LOGINMichelle's POV
Pang-anim na araw ko na ngayon na nakabantay sa pwesto namin. Marami narin akong nakilala na mga taga palengke din. Iyong mga ibang mga kargador sa palengke. Nagpapalipad hangin sa akin. Pero tinawanan ko nalang sila. Tropa ang tawag ko sa kanila. Nakakapagod pero nakakatuwa din sa palengke. Lalo na iba't ibang mga tao ang makasalamuha mo araw-araw. Mas iba iyong saya kapag magclose na at magbilang ng benta. Mapatili nalang ako ng lihim kapag paldo ang bentahan ko sa isang araw. Habang naghihintay ng customer. Naisipan ko munang tawagan si Tanya. First job niya ngayon sa LS. Ang bilis nga ng pagtanggap niya. Akalain mo iyon, tanggap agad siya sa LS. Iba talaga ang swerte ant karisma ng bestie Tanya ko. Napangiti ako ng mag-ring na ang cellphone.Brektime niya sa oras na ito.Kaya ito lang ang pagkakataon ko din na matawagan ko siya. " Bestie..." Patili ko na naman na tawag kay Tanya. Natawa ako sa isipin na kahit hindi ko siya nakikita. Alam ko ang ginawa na nito.Malaman nilayo ng kaunti ang cellphone nito sa tainga. " Ano? Kumusta ang first day of work? Toxic ba? Madami bang mga igop? "Sunod-sunod na tanong ko. Nilakasan ko pa ng kaunti ang boses ko.Nakita ko na naman kasi si Carlos na papunta dito sa pwesto ko. Si Carlos na anak ng nagpapautang dito sa palengke.Kahit hindi naman kami umuutang sa kanila.Kunwari siya na aalukin niya akong mangutang sabay hingi sa akin ng number. Napangiti ako ng lumagpas si Carlos sa pwesto ko.Nakita niya kasi na may katawagan ako. " Toxic agad? Siyempre hindi ko pa masabi kung toxic ang work environment ko dito.Hello, first day ko pa nga, diba?" Pagtataray ni Tanya sa kabilang-linya. Napahagikhik naman ako sa sagutan ng bestie ko. Palaban na sagutan ang lola mo te. " At sa igop naman na sinasabi mo. Babae po ang nagtraining sa akin. Pansin ko din sa department namin sa floor na ito lahat kami babae. May isang lalaki sana kaso mas maarte pa sa akin." Mahaba na kwento pa ni Tanya sa kabilang-linya.Patawa-tawa lang ako habang pinakinggan ang mga sinasabi niya sa kabilang-linya. " Ay!Seryoso? Boring naman pag ganun. Buti nalang pala 'di pa ako nag-apply diyan," pinalungkot ko ang aking boses, " What if sa ibang company nalang ako mag-apply," dagdag ko pa. Niloloko ko lang siya. " What? Seryoso ka ? Diba pangarap natin ito na dito tayo magtrabaho. Bestie, naman..." agad na sabi nito sa kabilang linya. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang sariling matawa. Tama nga ako, magreact agad ang bestie ko. " Hey! relax ka lang, bestie. Siyempre joke lang iyon noh," wika ko nalang na natatawa parin, " Kung alam mo lang kung gaano ka hot ang ceo ng LS construction. Makalaglag panty siya,teh," dagdag ko pa. " Iyan...iyan ang sabi ko sa'yo eh.Si Luke Sebastian lang talaga iniisip mo." Natawa ako, " Hindi naman, ang swerte mo kaya. One if this days, malay mo.Ma meet mo na sa personal ang hot ceo ng LS." Kinilig ko pa na sabi. Iwan ko ba ang pinag-usapan namin si Luke Sebastian,ceo ng LS Construction.Bakit biglang pumasok sa isip ko si Drake Montemayor. Nah! Yati na...ito yata ang mapapala ko sa laging pagbisita sa social account ni Drake