin ginawa ang pamamasyal sa lansonesan dahil may trauma parin ako hanggang ngayon. " Little kitten, hurry up!" tawag sa akin ni Drake. Sabay kaming papasok.Ako sa LS Construction; siya naman ay sa opisina niya. " Nandito na!" masayang sambit ko. Napakunot-noo naman ako dahil nakatulala si Drake na nakatingin sa akin. " Bakit? Pangit ba ang suot ko?" Lumapit siya akin; mabilis akong hinalíkan." You're beautiful as always, little kitten. You're always captivating me." " Ahm, Drake! Tayo na at baka kung saan na naman mapunta iyang pa beautiful mo diyan." Natawa siya ng malakas. Napakamot pa nga siya sa kanyang batok. Paglabas palang namin sa condo niya. Nakasalubong namin si sir G
Michelle's POV MAGKAHAWAK-KAMAY kami ni Drake na lumabas ng hospital. Dahan-dahan lang ang lakad namin, nalungkot naman ako dahil imbes nandito sila mama at papa para mag-unwind. Ito pa ang nangyari sa amin. Ang masaklap pa binaligtad ni Travis ang nangyari. Kakasuhan daw niya si papa kung kakasuhan din namin siya. Dahil ayaw ng mga magulang ko ng gulo.Kahit malakas ang ebidensya namin. Kahit anong pilit ni Drake kay papa na lumaban. Pero si papa na din ang nagsabi na Diyos na ang bahala kay Travis. Pasalamat nalang daw kami na walang masamang nangyari sa amin dalawa ni baby. Ganun paman, hindi parin manahimik si Drake hangga't hindi magbabayad ang pinsan niya. Siya na daw ang bahala sa lahat. H'wag nalang daw akong ma stress at makasama pa sa pagdadalang-tao ko. " May gusto ka bang kainin, little kitten?" " Gusto ko sanang paksiw na isda na may gata." " Oh! I see...sa DM restaurant nalang tayo kakain." " Ikaw, tawagan ko lang sila ni,mama." "No need, nandoon na
Michelle's POV Umupo muna kami sa ilalim ng puno.Ang sarap tumambay sa mga puno. Ang sarap ng simoy ng hangin na kakarelax. Iwan ko ba simula ng na buntis ako mabilis na akong inaantok. Sinandal ko ang aking ulo sa may puno. Tumabi naman sa akin si Travis. Hindi ko na nakuhang lumayo pa sa kanya dahil ang sarap na ng upo ko. Hindi naman siguro ganun kasama si Travis sa iniisip ko. " Habang wala ang pinsan ko, Michelle. Pwede mo naman ako maging sandalan." Napalingon naman ako sa'yo, muntikan ng mapang-abot ang mga labi namin.Nagsimula na akong mga ilang sa kanya.Dahil ang salitaan ni Travis ay hindi bagay sa isang tulad ko na buntis na at girlfriend ako ng pinsan niya. Kung makita kami ni Drake sa ganitong ayos, baka mabugbog na si Travis na wala sa oras. Ang seloso pa naman ng lalaking iyon. Agad akong tumayo para yayain na siyang bumalik na kami sa rest house. " Travis, tayo na...babalik na tayo sa resthouse." " Ayaw mo na bang mamasyal?" " Ayaw ko na!" may ha
Michelle's POV Maagang umalis si Drake sa resthouse niya. Hinatid siya ni manong David. Naglakad-lakad nalang ako sa loob ng bahay dahil hindi na ako makabalik ng tulog. Kahit sila mama ay nagising na din. Dahil nasanay naman silang maagang magising gawa ng may pwesto kami sa palengke. " Anak, gusto mo ba ng gatas? Timplahan kita mahigpit pa naman bilin ni,Drake, na wag ka daw namin pabayaan. " Natawa lang si mama. " Ang kulit talaga ni, Drake. Kayo pa talaga ang pinagsabihan." Sumama na ako kay mama sa kusina. Para tulungan na din siyang maghanda ng pagkain. Salitan kasi sila ni manang Caridad ng araw para maghanda ng pagkain. Dahil hindi naman kami ang amo nila. Si Drake lang ang amo ng mag-asawa.Isa pa hindi din sanay si mama na walang ginagawa. " Kumusta na ang pagbubuntis mo, anak?" " Okay naman po, ma. Alaga po ako ni,Drake. " " Kailan kayo magpakasal?" Bigla akong napaubo sa tanong ni mama. Ano ba ang pwede ko na isagot sa kanya? Iyong hindi sila magagalit
Michelle's POV Sadyang paraiso nga itong pinagdalhan sa akin ni Drake. Nag ganda ng buhangin, pino at maputi. May mga macapuno na mga tanim. Ang linaw ng dagat kaya kita mo ang mga maliliit na isda na iba't ibang kulay. Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno na may duyan. Nakahiga ako sa may duyan habang nakaupo lang si Drake. Nakaunan ako sa dalawang hita niya. " Ang sarap dito, Drake. Gusto ko kapag magbakasyon tayo dito na tayo diretso. Ang ganda ng isla ng Camiguin." " Ayaw mo ba na pumunta din tayo sa ibang bansa?" "Tsaka na kapag malaki na si,baby. " "Ang tagal pa 'yon, little kitten. Pwede naman tayong pumunta sa Japan. Diba gusto mong makakita ng cherry blossom? I'll take you there..." " Paano mo nalaman na gusto ko makakita ng cherry blossom?" " Sa diary mo..." Agad akong napabalikwas ng bangon sa narinig. Malakas ko siyang tinampal sa balikat niya. "Sira! Bakit mo pinakialaman ang diary ko? Private property ko 'yon,eh!" "Correction hindi ko pinakial







