LOGINMichelle's POV
Dumating na iyong araw ng soft opening ng DM restaurant. Marami din dumalo lalo na iyong mga pamilya ng mga nagconstruct. Ang bait naman pala ni Drake. Binigyan niya ng pagkakataon ang mga gumagawa sa restaurant niya na matikman ang menu ng DM restaurant. Kasi kapag mag-operate na ito in normal days. Siyempre mas gustuhin nalang namin na kakain sa fast food chain or kaya lutong bahay nalang.Sa mahal ba naman ng presyo ng restaurant na ito.Narinig ko pa nga na sa grand opening na daw pupunta ang may-ari at pati pamilya nito.Napangiti ako dahil pag-ipunan ko talaga iyong isang menu sa DM restaurant.Para makakain ako ulit sa grand opening. Gusto ko lang talagang makita sa personal si Drake Montemayor.Pagkakataon ko na ito dahil ang lapit lang ng branch ng restaurant niya sa lugar namin. " Ma, cr lang ako. Tapos na akong kumain." Paalam ko sa kanila ni papa. Si papa naman kahit papaano ay makahawak naman ng kutsara at tinidor. Hindi naman talaga siya masyadong napuruhan ang pagka mild stroke niya. Thanks be to God hindi ganun kalala ang mild stroke ni papa. Medyo bulol lang muna siya magsalita at mahina pa ng kaunti ang katawan niya. Ngitian ko din ang mga taga sa amin na under ni papa. Ang saya lang dahil nakita ko sa mga mata nila ang kasiyahan. Kaya hindi ako nagkamali sa pagpili ng crush ko. May mabuting puso kahit ba playboy ang tingin ng ibang tao kay Drake Montemayor. Pagliko ko papuntang cr ng mga babae ay may nakabangga ako ng malaking bulto ng katawan. " Careful, little kitten..." aniya. Lumingon pa ako sa paligid ko kung sino ang sinabihan niyang little kitten. Wala naman akong nakitang pusa. " Sorry po, ako po ba? " Tanong ko na kinaklaro ko sa kanya kung ako ba ang sinabihan niya ng little kitten. Ngumiti ito. Ang gwapo naman ng lalaking ito. Mukhang naligaw ito. Dahil halos ang kumakain ngayon sa soft opening ay mga taga sa amin.Mga trabahante. Tinanggal nito ang kanyang salamin. "Drake!..." Hindi ko mapigilan bigkasin ang pangalan niya. " You know me?" Nakakunot-noo nitong tanong. Hala siya! Lagot ka Michelle... " Ah, yes po,sir Drake. Isa po ako sa anak ng mga construction worker po na nagtratrabaho sa restaurant mo." Mabuti nalang nakaisip ako ng magandang sagot. " I see..." tanging nasabi lang nito na nakataas ang dulo ng labi nito. Para bang hindi siya kumbinsido sa sinasabi ko.Totoo naman talaga anak ako ni papa Ricardo na naging foreman habang tinatayo pa itong restaurant niya. " Excuse me po..." Paalam ko sa kanya. Mukhang naihi na kasi ako sa panty ko. Shit na malagkit...hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan ko makikita si Drake Montemayor ng personal.At hindi lang iyon,may kaunting conversation pa kami. Parang hindi na yata ako makatulog nito mamayang gabi.Subrang gwapo niya sa personal at napaka hot niyang tingnan. Nilingon ko pa siya pero muntikan na akong matisod nang nakatayo pa pala siya doon sa pwesto kanina. Kung saan ko siya nabangga. " Relax, little kitten...ako lang 'to." Tanging pahabol pa nitong sabi sa akin na ikinainit ng tainga ko. Masyado na yata akong halata sa kilos ko. Hindi n'yo naman siguro ako masisi.Iyong pangarap ko lang na makita siya ng personal. Pero heto, nakabanggaan ko pa siya. Bumalik agad ako sa pwesto namin nila mama.Nakita ko sila papa na nag-uusap. Pero may kasama silang isang lalaking nakatalikod. Iyon naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko ulit. Nang makilala ko kung sino ang lalaking iyon dahil narin sa kulay ng suot niyang damit. Hindi na muna sana ako lalapit sa mesa. Pero mabilis akong nakita ni mama at tinawag ako.Kaya dahan-dahan nalang akong lumalapit. Kung dati ang tapang ko na gusto kong makita si Drake sa personal. Pero iba na ngayon ang nararamdaman ko. Mukhang umuurong ang buntot ko. " Anak, napakaswerte natin ngayon. Dumalo ang may-ari ng restaurant na ito. Si sir Drake Montemayor..." Masayang sambit pa ni mama. Iyon naman ang paglingon ni sir Drake sa gawi ko. Kaya sakto lang na magtama ang aming paningin. Mukhang tumigil yata ang ikot ng mundo ko. Humigit ako ng hininga ng mahirapan ako.Lalo na ngayon nakangiti