Montemayor.Agad na akong nagpaalam kay Tanya.May bumili na kasi. Mabilis lang ang oras. Kanya-kanya na kami ng sirado sa pwesto namin. Mabuti nalang itong katabi ko na tindera ay dalaga.Kaya hindi boring ang araw ko.Minsan magkwentuhan kami.Minsan naman mag scroll ako sa f* at sa yt. Siyempre hindi ko kumpleto ang araw ko kapag hindi ko ma visit ang isa kong social account.Kung saan naka follow ako kay Drake Montemayor hehe... " Uuwi ka na, Michelle?" Natigilan ako bigla. Si Carlos mataman nakasandal sa motor niya na tila may hinihintay siya. " Ah,oo...kanina pa kasi ako hinintay nila mama," kunwari ko pero ang totoo hindi naman. " Ihatid na kita..." alok niya sa akin. " Naku! H'wag na,Carlos. May pinapadaan pala si mama sa akin," Hanap naman ako ng isa pang alibi. Napakamot naman ito sa ulo," Sige,next time nalang. Ingat ka, Michelle. Liligawan pa kita..." Diretsong wika niya. " Ibang galawan talaga ang boss Carlos namin," singit naman ng isang lalaki na narinig ang hirit ni Carlos. Sikat kasi iyan si Carlos dito sa palengke.Dahil halos lahat ng may pwesto dito. Sila Carlos ang nag-finance. Hindi po siya bombay. Half pinoy siya at half Lebanese. Kaya gwapo ang resulta. Pero hindi ko siya type. Si Drake Montemayor lang ang type ko. Bahala na...habang hindi pa ako magkaroon ng boyfriend.Pagpantasyahan ko muna si Drake Montemayor.Wala akong pakialam kung maraming mga babaeng flings nito.Ganun siguro talaga kapag hot billionaire ka at ubod pa ng gwapo. Sumakay na ako ng tricycle pauwi ng bahay. Kunwari ko lang iyon kanina na may dadaanan pa ako. " May nadaanan kami na patapos na ang construction. Ngayon ko lang din napansin. " Kuya, ano po iyang bagong establishmento na iyan?" tanong ko kay kuya driver ng tricycle na sinasakyan ko. " Restaurant daw iyan,ate. DM restaurant daw..." mabilis na sagot nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig.DM restaurant? Kay Drake Montemayor? Wala naman sigurong ibang nagmamay-ari ng DM restaurant.Kundi si Drake lang. Maliban nalang kung may gumaya... pwede naman Dante Malabanan.Ayy! Ang bantot ng pangalan kung ganun. Hala! Kung totoo man na restaurant iyan. Aabangan ko talaga ang grand opening ng nasabing restaurant.Malay natin, malay ko lang pala. Na darating si Drake Montemayor.May chance ko na siyang makita. Hay! Iyan na naman ako. Delulu malala ka na naman Michelle.Pagalit ko sa sarili ko. " Salamat po,kuya." Mabilis na akong bumaba ng tricycle.Nakita ko pa nga si mama sa labas. Hinihintay na yata ako. " Mano po,ma." " Kaawaan ka ng Diyos,anak." Pumasok na kami sa loob ng bahay.Biglang kumalam ang sikmura ko ng maamoy ko ang niluto ni mama na ulam.Sabi ko sa inyo, wala akong paboritong ulam.Lahat gusto ko. " Anak, sa Lunes soft opening ng DM restaurant. Lahat daw ng mga construction workers na gumawa sa DM restaurant imbitado." Mahabang wika ni mama sa akin. Napaubo ako sa narinig ni mama. Oo nga pala, foreman po si mama. Pero hindi ko naman alam na sa DM restaurant ang project nila nitong huli bago siya na mild stroke. Hala! Iba talaga kumilos ang tadhana. " Darating din daw ba ang may-ari ng restaurant,ma?" Kunwari wala sa sarili ko na tanong. Sana darating... " Hindi daw,eh. Manager lang at mga staff ng restaurant." Siguradong sagot naman ni mama. Bigla naman akong nalungkot sa narinig. Wala ng pag-asa. Sabagay nga naman, subrang busy na tao si Drake. Nakikita ko nga sa social account niya kagabi. Nasa Europe sila ng pamilya niya. Diba, sabi sa inyo,eh.Nakasubaybay ako sa bawat ganap niya.Drake's POV " Kailan ka pa dito,Drake? " masayang tanong niya sa akin. Hindi na ako makapagsinungaling. Hayaan ko ng magalit siya sa akin. " Actually, kahapon lang din,little kitten. Nakasunod lang ako sa inyo." Nagulat naman ang reaksiyon niya," Aray!..." mabilis na bulalas ko nang agad niya akong dinibdiban. Ito yata ang isang dahilan kung bakit mahal ko ang little kitten na ito. Masyado siyang mapanakit kapag naiinis sa akin. Pero may kabayaran naman ito mamaya kaya okay lang. " Kainis ka,Drake!Bakit hindi mo sinabi di sana sa'yo nalang ako sasabay." aniya, na nakairap pa sa akin. Sarap na niyang paluhudin. Napakamot ako sa ulo," Na sa abroad sila mommy at may event sila, Thalia at Dianna. Kaya nagkaroon ako ng oras na makapunta dito. Pero hindi pwedeng malaman nila na nagkikita tayo dito, little kitten. Magulo pa ang sitwasyon.Ayaw ko na madamay kayo." Mahabang paliwanag sa seryoso na boses. Tahimik naman siyang tumango. Pero naiba na ang hilatsa ng mukha niya. "
Drake's POV Nandito ako ngayon sa balcony ng kwarto ko. Bukod sa kaalaman ni Michelle. Nakasunod lang ako sa kanila ni mang Lito na pauwing Bulacan. Nasa ibang bansa sila mommy at daddy. May event naman dinaluhan sina Dianna at Thalia.Kaya malaya akong makauwi sa resthouse ko na hindi nila ako ginugulo. Gusto ko man bisitahin ang little kitten ko sa bahay nila ay matindi ang pagtitimpi ko sa sarili na wag gawin ang mga bagay na ikapahamak ng taong mahal ko. Naalala ko pa ang matinding sagutan namin ni mommy dito sa resthouse bago ako bumalik ng Manila. Noong araw na nakilala nila si Michelle. " Mom, you're still awake." Mataman nakaupo si mommy sa couch nang dumating ako galing sa paghatid ni Michelle. Tahimik na ang buong paligid.Hindi ko alam kung nandito parin sila Dianna at Thalia. " We have to talk, Drake Montemayor!" alam ko na galit na si mommy dahil buong pangalan ko na ang tawag niya sa akin. Napabuntong-hininga muna ako bago umupo sa sofa.Gusto ko na sanang matul
Michelle's POV Nakarating na kami sa apartment ni bestie Tanya. Mabuti nalang nauna na kami ni Drake dumating bago pa sila dumating dito.Kung nagkakataon pa ay mahaba ang paliwanag ko kay Tanya nito. Hindi naman sa ganun na ilihim ko talaga ng tuluyan ang relasyon namin ni Drake sa kanya. Sa ngayon kasi na kumplikado pa ang sitwasyon ni Drake.Mas mabuti nga na wala munang alam ang bestie ko. Masaya ang lovelife niya ngayon at engaged na nga siya. Kaya ayaw ko naman na maging malungkot at mag-alala pa siya sa akin. " What are you thinking?" basag ni Drake sa pananahimik ko. Kasalukuyan pa kaming na sa loob ng sasakyan.Pinarada lang muna niya sa gilid ang kanyang sasakyan. " Iniisip ko kasi na hanggang ngayon wala parin alam ang bestie ko sa relasyon natin." " Tanya is your bestie, little kitten.The decision is yours, kung ipaalam mo sa kanya ang relasyon natin." Mabilis akong umiling,"Tsaka na siguro kung maging okay na ang lahat, Drake.Ayaw ko din na alalahanin pa ako n