lang naman si sir Drake sa akin. Iyong ngiting nagsasabi na kailangan kong magrelax dahil siya lang naman ito. " Magandang araw po sa inyo, sir Drake." Mabilis na bati ko at yumukod pa ako. Narinig ko pa ang mahina niyang palatak. " Masyado naman yatang magalang ang magandang dalaga ninyo, mang Ricardo. Hindi naman yata kami magkalayo ng edad." Umupo na ako sa tabi niya. Wala naman kasi akong ibang maupuan.Apat na upuan lang bawat mesa. Ang kaswal lang ng datingan nito sa pagsasalita kay papa. Akala mo ordinaryong tao lang ito katulad namin. Pasimple pa ngang inikot ang paningin ko sa paligid.Mukhang busy naman sila sa pagkain nila. O kaya hindi nila kilala si Drake dahil nakasuot na naman ito ng salamin. Casual lang din ang suot nitong damit,malayo sa isang bilyonaryong inaasahan ko. Pero hindi ko maiwasan ang first impression ko sa kanya ay isa siyang arogante at playboy. Dahil ngayon palang mukhang napagtripan na niya ako sa paraan ng pagngiti niya sa akin. " Sir Drake, ikinalugod namin na nakilala namin kayo. Maraming salamat, dahil bukod sa mayaman na kayo. Busilak ang inyong puso. Dalawang beses na namin nakakain sa restaurant ninyo ng libre." Mahabang kwento ni mama. Oo nga pala, unang kain namin sa DM restaurant iyong libre ng amo ni tay Lito sa graduation ni Tanya. Tapos sinama nalang din kami. " Walang anuman po,manang.Masaya po ako na nagustuhan ninyo ang mga pagkain sa restaurant ko." Mabilis naman na sagot ni si sir Drake. Pero sa akin nakatingin. " Magpagaling po kayo,manong Ricardo. Marami pa akong mga branches na ipapatayo," baling naman nito kay papa. " Maraming salamat sa tiwala ninyo sa akin,sir Drake at kay engineer Paul narin." Masayang tugon naman ni papa.Mukhang hindi lang ito unang beses na nakilala ni papa si sir Drake.Sa paraan ng pag-uusap nila. Sabagay wala naman kasi akong alam sa mga ginagawa ni papa at sa mga nakasalamuha niya.Dahil busy ako sa Manila habang nag-aaral ako. " Ihatid ko na kayo,mang Ricardo. Para hindi na kayo mahirapan sumakay." Muntik na akong mabilaukan kahit wala naman akong kinakain sa oras na ito. Mukhang napasubra yata ang hiling ko na makita ko si Drake Montemayor ng personal.Ngayon,heto siya nag-aalok na ihatid niya daw kami. Heavenly Father...I love you so much...Drake's POV " Kailan ka pa dito,Drake? " masayang tanong niya sa akin. Hindi na ako makapagsinungaling. Hayaan ko ng magalit siya sa akin. " Actually, kahapon lang din,little kitten. Nakasunod lang ako sa inyo." Nagulat naman ang reaksiyon niya," Aray!..." mabilis na bulalas ko nang agad niya akong dinibdiban. Ito yata ang isang dahilan kung bakit mahal ko ang little kitten na ito. Masyado siyang mapanakit kapag naiinis sa akin. Pero may kabayaran naman ito mamaya kaya okay lang. " Kainis ka,Drake!Bakit hindi mo sinabi di sana sa'yo nalang ako sasabay." aniya, na nakairap pa sa akin. Sarap na niyang paluhudin. Napakamot ako sa ulo," Na sa abroad sila mommy at may event sila, Thalia at Dianna. Kaya nagkaroon ako ng oras na makapunta dito. Pero hindi pwedeng malaman nila na nagkikita tayo dito, little kitten. Magulo pa ang sitwasyon.Ayaw ko na madamay kayo." Mahabang paliwanag sa seryoso na boses. Tahimik naman siyang tumango. Pero naiba na ang hilatsa ng mukha niya. "
Drake's POV Nandito ako ngayon sa balcony ng kwarto ko. Bukod sa kaalaman ni Michelle. Nakasunod lang ako sa kanila ni mang Lito na pauwing Bulacan. Nasa ibang bansa sila mommy at daddy. May event naman dinaluhan sina Dianna at Thalia.Kaya malaya akong makauwi sa resthouse ko na hindi nila ako ginugulo. Gusto ko man bisitahin ang little kitten ko sa bahay nila ay matindi ang pagtitimpi ko sa sarili na wag gawin ang mga bagay na ikapahamak ng taong mahal ko. Naalala ko pa ang matinding sagutan namin ni mommy dito sa resthouse bago ako bumalik ng Manila. Noong araw na nakilala nila si Michelle. " Mom, you're still awake." Mataman nakaupo si mommy sa couch nang dumating ako galing sa paghatid ni Michelle. Tahimik na ang buong paligid.Hindi ko alam kung nandito parin sila Dianna at Thalia. " We have to talk, Drake Montemayor!" alam ko na galit na si mommy dahil buong pangalan ko na ang tawag niya sa akin. Napabuntong-hininga muna ako bago umupo sa sofa.Gusto ko na sanang matul
Michelle's POV Nakarating na kami sa apartment ni bestie Tanya. Mabuti nalang nauna na kami ni Drake dumating bago pa sila dumating dito.Kung nagkakataon pa ay mahaba ang paliwanag ko kay Tanya nito. Hindi naman sa ganun na ilihim ko talaga ng tuluyan ang relasyon namin ni Drake sa kanya. Sa ngayon kasi na kumplikado pa ang sitwasyon ni Drake.Mas mabuti nga na wala munang alam ang bestie ko. Masaya ang lovelife niya ngayon at engaged na nga siya. Kaya ayaw ko naman na maging malungkot at mag-alala pa siya sa akin. " What are you thinking?" basag ni Drake sa pananahimik ko. Kasalukuyan pa kaming na sa loob ng sasakyan.Pinarada lang muna niya sa gilid ang kanyang sasakyan. " Iniisip ko kasi na hanggang ngayon wala parin alam ang bestie ko sa relasyon natin." " Tanya is your bestie, little kitten.The decision is yours, kung ipaalam mo sa kanya ang relasyon natin." Mabilis akong umiling,"Tsaka na siguro kung maging okay na ang lahat, Drake.Ayaw ko din na alalahanin pa ako n
Michelle's POV Wala na naman kaming imikan sa loob ng sasakyan ni Drake. Hangga't hindi pa niya masabi sa akin ang dahilan ng pag-iwas niya sa akin n'ong nakaraan na isang buwan ay hindi kami magkakaayos nito. Nasasaktan lang ako dahil wala na yata siyang balak na magpaliwanag sa akin. Hinaharot lang niya ako at ako naman si gaga nagustuhan ang panghaharot niya. " Tayo pa ba, Drake?" sa wakas may lakas na loob narin akong itanong sa kanya ito.Matagal ko ng gustong itanong sa kanya ang bagay na ito.Hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon. Bigla niya akong nilingon at hinawakan ang kamay ko. " Of course, little kitten. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo." Madiin niyang sabi sa seryosong boses. " Pero bakit pakiramdam ko ang labo na ng relasyon natin, Drake?" Napabuntong-hininga siya," Kung iniisip mo ang hindi ko pagkontak sa'yo sa loob ng isang buwan. Kaya nasabing mong malabo na tayo nagkamali ka, little kitten. Walang oras na hindi kita namiss. " Seryosong wika niya. " Ba
Michelle's POV Natagpuan ko nalang ang aking sarili na nasa loob na ng bar. Kung hindi ako nagkakamali si sir Nathaniel Mondragon ang may-ari ng bar na ito. Kaibigan din nila ito ni Drake at sir Luke. Bawat isa yata sa kanilang magkaibigan ay may kanya-kanyang business na pinatakbo.Kaya hindi mo masisi ang mga kababaihan na habulin talaga silang magkaibigan dahil bukod sa pagiging mga hot billionaires sila ay magaling din silang mag-manage ng mga negosyo nila. " Hi, gorgeous...alone?"agad na tanong sa akin ng isang lalaki. Yati! Mukhang foreigner pa yata ito. Ayaw ko siyang kausapin dahil baka dudugo pa ang ilong ko.Nasasaktan na nga ang puso ko. Kaya nga pumunta ako sa bar para mag-inom at magpakalasing. Gusto kong mapag-isa kaya ayaw ko ng may kausap. Paano ko ba sasabihin sa afam na ito na gusto kong mapag-isa in. a nice way. Para hindi niya naman isipin na maarte ako. " Ahm, i have with someone. He's in outside for a while." Sabi ko sa magalang na boses. Iyon ang gal
Michelle's POV Lalaban na sana ako sa kanya nang halíkan. Pero naalala ko na wala pa siyang eksplanasyon sa akin kung bakit hindi niya ako kinontak sa loob ng isang buwan. Kaya mabilis ko na siyang pinigilan. Nagtatanong ang kanyang mga mata.Nakita ko pa ang pagka-irita ng kanyang mukha dahil sa nabitin siya sa paghalík sa akin.Ngunit pinandilatan ko lang siya. " I'm sorry, little kitten." Napabuntong-hininga niyang wika. Hindi na ako umimik pa. Masakit parin sa akin ang ginawa niyang pagbalewala sa akin ng isang buwan. Tahimik na kami buong biyahe. Narinig ko pa na kumakanta ulit siya.Gustuhin ko man kiligin sa boses niya ay hindi ko magawa. Nagtatampo parin ako sa kanya. " Stay here..." agad niyang sabi nang makarating na kami sa isang gymnasium. Dito daw magpropose si sir Luke sa bestie Tanya ko. Ngayon palang masaya na ako para sa bestie ko. Isipin mo iyon grabe iyong effort ni sir Luke sa proposal niya. Hindi ko naman hinangad na maging ganun din kabongga ang gagawin