Michelle's POV Wala na naman kaming imikan sa loob ng sasakyan ni Drake. Hangga't hindi pa niya masabi sa akin ang dahilan ng pag-iwas niya sa akin n'ong nakaraan na isang buwan ay hindi kami magkakaayos nito. Nasasaktan lang ako dahil wala na yata siyang balak na magpaliwanag sa akin. Hinaharot lang niya ako at ako naman si gaga nagustuhan ang panghaharot niya. " Tayo pa ba, Drake?" sa wakas may lakas na loob narin akong itanong sa kanya ito.Matagal ko ng gustong itanong sa kanya ang bagay na ito.Hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon. Bigla niya akong nilingon at hinawakan ang kamay ko. " Of course, little kitten. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo." Madiin niyang sabi sa seryosong boses. " Pero bakit pakiramdam ko ang labo na ng relasyon natin, Drake?" Napabuntong-hininga siya," Kung iniisip mo ang hindi ko pagkontak sa'yo sa loob ng isang buwan. Kaya nasabing mong malabo na tayo nagkamali ka, little kitten. Walang oras na hindi kita namiss. " Seryosong wika niya. " Ba
Michelle's POV Natagpuan ko nalang ang aking sarili na nasa loob na ng bar. Kung hindi ako nagkakamali si sir Nathaniel Mondragon ang may-ari ng bar na ito. Kaibigan din nila ito ni Drake at sir Luke. Bawat isa yata sa kanilang magkaibigan ay may kanya-kanyang business na pinatakbo.Kaya hindi mo masisi ang mga kababaihan na habulin talaga silang magkaibigan dahil bukod sa pagiging mga hot billionaires sila ay magaling din silang mag-manage ng mga negosyo nila. " Hi, gorgeous...alone?"agad na tanong sa akin ng isang lalaki. Yati! Mukhang foreigner pa yata ito. Ayaw ko siyang kausapin dahil baka dudugo pa ang ilong ko.Nasasaktan na nga ang puso ko. Kaya nga pumunta ako sa bar para mag-inom at magpakalasing. Gusto kong mapag-isa kaya ayaw ko ng may kausap. Paano ko ba sasabihin sa afam na ito na gusto kong mapag-isa in. a nice way. Para hindi niya naman isipin na maarte ako. " Ahm, i have with someone. He's in outside for a while." Sabi ko sa magalang na boses. Iyon ang gal
Michelle's POV Lalaban na sana ako sa kanya nang halíkan. Pero naalala ko na wala pa siyang eksplanasyon sa akin kung bakit hindi niya ako kinontak sa loob ng isang buwan. Kaya mabilis ko na siyang pinigilan. Nagtatanong ang kanyang mga mata.Nakita ko pa ang pagka-irita ng kanyang mukha dahil sa nabitin siya sa paghalík sa akin.Ngunit pinandilatan ko lang siya. " I'm sorry, little kitten." Napabuntong-hininga niyang wika. Hindi na ako umimik pa. Masakit parin sa akin ang ginawa niyang pagbalewala sa akin ng isang buwan. Tahimik na kami buong biyahe. Narinig ko pa na kumakanta ulit siya.Gustuhin ko man kiligin sa boses niya ay hindi ko magawa. Nagtatampo parin ako sa kanya. " Stay here..." agad niyang sabi nang makarating na kami sa isang gymnasium. Dito daw magpropose si sir Luke sa bestie Tanya ko. Ngayon palang masaya na ako para sa bestie ko. Isipin mo iyon grabe iyong effort ni sir Luke sa proposal niya. Hindi ko naman hinangad na maging ganun din kabongga ang gagawin







